You are on page 1of 87

KABANATA 1: MAPAMALAS ANG PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG

PANITIKAN
ARALIN 1: ANG PANITIKAN

ALAMIN!

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral,


umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubòng panitikan. Subalit
nakakasáma rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nása labas
ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing
Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang
Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang
Filipino, sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at
kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na
naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan,
maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan,
parabula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-
bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula.
Sa bisà ng Proklamasyon Blg. 968, s. 2015, ang "Buwan ng Panitikan ng
Filipinas" ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Abril. Ang Buwan ng Panitikan ng Filipinas
2018 na may temang "Pingkian" ay kasabay ng ika-230 anibersaryo ng pagkakasilang ni
Francisco Balagtas, ang "Bayani ng Harayang Filipino".
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang
salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping
"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin
na litterana nangunguhulugang titik. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at
mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin
tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.

1
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nauunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng panitikan, panitikan ng


Pilipinas.2. Natutukoy at nasusuri ang dalawang uri ng panitikan.
3. Nalalaman at nauunawaan ang mga teoriyang pampanitikan.
Ang Kahulugan, Kahalagahan, Uri, at Anyo ng Panitikan
Sa paksang ito, malalaman natin ang kahulugan ng panitikan, ang dalawang
uri, at ang dalawang anyo na may halimbawang akda ng bawat anyo.
PANITIKAN – Ang panitikan o ang pagpapahayag ng kaisipan, ideya o saloobin ay
may iba’t-ibang uri at heto ang ilan sa kanila.
Ang mga uri ng panitikan ay may ibat-ibang gamit at kahulugan. Sa
pagpapahayag gamit ang pagsusulat, nang iba-iba ang mga tono, rhythm at iba pang
aspeto ng akdang sinulat.

Kahalagahan ng Panitikan
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating
pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.2. Tulad
ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at
marangal na tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang
kulturang nakarating sa ating bansa.3. Upang matanto natin ang ating mga
kakulangan sa pagsulat ng panitikan at
makapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at
magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong
nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangang maipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan.
Ang pag-aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga sa pamamagitan
nito ay malalaman, madarama at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at
namuhay ang ating mga ninuno. Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita
at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan upang sa ganoon
maharap natin ang darating ng may lakas at talino.
Sa pag-aaral natin ng ating panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong
pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa
pagbuo ng isang lipunan. (mula sa aklat na salamin ng lahi).

Basahin at Unawain

2
Anyo ng Panitikan
1. tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng
mgasalita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.
2. tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala
sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na
pinagtugma-tugma.
Mga Akdang Tuluyan
•Alamat – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay- bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga
hayop o mga halaman.•Anekdota – a kdang isinalasaysay ang mga kakaiba
o kakatuwang nangyari sa
buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao. •Nobela – o tinatawag ding
kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong
piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.•Pabula – akda kung saan amg
mga tauhan ay mga hayop•Parabula – o tinatawag ding talinhaga, ito ay mga
maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
•Maikling Kuwento – ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.•Dula – uri na hinahati sa
pam amagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa
mga teatro.•Sanaysay – maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng may-akda.

•Talambuhay – isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base


sa mga tunay na impormasyon.
•Talumpati – isinalaysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang
humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon
at maglahad ng isang paniniwala. •Balita – nagpapahayag sa mga
kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng
isang bansa.

•Kwentong Bayan – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.

3
Mga Akdang Patula
•Tulang Pasalaysay – tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo
o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
•Awit/Korido at Kantahin – musikang magandang pinakikinggan.
•Epiko – isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga
tagpuang kababalaghan at di-kapani-paniwala.
•Balad – uri o tema ng isang tugtugin.
•Sawikain –kasabihan o' kawikaan na may dalang aral na maaaring tumukoy sa
isang idyoma.
•Idioma – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal.
•Moto – parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupong mga tao
•Salawikain – mga kasabihan o kawikaan.
•Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
•Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman
ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapagunita sa mga kabataan.

Mga Teoriyang Pampanitikan


1. Teoryang Humanismo
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran
b. Pananaw Humanismo
1) Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing
paksa rito.
2) Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino–
kakayahan at kalikasan ng tao.
3) Para sa humanista ang literature ay kailangang:
1. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa
genre nito
2. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng anyo
3. Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa
4. Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
5. May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng kalikasan
(pisikal, moral, sikolohikal)

4
2. Teoryang Formalistiko
a. Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o
kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.
b.Pananaw Formalistiko
1) Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan nito.
2) Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral
sa sariling paraan.
3) May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat
isa ay kaugnay ng iba pang elemento; magkakaugnaypugnay ang
mga elemento upang maging mahusay ang akda.
3.Teoryang Imahismo
a. Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang
nagsasabi ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang
pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.
b. Pananaw Imahismo
1) Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na
paksa sa kanyang akda/tula.
2) Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.
3) Malinaw ang mga epekto nito.
4) Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.
4.Teoryang Realismo
a.Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan
makatotohanang pangyayari sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng
ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay parang
natural.
b.Pananaw Realismo
1) Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa
realismo.
2) Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
3) Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political, atbp)
4) Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.
5)Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
6) Optimistiko ang pananalig na lalaya ng masa sa pagkakalugmok
nito.
5.Teoryang Feminismo
a. Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng sistemang
patriarchal sa kababaihan.

5
b. Pananaw Feminismo
1) Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa
babae.
2) Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng
kababaihan sa matapat na pamamaraan.
3) Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.
4) Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.
5) Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo
na.
6. Teoryang Sosyolohikal
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito
ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng
kanyang kapalaran.
b. Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng
akda.
c. Pananaw Sosyolohikal
1) Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na
matibay na kapit sa ugnayang namamatitan sa buhay ng mga
tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning
panlipunan.
2) Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging
pangunahing paksa rito.
3) Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na
kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at kakayahan ng
tao at kalikasan.
7. Teoryang Eksistensyalismo
a. Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito, maaring pagtuunan ng
pansin ang kalagayan ng tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng
paninindigan. Sinusuri ng akda batay sa lakas ng paninindigan ng tauhan na
nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang kalagayan. Mahalaga na makita ang
pagtanggap niya sa naging bunga ng pansariling pagsisikap.

b.Pananaw Eksistensyalismo
1) Malaya ang tao – siya lamang ang maaring magdesisyon kung
paano niya gugugulin ang panahon niya habang siya ay

6
buhay.
2) Responsible ang tao – siya lamang ang responsible sa kanyang
buhay kahit pa ang desisyon niya ay para sa kanyang
kabutihan o kasamaan.
3) Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang
kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay
kanya lamang.
4) Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa
taong nakaranas sa pinag-usapan.
5) Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan
sa lipunan at sa mundo.
6) Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng
pagtanggap niya sa naging bunga ng pagpapasya.
8. Teoryang Romantisismo
a. Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Piniiral dito
ang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin
kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral,
intelektwal at espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng
mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng
tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalalrawan.
b. Pananaw Romantisismo
1) Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.
2) Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang
katotohanan, ang kabutihan at ang kagandahan.
3) Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan
ang paniniwala ng mga romantiko.
4) Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan.
1. Karakter na sobrenatural o romantiko
2. Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay
3. Mababa o kanayunang buhay
4. Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma,
Panggitnang Panahon.

9. Teoryang Naturalismo
a.Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad.
b. Pananaw Naturalismo
1) Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang kagubatan.

7
2) Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga
detalye.
3) Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at
pinanggalingan.
4) Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya
sa simula pa lamang.
5) Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
6) Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na
katangiang likas sa tao kaysa katangiang moral.
7) Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.

10. Teoryang Dekonstruksyon


a. Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi
lamang wika ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya
at ang pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang
teksto ay nasa kamalayan ng gumagamitsa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang
isinusulat ang teksto, ang kahulugan nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras
na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa
mambabasa na.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsasanay 1

8
Panuto: Basahing mabuti and bawat aytem at sagutin. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. _____ ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng


kasalukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating ng
may lakas at talino.a. Panitikan c. Panitikang
Pilipinob. Anyo ng Panitikan d. Uri ng Panitikan
2. Isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
a. Tanaga c. Epikob. Maikling kwento
d. Dula
3. Ito ay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining
na anyo ng panitikan.a. Tanaga c. Epikob.
Maikling kwento d. Dula
4. Tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng
pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapagunita sa mga kabataan.a. Tanaga c. Epikob.
Maikling kwento d. Dula
5. Uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga
teatro.
a. Tanaga c. Epikob. Maikling kwento
d. Dula
6. Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng
isang sikat, o kilalang mga tao.a. Nobela c.
Anekdotab. Alamat d. Parabula
7. _______ ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata.a. Nobela c. Anekdotab. Alamat
d. Parabula
8. Ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa
Bibliya. a. Nobela c. Anekdotab. Alamat
d. Parabula
9. Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng
pangungusap.a. Prosa c. Panulaanb. Idioma
d. Salawikain
10. ______ay isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunala. Prosa b. Idioma c. Panulaan d.
Salawikain

Pagsasanay 2

Panuto: Sumulat at magbigay Dalawang (2) halimbawa sa mga sumusunod.

1. Bugtong 4. Balita

9
2. Salawikain 5. Anekdota

3. Idioma

Pagsasanay 3

Teoryang Pampanitikan. Tukuyin kung anong teoryang pampanitikan ang


inilalarawan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na A Realismo


1. ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili
B Humanismo
nilang daigdig.
K Romantisismo

D Eksistensyalism
o

10
Binibigyang-diin ang mga bahagi ng akda na A Realismo
2. nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng
B Humanismo
tauhan. Mahalagang Makita ang kalakasan ng
paninindigan ng tauhan. K Romantisismo

D Eksistensyalismo

Binibigyang-pansin ang magagandang saloobin A Humanismo


3. ng3. taong nakapaloob sa isang akdang
B Markismo
pampanitikan. Binibigyang-diin ang
magagandang damdaming taglay ng tao. K Imahismo

D Eksistensyalism
o

Tinitingnan dito ang imahen, pagpapakalarawan, A Feminismo


4.
posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng B Realismo
akda at maaaring ilantad din ang mga de-kahong
K Romantisismo
mga imahen nila.
D Naturalismo

Higit na mahalaga sa teoryang ito ang A Imahismo


5.
katotohanan kaysa kagandahan. Pinagbabatayan B Realismo
nito ang totoong buhay na madaling madama ng
K Naturalismo
mga mambabasa.
D Markismo

KABANATA 2: SALAMIN NG KAHAPON…BAKASIN NATIN


NGAYON
ARALIN 2: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG MGA KATUTUBO

ALAMIN!

11
Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay? Sa iyong
palagay, bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa
panahong naisulat ito? Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana
pa sa ating mga ninuno ng kasalukuyang panahon?
Isang iskolar ang nagsabing makikilala lamang niyang ganap ang kaniyang
sarili dahil sa kaniyang lumipas. Kung gayon, masasabi nating makatutulong para sa
atin na makilala ang ating lahing pinagmulan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw
sa ating panitikan na malinaw na salamin ng ating kultura at kabihasnan .

Panitikang Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili
nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kaniyang
barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika. Ang
bagay na ito’y pinatutunayan ng mga mananalaysay na kastilang nakarating sa
kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino
sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling wika
sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag
na alibata.
Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang paraanng pagsulat ng mga katutubo’y
patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod- sunod ng mga talata ay
buhat sa kaliwa, pakanan. Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng
kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy at ang pinakapanulat
nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal o iyong tinatawag sa ngayong lanseta. Sa
kasamaang palad, ang mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na
matatagpuan sapagkat sinunog ng mga mananakop na Kastila dahil ang mga iyon
daw ay gawa ng mga diyablo.
Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng
ating panitikan. Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno.
Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a) kuwentong-
bayan, (b) kantahing- bayan (c) karunungang bayan, at isinasama rin dito ang
(d) bulong.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nakikilala ang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahon ng
katutubo tulad ng karunungang-bayan, epiko at alamat;

12
2. Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito:
karunungang-bayan, alamat, at epiko;
3. Nakapagpapamalas ng pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at
epiko na lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan
mo ang kalagayang panlipunan noon panahong naisulat ito, at
mapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating pinagmulan.

Basahin at Unawain.

