You are on page 1of 6

SINTAKS

KAHULUGAN NG PANGUNGUSAP
Ang Pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa. Bawat pangungusap ay may dalawang
bahagi — ang Simuno at Panaguri
1. Ang Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap. May mga panandang si, sina kung tao
ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari.
2. Ang Panaguri (predicate) naman ang pahayag na tungkol sa simuno.
Halimbawa:
a. Ang pinaghugasan ng pinggan ay ipinandidilig ko ng halaman.
Simuno: pinaghugasan ng pinggan
Panaguri: ay ipinandidilig ko ng halaman
b. Ginagamit ko ang basurahan nang maayos.
Simuno: ang basurahan
Panaguri: ginagamit nang maayos
PAYAK, TAMBALAN, HUGNAYAN AT LANGKAPANG PANGUNGUSAP
1. Payak na pangungusap – kung ang isang ideya lamang ang ipinahahayag. May simuno at panaguri ito na maaring higit
sa isa.
Halimbawa: Masarap at masustansya ang mga gulay.
2. Tambalang pangungusap – kung dalawang diwa o ideya ang ipinahahayag na maaring magkatulad, magkasalungat o
pagpipilian. Dalawang payak na pangungusap ang pinagsama at pinag-uugnay ng at, o, ngunit, habang at iba pang
pangatnig.
Halimbawa:Naglalaba si Juan habang nagluluto ang kanyang asawa.
3. Hugnayang pangungusap – ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-
mapakapag-iisa.
Halimbawa: Ang batang naputol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.
4. Langkapang pangungusap - ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit
pang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa: Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya’t dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang
kaligayahan sa kabilang buhay.
LAYON NG PANGUNGUSAP
Tatlo ang layon na maaring gamitin sa pangungusap.
1. Ang tuwirang layon ay tumatanggap ng kilos o pandiwa at may panandang “ng”. Sumasagot ito sa tanong na ano.
Halimbawa: Sumayaw si Nena ng Tango.
2. Ang di-tuwirang layon ng pandiwa ay pinaglalaanan o pinagtutunguhan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong ng kanino.
Halimbawa: Binigyan ko si Mica ng bulaklak.
3. Ang layon ng pang-ukol na “sa” ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang kilos.
Halimbawa: Pumunta kami sa palengke.
AYOS NG PANGUNGUSAP
May dalawang kaayusan ang pangungusap. Ito ay ang Karaniwang Ayos at ang Di-karaniwang Ayos.
1. Ang Karaniwang Ayos ng pangungusap ay nauuna ang panaguri kaysa sa simuno/paksa.
Halimbawa: Maayos at malinis ang paaralan. (panaguri) (simuno)
2. Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap ay kung nauuna ang paksa at ginagamitan ng panandang “ay”.
Halimbawa: Ako ay isang matalinong bata. (simuno) (panaguri)
MGA URI NG PANGUNGUSAP
May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit:
1. Paturol o Pasalaysay – ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa: Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay.
2. Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Halimbawa: Pakikuha ang sapatos ko sa may mesa.
3. Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa: Kumain ka na ba?
4. Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Halimbawa: Hala, may sunog!
URI NG PANAGURI
1. Panaguring Pandiwa - Karaniwan sa panaguri ng pangungusap ay pandiwa. Sapagka’t ang pandiwa ay siyang
nagpapahayag ng kilos at gawain ng isang simuno.
Halimbawa:
Si Alex ay nagtanim ng sitaw, talong at kamatis.
Siya ay bumili ng pataba.
Siya ay nagbabasa ng mga aklat tungkol sa paghahalaman.
Aani siya ng maraming gulay sa taong ito.
2. Panaguring Pang-uri - Ang pang-uri ay malimit ding ginagamit sa panaguri. Sapagkat ito ay naglalarawan ng
simuno.
Halimbawa:
Ang mga talutot ng sampagita ay puti.
Ang bulaklak na ito ay mabango.
3. Panaguring Pangngalan - Ang pangngalan ay ginagamit din sa panaguri. Ang pangngalang ginagamit sa panaguri
ay nagpapakilala kung sino o ano ang simuno.
Halimbawa:
Si Lydia ay anak ng isang manggagamot.
Siya ay dentista sa aming paaralan.
4. Panaguring Panghalip - Ang panghalip ay ginagamit ding panaguri. Ito ay humahalili sa pangngalan.
Halimbawa:
Ang aklat na ito ay kanya.
Ang hinahanap mo ay ako.
URI NG PAKSA
1. Paksang Pangngalan
Halimbawa: a. Sumulat ng talambuhay ang pinuno.
b. Nag hihintay ng ulan ang mga magsasaka.
2. Paksang Panghalip
Halimbawa: a. Kami ay delegasyon ng Pilipinas
b. Sila ay gumawa ng mga sasakyang pangkalawakan.
3. Paksang Pang-uri
Halimbawa: a. Hinahangaan ang mga matatalino.
b. Kapuri-puri ang mga masisipag.
4. Paksang Pang-abay.
Halimbawa: a. Ang dito ay maghintay muna.
b. Ang doon ay pasulungin agad.

