You are on page 1of 59

Aralin 8

Yunit II

Mga Paraan sa Pagsasailalim


sa
Pilipinas
Junriel L. Daug
Bugwak Elementary School
Panimula

Sa matagumpay na pagkakatatag ng
kolonyang Espanyol sa Pilipinas sa
pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi
noong 1565, nagsimulang magbago
ang kinagisnang pamumuhay ng mga
katutubong Filipino na napasailalim
sa kapangyarihang Espanyol.
Panimula
Sinasabing malaki ang papel
na ginampanan ng Simbahan o ang
relihiyong dala ng mga mananakop
sa tagumpay ng kolonyalismo.
Gayundin, nagpatupad ng iba’t
ibang patakaran ang pamahalaang
Espanyol upang maging mas
epektibo ang kolonyalismo.
Subukin Natin
Magsagawa ng isang dula-dulaan sa
klase. May gaganap na panginoong
maylupa o taong nagmamay-ari ng lupa
at ang iba ay gaganap bilang magsasaka.
Magpapatupad ng kautusan ang
panginoong maylupa upang magtrabaho
ang mga magsasaka sa kaniyang bukid
nang walang bayad. Bukod pa dito ay
kailangan pang magbayad ng buwis ang
magsasaka sa panginoong maylupa.
Pamprosesong Tanong
Para sa gumanap ng panginoong maylupa:

1. Anong pakinabang ang makukuha mo


mula sa pagpapatrabaho sa mga
magsasaka sa iyong lupain nang walang
bayad?
2. Bakit kailangan mong maningil ng buwis
sa mga magsasaka gayong hindi mo na
nga sila binabayaran?
Pamprosesong Tanong
Para sa gumanap na magsasaka:

1. Ano ang naramdaman ninyo nang


pinagtrabaho kayo nang walang bayad at
sinisingil pa kayo ng buwis?
2. Sa inyong palagay, makatarungan ba ito?
Bakit? Bakit hindi?
3. Mayroon ba kayong binabalak gawin
tungkol sa inyong sitwasyon? Kung oo,
ano ito at paano ninyo ito isasagawa?
Unawain Natin
Nagpatupad ng iba’t ibang
pamamaraan ang mga Espanyol upang
maging matagumpay ang pananakop gaya
ng Kristiyanismo, reduccion, tributo,
encomienda, at sapilitang paggawa. Malaki
ang naging epekto ng mga patakarang ito
sa pamumuhay ng mga katutubo. Bagama’t
naging instrumento ito sa pagsakop sa
Pilipinas, nagsilbing daan naman ito upang
magkaroon ng kamalayan ang mga
katutubo para ipagtanggol ang sarili at
pagbubuo ng bayan.
KRISTIYANISMO
Malaki ang papel na ginampanan ng
Simbahan sa pagpapatupad ng kolonyalismo.
Isa sa mga layunin na ito ay paigtingin ang
paglaganap ng relihiyon. Naging
pakipakinabang ang ideyang ito sa mga
Espanyol sapagkat nagkaroon sila ng dakilang
dahilan ng kolonisasyon. Sa pamamagitan ng
kolonisasyon ay maililigtas ang kaluluwa ng
mga katutubo sa pamamagitan ng pagtanggap
nila sa bagong relihiyon at pilit ipinaunawa
na di dapat ipagpatuloy ang katutubong
relihiyon na paganismo.
Ang Unang Misyon
PRAYLE
Ang mga pinadala ng Spain sa paglaganap
ng Kristiyanismo sa isang misyon.
KRISTIYANISASYON
Tawag sa pagmimisyon ng mga prayle.
Miguel Lopez de Legazpi
Dumating noong 1565 sa Pilipinas at
kasama niya si Andres de Urdaneta at
limang paring Augustinian. Sinundan pa
ito ng iba pang paring Augustinian para
italaga sa partikular na lugar na
magmimisyonan.
Ang Unang Misyon
KURA PAROKO
Paring namumuno sa parokya.
CEBU
Unang lugar na pinagmisyonan ng mga prayle
kung saan unang tumanggap ng
Kristiyanismo ang pamangkin ni Rajah Tupas
na si Isabel. Sinundan ng pagbibinyag sa pito
o walong batang malapit nang mamatay, at
ilan pang nagpalit ng paniniwala noong 1566
kasama rito ang isang muslim mula sa
Borneo na si Camotuan, kasama ang kanyang
anak, manugang, at apo.
Ang Unang Misyon
CEBU
Kalaunay, nagpabinyag din si Rajah
Tupas at ang kanyang anak na si
Pisuncan at iba pang pinuno, noong
Marso 1568.
Ang Pagpapatuloy ng Misyon
Lugar na pinagmisyonan
 Maynila (Tondo at Pasig)
 Gitnang Luzon
 Timog Luzon
 Ilocos
 Bahagi ng Visayas
Misyonerong Prayle
1. Augustinian (1565)
2. Franciscan (1577)
3. Jesuit (1581)
4. Dominican (1587)
5. Recollect (1606)
Ang Pagpapatuloy ng Misyon

