You are on page 1of 3

KAKULANGAN SA KAALAMAN NG MGA KABATAAN SA WIKANG FILIPINO

I. Introduksyon

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng

mga mamamayang at nagbibigay tulong sa pag unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang

bansa. Wika ang nag sisilbing identidad ng isang mamamayan at ng isang bayan.

Ayon Kay Chomsky ( Badayos, 2008 ), Ang wika ay matutuhan lamang sa

pamamagitan ng pagpapatibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita

ng wika A/ang pag-unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Ang

wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang

pinagmulan. Ito rin ay nagsisilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan

ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng

isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,

pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan. Ito ay talagang napakahalaga dahil Kung

wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung Ang mga tao ay hindi

nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Dahil sa makabagong at modernong panahon kasabay na rin nito ay na

kakaligtaan na ng bagong henerasyon ang mga lumang salita sa wikang filipino. Mas

nabibigyang pansin ang mga wikang banyaga at dahil dito nagkakaroon ng

kakulangan ng kaalaman Ang mga kabataan pagdating sa wikang filipino. Ayon Kay

(J. Pasigay, 2012) ang wika ay nakatala sa ating kultura at kung sino tayo. Bagkus

Ang “cultural identity” ay malabo na dahil sa impluwensya ng mga kanluranging

bansa. Nagkaroon na rin ng “cultural diversity” sa ating bansa dahil sa nagkaroon na

ng bagong wika. Ang wika ay pamamaraan ng paggawa ng transaksyon kung hindi


magkakaintindihan dahil ang wika ang ginagamit sa pag kukumunikasyon sa isa’t isa.

Ayon Kay (A. Batnag, 2004)

Ang pilipinas ay may maraming kultura at mga iba’t ibang lenggwahe kaya ang

pilipinas ay isa sa mga multilinggwal at multicultural na bansa. Ang wika ay isang

sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-

unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon,

ngunit sa isang panahon ng kasaysayan ito ay tinutukoy na isang hulwaran na gawi

na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng

pangkat o kumunidad. Ayon din kay (A. Archibald, 2011)

Sa kanyang papel na what is language. Ang wika ray ay ang pangunahin na

anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang simbolo nito ay binubuo ng mga tunog na

nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa klase na lumilikha sa isang

komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding

kahulugang arbitaryo at kontrolado ng lipunan.

II. Paglalahad ng suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-

aaral sa paaralan ng Malaybalay City National Science High School tungkol sa

kakulangan ng kaalaman ng mga kabataan sa wikang filipino.

Partikular, ito ay nagsasadya upang tukuyin ang mga sumusunod:

1. Mga salik na naka aapekto sa kaalaman ng mga kabataan sa wikang filipino.

2. Pagbabago ng pamamaraan sa pananalita ng wikang filipino.

3. Impluwensya ng modernong panahon sa wikang filipino.

III. Kahalagahan ng pananaliksik


Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng karagdagang kaalaman at impormasyon sa

mga sumusunod;

• Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakakatulong upang mas maipabayo ang

kaalaman ng mga mag-aaral at upang sila ay magkaroon ng pagpapahalaga sa wikang

filipino.

• Mga mananaliksik sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay magiging

kapakipakinabang dahil ito ay magbibigay ng karagdagang impormasyon tungo sa

Kalanga ng mga kabataan sa wikang filipino.

• Mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magulang upang mas

mahubog nila ang kaalaman ng kanilang mga anak sa kahalagahan ng wika.

• Mga mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay upang maitaguyod ng mabilis ang pag-

unlad ng ating wikang filipino at upang mas mapalawak ang kanilang pananaw sa

kahalagahan ng wikang filipino.

• Sa susunod na henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maari nilang balikan at ito ay

magbigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika ng sinaunang panahon at kung paano ito

nagbago.

IV. Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang epekto sa kakulangan ng

kaalaman ng mga kabataan sa wikang filipino. Sa mga tuntunin ng pagbabago at pag-

unlad nito ay may limitasyon lang na dapat isaalang-alang. Ginawa ito upang

malaman ng pananaw ng mga mag-aaral sa Senior highschool ng Malaybalay City

National Science High School.

You might also like