You are on page 1of 4

Wika: Daluyan ng Komunikasyon

Biyernes, Enero 20, 2017

Kahalagahan ng wika

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging
kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa
dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at
mabuting pagsasamahan.

Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang
pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami
pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o
anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng
ito, kailangan ng tao ang wika.a

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang
panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan,
pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang
kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang
kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension,
ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.

Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan


at komunikasyon..Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino
isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabuo
ang Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba’t-ibang
patimpalak isa na rito ang tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang ito mas
naiintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Hindi lamang sa buwan ng Agosto
magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil ginagamit natin ang ating wika bawat segundo, minuto at
araw sa ating buhay.

Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang
Wikang Ingles ay ang pangunahing lenggwahe na mas ginnagamit nang karamihan kahit saan man sila
magpunta sa mundo. Pero para sa akin at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng Wikang
Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan
bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika
lamang ang ating gamitin katulad ng bansang Japan, mas pinahahalagahan nila ang kanilang sariling wika
kaysa sa ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang
bansa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo.

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at
desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng
wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay
isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa
bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang
Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na
gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya
ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling
wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na
namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang
sariling wika. Nasa atin na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong
bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga
ang ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.

Ang pasalitang Diskurso

Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang


ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang
tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag
upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung sa
paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay
upang makabuo ng maayos na usapan , sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo.

https://www.facebook.com/marbenjomar

https://www.youtube.com/watch?v=SlySEBkXZEk&feature=youtu.be

https://www.facebook.com/boodibudee/posts/1252723488149792?
notif_t=tagged_with_story&notif_id=1485775982996079
ian sa 2:33:00 AM

Ibahagi

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Home

Tingnan ang bersyon ng web

Tungkol sa Akin

ian

Tingnan ang aking kumpletong profile

Pinapagana ng Blogger.

You might also like