Augustinian Ilocos, Gitnang Luzon, Timog Luzon, paligid ng Maynila,


Cebu, Negros, Panay
Franciscan Bicol, Catanduanes, Masbate, Laguna, Tayabas

Jesuit Mindanao, Samar, Leyte, Bohol, Cavite, Antipolo,


Cainta, Taytay, Marikina
Dominican Bataan, Pangasinan, Cagayan, Batanes, Babuyan

Recollect Zambales, Mindoro, Palawan


Mga Pagbabago at Pagpapatuloy
sa Paniniwalang Panrelihiyon
1. Kung dati ay marami silang
mga espiritung sinasamba, sa
Kristiyanismo ay isa na lamang
ang diyos na dapat sambahin.
2. Kung dati ay nasa kababaihan
ang pamumuno sa larangan ng
espirituwal, sa Kristiyanismo ay
nasa kapangyarihan ng
kalalakihan ang pagiging pari at
walang karapatang humawak ng
kapangyarihang panrelihiyon
ang kababaihan.
Mga Pagbabago at Pagpapatuloy
sa Paniniwalang Panrelihiyon
3. Kung dati ay walang tiyak na
lugar na sambahan ng mga
espiritu, sa Kristiyanismo ay
mahalaga ang pagpapatayo ng
simbahan bilang banal na
espasyo ng pagsamba ng mga
mananampalataya.
Mga Pagbabago at Pagpapatuloy
sa Paniniwalang Panrelihiyon
Pinili ng mga prayle na
panatilihin ang sinaunang
paniniwala ng mga katutubo para
maging katanggap-tanggap ang
nagong relihiyon.

1. Ang rituwal upang


pasalamatan ang mga espiritu ay
pinalitan ng PIYESTA kung saan
ang itinatanghal ay ang mga
santo.
Mga Pagbabago at Pagpapatuloy
sa Paniniwalang Panrelihiyon
2. Ang paniniwala sa espiritu ay
pinalitan din ng paniniwala sa
santo na may kani-kaniyang
larangan ding pinangangasiwaan.

g paggamit ng holy water ay tilapagpapatuloylamang


ng sa
kinagisnangpagpapahalaga
atawan at kaluluwa ng mga katutubo upang makamtan ang ginhawa.
Mga Pagbabago at Pagpapatuloy
sa Paniniwalang Panrelihiyon
Malinaw ang naging pamamaraan
ng mga prayle sa paglaganap ng
Kristiyanismo at tanggap ito
maging ng pamahalaang kolonyal
na malaki ang papel na
ginampanan ng mga prayle sa
paglaganap ng kolonyalismo,
kung kung nabihag ng mga
conquistador ang pisikal na
katawan ng mga katutubo ay
nabihag naman ng mga prayle ang
kanilang mga paniniwala.
Mga Pagbabago at Pagpapatuloy
sa Paniniwalang Panrelihiyon
Ipinalabas ng mga Espanyol na dapat
tanggapin ang kolonisasyon dahil
kaakibat nito ang kaligtasan ng
kaluluwa dahil kung hindi nila
sinakop ang Pilipinas ay patuloy pa
ring nasa panahon ng kadiliman ang
mga katutubo kung saan sumasamba
diumano ang mga katutubo sa mga
demonyo at hindi sa kinikilalang
tunay na diyos.
REDUCCION
Ito ay sapilitang
pagpapatira sa mga katutubo
mula sa orihinal nilang
tirahan gaya na lamang sa
tabing-ilog o kabundukan
tungo sa bayan na tinatawag
na pueblo.
Layunin ng Reduccion
1. Pagpapatupad ng mga batas sa
mga katutubo.