5. Paksang Pandiwa
Halimbawa: a. Huwag mong gambalain ang nanalangin.
b. Mahuhusay ang mga namumuno.
6. Paksang pawatas o batayan ng pandiwa.
Halimbawa: a. Hilig niya ang magtinda.
b. Kinalilibangan ko ang magsulat.
KAYARIAN NG PAKSA
Ang paksa ay maaari ring buuin ng isang salita, isang parirala, o isang sugnay. Tulad sa panaguri, ang paksang
iiisahing salita ay ginagamitan ng isang pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa, o pawatas.
Halimbawa ng paksang iisahing salita:
1. Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya.
 Maaring ring buuin na pariralang pang-ukol o pawatas ang paksa.
Halimbawa: Ang para sa amin ay sa inyo na.
Halimbawa ng paksang pariralang pawatas:
1. Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa parang.
Halimbawa ng paksang sugnay:
1. Na mayaman sa likas na kayamanan ang Pilipinas ay hindi mapasusubalian.
 Payak na mga simuno ang mga uri ng simuno ng mga nasa halimbawa. Kapag pang simuno ay may dalawa o higit
pang salita, parirala, o sugnay, ang simuno ay tinatawag ng TAMBALAN.
Halimbawa ng tambalang salita:
1. Si Balagatas at si Husing Sisiw ay mga makatang Pilipino.
2. Kahanga-hanga ang mabait, matalino, at masipag.
Halimbawa ng simunong tambalan parirala:
1. Ang hinggil sa linggwistika at sa kasaysayan ay hindi pa tinatalakay sa pulong.
2. Libangan ng kanyang may bahay ang magbasa ng mga magasing Tagalog at manood ng pelikulang Tagalog.
Halimbawa ng simunong tambalan sugnay:
1. Kung ikaw ay mag-aaral o ikaw ay magbabakasyon ngayong tag-init ay pasyalan mo na.
2. Natitiyak ni Danilo na may tao sa bahay ngunit walang tao sa bakuran.
KAYARIAN NG PANAGURI
Ang PANAGURI ay maaring buuin ng isang salita, isang parirala, o isang sugnay.
 Panaguring Salita - ito ay isang salita lamang ay maaaring pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa,
o pawatas. Sa sinasabing isang salita ay hindi isinasama ang mga pananda.
 Panaguring Parirala - ito ay maaaring pariralang pang-ukol o pariralang pawatas na gumaganap ng tungkulin ng
pangngalan, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa ng pariralang pang-ukol:
 Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang kumprehensya kahapon.
Halimbawa ng pariralang pawatas:
 Mag-aaral magmaneho ng awto ang aasikasuhin niya ngayong bakasyon.
 Panaguring Sugnay - Maaari ring gamiting panaguri ang sugnay. Gumaganap ang sugnay ng tungkulin ng
pangngalan.
Halimbawa:
 Ang sinasabi niya ay ipapadala raw kami sa Malaysia.
Ang mga uri ng panaguri ay mga payak na panaguri.
Payak sapagkat may iisa lamang salita, parirala o sugnay. Kapag may dalawa o higit pang salita, parirala, o sugnay na
pinag-uugnay ng pangatnig, ang panaguri ay sanasabing tambalan.
Halimbawa ng panaguring tambalang pangngalan:
 Ang inutusan ko ay si Bong at si Mike.
Halimbawa ng panaguring tambalang parirala:
 Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong pagkain ang nilalaman ng mga artikulo.
Halimbawa ng panaguring tambalang sugnay:
 Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa sine at ipasyal mo kami sa Rizal Park.
SIYAM NA URI NG PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
1. EKSISTENSYAL - Nagsasaad ng “pagkamayroon” o “pagkawala”
Halimbawa:
 Walang pang sundo.
 May nakakaalam na.
 May hinihintay pa.
 Walang sumang-ayon.
 May tao sa loob.
2. PADAMDAM - Nagpapahayag ng matinding damdamin ng tao.
Halimbawa:
 Ay mali!
 Aray ko!
 Aruy!
3. PAKIUSAP - Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap.
Halimbawa:
 Paki abot nga.
 Makisuyo nga.
 Sige na
4. TEMPORAL - Nagsasaad ito ng mga kalagayano panahong panandalian, karaniwan itong pang-gabay sa
pamanahon.
Dalawang Uri ng Temporal
1. Oras, Araw, Petsa
Halimbawa: Umaga na.
Bukas ay Lunes.
Alas singko pa lang ng hapon.
2. Panahon, Selebrasyon
Halimbawa: Labor Day na bukas.
Magbabakasyon lang.
Pasko na tuwing Disyembre.
5. MODAL - Nangangahulugan ito ng gusto/nais/pwede/maari/dapat o kailangan.
Halimbawa: Maaari bang magdagdag?
Gusto kita.
Kailangan mo ba ako?
6. MA KA-PANDIWA - Nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit ito may kasunod na “lang/lamang” .
Halimbawa: Kagagawa ko lang.
Kasasara pa lang.
Kalalaro pa lang.
7. PENOMINAL - Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumatasalakay asa mga kalagayan o pangyayari sa
kalilkasan o pangkapaligiran.
Dalawang uri:
Verbal - binuong pang-uring pandiwa na maaaring may kasamang adverbial o pang-abay.
Halimbawa: Umuulan, Bumaha kahapon, Uulan marahil
Adjectival - binubuo ng mga pang-uri na maaaring may kasama ring pang-abay.
Halimbawa: Maginaw ngayon, Makulimlim na naman, Malinsangan
8. MGA PANAWAG- maari ring tawaging “vocative” o iisang salita o panawag.
Halimbawa: Totoy, Nene, Pssst
9. PAMBATING PANLIPUNAN- magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapwa tao.
Halimbawa: Pasensya na po, Salamat po, Tao po
(May mga rehiyong di gumagamit ng po at opo subalit nadarama ang paggalang sa tono o intonasyon ng pagsasalita)

PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
o Pagdaragdag ng mga paningit o ingklitik
o Paggamit ng mga panuring
o Pagsama ng mga pamuno sa pangngalan
o Paglalagay na mga kaugnay na parirala
PAGDARAGDAG NG MGA PANINGIT O INGKLITIK
Isinasama ito sa pangungusap upang mas malinaw ang mensaheng nais iparating.
Mga Halimbawa ng Inglitik:
Man, naman, kaya, kasi, yata, sana, tuloy, nang, ba, pa, muna, pala, na, daw/raw, din/rin, lang/lamang
PAGGAMIT NG MGA PANURING
Dalawang kategorya ng mga panuring
1. Pang-uri na panuring sa mga pangangalan o panghalip
Mga Halimbawa:
Batayang Pngungusap
Ang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.
Pagpapalawak gamit ang pang-uri:
Ang makasaysayang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.
2. Pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangungusap:
Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng pamahalaan.
Pagpapalawak gamit ang pang-abay at pang-uri:
Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng sakim na pamahalaan.
Pagsasama ng mga pamuno
PAMUNO - pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy sa ibang katawagan para sa isa pang pangngalan.
Halimbawa:
Si Duterte, ang pangulo ng Pilipinas, ay nananawagang wag gumamit ng droga.
PAGLALAGAY NG MGA KAUGNAY NA PARIRALA
Kaugnay na Parirala - mga dagdag na salita na idinurugtong sa pangungusap o mga parirala na may parehong kahulugan
sa naunang parirala.
Halimbawa: Nakalulungkot isipin na sa araw na iyon ay nailibing ang mataas na pangarap o dili kaya’y kasama ng
umalimbukay na alikabok ang mga ambisyong matagal nang naikintal sa isipan. Subalit darating ang tamang panahon na
tahasang malalaman ang tunay na kahulugan ng buhay, ang kahulugan ng paghihintay sa mga nakatakda , at ang
kahalagahan ng pag-inog ng mundo na tiyak na darating pagdating ng araw.
MGA DAGDAG NA SALITA NA IDINURUGTONG SA PANGUNGUSAP
Halimbawa: Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay nanood ng bagong movie, kumain ng chicken
fillet sa mcdo, bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita namin si
Benjie, isa naming kaklase sa Nat’l Bookstore. Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil nawala raw ang kanyang
luma na labis niyang pinanghinayangan. Naisip ko, sya ay nasasayangan na sa isang ballpen lamang samantalang ako ay
gastos lang nang gastos.

You might also like