You are on page 1of 9

UNDERSTANDING BY DESIGN (UbD)

o Backward Design ni Wiggins at McTighe


Ipaintindi muna sa kanila ang kahahantungan ng ulat, kasi ito yung konsepto ng UBD.
Magsimula sa huli.
Bago ako magsimula ay sasabihin ko na sa inyo bakit natin pinag-aaralan ang konsepto ng UBD.
Ano ang purpose? Ano ang pakinabang?
ITO AY GABAY SA PAGPAPLANONG PANG-AKADEMIKO, lalo na sa pagdidisenyo ng
kurikulum. Ang UbD ay naglalayong mailipat ang pagkatuto upang makalikha ng mga
independent problem-solvers. Binibigyan natin sila (mag-aaral) ng pag-unawa, kakayahan at
kaalaman na esensyal sa makatotohanang sitwasyon sa buhay. Ngunit paano? Ang Punto…
Ang Understanding By Design (UbD) ay isang balangkas na pang-edukasyon na binuo nina
Grant Wiggins at Jay McTighe na nakatuon sa pagdidisenyo ng kurikulum, mga pagtatasa, at
pagtuturo sa pamamagitan ng pagsisimula nang nasa isip ang mga layunin sa pagtatapos.
Malawakang naaangkop ang UbD sa iba't ibang setting ng edukasyon at maaaring gamitin sa
mga sumusunod na konteksto
1. Mga K-12 Schools: Understanding By Design ay maaaring ipatupad sa elementarya, middle,
at high school para magdisenyo ng kurikulum at mga plano sa pagtuturo na nagtataguyod ng mas
malalim na pag-unawa at pangmatagalang pagpapanatili ng kaalaman.
2. Mas Mataas na Edukasyon: Ang mga prinsipyo ng UbD ay maaaring ilapat sa mga kolehiyo
at unibersidad upang bumuo ng mga kurso at programa na umaayon sa ninanais na mga resulta
ng pag-aaral at magsulong ng kritikal na pag-iisip, paglutas ng problema, at pag-unawa sa
konsepto.
3. Propesyonal na Pag-unlad: Ang Pag-unawa sa Pamamagitan ng Disenyo ay maaaring
gamitin sa mga programa ng propesyonal na pagpapaunlad para sa mga tagapagturo upang
mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagtuturo, magsulong ng mga epektibong diskarte sa
pagtatasa, at mapabuti ang disenyo ng kurikulum.
4. Pagpaplano ng Kurikulum sa buong distrito: Maaaring gamitin ng mga distrito ng paaralan
ang UbD bilang balangkas para sa pagpaplano ng kurikulum sa buong distrito upang matiyak ang
pagkakaugnay-ugnay, pagkakahanay, at pagkakapare-pareho sa iba't ibang antas ng baitang at
paksa.
5. Mga Programa sa Paghahanda ng Guro: Maaaring isama ng mga institusyong pang-
edukasyon ng guro ang mga prinsipyo ng UbD sa kanilang mga programa sa paghahanda ng
guro upang masangkapan ang mga magiging tagapagturo ng mga kasanayan at kaalaman na
kinakailangan upang magdisenyo ng pagtuturo na sumusuporta sa pag-unawa at tagumpay ng
mag-aaral.
6. Mga Kapaligiran sa Online na Pag-aaral: Ang Pag-unawa sa Pamamagitan ng Disenyo ay
maaaring ilapat sa mga online na kapaligiran sa pag-aaral upang bumuo ng nakakaengganyo at
interactive na digital na kurikulum, mga pagtatasa, at mga materyales sa pagtuturo.
7. Educational Leadership: Maaaring gamitin ng mga administrator at educational leaders ang
UbD para gabayan ang estratehikong pagpaplano, magtakda ng mga layunin sa pag-aaral, at
suriin ang pagiging epektibo ng mga programa at inisyatiba sa edukasyon.
Mahalagang tandaan na ang UbD ay isang versatile na balangkas na maaaring iakma sa iba't
ibang konteksto ng edukasyon at paksa. Ang pagbibigay-diin nito sa pag-unawa, paglipat ng pag-
aaral, at pagkakahanay ng kurikulum, pagtatasa, at pagtuturo ay ginagawa itong naaangkop sa
isang malawak na hanay ng mga setting ng edukasyon.

