You are on page 1of 3

“Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Aking Pagka-Pilipino”

(ni: HBW TUNDRA)

Sa likod ng napakarami at iba’t ibang kahulugan ng wikang Filipino, iisa

lamang ang mas matimbang na kahulugan nito. Ang wikang Filipino ay sumisimbolo

sa aking pagka-Pilipino. Bukas sa kaalaman nating lahat na ang ating wika ay isang

mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga ideya at

damdamin ng isang tao, ngunit malinaw ba sa atin ang kahalagahan ng wikang

Filipino sa iba’t ibang aspeto? Kung ating babalikan ang nakaraan, makikita natin

ang mga wikang katutubong hitik sa yaman at katutubong karunungan, mga wikang

katutubo na nagbibigay artikulasyon sa nakaraan.

Makikilala ang isang bansa sa pamamagitan ng wika at ang ating wikang

Filipino na hinubog ng kasaysayan ang naging ilan at nagbigay pagkakakilanlan sa

ating bansang Pilipinas. Bilang isang mamamayang Pilipino na nagpapahalaga sa

wikang aking kinagisnan, masasabi ko na ang wika ay hindi lamang kumakatawan

sa isang tao, hindi lamang ito ginagamit upang magpahayag ng mga sari-saring

opinyon, bagkus ito ang nagsisilbing instrumento para maging isa ang bawat

mamamayan sa ating bansa. Ayon nga sa teksto na aking nabasa ang wikang

Filipino ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayang Pilipino,

upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa,

Maraming mga ideya ang nabubuo sa ating isip na patungkol sa kahalagahan

ng wikang Filipino. Malinaw na sa atin na malaki ang naitulong ng wikang katutubo

sa dekolinasasyon ng pag-iisip ng mga Pilipino. Ang kahalagahan ng wikang Filipino

ay nangingibabaw, magsimula man sa pinakamaliit hanggang sa pinakamahalang

dahilan kung bakit ito kailangan na pahalagahan. Hindi lang ito pinahahalagahan ng

dahil lang sa dapat, pinahahalagahan natin ito dahil mahal natin ang wikang bumuo
sa atin bilang mga Pilipino. Kung maalala natin ang mga salita na nanggaling sa

ginagalang nating si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala

natin sa pinaiksi niyang pangalan na Dr. Jose Rizal, ang mga kataga niyang talaga

naming tumatak sa ating isipan na nag-iwan ng mahalagang aral! “Ang hindi

marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”, ang

mga salitang ito ay nagbibigay linaw na mahalin natin ang ating sariling wika

sapagkat ganyan ang tunay na Pilipinong nagpapahalaga sa wikang sumasalamin

sa kanya at ng kanyang kultura.

Wikang Filipino ang nagbubuklod sa mamamayang Pilipino. Mahirap isipin na

kung walang sariling wika at mga wikang katutubo na magiging daan upang

magkabuklod-buklod ang mga hiwahiwalay na isla ng Pilipinas at mga lugar na may

iba’t ibang wika, marahil ay nagdulot na ito ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan

sa loob ng ating bansa. Sa madaling salita, dahil sa wikang Filipino at wikang

katutubo kaya tayo nagkaroon ng pagkakaunawaan hanggang sa mga susunod

pang mga hakbang.

Maraming naitulong ang wikang katutubo sa dekolonisasyon ng pag-iisip ng

mga Pilipino dahil ito ang humubog ng pagkatao kaya mas malawak ang

karunungan ng bawat Pilipino. Ang kahalagahan ng wikang Filipino ay hindi natapos

sa kasaysayan kundi nagpatuloy at mas pinausbong pa ngayong henerasyon.

Pinag-ugatan ng karunungan ng mga Pilipino ang wikang katutubo. Ito ang naging

pundasyon sa pagkakaroon ng iba’t ibang kaalaman na patungkol sa wika. Hindi

kailanman kukupas ang wikang katutubo na pinagmulan ng lahat. Maaaring lumipas

ang madaming panahon, subalit hindi lilipas ang wikang katutubong umusbong.

Hangarin ng ilang Pilipino ang maging tanyag, ngunit mas naaayon na

hangarin ang maging tanyag kasama ang sariling wika. Bilang isang estudyante na
gumagamit ng wikang Filipino, napapatunayan ko na hindi lang dapat basta alam

nating banggitin ang bawat salita, hindi lang dapat basta ginagamit ang wika upang

makipagtalastasan at maglahad ng kung ano – anong bagay kundi dapat alam din

natin ang kahalagahan ng wikang Filipino at wikang katutubo, subalit ang alam lang

ay hindi kailan man magiging sapat, ganyan ang pagmamahal sa wikang kinagisnan

ng lahat. Ang wikang magdadala ng pangalan ng ating bansa, mapadpad man tayo

sa iba’t ibang dako ng mundo at ito ang sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino.

Marami pang mga bagay at pangyayari na magpapakita ng kahalagahan ng

wikang Filipino, maaaring sa susunod pa nating mga hakbang sa ibabaw ng mundo

mas makakatuklas pa tayo ng mga kaganapan patungkol sa kahalagahan ng wikang

Filipino na magpapaantig sa ating mga puso. Lumipas man ang madaming oras,

araw, buwan, at taon may mananatiling nakatanglaw na magsisimbolo ng ating

bansa, walang iba kundi ang wikang Pilipino. Dumating man tayo sa punto na

magkakaroon ng kaunting hindi pagkakaunawaan, sigurado akong pagbubukludin

ulit tayo sa pamamagitan ng wikang Filipino. Ang pagyakap nito ay isang

pagtanggap sa ating buong pagkatao, ito ang pinakamahalaga! Walang mali sa

pag-aaral ng lengguwahe ng ibang bansa, basta’t hindi tatalikod sa sariling wika at

hindi makakalimot sa kahalagahan ng ating wikang Filipino. Walang eksaktong salita

ang makakatumbas upang maipahiwatig ko ang kahalahagan ng wikang Filipino sa

ating pagka-Pilipino.

You might also like