MGA HAKBANG YAMAN NG ATING PANITIKAN


A. Kuwentong bayan- batay sa artikulong isinulat ni D. Damiana Eugenio na kilala
sa larangan ng Folklore sa Pilipinas, ang “Legends and Folklores” na binasa niya sa
Ateneo University noong tag-init ’79, tatlo ang mahahalagang pangkat ng mga
kuwentong bayan ( folk narratives): ang (1)mito, (2)alamat at(3) salaysayin
(folktales).
(1) Mito- tuluyang pagsasalaysay ma itinuturing na totoong nagaganap sa lipinang
iyon noong mga panahong nagdaan. Pinaniniwalaan ito sapagkat tinutuan silang
ito’y paniwalaan. Nasa mito ang dogma at karaniwang itinuturing na sagrado.
Karaniwang kaugnay ito ng teolohiya at rituwal. Ito ang naglalahad ng ibang daigdig
tulad ng langit at ilalim ng lupa. Kinapapalooban din ito ng simula ng daigdig, ng tao,
ng kamatayan, ng mga katangian ng mga ibon, hayop o pisikal na kaanyuan ng
lupa. Maaari rin itong kuwentong tungkol sa mga diyos at diyosa.
Halimbawa: Mito ng mga Maranao “Ang Pinagmulan Nitong Daigdig”
(2) Alamat- Ang mga tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa mito sapagkat itinuturing
ang alamat na titii ng mga nagkukuwento at ng mga nakikinig. Higit na una ang mito
kaysa alamat. Masasabing katulad ng daigdig ngayon ang daigdig ng alamat hindi
ito itinuturing na sagrado.Tao ang pangunahing tauhan. Isinasalaysay naman dito
ang migrasyon, digmaan at tagumpay na nagawa ng mga bayani, hari o datu at ng
mga sumunod na nagungulo sa bayan. Nabibilang dito ang ang tungkol sa mga
natatagong kayamanan, mga santo, mga engkanto at mga multo.
Nahahati sa dalawa ang pangkati ng mga alamat: ang mga tinatawag na (a)
etiological o mga nagpapaliwanag na mga alamat na sumasagot sa tanong na kung
paano pinangalanan ang mga bagay o pook at kung bakit nagkaganoon at sa (b)
non-etiological na nauukol sa mga dakilang tao at sa mga pagpaparusa ng malaking
kasalanan. Kasama rin dito ang tungkol sa mga alamat ng santo, mga supernatural

13
na nilikha tulad ng aswang, tikbalang, engkantado, multo at mga ibinaong
kayamanan.
Halimbawa:
Ang Alamat ng Ilog- Cambinle Ang Alamat ng Adjon
(3) Salaysayin- maaaring pabula, mga kuwentong engkantado, mga kuwentong
panlinlang, katusuhan, kapilyuhan o katangahan at iba pa.
Kabilang dito ang iba’t ibang kuwento tungkol kay Juan. Hindi lahat ng
kuwento kay Juan ay ang katamaran, may iba’t ibang Juan sa mga salaysayin sa
iba’t ibang pook. Kung palabasa ng mga kuwentong bayan ang mga taga-ibang
bansa, mapapansing ang mga kuwentong Juan ay nakakatulad ng mga kuwentong
Indones o Malayo.
B. Kantahing Bayan
Ang kantahing bayan ang oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga
katutubo. May iba’t ibang uri ito batay sa iba’t ibang okasyong pinaggagamitan ng
mga ito. May mga para sa pagpapatulog ng mga sanggol na tinatawag na oyayi,
may sa pamamangka/paggagaod na kilala sa tawag na soliranin o talindaw, may
diona o awiting pangkasal/panliligaw, may kumintang o awit pangdigma, may
kundiman o awit ng pag-ibig, Indolanin awit sa panlansangan,Hiliraw/Pamatbat awit
sa inuman,Dalit awit ng papuri sa diyos, Umbay awit sa paglilibing, Duwang awit na
panrelihiyon, Bansal/Pagatin/Onsequep mga awit ng kasalan sa
pangasinan,Holohorio awit sa panghele ng bata, may pagkatulad sa oyayi.

C. Karunungang- Bayan:
a. Bugtong o palaisipan- Binubuo ng mga parirala o pangungusap na
patula at pataling-haga ang mga bugtong at palaisipan. Iba’t ibang
bagay ang ginagawa ng bugtong ng mga ninuno. Mga bagay na
nakikita araw- araw sa kanilang kapaligiran, mga bagay na may
mala-king kaugnayan sa kanilang buhay

Halimbawa:
Munting palay,
Pinuno ang buong bahay (ilaw)
Dala mo, dala ka
Dala ka ng iyong dala (sinelas)
b. Bulong Ginagamit na pangkukulam o Pange-engkato ang tinatawag na
bulong. Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag may nadaanang punso sa
lalawigan na pinaniniwalaaang tinitirhan ng mga duwende o nuno.

14
c. Salawikain nagbibigay aral at talinghaga
d. Kasabihan kadalasang tumatalakay sa mga karanasan ng ating mga
ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naayon sa
kanilang mga naging karanasan.
e. Kawikaan- laging nagtataglay ng aral sa buhay, kauri ng sawikain
D. MITOLOHIYA
1. Mga Diyos at Diyosa
a. Bathala/Abba- pangunahing diyos
b. Idonale-diyos ng mabuting Gawain
c. Anion Tabo- diyos ng hangin at ulan
d. Apolaki-diyos ng digmaan
e. Haman-diyos ng mabuting pag-aani
2. Mga Mabubuting Espirito
a. Patianak-tagatanod ng lupa
b. Mamanjig-nangingiliti sa mga bata
c. Limbang- tagatanod ng kayamanan
3. Masamang Espirito
a. Tiktik-ibong kasama ng aswang d. Salot- nagsasabog ng sakit.
b. Tanggal (Manananggal)- sumisipsip sa dugo ng sanggol
c. Tama-tama- kumukurot sa sanggol

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsasanay 1

Panuto: Pag-ugnayin ang nasa hanay A at B. Isulat ang sagot bago


bilang.

A B
1. Diyos ng mabuting pag-aani a. Duwang

15
2. Awit ng kasalan sa Pangasinan b. Haman
3. Tagatanod ng kayamanan c. kundiman
4. Awit sa inuman d. Talindaw
5. Awit sa panlansangan e. Oyayi
6. Pagpapatulog ng mga sanggol g. Diona
7. Awit sa paghele sa bata f. Tagumpay
8. Awit sa pamamangka h. Soliranin
9. Awit sa digmaan i. Kumintang
10. Awit sa pag-ibig j.Hilaw/Pamatbat
11. Awit sa panrelihiyon k. Indolanin
12. Awit sa pagpupuri ng diyos l. Limbang
13. Awit sa Paglilibing m. Saloma/Tikam
14. Awit ng kasal/panliligaw n.Bansal/Pagatin/Onsequep
15. Ginagamit sa pagkulam o. Umbay
p. Holohorio
q. bulong

Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang pahayag na nangangailangan ng kasagutan.
a. Bugtong c. Salawikain
b. Palaisipan d. Bulon
2. Ito ay ng bibigay aral at talinghaga.
a. Bugtong c. Salawikain
b. Palaisipan d. Bulong

16
3. Ito ang naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.
a. Mito c. Alamat
b. Salaysayin d. Bulong
4. Ito ay isang patulang pahayag na naghahanap ng kasagutan.
a. Bugtong c. Salawikain
b. Palaisipan d. Bulong
5. Lagging nagtataglay ng aral sa buhay, kauri ng sawikain.
a. Kasabihan c. Kawikain
b. Salawikain d. Palaisipan

Pagsasanay 3

Panuto. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano-anong mga panitikan ang umusbong sa panahon ng mga Katutubo?

2. Ano ang kahulugan ng karunungang-bayan?

3. Ano-ano ang mga karunungang-bayan ang umusbong sa panahon ng


katutubo?

4. Ano ang kahulugan ng alamat?

5. Ano ang kahulugan ng epiko?

17
ARALIN 3: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG MGA ESPAΗ͂OL

ALAMIN!

Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa


loob ng 333 taon. Sa pananakop nila sa

18
Pilipinas, may ginamit silang dalawang pangunahing estratehiya. Ito ay ang
ebanghelisasyon at ang kolonisasyon. Ang ebanghelisasyon ay isang
mapayapang paraan na estratehiya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng
kristiyanismo sa Pilipinas at nagsisimbolo ito ng krus. Ang kolonisasyon
naman ay ang kabaliktaran ng ebanghelisasyon. Ito ay nagsisimbolo ng
espada at hinding mapayapang paraan dahil ginagamitan ito ng lakas-militar.
Sa estratehiyang ebanghelisasyon, ang mga paring Espanyol o prayle. Ang
mga lakas-militar o guardia civil ang namamahala sa kolonisasyon.
Sa araling ito, matutuklasan mo ang sagot sa sumusunod na tanong sa tulong ng
mga araling inilaan ko para sa iyo.
1. Bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito?
2. Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong
ito?
3. Masasalamin ba sa panitikang lumaganap ng panahong ito ang kalagayang
panlipunan at kultura ng bansa? Patunayan.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito:


* Karagatan * duplo
2. Nalalaman at nauunawaan ang mga akdang lumaganap sa panahong ito.
3. Natutukoy ang mga unang aklat na nalimbag sa panahon ng mga Kastila.
4. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang
pinag-aralan.
5. Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga
tanong at puna sa panitikang nabasa.

Ang Espaῆol
Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino na mga pagano o infieles dahil
wala silang pinaniniwalaang diyos. Tinatawag rin sila na di-sibilisado dahil ang
kanilang pamumuhay ay kakaiba sa Europa lalo na sa Espanya.
May mga patakarang ipinatupad ang mga Espanyol. Una ang entrada. Ito ang
unang hakbang sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ginagamitan ito ng
mga lakas-militar upang sakupin ang Pilipinas.

19
Matapos ang entrada, sumunod ang reduccion. Ito ay ang pag-iipon ng mga
tao sa iba't ibang barangay sa isang cabecera. Dahil sa patakarang ito, napadali ng
mga Espanyol na masakop ang Pilipinas.
Ang mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng
doctrina. Ito ay ang paghahanda sa pagtatayo ng isang parokya. Ang mga paring
misyonero rin ang nangangasiwa ng pagbibinyag sa mga simbahang Katoliko. Sa
patakarang ito, ang mga Pilipino ay hindi na tinatawag na pagano ng mga Espanyol
dahil nagkaroon na silang pinaniniwalaang diyos.
Maliban sa entrada, reduccion, at doctrina, ang mga Pilipino na sapilitang
ipinasailalim sa mga Espanyol na napakaloob sa sistemang encomienda. Ang
sistemang encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng
pamahalaang Espanya. Ito rin ay ang mga karapatan at tungkulin na ipagkatiwala at
ipinagkaloob sa hari ng Espanya upang mmapayapa ang Pilipinas. Ang encomienda
ay nagmula sa salitang encomendar na ang ibig sabihin ay "ipagkatiwala". Ang mga
encomendor na napagkalooban ng encomienda at naging tagapamahala sa
nasasakupan. Sa sistemang ito, ang Pilipinas ay nakaranas ng kahirapan sa buhay.
Bilang kolonya ng hari sa Espanya, ang mga Pilipino ay sapilitang
pinagserbisyo sa hari sa pamamagitan ng polo y servicio personal o prestacion
personal. Ang polo y servicio personal ay ang sapilitang paggawa ng walang
kabayaran. Ang mga lalaking Pilipino na mula 16 hanggang 60 na taong gulang ay
pinaglilingkod o pinatatrabaho nanng 40 na araw sa loob ng isang taon sa
pamahalaan ng Espanya. Sila ay inaatasang magputol ng mga puno sa mga gubat at
gumawa ng mga barkong pandigma. Dahil sa polo y servicio personal, marami ang
nagutom na mga Pilipino at kumunti ang populasyon ng mga lalaki sa Pilipinas.
Labis ang sapilitang pagbayad ng buwis na ipinatupad ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga Espanyol sa mga
Pilipino ay tributo. Ang mga ecomendero ang nangungulekta ng mga buwis sa
Pilipinas. Sa tributo, ang mga Pilipino ay nakaranas rin ng kahirapan. Nagbago ang
ekonommiya ng Pilipinas dahil sa pagpapatupad ng mga bagong patakaran

Basahin at Unawain.

Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol

20
565- Paring Augustino ang mga misyonerong
dumating sa pamumuno ni Padre Andres
de Urdaneta.

577-sinundan ito ng mga Paring


Pransiskano.

1587- Mga Dominikano


1606- Mga Rekoletos
1895- Mga Benedikto

REDUCCION- panukala ng mga prayle na tipunin and mga katutubo sa isang


lugar.Para sa ating mga ninuno, hindi tugma sa kanilang pamumuhay ang inihahaing
bagong pamayanan. Dahil sa pagtanggi ng karamihan sa panukalaang sama-samag
panirahan, napagpasayahan na ang lugar na malapit sa ilog o sa gadat ay gawaing
cabecera.
CABECERA- Panahanang pinakasentro ng parokya.
PAROKYA- isang lugar kung saan sama-samang naninirahan ang mga tao sa
pamamahala ng isang pari. Ang mga lugar na ito ay tinatawag na pueblo kung saan
ang mga naninirahan ay kailangan sumunod sa mga patakarang kolonyal. Ang
bawat pueblo ay may plaza complex na matatagpoan sa mismong gitna o sentro.
Napadali ang kanilang pamamahala at mas mabilis nilang napalaganap ang
kristiyanismo.
Ang sentro ng pamayanan ay napapaligiran ng mga bahay ng mga Espanyol.
Susunod naman ang mga bahay ng mga principalia (mga hacenderos, propesyunal,
at mga dating pinunong katutubo na ngayon ay bahagi ng pagpapatupad ng
patakarang kolonyal.
Ang hanay ng tirahan ng mga principalia ay sinundan ng tirahan ng mga
karaniwang katutubo. Ang hanay ng mga bahay na ito ay papalayo na sa sentro. Ang
mga lugar na malayo rito ay ginawang sitio at ang lalong malalayong lugar ay
renheria. Kung ikaw ay naninirahan malapit sa plaza, ito ay nangangahulugan na
Malaki ang iyong kapangyarihang political at ang iyong bahay ay karaniwang gawa

21
sa bato. Kung ikaw naman ay nanirahan malayo sa plaza maliit o wala kang
kapangyarihang pulitikal.

Mga Impluwensiya ng Kastila sa Panitikang Filipino

 Ang “Alibata” na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipinana


halinhan ng alphabetong Romano.
 Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang
makarelihiyon.
 Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong yaon.
Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
 Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na
naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro- moro at iba
pa.
 Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at
sa ibang wikain.
 Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino
tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya.
 Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga
panahong yaon.
Paglaganap ng Kristiyanismo
Gumamit ng mga larawan ang mga prayleng hindi pa marunong ng wika ng
katutubo. Naniniwala ang mga prayle na higit na magiging mabisa ang paghikayat
kung gagamit sila ng wika ng katutubo sa pagtuturo ng relihiyon.

Pagkuha ng tiwala ng mga katutubo

 Sila ang naging taga alo ng mga ito sa sandal ng kalungkutan at paghihirap
 Sila ang naging patnubay ng mga mamamayan sa kanilang mga Gawain.
 Sila rin ang tumatayong manggagamot sa mga dumudulong na may sakit.
 Sila rin ang nilalapitan ng mga Pilipino sa paghingi ng tulong laban sa mga
emcombienderong mapang- abuso.
 Naakit din ang mga katutubo sa magagandang simbahan, mga prusisyon at
mga kapistahan.
 Nang lumaon, niyakap ng mga sinaunang mga Pilipino ang relihiyong
kristianismo. Halos araw-araw sila nagsisimba lalo na sa araw ng linggo. Ang

22
bawat pagsunod na ginawa at pagbigay sa misa ay may kapalit na siyang
nagdadala sa kanila sa langit at iiwas sa apoy sa impyerno.