I. PANIMULA
Ang UbD o Understanding by Design ay pag-iintegreyt o pagsasama ng kurikulum,
pagtuturo, at pagtataya sa isang yunit ng aralin sa anumang disiplina. Ito ay isang disenyong
pangyunit na tinatanaw ang kahahantungan ng pagkatuto (Beginning with the end in mind).
Isang dulog sa pagpaplanong edukasyonal upang mapaunlad ang makabuluhang pag-unawa at
paglilipat ng pagkatuto sa pamamagitan ng pabaliktad na disenyo. Ano ang UbD?
Punto ng UbD: PAANO ITO GINAGAMIT SA PAARALAN O SA KLASRUM MISMO?
1. Upang makapagsimula, dapat na magsimula sa huli: Linawin ang kalalabasan at ang mga
patibay nito bago idisenyo ang aralin.
Paano nga ba dinidisenyo ang isang aralin? Edi lesson plan, sakaoy?
2. Ang UbD ay masusing pag-iisip sa disenyo; HINDI ito isang programa.
3. Ang pag-iisip sa sarili bilang isang assessor o tagataya (hindi lamang ang mga gawain ang
idedesenyo) ay susi sa epektibong pagdidisenyo.
4. Ang trabaho ay nasa makabuluhang mga gawain liban kung ang pokus ay nasa pagtatanong at
malaking ideya na may kaugnayan sa mga pamantayan/standard
Marami sa mga mag-aaral ay ang natututo nang hindi nag-iisip. Gawi na sa pagtuturo ang pag-
uulit. Kadalasan, ang mga pagsusulit ay pagbabalik-aral lamang/pag- alala. Nasaan ang malalim
na pag-iisip? Ang pokus ng pagkatuto ay HINDI:
 Ang Libro: ito ay sanggunian (reperensiya lamang)
 Mga Gawain: ito ay mga hakbang (hakbang sa pagkatuto)
 Ang Nilalaman: ito ay dapat namamaster.(nakukuha, naipapasok sa utak at nagagamit)
May MALAKING kaibahan ang mga salitang PAG-ALAM (knowing) at PAG-UNAWA
(Understanding)
Pag-alam – Pagtuklas lamang
Pag-unawa – Pagkakaroon ng kamalayan
Ano ang maibubunga ng masteri sa nilalaman (content)?
1. Nagbibigay ideya sa kahahantungan ng pagkatuto.
2. Ang kahahantungan ay:
 Mabigyan ang mga mag-aaral ng makatotohanang kagamitan sa pagreresolba ng mga
probelema.
 Mabigyan sila ng kakayahan magplano at solusyunan ang anumang problema na may
kinalaman sa content/nilalaman.
 Gawin silang mga mag-aaral na handa sa buhay (Life- long Learners)
Halimbawa:
Nilalaman: Gramatika
Nais mong matuto ang iyong mga mag-aaral sa gramatika, magamit ito sa anumang uri ng
komunikasyon (Pasulat o pasalita) nang independent. Kaya, idesenyo ang yunit ng
PABALIKTAD mula sa mga pagsubok at problemang pangkomunikasyong na nais mong
solusyunan ng iyong mga mag-aaral sa kanilang sarili.

TATLONG BAHAGI NG UBD


1. Tukuyin ang nais na resulta (Desired Results)
 Ano ang nais kong maunawaan at magawa ng aking mga mag-aaral?
2. Alamin ang mga katanggap-tanggap na mga patunay (Assessment Evidence)
 Paano ko malalaman na alam nila kung ano ang nais kong malaman nila?
3. Magplano ng Karanasang Pampagkatuto (Learning Plan)
 Ano ang dapat kong gawin sa loob ng klase upang maihanda sila sa pagtataya?
STAGE I: IDENTIFY DESIRED RESULTS
Stage 1 focuses on “transfer of learning.” Essential companion questions are used to
engage learners in thoughtful “meaning making” to help them develop and deepen their
understanding of important ideas and processes that support such transfer.
FIGURE 1—SAMPLE TRANSFER GOALS
Discipline/Subject/Skill Transfer Goals
 Apply mathematical knowledge,
Mathematics skill, and reasoning to solve real-
world problem
 Effectively write for various
audiences to explain (narrative,
Writing expository), entertain (creative),
persuade (persuasive), and help
others perform a task (technical).
 Apply lessons of the past
(historical patterns) to current and
History future events and issues.
 Critically appraise historical
claims.
 Create and perform an original
Arts work in a selected medium to
express ideas or evoke mood and
emotion