2. Paglaganap ng Kristiyanismo

3. Madali ang pangongolekta ng


buwis

4. Pagbabantay sa kanila

5. Paghuli sa mga lumabag sa


batas.
Pueblo bilang Bagong Kaayusang Bayan
SIMBAHAN
Sentro ng pueblo na siyang nagsilbing
himpilan ng Kristiyanisasyon sa tiyak
na pook. Kalapit nito ay ang paaralan,
ospital, at pulisya. Sa tapat naman nito
ang plaza, isang hugis-parisukat na
bukas na espasyo at mula rito ay
nagsasanga-sanga ang mga daan.
bajo el son de le campana
Dito ibinatay sa paninirahan sa pueblo
na ibig sabihin ay sa ilalim ng tunog ng
kampana.
Pueblo bilang Bagong Kaayusang Bayan

CABECERA
Tawag sa tirahang nasa
ilalim ng tunog ng kampana.

VISITA
Ang mga nayon o baryo na
nakapaligid sa cabecera.
Negatibong Epekto ng Reduccion sa mga Katutubo

1. Nalayo sila sa kanilang pinagkukunan


ng kabuhayan.
2. Nawalay sila sa kanilang kamag-anakan.
3. Napilitan sa pagbayad ng buwis.
4. Sumunod sa patarang Espanyol kahit
labag sa kanilang kalooban.
TULISANES
Tawag ng mga Espanyol/Prayle sa taong-
labas na minabuting manirahan sa mga
kabundukan upang doon mamuhay nang
malaya. Ayaw nilang sumailalim sa
patakan ng Espanyol.
Gawin at Matuto

Iguhit sa papel ang mga gusali


malapit at sa paligid ng inyong
plaza. Pagkatapos, itala ang
kaugnayan ng iginuhit na plaza sa
patakarang reduccion ng mga
Espanyol.
Gabay na Tanong
1. Bakit nagkaroon ng ibayong
kapangyarihan ang mga prayle sa
panahon ng kolonyalismo?

2. Bakit mas madaling maipatupad ang


kolonyalismo kung pagsasama-
samahin ang mga tao sa isang lugar
gaya ng pueblo?
TRIBUTO
Isang buwis na kung saan
layunin ng mga Espanyol na
lumikom ng pondo mula sa
kolonya upang matustusan ang
pangangailangan nito.

EXTRACTIVE
Ang patakarang ipinatupad ng
mga Espanyol sa Pilipinas sa larangan
ng ekonomiya na nakabatay sa pagkuha
ng lakas-paggawa at likas na yaman ng
bansa.
Real Situado
Tulong na salapi na galing
Mexico kung saan dito umasa
ang isang bansa upang
matugunan ang pangangailangan
sa kolonya.

Sa usaping pagbubuwis,
sinasabinghindinamantalagaang Spainang
kumita Pilipinas
mula kundisa ang
pananakopsa
mga Espanyol na ipinadala rito.
Halaga ng Tributo
Ang pagbabayad ng
buwis ay simbolo ng pagkilala
sa kapangyarihan ng hari ng
Spain
Taon ng pangongolekta ng tributo
 1571 - 8 reales

 1589 - 10 reales

 1851 - 12 reales
Cedula Personal
Isang kapirasong papel na
tinatanggap mula sa pamahalaan
bilang katibayan ng pagbabayad
ng buwis.
Doble ang pahirap na dulot
ng cedula personal sapagkat
kailangang dala niya ito lagi ng
katutubo saan man siya
magpaunta.
Nagpapatunay ng kanyang
pagkakakilanlan at ng kanyang
lugar ng paniraha.
Cedula Personal
Kung wala siya nito, maari
siyang pagbintangan na tulisan.