Mga Unang Aklat sa Panahon ng Kastila


1. Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat na nalimbag sa
Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito
nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva.
Nasusulat ang aklat sa at Kastila.Naglalaman ito ng mga
dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang
mortal, pangungumpisal at katesismo.May 87 pahina lamang.
2. Nuestra Senora del Rosario –ikalawang aklat na
nalimbag sa Pilipinas.Akda ito ni Padre Blancas de San Jose
noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto.
Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena at
mga tanong at sagot sa relihiyon.
3. Barlaan at Josaphat –Ikatlong aklat na nalimbag sa
Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de
Borja.Orihinal na nasa wikang Griyego. Ipinalalagay itong
kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas.
4. Pasyon – aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni
kristo. ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat na
bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang bawat bersyon ay
ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang
Version de Pilapil (Padre Mariano Pilapil); Version de Belen
(Gaspar Aquino de Belen); Version dela Merced (Aniceto dela
Merced); at Version de Guia (Luis de Guia). Isinaalang-alang na pinakapopular ang
version de Pilapil.
5. Urbana at Felisa – aklat na sinulat ni Modesto Castro, ang
tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog”. Naglalaman
ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urban at Felisa.
Pawang nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito,
kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang
panlipunan ng mga Pilipino.

Pagnilayan at Unawain

23
Panahon ng Panitikang Pansimbahan
A. Dalit - Ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa
Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay
hinahandugan tuwing buwan ng Mayo.
B. Mg Nobena Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo’yisa ring uro ng
pagnonobena sapagkat may mga pagdiriwang na maykaugnayan halimbawa sa
kanilang pagpapasalamat sa magandang ani, o paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng
sakit na nananalasa sa kanilang tribu, o pagpapa-alis ng sakit ng kabilang sa
pamilya, o paglilibing sa mga yumao na. Ang nobena’ymga katipunan ng mga
panalangin na kailangang ganap sa loob ng 9 na araw. Maaaring sunod-sunod na
araw o tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo). Batay na
ito sa santo’t santa ng namiminitakasi.
C. Mga Buhay-Buhay ng mga Santo Santa Sa layunin ng mga Kastilang
mapalaganap ang relihiyon, sumulat sila ng mga nauukol sa buhay-buhay ng mga
santo’tsanta para garing halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang-diing nasa
pagpapakasakit ang walang hanggang kaluwalhatian kay nararapat na magpakasakit
amg mga tao upang huwag mabulid sa impiyerno ang kanilang kaluluwa. Mabibilang
ito ang Pasyong Mahal na buhay at pagpapasakit ng Panginoong Jesucristo upang
matubos ang tao sa pagkakasala.
D. Akdang Pangmagandang-asal Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihiyon ang
pagtuturo ng kagandahang-asal, mabuting pakikipamuhay sa kapuwa, paggalang sa
sarili, sa magulang at sa nakatatanda at iba pa Kasama sa akdang nauukol sa
kagandahang-asal ang akda ni Padre Modesto de Casto na Urbana at Feliza.
Ito’ypagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Feliza. Napunta sa Maynila si Urbana
at siyaang nagpapayo sa kapatid na si Feliza at Honesto ng mga nararapat gawin sa
iba’tibang pagkakataon sa iba’tibang pook.
E. Senakulo - Isang dulang nag sasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.
F. Tibag- Isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena
sa krus na pinag pakuan kay Kristo.
G. Parabula Kwentong hango sa Banal na kasulatan na maaaring umakay sa tao sa
makatuwid na landas ng buhay.

Uri ng Panitikan

24
 Pasyon-inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay, sakit at pagdurusa ni
Kristo.
 Komedya/Moro-moro-isang matandang dulang kastila na naglalarawan ng
pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
 Dalit- ang pag aalay ng bulaklak kasabay ang pag-aawit bilang handog sa
Birheng Maria.
 Dung-aw- binibigkas ng paawit ng isang naulila sa piling ng mga kamag-
anak.
 Tibag-isang pagtatanghal na ginaganap tuwing Mayo.
 Karagatan- isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito
ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
 Duplo- larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang
paglalamay sa patay.
 Senakulo- isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng poong
Hesukristo.
 Karilyo-pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao
sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
 Sarsuwela-isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtug. Ito
ay may tatlong yugto ay nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng
pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam atb. pa.
 Korido- galing sa salitang “corrido” na ang ibig sabihin ay kasalukuyang
pangyayari. Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig at
pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
 Awit- tulang pasalaysay at may mga pangyayaring hango sa tunay na buhay.
 Saynete- ito ay isang dula na naglalahad ng kaugalian ng isang lahi o
katutubo.
 Kantahing Bayan- ito ay nagpapakilala ng iba’t-ibang pamumuhay at pag-
uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.
 Halimbawa
Leron-leron sinta Pamulinawen Sarong bangi

25
Sining: Ang Karagatan at Duplo

26
ANG KARAGATAN

1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.


2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog
sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang nais
magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-
nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga
ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may
tandang puti.
11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang
talinghaga

Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. Al

27
Ang Duplo
1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring
mauring tulang patnigan.
2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae
ay duplera.
3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa
palad ng sinumang nahatulang parusahan.
5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa
kaluluwa ng namatay.
6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o
kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng
isang bilyaka.
7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa
isang namatay.
9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o
impromptu.
10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring
tagahatol.

Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsasanay 1

Panuto. Piliin ang wastong sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong kauna-unahang aklat ang nalimbag sa Pilipinas?
a. Pasyon c. Urbana at Felisa
b. Doctrina Cristiana d. Balaan at Josaphat
2. Binabasa ito tuwing Mahal na Araw.
a. Pasyon c. Urbana at Felisa
b. Doctrina Cristiana d. Balaan at Josaphat
3. Ipinapalagay na ito ang kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas.

28
a. Pasyon c. Urbana at Felisa
b. Doctrina Cristiana d. Balaan at Josaphat
4.Anong paksa sa duplo ang tumatalakay sa mga batas tulad ng kodigo sibil?
a. Alo-divino c. Ley/lai
b. Histeria-vino d. talinghaga
5. kasaysayan ng Diyos at ng mga santo o anghel
a. Alo-divino c. Ley/lai
b. Histeria-vino d. talinghaga
6. Anong paksa sa duplo ang may kaugnayan sa Diyos at sa mga banal na
bagayan?
a. Alo-divino c. Ley/lai
b. Histeria-vino d. talinghaga
7. Ang sistemang __________ ay isang polisiyang pang-ekonomiya na itinakda ng
pamahalaang Espanya.
a. Encomienda c. Infeles
b. Reduccion d. Cabecera
8. Sinong mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng _.
a. Doctrina c. Pasyon
b. Urbana at Felisa d. Reduccion
9.Ito ay mga dulang pangtanghalan maliban sa isa
a. Senakulo c. Komedya
b. Moro-moro d. Karagatan
10. Ito ay mga dulang pantahanan maliban sa isa
a. Duplo c. Juego de prenda
b. Panubong d. Pangangaluwa

Pagsasanay 2

Panuto. Pag-ugnayin ang nasa Hanay A at B. Isulat ang sagot bago ang bilang.

A B
1. Tulang pasalaysay at may mga a. Pasyon
pangyayaring hango sa tunay na buhay b. Senakulo
2. Isang komedya o melodrama na c. Tibag
may kasamang awit at tugtog d. Dalit
3. Ito ay isang dula na naglalahad ng e. Duplo
kaugalian ng isang lahi f. Komedya/Moro-moro
4. Awit ng isang naulila g. Dung-aw

29
5. Dulang naglalarawan ng pakikipaglaban h. Saynete
ng Espanya sa mga muslim i. Sarsuwela
6. Larong paligsahan sa pagbigkas j.. Awit
ng tula k. Karagatan
7. Inaawit tuwing kwaresma l. Korido
8. Dulang ngsasalaysay ng buhay at
kamatayan ng poong Hesukristo
9. Isang pagtatanghal na ginaganap
tuwing mayo
10. Pag-aalay ng bulaklak handog sa Birheng
Maria

ARALIN 4: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG MGA HAPONES

ALAMIN!
Alam mo ba na bago pa
man dumating ang mga
mananakop tayo ay may
sarili nang panitikan? Hindi maikakailang
yumabong pa ito sa kanilang pagdating.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang
mga akdang sumibol sa Panahon ng
Hapones na bagamat napakahirap ng
buhay ng mga Pilipino noon ay

30
napaunlad pa rin ang mga tula (haiku at tanaga), at maikling kuwento. Naniniwala
ka ba na ang mga paksa ng akdang pampanitikan ay naiimpluwensiyahan ng
panahong naisulat ito?
Alam ko na may nalalaman ka na sa panitikan noong panahon ng Hapon.
Kung wala naman, makatutulong sa iyo ang araling ito upang mabatid at
madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito. Subukin mo kung hanggang saan na
ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng susunod na gawain.
Sa aralin na ito, itutuloy natin ang pag-aaral ng mga kaganapan noong
panahon ng Hapon. Sisikaping sagutin ng aralin ang mga tanong na ito: ano ang uri
ng pamamahala ng mga Hapon at ano ang pamamaraan ng mga Pilipino upang
labanan ang kanilang karahasan? Ano ang mga ipinakitang kabayanihan ng mga
Pilipino na magsisilbing halimbawa sa mga kabataan sa ngayon?
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nalalaman at nauunawaan ang mga akdang lumaganap sa panahong ito;


2. Nasusuri ang mga dahilan ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas;
3. Natataya ang kahalagahan ng kilusang Gerilya at ang katapangan ng mga
Pilipino;
4. Napahahalagahan ang pagsisikap ng mga Pilipino upang makamit ang
kalayaan at maipakita ang katapatan sa demokrasya.

Basahin at Unawain.

ANG MGA MOTIBO NG HAPON SA PAGSAKOP SA PILIPINAS


Ang Pananaw ng Hapon Para sa Dulong Silangang Asya Ang Pilipinas ay
paunlad na nang paunlad, lalo na sa kabuhayan, nang sumiklab ang ikalawang
digmaang pandaigdig at sakupin ito ng mga Hapones. Nang mapabagsak ang
Bataan at Corregidor, nagtatag ng isang pamahalaan ang mga Hapon sa Maynila.
Nabanggit na, sa sinundang modyul, ang paghirang nila kay Jose Vargas bilang
tagapangulo ng itinatag na Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas.
Noong mga unang buwan ng 1943, ipinahayag ng mga Hapon na nais nilang
mabigkis ang lahat ng mamamayan ng Dulong Silangang Asya upang magkaroon ng
kasaganaan at kaunlaran sa bahaging ito ng daigdig. Upang matamo ito, bubuo ang

31
Hapon ng mga programang pang-ekonomiya upang magkaroon ng pagkakaisa ang
mga rehiyon sa Pasipiko, mula sa Burma hanggang Australia.
Pinangakuan nila ang mga Pilipino na bibigyan ng kasarinlan kung sila ay
tutulong sa pagbuo ng “Samasamang Kasaganaan sa Higit na Malaking Silangang
Asya”. Tinawag ito sa Ingles na “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.”
Lumalabas na ang layunin nila sa pananakop ay ang paunlarin ang Dulong
Silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas. Lumalabas din na isang paanyaya
ang pagmumungkahing sumali ang Pilipinas sa kalipunang ito. Ngunit kung susuriin,
mangyayari lamang ang sinasabing kasaganaan kung ilalagay ang mga bansa sa
ilalim ng kanilang pamumuno at kapangyarihan.

Mga Tunay na Layunin sa Pananakop ng Hapon


Bukod sa “paanyaya” ng Hapon sa Pilipinas na lumahok sa kanyang
programa, maraming salik na nagtulak sa bansang Hapon upang palawakin ang
kaniyang teritoryo. Una, lumalaki ang populasyon ng Hapon at kailangan ng mas
malaking teritoryo. Pangalawa, lumalaki ang kanilang produksyon at kinakailangang
magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal. Pangatlo, ang bansang Hapon
ay naghahanap ng makukuhanan ng mga likas na yaman upang gamitin sa paggawa
ng mga makabagong teknolohiya at mga kagamitang pandigma.

Upang madaling matamo ang kanilang mga layunin, pinag-aralan ng mga


Hapon kung paano kukumbinsihin ang mga opisyal na Pilipino. Batid ng mga Hapon
ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makuha ang kalayaan sa
mga Espanyol at Amerikano. Batid nila na pinagpilitan ng mga Pilipinong makuha
ang kalayaan upang mapasakamay nila ang pagpapatakbo ng pamahalaan. Walang
ninanais ang mga Pilipino kundi ang pamunuuan ang sarili nilang bansa. Dahil dito,
pinangakuan nila ng kasarinlan ang mga Pilipino. Upang isulong diumano ang
kasarinlang ito, nangako ang pamahalaang militar ng Hapon na magtatatag ito ng
isang Republika na pamumunuan ng mga Pilipino.

Tandaan Mo!
Pangunahing layunin ng mga Hapon sa kanilang pananakop ang pag-isahin
ang mga bansa sa dulong silangang Asya para sa kaunlarang pang-ekonomiya ng
rehiyon. Dagdag na layunin ng Hapon ang mapalawak ang kanilang sakop na
teritoryo upang may mapaglagyan ng lumalaki nilang populasyon, magkaroon ng

32
pamilihan ng kanilang kalakal at gamitin ang ating likas na yaman sa paglikha ng
mga kagamitang panteknolohiya at pandigma. Pinangakuan ng Hapon ang mga
Pilipino ng pagsasarili upang mahikayat na sumunod sa kanilang mga patakaran.