IDENTIFY DESIRED RESULTS


Sumasagot sa mga tanong na, “Anong layunin ang aking binibigyang pansin? Ano ang
punto? Paano ito aakma at aangkla sa mga pamantayang pangnilalaman? Ano ang maitutulong
nito pagkatapos ng pagkatuto? Ano ang pinakalayunin?
Ang sagot: BIG IDEAS/Mahalagang Kaisipan. Ano ang BIG IDEAS/Mahalagang
Kaisipan? Ito ay mga KONSEPTO. Ang core idea sa puso ng anumang disiplina.
Ito ay enduring: nagtatagal at may unibersal na halaga. Ito ay maaari ring ilipat sa iba
pang disiplina. Kaugnay ng mga pakto at kakayahan. Nangangailangan ng “Un-coverage” o
“Unpacking.” STAGE 1 Identify Desired Results
Paano masasabing Mahalagang Kaisipan o Big Idea?
a. Mayroong ba itong mga pagpapakahulugan na hindi pamilyar sa mga di gaanong maalam na
tao?
b. Nagbibigay ba ito ng malalim na kahulugan at kaisipan sa paksa?
c. Kailangan ba ng malalim na pag-unawa sa kahulugan nito at sa implikasyon nito kahit na
mayroon ka nang paimbabaw na kaalaman rito? Maaari din ba itong maging sanhi ng hindi
pagkakaunawaan?
d. Maaari bang baguhin ang kahulugan at kahalagahan nito?
e. Sinasalamin ba nito ang mga mahalagang kaisipan alinsunod sa pagtataya ng mga eksperto?
Pag-unawa (Understanding)
Ano ang mga kaisipang matatamo ng mga mag-aaral sa mga kahulugan ng nilalaman/content sa
tulong ng Big Ideas?
 Ang pag-unawa ay lumalahat sa mga kaisipang nais nating mapagtanto ng mga mag-aaral
sa Big Ideas.
 Ang pag-unawa ay nag-uugnay sa mga bagay; binibigyang kahulugan nito ang kaisipan at
nagbibigay buhay sa mga pakto at kakayahan.
Understanding (Pag-unawa) nakasulat na pasaklaw at umikot sa Big Ideas. Nagsisimula sa sa
pariralang “nauunawaan ng mga mag- aaral na hindi ito iyong dati nang nabasa o nakita.”
Mahalagang Tanong
Mga mahalagang tanong na lilitaw sa tanang buhay ng tao. Tinutulungan ang mga mag- aaral na
bigyang kahulugan ang Big IDEAS sa pamamagitan ng pagtatanong at pagbuo ng mga desisyon.
Nagmomotiba.
Pagbuo ng Enduring Understanding (EU) at Essential Question (EQ)
FIGURE 2—SAMPLE UNDERSTANDINGS AND ESSENTIAL QUESTIONS
Understandings Essential Questions
Great literature explores universal themes How can stories from other places and
of human existence times relate to our current lives?
and can reveal truths through
fiction
Quantitative data can be collected, What’s the best way of showing (or
organized, and displayed in a variety of representing) ______________?
ways. Mathematical ideas can be In what other way(s) can this be
represented numerically, graphically, or represented?
symbolically.
The geography, climate, and natural How does where we live influence how
resources of a region influence the we
culture, economy, and lifestyle of its live?
inhabitants.
The relationship between the arts and In what ways do the arts reflect as well as
culture is mutually dependent; culture shape culture?
affects the arts, and the arts reflect and
preserve culture.

Important knowledge and skill objectives, targeted by established standards, are also
identified in Stage 1. An important point in the UbD framework is to recognize that factual
knowledge and skills are not taught for their own sake, but as a means to larger ends. Acquisition
of content is a means, in the service of meaning making and transfer. Ultimately, teaching should
equip learners to be able to use or transfer their learning (i.e., meaningful performance with
content). This is the result we always want to keep in mind