Sinumang mahuli na
walang dalang cedula personal ay
pagmumultahin.

Kung walang pangmulta ay


ikukulong.
Mga Buwis na Ipinataw
Diezmos Pedriales
Buwis na binabayaran na katumbas ng 1/10 na kita ng
kanilang lupa.
Donativo de Zamboanga
Buwis para sa pagsuporta sa hukbong militar para sa pagsakop
ng Jolo.
Vinta
Buwis na binabayaran ng mga katutubo sa may kanlurang
Luzon para sa pagsuporta sa hukbong militar sa pananalakay
ng mga piratang Muslim na nambibihag ng katutubo para
ibenta bilang alipin.
Mga Buwis na Ipinataw
Bandala
Nagsimula sa panahon ni Gobernador-
Heneral Sebastian Hurtado de
Corcuera noong ika-17 siglo.

Nagtalaga ang pamahalaan sa taunang


quota ng produkto sa mga lalawigan
na kailangan nilang ibenta sa
pamahalaan. Dahil hindi naman sila
nababayaran ng pamahalaan ay
kadalasang kinukumpiska na lamang
ang kanilang mga produkto.
Negatibong Epekto ng Tributo
1.Nabawasan ang mataas na pagtingin
ng mga katutubo sa kanilang mga
sarili.

2. Pagkamkam (Korupsiyon) ng pera


ng mga tiwaling Espanyol na walang
hangad kundi ang magpayaman bago
bumalik sa Spain.

3. Lalong nagsadlak sa kahirapan ang


mga katutubo sa pagbabayad ng buwis.
Gawin at Matuto

Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang


uri ng buwis na ipinatutupad ng
pamahalaan sa kasalukuyan.
Tukuyin kung nakabubuti o hindi
ang mga naturang buwis sa
mamamayan.
ENCOMIENDA
Isang sistema kung saan
ipinagkatiwala sa mga conquistador
ang isang teritoryo.
Ang paggawad ng sistemang
ito ay nagsilbing pabuya o
gantimpala sa mga Espanyol na
nakatulong sa paglaganap ng
Kolonyalismo.
Administratibong yunit para
sa koleksiyon ng buwis.
Conquistador

Sundalong Espanyol na
nakatulong sa pagpapatupad at
paglalaganap ng kolonyalismo.

Itinalaga sa kanya ang


pagmamahala ng encomienda.
Encomienda bilang pabuya sa Conquistador

Encomendero
Tawag sa taong ginawaran ng
Encomienda na may karapatang
maningil ng buwis sa mga
mamamayang sakop niya o
sakop ng encomienda.
Maaari niyang gawin sa loob ng
tatlong henerasyon at
pagkatapos ay kailangan na
niyang ibalik sa pamahalaan ang
encomienda.
Encomienda bilang pabuya sa Conquistador

Cabeza de Barangay
Pinuno ng barangay sa panahon
ng kolonyalismong Espanyol sa
Pilipinas na itinalaga ng
encomendero na tagasingil ng
buwis.

Paraan sa pagbabayad ng buwis.


 Pagbabayad ng 8 reales sa loob ng isang taon.
 Sa anyo ng ani
 Sapilitang paggawa
Mga Pang-aabuso ng Encomendero

