You are on page 1of 6

1) May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa

panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito
sina Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba

Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang tunay na panitikan ay


walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-
araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

Jose Arrogante - Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan
kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay
ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa
pamamagitan ng malikhain pamamaraan.

Zeus Salazar - Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na
nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na
maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin
itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.

Honorio Azarias - nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa


pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.

Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Nasasalamin ang mga


layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na
nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na
mga pahayag

Terry Eagleton - maraming mga paraan para bigyang kahulugan ang panitikan. Unang-una,
maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit ang mga malikhaing salita o talinghaga. Ito
ang tinatawag na “fiction”. Subalit nagbigay siya ng argumento na hindi lahat ng malikhaing
akda ay matatawag na panitikan. Kabilang dito ang mga komiks, pelikula, telebisyon, at
pocketbooks (romance novels) na bunga ng isang malikhaing pag-iisip subalit hindi
itinuturing na panitikan.

2) Ang pagkakaiba nito ay ang panitikan ay tungkol sa pagsulat ng tuwiran tuluyan at patula
tungkol sa mga paksa noon hanggang kasalukuyan. Ang kasaysayan naman ay tungkol sa
pag-aaral,pag-tala ng impormasyon sa mga pangyayari sa nkaraan. Sapagkat sila ay
magkasama dahil kung walang panitikan,walang kasaysayan, dahil sinusulat ng mga
manunulat ang mga pangyayari at paksa sa nakaraan at sa ngayon.
3) May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) – maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob


ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) – pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng
mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga
taludtod sa isang saknong.
A. Alamat – isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at
kuwentong-bayan.

B. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri:
kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga
ginagawa ng mga tao.

C. Nobela o kathambuhay– isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang


kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito
ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

D. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at
lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral
E. Parabula– ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang
isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang
hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.

F. Maikling Kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

G. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

H. Sanaysay – isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-


kuro ng may-akda.

I. Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao


hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

J. Talumpati – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng


pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

K. Kuwentong-bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki,
o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito

l. Balita -mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o bansa.

Uri ng Panitikan

1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang


imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at iba pa.

2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng
talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at
patanghal.

Patula
Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga
taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-
tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang
patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng
mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang
paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin
ang bawat isa sa mga ito:[3]
 Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahahalaga sa
buhay ng tao. Mayroon itong tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at kurido, at
ang balad.
 May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-
bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda.
 May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal:
ang komedya, trahedya, parsa, saynete, at melodrama.
 May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan
 + Awit at + Balad + Bugtong
Korido + Sawikain + Kantahin
+ Epiko + Salawikain + Tanaga

Patuluyan
Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-araw na
paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan
ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.[3]
Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay,
at kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat, mulamat
o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.

Patanghal
Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga
bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap
na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga
yugto na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa
moro-moro, na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo.
Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.

Halimbawa ng Panitikan

1.) Alamat 4.) Epiko 8.) Tayutay


2.) Bugtong 5.) Pasyon 9.) Parabula
3.) Salawikain o 6.) Talumpati 10.) Palaisipan
Sawikain 7.) Tula

4) Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-
sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang
diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng
isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang
halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang
bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa. Sa panlipunan,
pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng
tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.

Upang maunawaan natin ang mga nangyari sa nakaraan. Pagpapahalaga sa ating kasaysayan
nang sa gayon ay lumawak ang ating kaalaman tungkol sa nakaraan. Lumalawak din ang ating
pangunawa upang maliwanagan tayo at maharap natin ang hinaharap o ang kasalukuyan ng tama
at walang pag-aalinlangan. Isa sa kahalagahan ng kasaysayan ay ang pagkakaroon natin ng
kaalaman tungkol sa mga kaganapang nangyari noon at ang mga bagay na ating napagyaman sa
pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Ang kaalaman sa ating kasaysayan o pinagmulan o pangyayari noong mga nakalipas na panahon
ay tumutulong sa pag-unlad ngayon. Napapag-aralan natin kung saan tayo nagkamali at maari
nating maayos na ay maari nating pag-ibayuhin o i-develop para mapakinabangan o mapagbuti.
Kung ano tayo ngayon ay may malaking epekto mula sa ating kasaysayan.
Mahalagang pag-aralan ang kasaysayan. Mula sa kasyaysayan,nalalaman ng mga tao ang mga
pangyayaring naganap sa bansa sa iba't-ibang panahon. Nauunawaan ang mga impluwensyang
dulot sa ng pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang tao sa ibang bansa. Gayundin,nauunawaan
kung paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao ang ginawang pananakop ng mga iba't-ibang
dayuhan sa mga iba't-ibang bansa.
Mahalagang pag-aralan ang ating kasaysayan sapagkat nabubuksan ang bawat kamalayan sa mga
bagay-bagay kung paano at saan nagmula ang mga ito at mabigyan din ng kasagutan ang bawat
katanungan tungkol sa sangkatauhan at sandaigdigan ng sa gayo`y maiwasan ang
kamangmangan sa ating nakaraan,kasalukuyan at sa hinaharap.

Mga katangian ng Panitikang Pilipino


Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na
guni-guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy,
panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay
ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May búhay ang panitikan sapagkat may
sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng
isang buong lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.
Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o
pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.
Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng
panitikan sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya.
Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan
sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape
recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter. Dahil
sa internet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa nang
instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa
kanilang pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.

5) Iyung pagtanggal ng Filipino ay isang paglabag sa Konstitusyon, sa Artikulo 14 Seksyon 6,


ang wikang pambansa ay nasa Filipino, at [dapat] gagamitin sa ano mang antas ng edukasyon sa
Pilipinas. Kung tatanggalin mo siya... hindi mo sinusunod ang espirito ng Konstitusyon.
Article XIV SEKSYON 6.  Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.  Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
    Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
Mathematics is a language for conveying relations. Science tries to find the invariant
relationships in nature. Any knowledge is about relationships. Any living creature is in
relation to a nature by way of its body. The configuration of this relation is fixed in the
sense-acting system of the living creature displaying as a mirror nature from a particular
viewpoint.

The basic of mathematics and science is inherent and it is why we could afterward
rediscover this by creating science and mathematics.   The relations between mathematics,
science, and nature provide very rich abundant ground for good questions and thoughts.

Nature is the world or universe as it occurs. Science is the process of analysis the world,
to know how it works. Mathematics is the language we use to convey the value of many
measurements such as quantity, time, length, energy, and much more. Also, it is used to
compare the interactions or happenings we observe.

Mathematics is one of the essential tools used by science or physical science to reveal the
workings of nature. Those are mostly out of straight sight of the unassisted senses. Also,
physical science is the best method formulated to understand how the world works. But
this science does have limitations.

You might also like