PAMAMAHALA AT PAMAMALAKAD NG MGA HAPON


Maikli lamang ang panahon ng pananakop ng mga Hapon. Subalit ang
panahong iyon ay nakatamo din sa isipan ng ating mga kababayan. Ilan sa mga isyu
at usaping binubuksang muli ngayon ay ang isyu ng “comfort women” o pang-aabuso
sa mga kababaihan. Isa lamang iyan sa mga naranasan ng mga Pilipino sa kamay
ng mga Hapon.
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang pamamahala at pamamalakad
ng mga Hapon, ang mga pagbabagong nais nilang ipatupad, at ang mga karahasang
hinding hindi malilimutan ng mga Pilipinong nabuhay noong panahong iyon. Talaga
nga kayang pagkakalooban nila ng kalayaan ang mga Pilipino noon?
Pagtatatag ng Ikalawang Republika
Pagkatapos itatag ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas, sa
pamumuno ni Jose Vargas, ipinag-utos ng mga Hapon ang paglikha ng pitong
kagawaran na ang bawa’t isa ay may kalihim na Pilipino. Ngunit sa bawat kagawaran
ay may isang Hapon na nagmamatyag at nagsasabi sa mga kalihim kung ano ang
gagawin.
Nang dakong 1943, nilikha ng mga Hapon ang Panimulang Lupon sa
Pagsasarili ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino at inatasan itong maghanda ng
isang saligang-batas bilang paghahanda sa republikang kanilang ipagkakaloob.
Bago nangyari ito, pinawalang-bisa ng mga Hapon ang mga partidong pulitikong
naitatag noong panahon ng Komonwelt. Bilang kapalit nito, inutusan nila ang mga
Pilipinong lumikha ng isang Kapisanan sa Paglilingkod ng Bagong Pilipinas o
KALIBAPI. Inutusan itong sumulat at pagtibayin ang isang saligang-batas para sa
pagtatatag ng bagong Republika ng Pilipinas. Naghalal ang KALIBAPI ng mga
kaanib ng Pambansang Asembleya at noong ika-23 ng Setyembre, 1943, sa pang-
unang pagtitipon ng Asembleya ay nahalal na Pangulo ng Republikang tinatangkilik
ng Hapon si Jose P. Laurel.
Noong ika-14 ng Oktubre,1943 ay pinasinayaan ang Ikalawang Republika ng
Pilipinas na lalong kilala sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng Hapon. Ang
pambansang awit at watawat ng Pilipinas na dati ay ipinagbawal ay ipinaawit at
iwinagayway. Nang araw ding iyon, pinilit ng mga Hapon si Jose P. Laurel na
pirmahan ang isang kasunduang militar kung saan ang Pilipinas ay nangangako ng

33
katapatan sa bansang Hapon. Ngunit bagama’t pumirma si Pangulong Laurel, ito ay
walang saysay sapagkat nanatiling matapat sa mga Amerikano ang mga Pilipino at
hinihintay lamang ang kanilang pagbabalik.

Pagbabagong Pampulitika
Sa ilalim ng Republika, lahat ng mga nanungkulan sa pamahalaang
pambansa at lokal ay pawang Pilipino, ngunit hindi maaaring tumutol sa bawat naisin
ng mga opisyal na sundalong Hapon na nakatalaga at nagmamatyag sa bawat kilos
nila. Liga militar na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan. Ang saligang-batas
ay nasunod sa porma at istruktura lamang ng pamahalaan subalit ang mga batas at
utos ay galing sa Hapon. Maging si Pangulong Laurel ay walang kapangyarihan.
Inalis ang halalan at ipinagbawal ang pagsasalita laban sa pamahalaan.
Walang pribilehiyo ang mga mamamayan sa pagsasalita laban sa mga opisyal at
kinakailangang yumuko at magbigay galang sa mga opisyal na Hapones. Ang mga
kaso na Pilipino lamang ang nasangkot ay nililitis sa hukuman ngunit ang mga
Hapon ay nililitis ng hukumang militar ng Hapon. Dahilan dito, kalimitan ay
napapawalang-sala ang mga nasasakdal na Hapones.
Nagtayo ng maraming instalasyong militar at mga garison sa iba’t ibang
gusali sa kapuluan ang mga Hapon. Bawat napaghihinalaang kumikilos laban sa
kanila ay ikinukulong at pinarurusahan ng iba’t ibang karumal-dumal na paraan.

Mga Pagbabagong Pangkabuhayan


Ang salaping ginamit noong panahon ng Hapon ay ang kanilang yen, na
tinatawag ng mga Pilipinong “mickey mouse money.” Malalaking papel at maliit ang
balyu at isinisilid na lamang sa bayong sapagkat wala namang ganoong mabibili sa
mga palengke. Ito ay sa dahilang ang mga Hapon ang namahala sa mga lupain,
industriya, transportasyon at kabuhayan ng Pilipinas. Ang mga pagkain, bigas at
alagang hayop ay sinamsam ng mga sundalong Hapon. Nabuhay ang mga tao sa
lamang dagat, lamang lupa at mga halaman. Marami ang nagkasakit ng beri-beri
dahil sa kakulangan ng mga protina at bitamina sa katawan. Ang mga maysakit ay
namamatay na lamang sapagkat kulang ang mga ospital at serbisyong
panggagamot.

Mga Pagbabagong Panlipunan


Tunay na pasista ang mga Hapon. Walang kalayaan at pribilehiyo ang mga
Pilipino. Bawal ang pagpapalimbag ng babasahing Ingles at ipinaturo sa mga

34
paaralang bayan ang Niponggo, ang wika ng Hapon. Walang laya sa paggalaw at
pagkilos ang mga tao, maging sa pagbibiyahe. May curfew sa mga lansangan. Ang
paglabas sa mga tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang mga lumabag
ay ikinukulong o binabaril.
Sinikap din naman ni Pangulong Laurel na maging makabuluhan ang
Republika ngunit lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay. Ang mga
Hapones ay hindi naging matapat sa kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan ang
bansa. Ang mga mamamayan ay inalisan ng maraming karapatan.
Maraming kababaihan ang nilapastangan at ginawang libangan ng mga
Hapon. Ang mga kalalakihang napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sa
kanilang mga pamilya, at ikinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan hanggang sa
mamatay. Lumikha ang mga Hapon ng hukbo ng makapili, mga espiyang natatakpan
ng bayong ang mukha. Dinadala ang mga makapili sa mga lugar na may mga
pinaghihinalaang gerilya o kalaban ng Hapon. Suot ang kanilang bayong, ituturo ang
mga pinaghihinalaan at darakpin ito ng mga Hapon. Kapag hindi nakatakas mula sa
garison, ang mga napaghinalaan ay maaaring hindi na makakabalik ng buhay sa
kanilang pamilya dahil sa pagpapahirap gamit ang iba’t ibang malupit na paraan.
Ang pagmamalupit sa mga Pilipino ay nagpatuloy. Ang panahong ito ay
tinawag na “Panahon ng Kadiliman” dahil walang seguridad at katiyakan ang buhay
ng mga mamamayan sa araw-araw. Sila ay nagtatago pag may dumarating na mga
Hapon o dili kaya’y nagsisinungaling upang hindi maparusahan. Ang masakit dito,
natuto ang ibang ipagkanulo ang kanilang kababayan upang humaba ang sariling
buhay.

Tandaan Mo!

Itinatag ng mga Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng


pamumuno ni Jose P. Laurel upang diumano’y bigyan ng bagong pamahalaan at
kasarinlan ang mga Pilipino. Ngunit kabaligtaran ang nangyari sapagkat ang mga
militar na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan at ang Pangulo ay walang
kapangyarihan. Sa panahong ito, maraming nilabag na pantaong karapatan. Ang
kabuhayan ng mga Pilipino ay hindi umunlad, bagkus nagdulot ng maraming
maraming kasawian sa buhay ng mga Pilipino ang pamamahala ng mga Hapon.

PAGKILOS AT PAKIKILABAN NG MGA PILIPINO LABAN SA HAPON

35
Bagamat nasakop ang buong kapuluan at nagsisuko ang mga heneral na
Amerikano, napag-alaman mo sa naunang modyul na para sa mga Pilipino, dapat
ituloy and laban. Hindi ba’t isa iyang kapuri-puri ng katangian ng ating mga
kababayan? Sa araling ito, malalaman mo kung paano itinuloy ng mga Pilipino ang
kanilang paglaban sa mga Hapon kahit na malakas ang puwersa ng mga ito.

Ang Kilusang Gerilya


Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapones noong
Mayo 6,1942 ay hindi pa rin natapos ang labanan ng mga Pilipino at Hapones. Ang
mga sundalong Pilipino, sa halip na sumuko, ay namundok at ipinagpatuloy ang
pakikipagpaglaban nang palihim. Nagpangkat-pangkat sila na kung tawagin ay
gerilya at mula sa mga bulubundukin at mga ilang na lugar, nagsagawa ng mga
pabigla-biglang pagsalakay. Ang kanilang layunin: lusubin ang mga garison, patayin
ang mga sundalo at opisyal na Hapon, palayain ang mga nakakulong, at salakayin
ang mga istasyong militar upang sirain ang mga kagamitan at manguha ng mga bala
at armas na gagamitin sa paglaban sa mga hapon.
Sa kalaunan ay lumaki ang bilang ng mga gerilya at ito ay dahil sa pag-iibayo
ng kalupitan ng mga Hapon. Nagsama-sama ang mga maliliit na pangkat mula sa
iba’t ibang panig ng bansa. Naragdagan ang dami ng mga puwersang gerilya nang
sumapi ang mga sibilyan sa mga lungsod at bayan-bayan kasama na ang ibang
opisyal ng mga pamahalaang bayan na nagkukunwang tumutulong sa mga Hapon.
Namundok din ang mga sibilyan at karaniwang mamamayang hindi na makatiis sa
pagpapahirap ng mga Hapon. Kasama rin ang maraming kababaihang naging
biktima ng karahasan ng mga dayuhan.
Maraming pangkat ng mga gerilya ang nabuo sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.
Ang ilan sa mga lider ng mga gerilya ay militar, samantalang ang iba’y sibilyan. Si
Tomas Confesor ang sibilyang lider ng Panay, samantalang si Koronel Macario
Peralta naman ang lider militar. Sa Leyte ay si Koronel Ruperto Kangleon. Sa
Mindanao ay sina Tomas Cabili at Salipada Pendatun. Sa Luzon, napabantog sina
Wenceslao Q. Vinzons at Marcos V. Agustin (Marking). Bukod dito, may mga
Amerikano ring naging kasapi at kasamang namundok at lumaban.
Sapagkat lumalaki ang kilusan at nagiging mapanganib para sa mga Hapon
ang mga gerilya, naging lalong malupit at mahigpit ang mga Hapon. Maraming
dinakip kahit walang sala. Kumuha ng maraming sibilyan na ginawang makapili at
bawat mapaghinalaan ay ikinukulong sa Puwersa Santiago sa Maynila at sa iba’t
ibang garisong itinayo. Subalit lalo lamang dumami ang nagsisapi sa kilusan.
Habang tinatakot ang bayan, lalo namang tumindi ang kanilang galit.

36
Naging isang mahalagang puwersa ang kilusang gerilya sa pagdudulot ng
malaking sakit ng ulo sa mga Hapon at sa hindi pagiging matatag ng Republikang
kanilang itinayo. Organisado ang kilusan. May mga kumander at mga ranggo ang
mga kasapi. May ugnayan sa isa’t isa at may mga sikretong sinyales na hindi
maiintindihan ng mga Hapong kalaban. Habang walang puwersang dumarating mula
sa Estados Unidos, naipakita ng mga Pilipino na kaya nilang ituloy ang laban, isang
katangiang kanila nang napatunayan sa mga nakaraang pakikihamok sa mga
naunang mananakop.
Ang HUKBALAHAP Ang mga magsasakang labis na naghirap sa panahong
ito ay nagbuklod upang bumuo ng isang kilusang may katulad na simulain sa mga
gerilya. Higit sa lahat, ang mga magsasaka ang lubhang nakadama ng
pagmamalupit ng mga Hapon. Ang kanilang mga sakahan ay pinagiinteresan ng mga
opisyal na Hapon. Ang mga bigas na kanilang inaani ay kinukumpiska. Maging ang
mga hayop at iba pang tanim na kanilang pinaghirapan ay nagsilbing pagkain at
lakas ng mga Hapones habang ang kanilang mga pamilya ay namamatay sa gutom.
Sila rin ang kadalasang pinaghihinalaang kasapi ng kilusang gerilya. Ang mga
kababaihan sa mga lalawigan at mga bukirin ay naging biktima ng maraming
kalupitan sa kamay ng mga sundalong Hapon.
Sa pamumuno nina Luis Taruc, Jesus Lava, at Jose Banal, naitatag ang
Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapones o ang HUKBALAHAP. Nang lumaon,
tinawag silang HUK. Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang handang
mangalaga sa kanilang mga sakahang kinakamkam ng mga Hapon. Naging
tagapangalaga rin sila ng katahimikan ng kanilang mga bayan. Naging marahas ang
ginawang pagsugpo ng mga HUK sa mga Hapones. Daan-daang Hapones ang
kanilang pinatay. Sinasabing mas higit silang marahas kaysa mga gerilya kaya’t mas
higit silang kinatakutan ng mga Hapon.
Mga Pagkilos ng Mga Sibilyan Katulad ng panahon ng paglaban sa mga
Kastila at Amerikano, ang mga sibilyan ay nagbigay ng suporta sa mga kilusang
nabanggit. Itinatago ang mga sugatan, ginagamot at pinakakain ng palihim. Ginamit
ng mga kababaihan ang kanilang kagandahan sa panlilinlang ng mga Hapon, at ang
mga kabataa’y naging tagapagdala ng mga armas at mensahe upang maipagpatuloy
ang lihim na operasyon ng mga kilusan.
Ang Liberasyon ng mga Pilipino Mula sa Hapon Ang mga Pilipino ay hindi
naghintay lamang sa pagbabalik ng mga Amerikano upang sila ay iligtas sa kuko ng
mga Hapon. Hindi nila hinayaang mayurakan ang kanilang dangal nang walang
kalaban-laban. Sa maliit na paraan, at kahit kulang sa sandata at kagamitan,
isinulong nila ang kanilang karapatan. Nang bumalik si Hen. Douglas MacArthur sa

37
Pilipinas kasama ang mga hukbong Amerikanong lulupig sa mga Hapon noong
Enero 9, 1944, ang mga Pilipino’y hindi nanood lamang. Nagbigay ng dobleng lakas
at tapang ang pagdating ng mga tropang Amerikano upang ang mga Pilipino ay
makilahok sa kanilang liberasyon sa kamay ng mga Hapon. Habang sumusugod ang
mga Amerikano sa mga pampang at himpapawid, mula sa loob ng bansa ay
itinataboy naman ng mga gerilya at ng mga HUK ang mga Hapon sa labas ng mga
lalawigan at bayan-bayan.
Marami ang napoot sa kalabisang ginawa ng mga Hapones sa loob ng
maikling panahon nila sa Pilipinas. Maraming pinsala ang nagawa nila sa ating
bansa at higit sa lahat ay pinaghihirapan ang mga mamamayan. Dahilan sa kanilang
kalupitan na hindi matiis ng mga Pilipino, nagtatag ng mga kilusang gerilya,
HUKBALAHAP, at iba pa upang labanan ang mga pagmamalupit ng mga Hapones.

