You are on page 1of 27

Paghawan ng Balakid

Ibigay ang ibig sabihin ng mga salitang mula


sa nobelang Luha ng Buwaya.

1. Namataan
2. Eredero
3. Maestro
4. Samahan
Pamagat ng Nobela

makabuluhang simula

maigting na paano nasolusyonan


tumitinding galaw ang problema

paano nagsimula paano nagwakas ang nobela


ang nobela
Ang Nobela

Istruktura ng
Nobela
Ang Nobela

tinatawag na kathambuhay.
Naglalahad ng maraming pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o dalawa pang
tauhan at iba pang katulong na tauhan
at ang buong pangyayari ay
sumasaklaw ng mahabang panahon.
- ang nobela ay naglalahad ng isang kawil
ng mga kawili-wiling pangyayari na
pinaghabi-habi sa isang mahusay na
pagkakabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang
paglalaban ng bayani sa isang dako at ng
hangarin ng kanyang katungggali sa
kabila. Ang mga katunggali niya ay
maaaring mga tao ring katulad niya o
kaya’y mga kasalungat na pangayari,
kanilang diyan ang kanyang sariling pag-
uugali o pagkatao.
Istruktura
ng Nobela

1. tagpuan 2. tauhan 3. banghay 4. pananaw

5.damdamin 7.pamamaraan
6. tema

8.pananalita 9. simbolismo
1. Tagpuan
- ito ay tumutukoy sa lugar at panahon
ng pinangyarihan ng mga pangyayari
sa isang akdang na may kinalaman
sa pag-ikot ng mga pangayayari sa
akda.
2. Tauhan
- tumutukoy sa mga tao na gumaganap
ng kani-kanilang tungkulin at siyang
nagbibigay-buhay sa akda upang
lubusang mabigyan ng kulay at buhay
ang mga salitaan at dayalogo sa
akda.
3. Banghay
- ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa akda. Sa banghay tuwirang
nailalahad ng may-akda ang kanyang mga
saloobin at nais na mangyari sa patuloy na
pag-ikot ng mga pangyayari sa akda.
4. Pananaw
- panauhang ginagamit ng may-akda
a. una- kapag kasali ang may-akda sa
kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-
usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o
obserbasyon ng may-akda
5. Tema
- paksang-diwang binibigyang-diin sa
akda.
Hal: pag-ibig
buhay sa lalawigan
paggawa/manggagawa
propesyon/pulitika
6. Damdamin
- nagbibigay ng kulay sa mga
pangyayari. Anumang damadamin na
ipinapahayag ng mga gumaganap sa
nobela ay may malaking tungkulin sa
paghatak ng mga mambabasa at
tagasuri ng akda.
7. Istilo
- ang pamamaraan ng may-akda sa
pagsulat ng nobela. Tumutukoy ito sa
pagka-orihinal ng makata sa kung paano
niya sinulat o isinusulat ang isang akda.
8. Pananalita
- dayalogo o ang palitan ng
salita/usapan sa akda.

9. Simbolismo
- nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan sa akda.- sa tao, bagay at
pangyayari.
Mga Uri ng
Nobela

Word
1. Nobelang 3. Nobela ng
2. Nobelang
Historikal Pag-ibig
Realistiko
at
Nobelang Historikal
- ito ay uri ng nobelang tradisyunal na
sumasaklaw sa mga pangyayaring naganap
sa kasaysayan. Ang paksa ay aktuwal na
pangyayari o mga sitwasyong kahawig ng
aktuwal na kalagayang umiiral sa bansa.
Ang diin ay nasa paglalarawan ng
tradisyunal na lipunan at mga palasak na
paniniwala.
• Pagkakaiba ng Nobela sa Kasaysayan
a. Obhetibo ang historyador
b. Subhetibo ang nobelista- maaari siyang
magdagdag o magbawas sa akda.
Hal:
a. Anino ng Kahapon ni Francisco
Lacsamana
b. Dalagang Marmol ni Isabelo Delos
Reyes
c. Ang Pagluha ng Matuwid ni VHP
2. Nobelang Realistiko
- ito ay uri ng nobelang ang layunin ay
makilala ang pangkalahatang pananaw na
maliwanag na binubuo ng mga kaisipang
hango sa partikular na paniniwala.
Matingkad na inilalarawan ang buhay sa
isang tiyak na panahon sa isang partikular
na lipunan.
- himig protesta ang nangingibabaw sa
nobelang realistiko. Ito ay nagtutuon sa mga
umiiral na kalagayan sa lipunan.
- likas sa ganitong uri ng akda ang
paglaban sa katiwalian sa lipunan at sa
pamumuhay ng mga tao sa lipunang
ginagalawan.
Hal:
a. Noli at El Fili ni Jose Rizal
b. Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
c. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
d. Ibong Mandaragit ni AVH.
Iba pang paraan ng paglalarawan
ng Nobela.
1. Isang Pag-aaral
- mahalaga ang sangkap ng pag-aaral
lalo na kung mapagsasama ang malikhaing
guniguni na siya namang lumilikha ng iba’t
ibang tanawin, tauhan at mga pangyayari at
nag-aayos ng lahat upang makapaglahad
ng katotohanan at kagandahan ng nobela.
Dito nakikita ang matalino at masusing
pagmamasid sa lipunan.
2. Ang kasaysayan o kuwento
- bilang babasahin ang nobela ay
kailangang maglaman ng isang mabuting
kuwento. Ito’y dapat magtaglay ng isang
paglalarawan ng buhay, ng isang
pagmamasid sa mga gawa at kilos ng
sangkatauhan.
3. Ang Paggamit ng Malikhaing Guniguni
- mahala ang malikhaing guniguni sa
nobela dahil dito nakasalalay ang buhay ng
akda. Ito ang nagpapagalaw ng mga tagpo
at nagbibigay ng tinig sa pamamagitan ng
wastong pananalita, ng mga damdamin o
kaisipang nais ipahayag.
4. Mga Layuning Lumibang
- ito ang pangunahing layunin ng
nobela, ang magbigay kaaliwan. Bagaman
at maaari ang nobela ay maaaring magturo
at magtaguyod ng isang pagbabago sa
pamumuhay sa lipunan, nananatiling
layunin ng nobela ang magbigay ng aliw .
Mga nobelang nagbigay ng
malinaw na pag-unlad sa nobela
mula 1905
1. Nena at Neneng ni VHP
2. Luha at Pag-ibig ni Roman Reyes
3. Banaag at Sikat ni LKS
4. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
5. Madaling Araw ni Inigo Ed Regalado
6. Busabos ng Palad ni Faustino Aguilar
7. Pusong Walang Pag-ibig ni Roman
Reyes.

You might also like