You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Wika sa Edukasyon

Makulay ang kasaysayan ng ating wika, tulad ng kasaysayan ng ating lahi.


Bukod sa pagiging makulay, mahaba rin ang panahong iniukol sa paglinang nito
hanggang sa marating ang kasalukuyang kalagayan. Maraming iba't-ibang wika
ang Pilipinas o tinatawag ding varayti ng wika dahil sa archepilago ng hugis ng
ating bansa. Ang wika ng ating bansa ay may taglay na malalim, malawak at
natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay nating magagamit ito sa
ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga
ito ng kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid
ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang
kaunlaran kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan at
disiplina.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit
upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao.
Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din
ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang
opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at
pangyayari natumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at
higit lalo na sa bansa.
Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang
mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at
angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang
kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at nararamdaman. Sa
bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay ginagamitan ito ng wika. Halimbawa,kapag
nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapag
sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang termpaper, sa mga oras ng
review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang
epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang
tao.
Mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki
ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak na
pagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturong
anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon.
Samakatuwid, napakahalaga ng wikang Filipino sa larangan ng
edukasyon sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa
bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at
karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito
ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating
pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas
ng bansa. Wikang Filipino ang kaluluwa ng Pilipinas, ang karunungan nito ang
susi sa pambansang pag-unlad sa iba't-ibang aspeto para sa iisang minitmithing
tagumpay.

You might also like