TANAGA AT HAIKU
Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa
impluwensiya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito ang tula sa
Panahon ng Hapones. Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel noong Panahon ng
Hapones, lumabas ang maiikling tula na tinatawag na tanaga at haiku.
Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga ay
isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na
guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa
tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod), binubuo ng pitong pantig
(walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang
patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng
huling salita sa bawat taludtod) , at puno ng talinghaga.

Halimbawa:

SIPAG KAW LANG


Magsikhay nang mabuti Dasal ko sa Bathala
Sa araw man o gabi Sana’y makapiling ka sa
Hindi mamumulubi uha ko at dusa
Magbubuhay na hari kaw ang aking sigla

38
Samantalang ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong
pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang
pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad
ng una.

Halimbawa: Puno ay sanga Hila mo’t tabak...


Bisagra ay talahib, Ang bulaklak nanginig
Kandado’y suso. Sa paglapit mo...

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsasanay 1

A. Panuto. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?
a. Pamahalaang Parlyamentaryo
b. Pamahalaang Demokratiko
c. Pamahalaang Totalitaryan
d. Pamahalaang Komonwelt
2. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Jose P. Laurel noong
panahon ng pananakop ng mga Hapones?
a. Totalitaryan c. Puppet
b. Military d. Malaya
3. Ano ang tawag sa panahon ng mga Hapones dahil sa takot at pag-
aalinlangan ang naghahari?
a. Panahon ng Kahirapan c. Panahon ng Kapayapaan
b. Panahon ng Kadiliman d. Panahon ng Kasayahan
4. Alin sa mga wikang ito ang itinuro at ipinagamit sa mga paaralan?
a. Kastila c. English
b. Niponggo d. Tagalog
5. Alin ang tama?
a. May higit na kapangyarihan ang Pangulo ng Republika.
b. May posisyon para sa Pangalawang Pangulo.
c. Mga militar na Hapones ang nagpatakbo ng pamahalaan.

39
d. Walang pakialam ang mga Hapones sa pamahalaan.
6. Binuwag ng mga Hapones ang lahat ng mga lapiang pulitikal. Ito’y
nangangahuluga ng:
a. Pag-aalis ng kabuhayan c. Pag-aalis ng pamahalaan
b. Pag-aalis ng kalayaan d. Pag-aalis ng mga samahan
7. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic
dahil sa:
a. Ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga
Hapones.
b. Pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
c. Pilipino lahat ang namumuno.
d. Laruang Puppet ang paboritong nilang laro.

8. Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy nakipaglaban sa mga


Hapones
a. HUKBALAHAP c. Makapili
b. Gerilya d. KALIBAPI
9. Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga
sa
katahimikan ng bayan.
a. Gerilya c. HUKBALAHAP
b. KALIBAPI d. Makapili
10. Ang pulis militar ng Hapones ay tinatawag na
a. Makapili c. Heneral
b. Kempei-tai d. Direktor-heneral

Pagsasanay 2

B. Ilarawan ang pamumuhay noong panahon ng mga Hapon. Magbigay ng 5


halimbawa ng mga umiral na kalagayang pangkabuhayan na tinalakay sa mga aralin.
11.______________________________________________________________
12. ______________________________________________________________
13._______________________________________________________________
14. _______________________________________________________________
15._______________________________________________________________

40
C. Mga patunay o ebidensya na hindi lamang naghintay ang mga Pilipino na iligtas
sila ng mga Amerikano bagkus ay kumilos din upang ipagtanggol ang Pilipinas sa
mga Hapon.
16. ______________________________________________________________
17. ______________________________________________________________
18. ______________________________________________________________
D. Nagtulak sa bansang Hapon upang palawakin ang kanilang teritoryo.
19. ____________________________________________________________
20. ____________________________________________________________
21._____________________________________________________________

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng paglalagom ng tungkol sa


kalagayan ng panitikan sa tatlong panahon na nakapaloob sa handouts na ito – Ang
Panitikan sa Panahon ng Katutubo, Panahon ng Espaṅol at Panahon ng Hapones.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang modyul na ito ay tungkol sa panitikan na binubuo ng tatlong


panahon ay lubos na 1._______________________sa akin sapagkat
2.________________________________ Katulad ng Panahon ng
3.__________________________ ay nalaman ko na
4.________________________, di rin pahuhuli ang Panahon ng
5.________________________ ay 6._______________________ maging
ang Panahon ng 7.__________________________.

Ang tatlong panahon ay nagdulot/ nagpaalala/ nagbigay


8._______________________________ upang mas lalong
9.____________________________________ ito ay aking
10.____________________________________.

41
SANLIGAN NG LAHI…IKARANGAL NATIN

Kumusta na? Ikinatutuwa ko ang iyong pagtatagumpay sa pagsagot


sa Aralin 1 hanggang 4. Muli, magbubukas ako ng mga bagong gawain at aralin
para naman sa Aralin 5, 6, 7, at 8 ito ay nakatuon sa ilang akdang pampanitikan na
lumaganap sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt, Kasarinlan at
Region VIII-Silangang Visayas. Ang ilan sa mga ito ay ang Balagtasan, Sarsuwela,
Sanaysay, Maikling kuwento at Dula.
Bakit umusbong at sumigla ang panitikang Pilipino noong Panahon ng
Amerikano? Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa
panahong ito? Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?
Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o
saloobin ng mga manunulat upang maipahayag nila ang damdaming makabayan sa
Panahon ng Kasarinlan? Tunay bang ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang
bansa? Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t iba’t ibang panahon? Ang
mahahalagang tanong na ito ay magsisilbing gabay mo sa pagtuklas ng
mahahalagang konsepto na nakapaloob sa handouts na ito.

ARALIN 5: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

ALAMIN!

42
Kung relihiyon ang naging pamana ng
mga Español, edukasyon naman ang
naging pangunahing ipinamana ng mga
Amerikano sa Pilipino. Sa panahon ding
ito isinilang ang ilang makatang Pilipino
na nagsulat sa Ingles at Tagalog.
Naitanong mo na ba kung bakit
mahalagang pag-aralan at unawain ang
mga akdang pampanitikang Pilipino sa panahon ng Amerikano? Masasalamin ba sa
mga akda tulad ng Balagtasan at Sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong
naisulat ang mga ito? Sa araling ito, tatalakayin at tutuklasin natin ang sagot sa
mga tanong na ito sa pamamagitan ng ating paglalakbay sa ilang akdang
pampanitikan sa Panahon ng Amerikano at pagsasaliksik sa mga akda.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito


* Balagtasan * Sarsuwela
2. Nauunawaan ang panitikang umusbong sa panahon ng Amerikano.
3. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa binasa.
4. Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga
tanong at puna sa panitikang nabasa.

Basahin at Unawain

Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan


Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito
noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang
tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.
Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa
tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na
patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng

43
lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang
nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga
Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman
isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng
alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga
tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang.

Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay


gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang
paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at
abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng
taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay
lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa
pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga
aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang
maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga
pangyayari at usapan.
Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga
manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de
Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa
pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni
Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong
Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag
dito.
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6,
1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng
iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina
José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya
naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang
Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na
makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic
Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng
Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa
kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920.
Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig,
naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang
mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano

44
(mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga
Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang


pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong
mapabilang sa mga samahang pampanitikan.
Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo
katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang
mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo
ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga
hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may
makabuluhang pangangatuwiran.

Basahin at Unawain

Alam mo ba …
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama
ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag
ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay
nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa
mga samahan ng mga manunulat.
Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol
kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-
patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng
natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng
magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang
oras. Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na
maaaring ilagay bilang may-akda kuwentong ito.
Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa
Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas
kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga
kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya
naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola
Basyang. Unang nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925.
Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela.

45
Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa
España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng
mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang
taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo
ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro
Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez,
ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay
namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina:
Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”,
Hermogenes Ilagan “Dalagang –Bukid”, Juan K. Abad “Tanikalang Ginto”, Juan
Crisostomo Sotto “Anak ng Katupunan”, at Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at
Bukas.”
Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan
ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto
na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng
mga tauhan.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay
hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at
malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na
dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula,
sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na
pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Mga Elemento ng Sarsuwela


1. Iskrip o Nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o Aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay
sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin.
3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula
ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan
ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din.

46
4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip;
siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing
at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang
bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula.
6. Eksena at Tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng
mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsasanay 1

Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang paksa na
karaniwang may Lakandiwa na namamagitan.
a. balagtasan c. karagatan
b. duplo d. karilyo
2. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni
Francisco Baltazar.
a. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan
b. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
c. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata
d. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang
kapanahunan.
3. Ito ay biglaang debate ng lalake at babae ng mga taga-Cebu.
a. Balitao c. Duplero
b. Batutian d. Siday
4. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.
a. Jose Rizal at Andres Bonifacio
b. Juan Luna at Antonio Luna
c. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz
d. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
5. Dahilan kung bakit tinawag na “Huseng Batute” si Jose Corazon de Jesus.
a. Siya ang tagapamagitan sa mga mambibigkas.

47
b. Mahilig siyang magsulat ng Balagtasang hindi pormal.
c. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kaniyang kapanahunan.
d. Pagbibigay-galang ito kay Jose Corazon de Jesus.

Pagsasanay 2

Simulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin mo


muna ang pinagmulan, kahulugan at katangian ng Balagtasan bilang isang akdang
pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa Balagtasan, naghanda ako
ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na ang una para maging gabay mo sa
susunod na tanong.

Lapis ka ba ? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang


pangalan mo sa isip ko…
1. Aklat ka ba?

2. Papel ka ba?

3. Table of Contents ka ba?

4. Bagyo ka ba?

5. Teleserye ka ba?

48
ARALIN 6: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KOMONWELT

ALAMIN!

Ang Panahon ng Komonwelt ay sinasabing Malasariling


Pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ni Manuel L. Quezon. Marahil
ay maitatanong mo sa iyong sarili kung ang panitikan
ba sa panahong ito ay nagpatuloy sa pag-unlad dahil
ang ating bansa ay naging malaya na sa pananakop ng
mga Amerikano. Mahalaga ba ang naging kontribusyon
sa ating bansa ng mga manunulat ng panitikan sa
Panahon ng Komonwelt? Sa tulong ng mga gawaing
inihanda para sa iyo, malalaman mo ang kasagutan sa
mahalagang tanong na ito.
Sa araling ito, ay malalaman mo ang iba pang
panitikang napatanyag sa panahong ito partikular na ang Sanaysay (talumpati) at
Maikling kuwento.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng sanaysay.
2. Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga
tanong at puna sa panitikan.
3. Nalalaman ang uri ng panitikan umusbong sa panahon ng Komonweth.
Ang Sanaysay at Maikling Kuwento

49
Ang Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong
tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro,
saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng
mambabasa. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang
sanay.” Ang Sanaysay ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito
sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag
niyang essai na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas,
isang pagsubok sa anyo ng panulat.

Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o pamilyar.


Narito ang kanilang pagkakakilanlan.

Pormal Di-Pormal o Pamilyar

Nagbibigay ng impormasyon Nagsisilbing aliwan/libangan

Nagbibigay ng mahahalagang Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng


kaisipan o kaalaman sa pagtalakay sa mga paksang
pamamagitan ng makaagham at karaniwan, pang-araw-araw at
lohikal na pagsasaayos sa personal
paksang tinatalakay

Maingat na pinipili ang pananalita Ang pananalita ay parang nakikipag-


usap lamang

Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan ang tono

Obhektibo o di kumikiling sa Subhektibo sapagkat pumapanig sa


damdamin ng may-akda damdamin at paniniwala ng may-akda

Mga Manunulat na Kinilala Noong Panahon ng Komonwelt

1. Lope K. Santos – Banaag at Sikat


2. Jose Corazon de Jesus – Isang Punongkahoy
3. Amado V. Hernadez – Isang Dipang Langit
4. Florentino Collantes – Lumang Simbahan

Mga Manunulat Mga Akda


Genoveva Edroza Matute Ang Anluwage
Buenaventura S. Medina Jr. Ang Dalaginding 50
Adriano P. Landicho Lugmok na ang Nayon
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsasanay 1

Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang bawat aytem


ay tumutukoy tungkol sa sanaysay, ekis (X) kung ito ay
tumutukoy naman sa Maikling kuwento at asterisk (*)
kung parehong tumutukoy sa Sanaysay at Maikling
kuwento.