1. Mabigat sa katutubo ang


pagbabayad ng buwis na walong
reales.
2. Nakadepende sa encomedero
kung anong paraan ng
pagbabayad ng buwis ang
ipapataw.
3. Ginamit ang cabeza de
barangay sa paniningil ng buwis
kung kayat galit ang kapuwa
katutubo sa naniningil.
SAPILITANG PAGGAWA
Hango ito sa polo y servicio na
nangangahulugang “gawaing
pampamayanan”.
Ipinatupad noong 1580 sa
lahat ng kalalakihan na may
gulang na 16 hanggang 60.
Ang pagtatrabaho ay nasa 40
na araw sa loob ng isang taon.
Kadalasang ginagawa ay
kalsada, tulay, simbahan, bahay
na bato, munisipyo at galyon.
Patakaran ng Sapilitang Paggawa
Batay sa Laws of the Indies, may
partikular na kondisyon sa
pagpapatupad ng sapilitang
paggawa upang maiwasan ang
pang-aabuso ng mga polista.
Laws of the Indies
Kalipunan ng mga batas na mula
sa mga mananakop ng Espanyol at
ipinaiiral sa mga kolonya.
Nakasaad sa batas ang sumusunod:

1.Kailangang bayaran ng mga polista sa


kanilang pagtatrabaho.
2.Hindi dapat dalhin sa malayo at doon
magtrabaho
3.Hindi dapat magtrabaho sa panahon ng
pagtatanim o pag-aani.
Polista
Nagtatrabaho sa sapilitang
paggawa.

FALLA/FALUA

Buwis na binabayaran upang


maligtas mula sa sapilitang
paggawa.
Negatibong Epekto ng Sapilitang Paggawa sa
mga Katutubo
1. Hindi binabayaran ang mga polista.
2. Sila ang nagdadala ng mga materyales
sa mga impraestrukturang gawain.
3. Dinadala sa malayong lugar upang
doon magtrabaho.
4. Bumaba ang produksiyon ng mga
pananim at nagkaroon ng taggutom sa
ibang lugar.
5. Nagbabaon sila ng pagkain dahil walang
libre sa oras ng sapilitang paggawa.
6. Nawawalay sila ng matagal sa pamilya.
REAKSIYON NG MGA KATUTUBO SA
KRISTIYANISMO AT IBA PANG PAMAMARAAN
NG PAGSASAILALIM
Tinanggap ng mga katutubo ang Kristiyanismo dahil
ipinagpatuloy lang ng mga Espanyol ang kinagisnang paniniwala.
Halimbawa:
1. Ang pagpapatuloy ng piyesta bilang
pagpapasalamat sa mga biyaya at patnubay mula
sa espiritu o diyos.
2. Paggamit ng tubig para sa paglilinis ng
katawan at kaluluwa.
3. Ang pagkilala sa tagapamagitan sa diyos at
tao upang maiparating sa diyos ang kahilingan.
Reaksiyon sa Kristiyanismo
 Dahil sa kaakit-akit ang pangakong
kaligtasan ng relihiyong Kristiyanismo para
sa mga katutubo nagsimula silang
maniwala sa konsepto ng langit at
impiyerno (at purgatoryo pa nga).
 Naging matindi ang imposisyon ng
moralidad dahil nakabatay na sa mga
ginawa habang nabubuhay ang
kapupuntahan ng kaluluwa kapag namatay.
 Sinusunod ang batas na Diyos upang
maging karapat-dapat. Sa buhay na walang
hanggan.
Pagbaba ng Katayuan ng Kababaihan
 Nangibabaw ang kalalakihan sa
kapangyarihan ng espirituwal.
 Ipinagbawal sa kababaihan ang humawak
ng pinakamataas na posisyon sa relihiyon.
 Naging tagapaglinis at tagapag-ayos ng
simbahan ang karamihan sa kababaihang
nais pa ring maging aktibo sa relihiyon.
 Ang dating babaylan na nais ipagpatuloy
ang dating gawain ay nanirahan sa bundok
 Ang nahuli ng mga Espanyol ay
pinarusahan at ang iba ay ipinapatay.
Reaksiyon sa mga Patakarang Kolonyal
 Marami ang sumunod na lamang sa bagong
kaayusang-bayan na ipinatupad ng mga
REDUCCION Espanyol.
 Ang iba ay hindi nagpasailalim sa
reduccion at nagdesisyong manirahan ng
malaya sa mga kabundukan bilang mga
tulisan.