STAGE 2: ASSESSMENT EVIDENCE


Dito mauunawaan na ang UbD ay kaiba sa iba pang mga kumbensyunal na disenyong
pangyunit at plano. Bago iplano ang mga gawain, kailangan munang paghandaan ang pagtataya.
Dito na lohikal na isinasaayos ang mga gawain na tiniyak upang makamit ang ninanais na target.
Kadalasang ang mga pagtataya ay hindi maingat na ginagawa lalo pa at ikinukuksidera dito ang
mga ebidensyang kakailanganin sa pagkalkula ng grado. Kaya mahalagang ikonsidera dito kung
paano malalaman na ang mga mag-aaral ay:
 Natamo ang target sa pamamagitan ng performans?
 Nakaunawa?
 May malalim na pokus sa mga Essential Questions?
Ang pag-unawa ay nadedebelop bilang resulta ng pantuloy na pagsisiyasat. Umisip ng
epektibong pagtataya tulad ng scrapbook ng mga magaganda at makabuluhang larawan liban sa
isang snapshot. Lumikom ng maraming impormal na ebidensya sa iba’t ibang barayti ng pormat.

Ang Performance Task ay:


a. Ikinokontekstwalisado ng mga mag-aaral sa makatotohanang sitwasyon.
b. Hinayahaan ang mga mag-aaral na humusga at lumikha.
c. Napaglalakbay ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mga asignatura tulad ng mga propesyunal
sa iba’t ibang larangan.
d. Narereplika nito ang mga mapanghamong sitwasyon kung saan ang kakayahan ng tao sa buhat
ay trabaho ay nasusubok.
e. Nagbibigay oportunidad upang makapagsagawa, makapagkonsulta, makatanggap ng pidbak at
makalikha ng repinadong performance.
f. Nakaangkla sa Standard/pamantayan
g. Nakasulat sa pormang GRASPS
G-Goal (Anong gawain ang nais kong matamo ng aking mga mag-aaral?)
R- Role (Ano ang papel na gagampanan ng mga mag-aaral sa gawain?)
A-Audience (Sino ang target na audience ng mga mag-aaral?)
S-Situation (Ano ang konteksto? Ano ang pagsubok?)
P-Performance/Product (Ano ang madedebelop o malilikha ng mga mag- aaral?)
S- Standards (Ano ang krayteryang batayan sa paghatol?)
Awtentikong Performance Task - Gawing makatotohanan ang mga problemang dapat
solusyunan.
Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging Asyano.
TRANSFER TASK IN GRASPS FORM: Ang Carlos Palanca Memorial Award for Literature ay
magsasagawa ng Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tanka at Haiku. Kaugnay nito, ikaw ay
inatasan ng inyong paaralan na kumatawan sa nasabing patimpalak upang magpakitang gilas sa
larangan ng pagsusulat na tula. Ang mga mahuhusay na makata at manunulat ng bansa ay
inaasahang dadalo at siyang magsisilbing hurado. Ang mapipiling akda ay gagawaran ng
gantimpala at mapapabilang sa kalipunan ng mga akdang pampanitikan na ilalabas sa publiko sa
susunod na taon. Tatayain ng mga hurado ang nilikhang tula batay sa mga sumusunod na
pamantayan: Nilalaman at saklaw, Pagkamatalinhaga, Pagkamalikhain.
GOAL: Magpakitang gilas sa larangan ng pagsusulat ng tula.
ROLE: Mangangatha o manunulat
AUDIENCE: Mga mahuhusay na makata at manunulat sa bansa.
SITUATION: Ang Carlos Palanca Memorial Award for Literature ay magsasagawa ng
Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tanka at Haiku
PRODUCT: Tulang tanka at haiku
STANDARDS: Nilalaman at Saklaw Pagkamatalinhaga Pagkamalikhain
Ang 6 Facets of Understanding
1. Can explain (generalize, connect, provide examples)
2. Can interpret (tell accessible stories, provide dimension)
3. Can apply (use what we know in real contexts)
4. Have perspective (see points of views through critical eyes)
5. Can emphatize (walk in another’s shoes, value what others do)
6. Have self-knowledge (metacognitive awareness, know what we don’t know, reflect on
meaning of learning and experience)

STAGE 3: LEARNING PLAN


Sa bahaging ito idinedetalye ang mga gawaing pampagkatuto na pagdadaanan ng mga
mag-aaral upang matamo ang mga pamantayan.
Disenyo ng Learning Plan (Gamitin ang WHERE TO sa pagpaplano ng aralin) Sa’n Punta
W- Ensure the students know WHERE the unit is headed and WHY
H- HOOK students in the beginning; HOLD their attention throughout
E- EQUIP students with necessary experiences, tools, knowledge, and know-how to meet
performance goals o
R- Provide students with numerous opportunities to RETHINK their big ideas, REFLECT on
progress, and REVISE their work o
E- Build in opportunities for students to EVALUATE progress and self-assess o
T- Be TAILORED to reflect individual talents, interests, styles, and needs o
O- Be ORGANIZED to optimize deep understanding, not superficial coverage