1. ____ nagbibigay ng mahahalagang kaisipan

2. ____ ito ay orihinal na panitikan ng mga Pilipino

3. ____ nagsisilbing aliwan/libangan

4. ____ kabilang ang sulating pampahayagan

5. ____ may mga tauhang nagsisiganap

6. ____ Obhektibo

7. ____ madulang bahagi ng buhay

8. ____ Tono at mapitagan

9. ____ maaaring iugnay sa sariling karanasan at karanasan ng


ibang tao

10. ____ ginagamitan ng masining o mga tayutay na mga salita o

Pahayag

51
Sa pagtatagumpay mo sa araling ito, ikaw ay aking binabati. Napatunayan
mong muli ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa mga aralin sa sariling sikap at
tiyaga. Sa pagpasok mo sa bagong aralin, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa
pag-aaral sa mga panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Muli kang gagabayan ng
handouts para sa panibagong pagbubukas ng aralin. Hangad ko ang muli mong
pagtatagumpay.

ARALIN 7: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN

ALAMIN!

Natupad ang pangakong


pagbabalik ng mga Amerikano sa
Pilipinasnoong 1945. At sa ika-apat ng Hulyo
taong 1946 isinauli ng mga Amerikano ang
kalayaan ng mga Pilipino. Sa mga panahong ito,
naging balakid ng Pilipinas sa kaniyang
pagsasarili ang Ekonomiyang na apektuhan ng
digmaan.
Ang Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) na binubuo ng mga
gerilyang may pagkiling sa komunismo, ay isa pang hakbang ng digmaan na naging
malaking sagabal sa pambansang kaunlarang pang-ekonomiko. Ngunit isa sa
pinakamahalagang nagawa ng mga Hukbalahap ay ang pagbigay katarungan sa
mga dukha noong panahong ito. Sa panahong ito rin, naging mapangahad sa
makukuhang gantimpala ang mga manunulat. Gayun pa man, hindi rin natin
tahasang masasabing walang wala nang sinumang nag-tataglay ng pag-ibig sa
sining ng panunulat. Naging mga ulirang manunulat na mga Amerikano sina Ernest
Hemingway, John Steinbeck at William Saroyan. Hinangaan ng mga Pilipino ang
husay ng istilo ng kanilang pagsusulat.
Muling sumigla ang panitikan ng mga Pilipino nang panahong ito. Ang halos
naging paksa ng mga akda ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapones, ang kahirapan
ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones, ang kabayanihan at iba
pa.

52
Nabuksang muli ang palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin tulad
ng Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang, Sinag tala at iba pa. Nagkaroon ng laman at hindi
salita’t tugma lamang ang mga tulang Tagalog. May mga nobela ring namalasak.
Umusbong rin at dinumog ng pulu-pulutong mga tao ang pakikinig sa bigkasan ng
tula. Ilan sa mga aklat na nailimbag noong panahong ito ay ang Mga Piling Katha
(1947 – 1948) ni Alejandro Abadilla, Manlilikha, Mga Piling Tula ( 1961 – 1967) ni
Rogelio G. Mangahas, at Ako’y Isang Tinig (1952) ni Genoveva Edroza Matute.
Noong panahong ito rin muling sumigla ang Panitikan sa wikang Ingles. Isa
pang nagpasigla sa mga manunulat natin noong panahong ito ay ang pagkalunsad
ng Timpalak-Palanca o “Palanca Memorial Awards for Literature” na pinamumunuan
ni Ginoong Carlos Palanca, Sr. noong 1950. Magpahangga ngayon, patuloy parin
ang pagbibigay gantimpala.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nauunawaan ang katangian ng panitikan at kultura sa panahon ng


kasarinlan;
2. Natutukoy ang mga tanyag na manunulat sa panahong ito;
3. Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga katangian
nito;
4. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga
akdang pampanitikan;
5. Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y nanatili, nabago o
nawala na.
Naging Ulirang Manunulat na Amerikano sa Mahusay na Teknisismo:
 Ernest Heminway
 William Saroyan
 John Steinbeck
Ang mga panunulat sa estilo ng tatlong manunulat na Amerikanong nabanggit
ang nagbigay ng diwang mapanghimagsik at kapangahasan sa panitikang tagalog at
Ingles.
Mga Naging Paksa ng Panitikan sa Panahong Ito:
 Kalupitan ng mga Hapones
 Ang Kahirapan ng Pamumuhay sa ilalim ng pamahalaan ng mga Hapones
 Kabayanihan ng mga Gerilya

53
Mga Pahayagan at Magasin sa Panahong Ito:
 Liwayway
 Bulaklak
 Ilang-ilang
 Sinag-tala atbp.
Mga Aklat na Nalimbag Sa Panahong Ito:
 Mga Piling Katha (1947-48) ni Alejandro Abadilla
 Mga Maikling Kwentong Tagalog (1886-1948) ni Teodoro Agoncillo
 Ako’y Isang Tinig (1952) – Katipunan ng mga tula at sanaysay ni Genoveva
Edroza Matute
 Mga Piling Sanaysay (1952) ni Alejandro Abadilla
 Maikling Katha ng Dalawampong Pangunahing Autor (1962) nina A.G.
Abadilla at Ponciano B.P. Pineda
 Parnasong Tagalog (1964) Katipunan ng mga piling tula mula kina Huseng
Sisiw at Balagtas na tinipon ni A.G. Abadilla
 Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan (1965) ni Rufino
Alejandro, inihanda niya ang aklat na ito bilang panturo sa pamumuno o
pagpapahalaga sa tula, dula, maikling kwento at nobela
 Manlilikha, Mga Piling Tula (1961-1967) ni Rogelio G. Mangahas
 Mga Piling Akda ng Kadipan (Kapisanang Aklat ng Diwa at Panitik) (1965)
ni Efren Abueg
 Pitong Dula (1968) ni Dionisio Salasar
 Mga Piling Akdang Pilipino (1970) ni Efren Abueg. Sa aklat na ito naipakita
ni Abueg na “Posible ang pambansang integrasyon ng mga kalinangang
etniko sa ating bayan.”
TULA
Ang mga Pilipinong nakilala sa tula ay puno ng imahinasyon at nagtataglay ng
mapangaraping diwa, at matatayog na damdamin at kaisipan, palibhasa’y naging
insprasyon ang mga karanasan naganap at nasaksihan sa sariling bayan. Ang mga
manunulat at makata noon pang unang panahon hanggan sa kasalukuyan ay
nagbibigay-kaalaman sa tunay na larawan ng kapaligiran at may layuning ipaunawa
sa kamalayan ng babasa ang mga ideya, paniniwala at pananaw sa iba’t ibang kulay
ng buhay maging ito ay kahapon ngayon at bukas.

54
Mga Kilala at Tanyag sa Larangan ng Panulaan

Valenriano Hernandez Peňa


Si Valenriano Hernandez Peňa ay isinilang noon Disyembre 12, 1858 sa
San Jose Bulacan. Siya ang bunso ng isang maralitang platero. Tinuruan siya
ng kartilya ng isang matandang kapitbahay at natutong bumasa at sumulat ng
Tagalog sa gulang na sampong taon. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral
sa paaralang bayan. Gumamit siya ng sagisag na “ Kintin Kulirat” sa kanyang
pitak na “ Buhay Maynila” sa pahayagang “Muling Pagsilang” sampung taon
siyang manunulat sa naturang pahayagan. Ang “Muling pagsilang “ ay
nahalinhinan ng Taliba at nagpatuloy sa pagsulat dito ay si Manong Anog.
Ang “Buhay Maynila” ay napasalin kay Jose C. Jesus na gumamit ng sagisag
na “Huseng Batute”nang mamatay si Peňa.

Amado V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez, tinaguriang “ Makata ng Manggagawa” ay isinilang
sa Tondo, Manila noong Septembre 13,1903.Ang kanyang nga tula ay nagtatag-
lay ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga maliliit na dukhang maggagawa
Siya ay isang batikang makata at kilala rin bilang Kuwentista, mamamahayag ,
nobelista, lider ng mga mangagawa at pulitiko.
Ang aklat na Pilipinas na naglalaman ng mga isinulat niyang tula ay
pinagkaloob ng gantimpalang pampanitikan nang pasinayaan ang Komonwelt
noong 1935. Sa pambansang timpalak noong 1939 at 1940 ay nanalo siya sa
larangan ng tula, at dalawampu’t limang ulit siyang nagwagi sa
pagkamakatang laureado sa iba’t ibang timpalak pampanitikan.

Alejandro Abadilla
Ang makata ng bagong panahon na nakapagbago sa tulang Tagalog nang

55
higit kanino man ay si Alijandro Abadilla. Isinilang siya sa Cavite ngunit sa
Maynila higit na nakilala dahil sa mapanghimagsik na impluwensya niya sa anyo
at nilalaman ng tulang Tagalog.

MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento ay tinatawag ding maikling katha o kung tawagin ay
payak na kwento. Ito ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tauhan
(maaring tao, hayop o bagay) na siyang iniikutan ng ibang pangyayari na
nagbubunga ng tunggalian na umaantig ng damdamin ng mambabasa. Ang maikling
katha ay naiiba sa karaniwang salaysay dahil sa mga sumusunod na katangian:
1. Iisang impresyon o kakintalan ang layon ng katha.
2. Iisa ang pangunahing taohan ang inilalarawan.
3. Iisang pangyayari ang isinasalaysay.
4. Iisang paksa ang pinagsisikapang ipaliwanag.
Ang maikling katha ay nagsimula sa dagli (sketches). Nagsisulat ng dagli
sina V. Hernandez Peňa, Lope k. Santos, Iňigo Ed. Regalado, Patricia Mariano, at
iba pa. Maituturing na ang nagpasigla sa pagsusulat ng maikling kathang tagalog ay
ang liguhang Liwayway. Ito ay pinayaman ng iba’t ibang katipunan at ng mga
indibidwal na manunulat, gaya ng Ang Maikling Kwentong tagalog 1886-1948 ni
Teodoro A. Agoncillo; Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute; Mga Agos sa
Disyerto ni Efren R. Abueg at mga kasama; Uhaw ang Tigang na Lupa at iba pang
katha ni Liwayway Arceo, Isang Kalipunan ng mga nagwagi sa Carlos Palanca
Memorial Award ni Dionisio S. Salazar: at iba pa.

Mga Kilala at Tanyag sa Larangan ng Maikling Kwento:


Genoveva Edroza Matute
Si Genoveva Edroza-Matute ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa
rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng
mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon. Maraming ulit
siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na
nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa
Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang

56
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at Ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo
University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling
sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling
kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction,1991-992,ng U.P.Pres

Teodoro A. Agoncillo
Si Teodoro A. Agoncillo ay kilalang manunulat ng kasaysayan. Tinawag
Siyang “Madamdaming Mananaysay” ni Carmen Guerrero Nakpil, isang
kilalang manunulat sa Ingles. Bukod sa mga tula, si Agoncillo ay nagsulat din ng
mga maikling katha at sanaysay. Siya rin ay iginagalang na patnugot ng
magasing Malay na nanuklas ng mga bagong manunulat na sa kasalukuyan ay
may sarili nang pangalan sa ating panitikan.

DULA
Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino. Ipinakikita rito
ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na
naging pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan, naipagpatuloy ng
mga manunulat ang paggamit ng dula bilang isang mabisang kasangkapan sa
pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin, at sa
pagpapakilos ng sambayanan.
Maliban sa sarsuwela na isa sa uri ng dulang pantanghalan may iba pang
mga uri ang dula. Ang dula ay isang akdang itinatanghal sa pamamagitan ng kilos at
galaw sa tanghalan. Ito ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring
naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha,
ang dula ay naglilibang, pumupukaw ng damdamin, at humihingi ng pagbabago. Higit
na nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang
mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng sumusunod na sangkap:
a) tanghalan – kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal
b) iskrip – itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng pangyayaring
isinasaalang-alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip
c) aktor – gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula; sila ang nagpapahayag ng mga
diyalogo, nagsasagawa ng mga aksiyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga
manonood

57
d) direktor – nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip
e) manonood – mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal
f) eksena – ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo ang nagpapalit ng mga pangyayari sa dula.
Nakatulong nang malaki ang dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng
panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw na mailarawan
nang buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyang kalagayang
panlipunan. Naipakilala nila ang dula na isang mabisang kasangkapan sa pagbibigay
ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa pagpapakilos.

Ang Muling Pagsigla ng Panitikan sa Ingles


Maraming pahayagang Ingles ang lumabas tulad ng:
a) Philippines Free Press,
b) Morning Sun nina Sergio Osmeña, Sr.,
c) Daily News nina Ramon Roses,
d) Philippines Herald ng mga Soriano,
e) Chronicle ng mga Lopez at ang Bulletin ni Menzi.
Mga Mamahaling Aklat na Inilimbag ng mga manunulat sa Ingles:
 Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viray – Itoy kalipunan ng mga tula
 Phil. Cross-Section (1950) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros – Ito’y
kalipunan ng mga tula at tuluyan
 Prose and Poems (1952) ni Nick Joaquin
 Phil. Writing (1953) ni T.D. Agcaoli
 Phil. Harvest (1953) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros
 Horizons East (1967) nina Artemio Patacsil at Silverio Baltazar
Timpalac – Palanca o Palanca Memorial Awards for Literature
Pinamunuan ni Ginoong Carlos Palanca Sr.
 Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng gantimpala ang
timpalac na ito bagamat ang tumatag ay yumao na.
Ang larangang pinagkakalooban dito ay ang maikling kwento, dula at tula.
Mga nagwagi sa Unang Taon ng Timpalak:
 Unang gantimpala – “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza
 Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay… Maamong Kamay” ni Pedro
S. Dandan
 Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan at mga Bituin” ni Elpidio P. Kapulong
Mga nakamit na gantimpala ni Huni Dionisio Salazar

58
 Dulang Unang Nagkamit ng Gantimpala sa Timpalac – Palanca
 Ang dulang ito ay naglalahad ng pagsasagawa ng isang panganib at
madugong misyon ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HBN) na ibagsak
ang pamahalaang Pilipino noong Panahon ni Pangulong Magsaysay

Ang Alamat ng Pasig ni Fernando B. Monleon


 Tulang unang nagkamit ng gantimpala sa Timpalak – Palanca noong 1963 -
1964.