 Sumunod sa kagustuhan ng mga


ENCOMIENDA
encomendero subalit dumating sa puntong
hindi na nila nakayanan ang mga pang-
aabuso.
Reaksiyon sa mga Patakarang Kolonyal

TRIBUTO  Naging sanhi ng pag-aalsa dahil tutol sila


sa di-makataong patakaran.
 Hindi buong pusong tinanggap ang pang-
aabuso sa kanila ng mga Espanyol.
SAPILITANG  Kumilos sila at nagkaisa upang matigil ang
pang-aabuso.
PAGGAWA
Folk Catholicism
Katolisimong nakabatay sa
pag-aangkop ng katolisismo
sa katutubong paniniwalang
panrelihiyon.
Halimbawa:
1. Kung dati ay marami silang mga espiritung sinasamba, sa
Kristiyanismo ay isa na lamang ang diyos na dapat sambahin.
2. Kung dati ay walang tiyak na lugar na sambahan ng mga
espiritu, sa Kristiyanismo ay mahalaga ang pagpapatayo ng
simbahan bilang banal na espasyo ng pagsamba ng mga
mananampalataya.
Gawin at Matuto

Sumulat ng isang kaugalian na


isinasagawa pa rin sa kasalukuyan
na nagpapatunay ng sinaunang
paniniwala sa espiritu sa kapaligiran
sa kabila ng pagpalaganap ng
Kristiyanismo. Talakayin ito.
Isip, Hamunin
Identipikasyon : Tukuyin ang komseptong isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa iyong papel.
1. Teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistador o
mga Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo.
2. Pagmimisyon ng mga prayle upang mahikayat ang
mga katutubo na tanggapin ang relihiyong Kristiyanismo.
3. Pondong nanggagaling sa Mexico bilang pampuno sa
mga gastusin ng Spain sa Pilipinas.
4. Paraan ng pagbabayad ng buwis na ipinalit sa tributo
noong 1884.
5. Mga sundalong Espanyol na nakatulong sa
pagpapalaganap ng kolonyalismo.
Isip, Hamunin
Punan ang Patlang : Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagtukoy
sa tamang salita. Isulat ang sagot sa inyong papel.

1. Ang tawag sa bayang itinatag ng mga Espanyol batay sa


patakarang reduccion ay .
2. Ang mga nayon o baryo na nakapaligid sa cabecera ay tinatawag
na .
3. Sa pagdating ng mga Espanyol, naabutan nilang karamihan sa
mga katutubo ay nakatira sa ilog at ang
pagkakaayos ng kanilang komunidad.
4. May pagtatangkang maprotektahan ang kapakanan ng mga
polista batay sa .
Isip, Hamunin
Punan ang Patlang : Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagtukoy
sa tamang salita. Isulat ang sagot sa inyong papel.

5. Ang nagsilbing tagasingil ng buwis ng encomendero ay


.
Isip, Hamunin
Binagong Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng
pangungusap. Kung mali, Isulat ang MALI at palitan ang salitang may salungguhitan
upang maitama ang pangungusap. Gawin ito sa iyong kwaderno

1. Nagsimulang dumanas ng krisis o pagbabagong-anyo ang bayang


Filipino noong 1521 sa pagsisimula ng kolonyalismong
Espanyol.
2. Pinangunahan ng mga Dominican ang pagmimisyon sa Pilipinas.
3. Developmental ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa
Pilipinas sa larangan ng ekonomiya na nakabantay sa pagkuha
ng lakas-paggawa at likas na yaman ng bansa.
Isip, Hamunin
Binagong Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng
pangungusap. Kung mali, Isulat ang MALI at palitan ang salitang may salungguhitan
upang maitama ang pangungusap. Gawin ito sa iyong kwaderno

4. Ipinaglaban ng mga namumuno sa mga pag-aalsang


panrelihiyon ang pag-agaw sa kapangyarihan ng mga prayle upang
mapamunuan ang simbahan.
5. Falua ang buwis na kailangang bayaran ng mga polista upang
maiwasan ang sapilitang paggawa.

You might also like