You are on page 1of 1

JENNIFER N.

BANTE BSE-2C FILIPINO


FIL 103 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO
BAWAT WIKA AY NATATANGI
Ang bawat tao ay biniyayaan ng Panginoon ng isipan upang gamitin at hasain. Isipan na puno
ng karunungan na puno ng mga tanong at iba’t ibang kaalaman. Sa isipan ng tao may napakaraming
tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos at desisyon ng sarili.. Bilang isang mag-aaral, isa
sa pinakamahalagang tanong sa ating mga isipan ay mayroong kaugnayan sa ating sariling
wika. Alam naman natin na ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang
bansa. Ang wika ang nagsisilbing paraan sa pagkakaroon ng magandang kaisipan at paraan ng
komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao sa bawat lugar, komunidad
at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ngunit ano nga ba ang
kahalagahan at gampanin ng wika partikular na ng Wikang Filipino sa edukasyon?
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Bagkus ang wika mismo ay may
buhay kung ating itong pananatiliing buhay sa ating mga kaluluwa. Ito ay hindi lamang isang paraan
para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, personal na obserbasyon at halaga ng
kanyang mga katangian. Sapagkat ang wika ay pundasyon upang mapanatili ang mga damdamin ng
kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan. Wika ay sining ng pagpapahayag na may kaugnayan
sa pagiging malikhain sa paggamit nito na may kaayusan at kawastuhan. Wika ang magsisilbing
tulay sa paglinang sa mga kasanayang pakikinig, pagsusulat, pagbabasa at pagsasalita na
ating magagamit sa pagtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Ang kahalagahan ng Wikang
Filipino sa edukasyon ay sa pamamagitan nito ang mga mag-aaral ay may kakayahang kumuha at
makapagbahagi ng kaalaman, mithiin at nararamdaman. Dito nakasalalay ang epektibong pagkatuto
at matagumpay na pagpapalitan ng mga ideya ng guro at mag-aaral dahil ito ang wikang madaling
maunawaan . Ngunit kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito ng
tama na tagos at may tama sa bawat isa.. Kaya naman may mga kurso tayo sa balarila, panitikan,
pamamahayag at marami pang iba. Samakatuwid, mahalagang manatili ang pagtuturo ng
Filipino sa tersyarya o kolehiyo. Dahil sa pamamagitan nito mas lalong mapapalawak ang
ating kakayahan sa paggamit ng Wikang Filipino at mas madadagdagan ang ating kaalaman
na may kinalaman sa sining, kultura, panitikan, kasaysayan at pagkakakilanlan natin bilang
isang Pilipino.
Bilang isang Piipino kinakailangan na mas lalo nating hasain ang ating sariling wika kaysa sa
wikang banyaga. Dahil ang Wikang Filipino ay simbolo ng ating pagka-Pilipino! Mahalaga ang
paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa
intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Ang paggamit nito ay nakapagpapabilis sa proseso ng
pagtuturo at edukasyon. Karamihan sa atin iniisip na mas mahalaga ang Wikang Ingles kumpara sa
Wikang Filipino dahil ito ang pangunahing lengguwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan
man sila mag-punta sa mundo. Pero para sa mga taong nakakaunawa sa kahalagahan ng Wikang
Filipino makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa gamit ang sariling wika katulad ng
bansang Hapon. Ikaw, ako, tayo ang pagbabago! Kaya tayong mga Pilipino ay pahalagahan natin
ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Sa
katunayan hindi isyu kung alin ba talaga ang dapat na gamiting opisyal na wikang panturo sa
mga paaralan, Ingles ba o Filipino? Walang wika ang superyor sa ibang wika. Bawat wika ay
natatangi! Sa huli ay nasa mag-aaral parin kung paano siya magsusumikap upang tumaas ang
kanyang kaalaman sa paggamit ng Wikang Ingles at pagmamahal sa pamanang Wikang Filipino.

You might also like