59
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Ang Bahaging ito ay makakatulong sa iyo upang maunawan mo ang
mga mahalagang konsepto sa araling iyong binasa.

Pagsasanay 1

PANUTO:
Gamit ang concept map. Ibigay ang mga impormasyong iyong nalaman
sa panahon ng kasarinlan.
Mga Akda na Nalimbag sa
Panahong ito

Mga Akda at Taon (10): May Akda:


Sagot: Sagot
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
_____________
__________________________
____________________________ __________________________
____________________________ __________________________
____________________________ ________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
____________________________
__________________________
___________
______________

60
Pagsasanay 2

PANUTO: Batay sa iyong nalalaman Subukan mong sagutan ang mga hinihingi
sa dayagram kaugnay sa araling iyong binasa. Ito ay pag-alam kung gaano na
ang iyong kaalaman tungkol sa maikling kwento.

Maikling Kwento

Ano ang Maikling Paano ito Ihambing ang maikling


Kwento Lumaganap kwento sa isa pang
Sagot: sa Pilipinas akdang pampanitikan
Sagot:
Sagot:_______________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
_________________ __________________
_____________________
___ ___
___________________

61
ARALIN 8: ANG PANITIKAN SA REHIYON VIII-SILANGANG VISAYAS

ALAMIN!

Kapag pinag – uusapan ang panitikang Waray, ito’y tumutukoy sa


panitikan na nagmula sa Silangang Bisaya; tulad ng Samar, Leyte,
Biliran at iba pang kalapit na pulong nagsasalita ng Waray. Ang
panitikang ito’y nagpasimula pa noong bago dumating ang mga kastila na ang
karamihan sa mga ito ay pasalita. Kahit na ang karamihan sa mga panitikang ito na
sumagana noong panahong iyon, tulag ng bical, canogon, ay hindi na
masusumpungan ngayon,makaririnig ka parin ng panitikang pasalita na ito sa wikang
Waray sa pamamagitan ng katutubong awit, titigohon (bugtong), ismayling at
susumaton (kuwento) na naipon at napanatili para sa atin ng mga mananaliksik at
iskolar.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natutuklasan ang umuusbong na mayamang katha sa pasulat at


pasalitang anyo ng panitikan ng mga taga - rehiyon VIII.
2. Napapahalagahan ang kultura at yaman ng Panitikan ng rehiyon VIII.
3. Nailalapit ang damdamin ng mga Waray sa isa’t isa, hinggil sa mga
panitikang nagpamulat at nagkaroon ng malaking gampanin sa kanilang
pang araw – araw na pamumuhay.
4. Naipagmamalaki o maipakilala ang mayamang panitikan ng rehiyon VIII
sa iba pang mga rehiyon ng Pilipinas.
Panitikang Waray sa Pasalita at Pasulat na uri:
Tigotigo – ay larong bugtong. Ang manlalarong sasali dito ay dapat na
maraming alam na titigohon (bugtong). Sa mga lamay sa
patay, ang mga tao’y nagbubugtungan upang hindi antukin.

62
Titigohan - Sangkap ng larong tigotigo. Isang maiksing tula. Binubuo ng
dalawang linya at naglalarawan sa isang bagay, ngunit ang
paglalarawan ay paghahambing o metapora.

Halimbawa:
Ang bugtong ng pinya:
“Luub hin mga mata, kundi dirio nakita”
(nagpapahayagng balintunang nakatago sa isang maiksi
ngunit malaman na metapora)
Ang bugtong ng usa:
“Kahoy ha kagurangan, waray gamut pero sangahan”
(nagpapakita ng balintuna ng isang puno sa gubat na
maraming sanga ngunit walang ugat)
Ang bugtong ng pilikmata:
“Paghitapo han duha nga bulbulon, an kalibutan nagsirom”
(nagpapakita ng kapilyuhan)

Makikita natin dito ang isang bugtong na galing sa metapora ng sex na siyang
pinagmulan ng isang hindi inaasahang katatawanan. Ang mga bugtong na katulad
nito ay nagbibigay ng katuwaan at katatawanan sa mga kasali habang naglalaro.
Ang isang tula na ang anyo ay mababakas mula sa unang balac ay ang
amoral o ang ismayling Amoral o ismayling – isang tula ng pag – ibig sa pagitan
ng isang babae at isang lalaki. Kadalasan ay kinakanta, ay tumatalakay sa mga
bagay na ukol sa puso.
Mga katutubong awitin na may tema ukol sa pag – ibig hanggang sa
kamanghaan ng tuba.
“An Iroy Nga Tuna”
“Ha Kan Inday”
“ Ako An Bata”
Irignom – lalaking nag – iinuman ng tuba, sa isang pamayanang pagtitipon.
Nagbibigay ng pagkakataon upang umawit at makalikha ng bagong awitin.
Susumaton- Kwento na nais ng taong ulit – ulitin, tulad ng matandang pabula.

63
Halimbawa :
“Hi Antusa, An Asawa San Agta”
“Donya Maria Ngan Don Felipe”
Panitikang nakasulat na umusbong noong 1900:
“Filipinas” ni Casiano Trichera
“Disyembri ika – 30 Han 1896” ni Vicente I. De Veyra
“Andres Bonifacio” ni Eduardo Makabenta

Mga Makatang Waray:


Iluminado Lucente (Julius Carter) – “Baga Durugas” ay umaalala sa panahong ang
mga instik na salaula sa kanilang pagpapatakbo ng restawran at ang mga
opisyal ng sanidad na hindi ginagawa ang trabaho.
Casiano Trichera (Kalantas) – Siyang sumulat ng “Guinkasa hin ‘Casamiento” na
ginlit ang mga kabataan na hindi umaayon sa tradisyunal na panliligaw.
Eduardo Makabenta (Ben Tamaka) – “Mga Sano Buwas” tungkol sa katuwaan sa
mga babaeng nagbago na sa kanilang pananamit.
Vicente I de Veyra (Vatchoo) - “Huy Lider”, kumutya sa mga botante at bulok na
lider – kampanya ng mga kandidato.

Iba pang akdang Waray:


 “Panakayan” ni Francisco Aurillo – hinango sa Jeepney bilang
pampublikong sasakyang na makikita sa lahat ng dako ng Eastern Visayas
 “Labitig”
 “Oras Sirimbahan”
 “Inay Hi ako Mabaya” – nagsasalaysay ukol sa desisyon ng isang anak na
iwanan ang kanilang tahanan at sumapi sa rebolusyon
 “Petsa 12 Bulan Han Nobyembre”

Mga katangi – tanging manunulat ng mga Zarsuela:


 Pedro Separa
 Norberto Romualdez Sr.
 Alfonso Cinco
 Margarita Nonato
 Eduardo Hilvano
 Jesus Ignacio

64
 Virginio Fuentes
 Agustin El O’ Mora

Mga kasamang literaturang oral:


DYVL ng Tacloban (lokal na pahayagan) – pagkakaroon ng araw – araw na
paligsahan ng tula na nilahukan ng mga magsasaka, guro, abogado, at mga
empleyado ng gobyerno. Sa mga paligsahan ito mapapakinggan ng mga local na
makata ang kanilang tula na binabasa papawirin Dramang Waray.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsasanay 1

Panuto: Hulaan an sagot sa mga sumusunod na bugtong.


1. “ako an tam – is, ako an siki ug guliat han kaagahon, ako in ada harapit ha iyo
balay, ano ako…a?” Sagot:
2. “bisita ako, bisita hiya, ako ha gabii, hiya ha aga…” Sagot:
3. “maupay an tunog, maupay pamatian, labi kay impormasyon an dara ko, ano
ako…?” Sagot:
4. “ako in matam’is, marasa ngan makalilipay, pero pagmag – sayop ka , piho!ma
–tuok ngan mabibido ka” Sagot:
5. “gin paura ako, minayuyo ngan higugmaon pa, pero pag piyesta ug selebrasyon,
ako piho papatayon, kairo ko ano..?” Sagot:
6. “ako in gwardya ha balay nga buotan ha mga amo, ngan maisog ha mga bisita,
labi na kun mgarawat ngan maraot…” Sagot:
7. “halaba akon pasensya, na puriga ngan nag- aataman pa…” Sagot:
8. “ako an lamrag han kasisidman, ako in napaabat talagsahon, bisan diin upod mo
ako” Sagot:
9. “hi ako hi ikaw, diri magbubulag, klaro iton, kinikita ta ikaw, kinikita ak nimo”
Sagot:
10. “ma suporta ako ha imo, pagpahuway, paghigda, pag duyog ngan pag kanta”
Sagot:

Alam mo ba na ‘di lamang sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano,


Komonwelt, Kasarinlan at Silangang Visaya lumaganap ang mga akdang

65
pampanitikang natutuhan mo dahil sa kasalukuyan ay may tinatawag na
tayong panitikang popular.. Gusto mo bang malaman ang mga ito? Ikaw,
nasa uso ka ba? In ka ba ngayon? Kung oo, tiyak na makapag-aaral ka na sa
Ikaapat na Handouts na iyong pag-aaralan…ang Repleksiyon ng
Kasalukuyan…Tungo sa Kinabukasan. Maligayang paglalakbay!!!

REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN…TUNGO SA KINABUKASAN

ARALIN 9: PANITIKAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

ALAMIN!

Binabati kita! Ngayon ay magsisimula ka na sa Handouts at Aralin 9


ng iyong pag-aaral sa Panitikang Filipino!
Makaraan ang sampung taong pagka
kasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar at sa
tinatamasang bahagyang pagbabago sa
kalakarang buhay ng mga Pilipino na
nagsimula sa panahon ng Bagong Lipunan,
muling inalis ang bansa sa ilalim ng
nasabing batas noong ika-2 ng Enero, 1981.
Ang pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay isang pagbabago sa
tingin ng mga naglilingkod sa pamahalaan. Sa kanilang pananaw, ang Pilipinas noon
ay isa na namingbagong bansa, kaya’t ito’y tinawag ng dating Pangulong Marcos na
“ANG BAGONG REPUBLIKANG PILIPINAS”.
Isa namang mananalaysay ang nagsabi na ito ang panahon ng Ikatlong
Republika. Ang UNANG REPUBLIKANG kanyang isinaalang-alang ay ang
Republikang Pilipinas sa panahon ni Emilio Aguinaldo; ang IKALAWA ay ang
paglaya natin sa ilalim ng pamahalaang Amerikano; at ang IKATLO, dahil muli na
naman daw naging malaya ang bansa dahil sa pagkakaalis nito sa ilalim ng Batas
Militar.
Ngunit nang panahong ito, di-mapasusubaliang maraming mamamayan ang
tumututol at nagpupuyos ang kalooban dahil sa patuloy na paghihirap ng bansa at di-

66
pagdama sa tunay na kalayaan. Lalo pang nag-alab ang ganitong damdamin nang
patayin noong AGOSTO 21, 1983 ang dating Senador BENIGNO AQUINO JR., ang
idolo ng masang Pilipino na matagal na nilang mithing maging pangulo ng bansa.
Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan nang panahong ito, masasabing
malaki ang naging pagbabago sa ating panitikan. Maraming mga manunulat ang
nangagsisulat ng mga paksang nadarama sa buhay tulad ng PAKIKISAMA,
PAGGAWA, PAGDADALAMHATI, KAHIRAPAN, PULITIKA, AT IMPERYALISMO.
Masasabing maningning pa rin ang Panitikang Filipino nang panahong ito.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nalalaman at nauunawaan ang uri ng panitikan sa panahong ito.


2. Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga
tanong puna sa panitikang nabasa.
3. Natutukoy at nalalaman ang mga tanyag na manunulat at ang kanilang
akda sa panahong ito.

Pagnilayan at Unawain

ANG PANULAANG TAGALOG SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA


Ang mga tula sa panahon ng Ikatlong Republika ay may PAGKAROMANTIKO at
REBOLUSYONARYO. Lantaran kung ito’y tumuligsa sa mga nagaganap noon sa
ating pamahalaan. Ang hinaing ng mga mamamayan ay nakatambad sa wikang
maapoy, marahas, makulay, at tila mapagtungayaw.
Halimbawa ng tula:
* UOD – ni Rodolfo Salandanan
* PILIPINAS, SAWI KONG BAYAN –Francisco Rodrigo
ANG AWITING FILIPINO
Mga paksang madarama sa buhay ang nilalaman ng mga awiting Filipino
nang panahong ito. Ang KALUNGKUTAN o PAGDADALAHAMHATI, KAHIRAPAN,
PAGHAHANGAD NG TUNAY NA KALAYAAN, PAG-IBIG SA DIYOS, SA BAYAN,
AT SA KAPWA, ay ang mga damdamin ng mga awit.
Maraming kompositor ang nalungkot nang paslangin si Ninoy Aquino Jr. noong
Agosto 21, 1983. Kabilang na rito sina CORITHA, ERIC, FREDDIE AGUILAR.

