You are on page 1of 1

Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maipahayag ang kaloob-

loobang mga ideya at damdamin. Para sa akin, ito ay hindi lamang isang paraan ng pakikipag-
usap sa iba, ngunit ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipag-usap at ibahagi ang
kanyang iba't ibang opinyon at saloobin. Sa buong kasaysayan, maraming bagay, sitwasyon, at
pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika natin, kapaligiran, at lalo na sa ating bansa.
Ito ay hindi lamang isang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya, opinyon, personal na
obserbasyon at pagpapahalaga na may kaugnayan sa pagkakakilanlan ng isang tao, ngunit isang
paraan din ng pagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o isang bansa.

Ang wika ay isa ring pangunahing paraan ng paghahatid ng pagkakakilanlang panlipunan ng


isang tao sa iba. Sa madaling salita, ang wika ay nakakatulong na mapanatili ang kultura, sining
at etnikong damdamin ng mga tao. Ang Filipino ay ang ating pambansang wika na sinasalita sa
buong Pilipinas. Ngunit, mahirap isipin na ang isla sa Pilipinas ay walang pinag-isang wika.
maari itong humantong sa mga salungatan at hindi pagkakaunawaan. Pasulat man o pasalita, ang
wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga ideya sa simpleng hakbang ay
mapangalagaan ang kasaysayan at mga talaan ng mga sinaunang Pilipino. Kung gayon,
malalaman ng mga mamamayan ngayon ang mga inisyatiba na ginawa sa nakaraan upang
maiwasan ang mga negatibong kaganapan sa nakaraan at patuloy na gawin ito sa positibong
paraan.Napaparamdam ng isang tao ang kanilang nais na ipadama sa pamamagitang ng kanilang
wika upang maunawaan ang tindi ng kanilang mga damdamin at ang lalim ng kanilang pagkatao.

Bilang isang mamamayang Pilipino mahalaga na huwag nating pabayaan na mas umaangat ang
ibang wika kesa sa sariling atin at sa sarili nating bansa. Mahalaga ang paggamit ng wikang
Filipino sa edukasyon dahil malaki ang naitutulong nito sa kaisipan ng mga Pilipino. Mula sa
isang simpleng pagsusuri, masasabi natin na ang paggamit ng sariling wika sa pagtuturo ng
anumang uri ng edukasyon ay nagpapabilis sa proseso ng kaalaman ng mga Pilipino. Marami
ang nagsasabi na ang ingles ay mas mahalaga kaysa Filipino dahil ang ingles ay ang
pangunahing wikang ginagamit sa buong mundo. Ngunit dapat natin pahalagahan ang ating wika
dahil ito pa rin ang kumakatawan sa ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Halimbawa na
lang ng South Korea, isa ang South Korea sa mga maunlad na bansa kahit na sarili ni lang wika
ang kanilang sinasalita ay mauunlad pa rin ito at pinapahalagahan nila ang kanilang wika keysa
sa ibang wika. Kaya dapat natin pahalagahan ang ating wika hindi ito magiging hadlang para
tayo ay maging maunlad na bansa. Lagi natin tatandaan na hindi natin obligasyon na magsalita
ng ingles sa sarili nating bansa.

You might also like