KALAKASAN AT HAMON NG UBD


MGA KALAKASAN:
1. Student-centered - Tinataya nito ang kakayahan ng mga mag-aaral bago magplano ng mga
angkop na kagamitan at gawain. Binibigyang-daan nito ang mga mag-aaral na magkaroon ng
mabisang pag-unawa sa mga aralin.
2. Ang pagkatuto ay nakahihikayat at multidimensyunal Tinutlungan nito ang mga mag-aaral na
magamit ang six facets of understanding—to explain, interpret, apply, have perspective,
empathize, and have self-knowledge about a given topic. Ang pagdulog ay may pokus sa
pagkatuto, at naglalayong gawing kahikhikayat, epektibo at mayaman sa nilalaman. Kalakasan
3. Dinidebelop nito ang kasiningan at ang pagiging responsable ng guro Ang emphasis ay ay
nasa kritikal na gampanin ng mga guro bilang tagadisenyo ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang
UbD ay tumutulong sa mga guro na linawin ang mga layunin ng pagkatuto, makabuo ng
pagtataya alinsunod sa kakayahan ng mga mag-aaral, at makalikha ng mga makabuluhang
gawaing pampagkatuto. Nangangailangan munang unawain ng guro ang kaligiran ng pagtuturo
bago magplano kung paano siya magiging epektibo sa mga mag-aaral.
4. Nagbibigay-daan sa mabisang pagpaplano ng kurikulum Maraming salik ang ikinukonsidera
sa pagpaplano ng kurikulum. Ang UbD ay tumitiyak sa kakayahan ng mga mag-aaral upang ang
pagtuturo ay maging epektibo at upang makapagbigay ng mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.
5. Flexible and opens doors for various styles Nagbibigay-daan sa mga makabagong metodo sa
pagtuturo. Nagbibigay ng pagkakataon para magamit ng mga mag-aaral ang kanilang mga estilo
sa pagkatuto tungo sa pagtamo ng inaasahang pagkatuto.
MGA HAMON
1. Ang matinding pangangailangan para sa mga guro na magnilay-nilay sa kung ano ang
kaligiran ng UbD framework at kung paano paghahandaan ang pabalikta na disenyo ng pagtuturo
sa loob ng klase.
2. Ang hindi mapigilang isyu sa bawat reporma o pagbabago sa Sistema ng edukasyon partikular
na sa mga pagbabagong mapanghamon tulad ng UbD kung saan ang ilan sa mga guro ay nalilito
at nagiging resistant dahil sa pangangailangan ng malalim at kritikal na pag-unawa.
3. Ang pagbabanggaan ng paniniwala at kaisipan ng mga guro sa maraming paaralan patungkol
sa kung dapat bang saklawin ang lahat ng aralin partikular na kung ano ang nasa pagsusulit.
4. Ang hamon sa mga gumagamit tulad ng mga gurong ayaw tumangkilik sa pagbabago, at ayaw
sa masyadong matrabahong pagpaplano ng aralin.
5. Ang pangangailangang mahabang implmentasyon nito na may tulong ng mga organisasyon,
stakeholders, at lalong-lalo na ng mga administrador na marapat maging instructional leaders.
6. Ang pangangailangan sa pangongolekta, pag-aanalisa at pagpapakalat ng mga natamong data
kaugnay ng mataas na lebel ng paggamit ng UbD partikular na sa mga namumuno para sa
anumang inisyatibong pang- edukasyon.

Ating Balikan!
1. Tukuyin ang nais na resulta (Desired Results) Ano ang nais kong maunawaan at magawa ng
aking mga mag-aaral?
2. Alamin ang mga katanggap-tanggap na mga patunay (Assessment Evidence) Paano ko
malalaman na alam nila kung ano ang nais kong malaman nila?
3. Magplano ng Karanasang Pampagkatuto (Learning Plan) Ano ang dapat kong gawin sa loob
ng klase upang maihanda sila sa pagtataya?

Sanggunian:
Jose Valdes. April 28, 2021. Understanding By Design.

Understanding by design (slideshare.net)

You might also like