67
Sina Coritha at Eric ay bumuo ng isang awiting pinamagatang “LABAN NA” at
unang inawit itoni Coritha sa isinagawang National Unification Conference ng
Oposisyon noong Marso, 1985. Inawit din ito sa idinaos na “Presidential Campaign
Movement for CORY AQUINO” upang magbigay ng inspirasyon sa kampanya sa
pagpapabagsak sa Marcos Movement noong Pebrero 5, 1986.Narito ang awit:

LABAN NA
Ni Coritha at Eric
I
Ang hangin ay humuhuni/may sinasabi
Tila may daing/ang lahi natin,
Mga alon sa dagat ay may kinakampay
Ang hiniling, saan ka papanig
ha…ha…ha…ha….ha
II
Nangangamba ka ba oh!Pedro
Na baka ika’y mahuli ng bombero
Magpakatatag at huwag dungisan
Ang kalayaang pinaglalaban
Laban na [4x]
At kung ika’y handang sumama
Naririto ang pagkakataon
Repeat II
Laban [12x]
Laban na [6x]

Muling binuhay naman ni Freddie Aguilar ang awiting “BAYAN KO” na sinulat
nina JOSE CORAZON DE JESUS at C. DE GUZMAN noong panahon ng
Amerikano. At dahil sa madamdaming nilalaman at pagiging popular nito,tunghayan
natin ang awit :

PELIKULANG FILIPINO
Nagpatuloy pa rin ang pagdiriwang ng taunang Pista ng mga Pelikulang
Filipino nang panahong ito.

68
Lalong di napigil ang pagkagiliw ng mga tao sa mga pelikulang nauukol sa
SEX. Kaya naman sinamantala ng mga ganitong uri kahit na ito’y nakapagpapababa
sa moralidad ng mga Pilipino.

PAHAYAGAN, KOMIKS, MAGASIN AT IBA PANG BABASAHIN


Tila pulitikang biglang nahati sa dalawang partido ang mga pahayagan nang
panahon ng Ikatlong Republika. May mga pahayagang binansagang mga “CRONY
NEWSPAPERS” ng marami nating mga kababayan dahil sa mga di-makatotohanang
pahayag na taliwas sa mga tunay na nagaganap sa ating kapaligiran. Kabilang sa
mga ito ay ang: BULLETIN TODAY, PEOPLES JOURNAL at PEOPLES TONIGHT
Ang mga pahayagang tinangkilik naman ng marami at pinaniniwalaang
nagpapahayag ng mga totoong pangyayari ay ang FORUM, DAILY INQUIRER,
MANILA TIMES at MALAYA.
Patuloy pa ring tinangkilik ng maraming kabataang Pilipino ang mga komiks
at magasin tulad ng KISLAP, MODERN MAGASIN, BULAKLAK, LIWAYWAY,
EXTRA HOT, JINGLE SENSATION, LOVELIFE, EXTRA ALIWAN, HIWAGA,
HOLIDAY at marami pang iba.

TULANG NAGWAGI SA PALANCA 1981-1985


1981-TAGA SA BATO – ni Romulo Sandoval/sagisag-panulat Victor Buenviaje
1982-ODYSSEY NG SIGLO –ni Cresenciano C. Marquez Jr./sagisag-panulat Eva A.
Dan
1983-SA PANAHON NG LIGALIG –ni Jose F. Lacaba/sagisag-panulat Bernardo
Makiling
1984-BAKASYUNISTA –ni Tomas Agulto/ sagisag-panulat na Sarhento J. dela Cruz
1985-PUNTA BLANGKO –ni Mike Bigornia/ sagisag-panulat na Haraya Negra
MAIKLING KUWENTO 1981-1985
1981- DI MO MASILIP ANG LANGIT ni Benjamin Pascual/ sagisag-panulat na
RADAMEN
1982 – TATLONG KWENTO NG BUHAY NI JUAN CANDELABRA ni Lualhati
Bautista/sagisag-panulat na JOY MARELA
1983 – PINAGDUDTUNG-DUGTONG NA HININGA MULA SA ISKINITANG
PINAGPIYESTAHAN NG MGA BANGAW ni Agapito M. Lugay/ sagisag-
panulat na PEPING DELA CRUZ
1984 – SA KADUWAGAN NG PILIKMATA ni Fidel Rillo Jr./ sagisag-panulat na
VIRGINIA RIVERA

69
1985 – UNANG BINYAG ni Ernie Yang / sagisag-panulat na HOMER

Sa kabuuang tanaw, mga SANAYSAY, MGA AWIT, MGA TALUMPATI at


mga TULA pa rin ang masasabing nangunguna sa sangay ng Panitikang
Filipino nang Panahon ng Ikatlong Republika.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pagsasanay 1

PANUTO:
Gamit ang concept map.Ibigay ang mga impormasyong iyong nalaman
sa panahon ng Ikatlong Republika.

Mga Tula at Maikling kuwentong


Nagwagi sa Palanca 1981-1985

Mga Manunulat: Mga Akda:


Sagot: Sagot

Taon:
Sagot

70
ARALIN 10: KONTEMPORARYONG PANITIKAN TUNGO SA
KULTURA AT PANITIKANG POPULAR

ALAMIN!

Sa modyul na ito,
matutuklasan mo at mauunawaan ang
kulturang popular sa kasalukuyan sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mga
babasahing popular (tabloid, komiks, magasin
at kontemporaryong dagli), broadcast media
(radyo at telebisyon) at pelikula.
Masasabing malaki na ang naging pag-
unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating bansa. Ang paglaganap ng
Internet, pag-usbong ng iba’t ibang social media network gaya ng Facebook at
Twitter, gayundin ang pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga website
gaya ng YouTube ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Ang
pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyo ng
panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyunal na anyo nito. Paano
nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa
panitikang popular? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong na ito sa
pagpapatuloy mo ng iyong pag-aaral.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng


teksto gaya ng:
 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto
2. Nalalaman at nauunawaan ang uri ng panitikan kasalukuyang panahon.
3. Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga
tanong at puna sa panitikang nabasa.

71
Basahin at Unawain.

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng
modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon
lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan
ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at magasin ay nauulit lamang ang
paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng panitikan. Kung susuriin,
nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, at kaalamang teknikal ang
kontemporaryong panitikan.

Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga
balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan
hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating
paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni
William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa “Sanib-Isip”
(http://williamrodriguez11.blogspot) tungkol sa tabloid

Tabloid: Isang Pagsusuri


William Rodriguez II

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya


lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga
bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon
at naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay di
naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may
epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong
hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura, o 'di kaya'y magsagot
ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng

72
mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang
tabloid ay pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles ang
midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun
nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan
kaya't tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng
dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang naman
sa weekly tabloid na nagsi-circulate sa bansa. Huwag ng isama ang mga diyaryo na
wala sa merkado na kaya lang nakakapagpatuloy ay dahil sa pagpi-PR sa mga
politiko. Ang ilang tabloid ay konektado rin sa broadsheet at mayroon ding mga
publishing na dalawa o tatlo pa ang hawak na diyaryo. Mapapansing marami sa mga
tabloid na ibinebenta ay pawang nagtatampok ng mga istoryang ukol sa sex at
nagpapakita ng mga larawang hubad ng kababaihan; pangiliti lang daw. Ngunit ang
totoo ay pinupuntirya nila ang libido ng tao para lang makabenta. Tuloy, mababa ang
tingin ng iba sa mga tabloid dahil sa ganitong kalakaran. Pumasok din sa eksena ang
mga smut tabloid na sagad sa kalaswaan!
Mahalaga pa naman ang ginagampanan ng media sa paghubog ng kaisipan
ng mamamayan. Kaya nitong bumuo at magwasak ng isang indibidwal o kahit
institusyon. Mabuti na lamang at may matitino pa ring tabloid. Siyempre, kabilang na
rito ang PINAS na nagtataguyod ng alternatibong pamamahayag.

KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan
ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang
komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining
na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga
artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

73
Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito.

Kuwadro-
Naglalaman ng Pamagat ng
isang tagpo sa kuwento
kuwento (frame)
Larawang guhit
ng mga tauhan
Kahon ng sa kuwento
Salaysay-
Lobo ng usapan-
Pinagsusulatan Pinagsusulatan ng
ng maikling usapan ng mga
salaysay tungkol tauhan; may iba’t
sa tagpo Manunulat ibang anyo ito batay
Isinulat ni Carlo J. sa inilalarawan ng
Caparas. Mula sa dibuhista.
Komiklopedia.wordpress.
com.

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular


na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang
kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo
ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa
mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.
Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-
kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong
tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang
mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki
kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na
lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks,
maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

74
Mga larawan mula sa
Philippine Online Chronicles

Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-


unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa
magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong
at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa
Asya.

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang


lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito
noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng
Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong
1949, at Silangan Komiks noong 1950.

75
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina
ang benta ng komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at
ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang
kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta Ito nang pag-alis ng mga
dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa
parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar
Amongo, Alex Niño at iba pa.
Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng
komiks. Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S.
Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng
mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990
dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin
ang industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J.
Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang
tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa
nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi lamang sa
Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi
maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class'
ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang
galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing
pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga
komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan,
Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.

Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin


ang komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA
KOMIKS. “Hindi mama-matay ang komiks dahil may kakanyahan ito.
Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi
mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may
mga mata para makakita at bibig para makabasa-magpapatuloy ang
eksistensiya ng komiks.”

MAGASIN

76
MAGASIN

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa


Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na
mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago
pa man ang Digma-ang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay
talaga naming inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin
ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan,
naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay,
pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang
mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang
kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na
detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga
isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

77
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauu-nawa sa
sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga
isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng
timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito,
kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo
ng negosyo.

KONTEMPORARYONG DAGLI

KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling
maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa
Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli
ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito
aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga
manunulat ng dagli sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang
Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin),
Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na
sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng
pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at
nagpatuloy hanggang 1930. Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat
ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang
mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas.

78
Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog
ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw noon kung
anong uri ang itatawag sa
Akdang anyong prosa ngunit patula ang himig. Nagkaroon lamang ng
linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng
1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim
ng sagisag-panulat.
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap
nila ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936”
ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na
lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang
babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang
kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa
mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli
mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging
nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story)
sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon.
Aniya,“na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at
nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota,
slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong
uri ng kwento sa media).”

79
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o


sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr.
Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas
(1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na
umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at
diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga
probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng
kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong
Paspasan” na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011
naman nang mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga
Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon
sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring
pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang
paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng
mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang
Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa
isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit at partikular
na karanasan…Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng
bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa
tulang tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R.
Barros "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki,
babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.”
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.”
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa
bibig.” "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa
pahayagan."
(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

80
Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan
na hinango sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde
Jr., isang manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa
Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na
pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong
Paspasan,” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento
ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera
ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S.
Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang
pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael
Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap,
Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng pag-uusap
ay naisulat at nailathala ang aklat na “Kislap” ng manunulat na si Abdon
M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng mga
kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi hihigit sa 150
salita.

81
Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na
umabot sa 100 na salita.
HAHAMAKIN ANG LAHAT
Abdon M. Balde Jr.
(Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na
inilathala ng ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang
kabuuan ng dagling katha)
Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr.
Sinundan naman ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni
Eros Atalia na kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli. Ayon sa
manunulat, halos tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan
siyang isulat ito kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala.
Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang
Pilipino Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala
ng Visual Print Enterprises noong Disyembre, taong 2011.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Ang Bahaging ito ay makakatulong sa iyo upang maunawan mo ang mga
mahalagang konsepto sa araling iyong binasa.

Pagsasanay 1

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita.


1. Komiks

Mga Bahagi ng Komiks:

2. Magasin

82
3. Dagli

4. Tabloid

Pagsasanay 2

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1) Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa
broadsheet?

2) Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang paglaganap ng


Internet,
bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?

83
Pagsasanay 3

Panuto: Lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat


kuwadro ng komiks strip upang makabuo ng isang kuwento.

84
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?

2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at
ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?

Binabati kita at matagumpay mong nasagot ang mga gawain sa


bawat Aralin ng Handouts na ito. Naniniwala akong naunawaan mo ang
mahahalagang konsepto na nais kong iwanan sa iyo na magagamit mo
sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Nawa’y naging makabuluhan

85
sa iyo ang ginawa nating pag-aaral. Muli, maligayang paglalakbay sa
pagtuklas ng bagong karunungan.

MGA SANGGUNIAN:
A.Teksbuk:

Abueg, Efren K. (2012). MUHON: Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng


Pilipinas.Malabon City: JIMCZYVILLE Publication.
Arogante, Jose A. et.al. (1989). Panitikang Filipino:Pampanahong Elektroniko
Metro Manila:national Book Store.
Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., (2009) Pluma I Wika at Panitikan para

86
sa Mataas na Paaralan. Alma M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing
House, Inc., .
Casanova, P. Arthur P. et.al., (2005) Panitikang Pilipino. Rex Bookstore Inc.
Quezon City.
Cruz, Isagani R. Ang Ating Panitikan. (2001). Manila: Goodwill Book Store,Inc.
Evasco, Eugene at Ortiz Will.(2008).PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing
Pagsulat. C & E Publishing, Inc. Quezon City.
Rubin, Ligaya T.et.al. (2001). Panitikan sa Pilipinas.Quezon City: Rex Book
Store,Inc.
Villafuerte, Patrocinio, V.et.al.(2001). Panitikang Panrehiyonsa
Pilipinas.Valenzuela: Mutya Publishing House.

B. Mga nalathalang artikulo sa internet:

Aňonuevo, Roberto Alimbukad (http://alimbukad.com/2008/08/08/angeditoryal-bilang-


lunsaran-ng-panunuri/)Date Accessed April 10, 2020.
https://www.academia.edu/15273241/8_Panitikang_Pilipino_Filipino_M. Accessed
April 14, 2020
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-mo. Accessed
April 24, 2020
https://www.scribd.com/doc/150100671/Filipino-Grade-8-Learning-. Accessed April
26, 2020
https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_teache. Accessed May
5, 2020
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html. Accessed May
14, 2020
https://www.coursehero.com/file/50418142/Panitikan-ng-Pilipinasdoc. Accessed
May 15, 2020
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1094. Accessed May 22, 2020.

87

You might also like