Kasaysayan ng Maikling Kwento Inihanda ni Ronan B. Quia Edgar Allan Poe Tinaguriang ama ng mailking kwento sa buong mundo.
Ayon sa kanya, ang maikling kwento
ay isang akdang pampanitikan, likha ng guniguni at bungang isip o hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Deogracias A. Rosario Ama ng maikling kwento sa Pilipinas.
Magasing Amarant at Forget me
not – sinasabing unang sumibol ang isang sangay ng salaysay. Kahulugan ng Maikling Kwento • Ang Maikliing Kwento ay isang anyo ng panitikan na may layunin magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwana ito ng kakintalan sa isip ng mambabasa. Ang bawat Maikling Kwento ay may mahahalagang element. Ang mga sangkap na ito ang kadalasang nagiiwan ng kakintalan sa kaisipan ng mga mambabasa.
• Marami ang uri ng ang Maikling Kwento ngunit iisa lamang
ang ang naidulot nito sa mambabasa at iyon ay ang makapagbigay ng mabuting aral na maaaring gamitin ng mambabasa sa kanyang buhay. Kasaysayan ng Maikling Kwento Mga Bahagi at Sangkap ng Maikling Kwento Simula (tauhan, tagpuan at suliranin) Lubhang mahalaga bahagi ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng sumusunod: • Pagpapakilala sa tauhan. • Pagpapahitawig ng suliraning kakaharapin ng tauhan. • Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento. • Paglalarawan ng tagpuan. Gitna (saglit, kasiglahan, tungalian) • Ang pinagbabantayan ng buhay ng maikling katha dahil ito ang nabibigay daan sa madulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari. Wakas (kalakasan at katapusan) • Naihatid ng may-akda ang mensahe sa bahaging ito. Sa wakas ng kwento. Mga Elemento ng Maikling Kwento • Tauhan • Tagpuan/Panahon • Saglit sa Kasiglahan • Suliranin o Tunggalian • Kasukdulan • Kakalasan • Wakas Tauhan Mahalagang elemento ng maikling kwento sapagkat sa kanila nakasalalay ang organisado at malinaw na pagbabahagi o paglalahad ng akda. Tagpuan/Panahon • Ang tagpuan ng kwento ay tumutukoy sa atmospera, lugar, at panahon kung paano inilahad ng may akda ang kanyang akda o kwento. Saglit sa Kasiglahan • Ang saglit sa kasiglahan ay bahagi ng pataas na aksyon na naghahanda sa mga mambabasa sa pagtukoy ng mga pagsubok na kakaharapin ng pangunahing tauhan sa akda o kwentong binabasa. Suliranin o Tunggalian • Ang suliranin o tunggalian ay bahagi ng pataas na aksyon na kung saan nakikipaglaban ang pangunahing tauhan sa mga taong salungat sa kanya sa kwento o akda. Kasukdulan • Ang kasukdulan ang elemento ng maikling kwento na may pinakamataas na uri ng kapanabikan. Kakalasan • Ang kakalasan ay elemento ng maikling kwento na nagpapakita ng paunti unting paglilinaw ng mga pangyayari na nagsisilbing hudyat o sensyales na ang aksyon ng tauhan ay unti unti ng bumababa at nagbibigay daan para sa pagtatapos ng kwento. Wakas • Ang wakas ay maaaring maging trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Uri ng Maikling Kwento • Kababalaghan Kwentong Tikbalang • Makabanghay Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda • Pangtauhan Ang Ama Mauro R. Avena • Pakikipagsapalaran Ang Kwento ni Mabuti • Katatawanan Pangarap at Tagumpay ni Emman C. Flojo • Pag-ibig Ang Pilyong si Loren • Kapaligiran Ang Nawawalang Prinse Maraming Salamat sa Pakikinig