You are on page 1of 4

DIVINE WISDOM SCHOOL OF PALMAYO

Resettlement Area, Floridablanca, Pampanga


ESP 5 – St. Michael’s the Archangel

Name:__________________________________________ Date:_________________________
LESSON 5: Tayo‟y Makilahok...... Makilahok
Alam u ba na.......
Ang pakikiisa, lalo na sa pagpaplano at pagpapasya ay nagkakamit ng ginhawa at tagumpay ng bawat isa.

Tayo‟y Makilahok...... Makilahok

Tayo‟y makilahok sa lahat ng gawain


Sa ating samahan lalo na‟t may usapin
Pagkat ang desisyon sa bawat gagawin
Ay dapat maging mabuti ang simulain.

Saan man dumako ang usapan


Sumaling palagi sa plano ng samahan
Pagkat desisyon ng lahat ay kailangan
Kaya makisama sa lahat ng talakayan.

Tayo‟y makilahok sa tuwi-tuwina


Upang di tayo magmistulang tangan
Kapag may nangyari tayo‟y may alam na
At di magtatanong na tila ibang-iba.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain ng samahan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Ipaliwanag: “Tayo‟y makilahok sa tuwi-tuwina upang di tayo magmistulang tanga.”
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang paglahok sa pagpaplano ng proyekto ng samahan?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
5. Ipaliwanag: “Ang pasya ng nakararami ay dapat na laging mamayani.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Prepared by: Mrs. Lourdes M. Manansala

LESSON 2 3
DIVINE WISDOM SCHOOL OF PALMAYO
Resettlement Area, Floridablanca, Pampanga
Aralin Panlipunan 5 – St. Michael’s the Archangel

Name:__________________________________________ Date:_________________________
LESSON 5: PANAHONG PRE-KOLONYAL
Bago pa sinakop ng malalakas na bansa ang Pilipinas, mayaman na ang panitikan sa tula. Magaling at matalino
ang mga unang Pilipino sa pagbuo ng tugma. Mga tugmaang kinapapalooban ng mga magagandang kaisipan at
talinghaga. Napagalaw nang husto ng mga ninuno ang kanilang mga guniguni. Naging libangan nila ang pagsulat ng
tugma. Noon nabubuo ang tula sa pamamaraang pabigkas at hindi pasulat.
Tatlong (3) Uri ng Tula
a. Panugmaang-Bayan
1. Tugmaang Pambata
Maiiksing tula na walang diwa, kung mayroon man ito ay mababaw lang
Halimbawa:
“Ulan-ulan pantay kawayan Bagyo- bagyo pantay kabayo”
2. Tugmaang Matatalinghaga
Maiikling tula ngmay sukat at tugma, may malalim na paksa at humahasa sa kaisipan
Halimbawa:
a. Bugtong
ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang palaisipan (tinatawag ding palaisipanang bugtong)
Halimbawa:
“Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.” - Zipper
b. Kawikaan o kasabihan
Halimbawa:
“Wag mong gagawin sa iba, kung ayaw mong gawin sayo.”
“Kapag may isinuksok, may madudukot.”
c. Salawikain
ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Halimbawa:
“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”
“Anhin pa ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago. Mabuti pa ang bahay kubo na ang nakatira
ay tao”
3. Tugmaang ganap na tula
Gumagamit ito ng maririkit na salita na may sukat, tugma, talinghaga at kaisipan. Nabibilang
dito ang tinatawag na tanaga ng katagalugan at ambahan ng mga taga- Mindoro.
Halimbawa
Ang tubig na malalim
Malilirip kung libdiw
Itong birheng magaling
Maling paghanapin
b. Awiting Bayan
Naglalarawan ito kung anong uri ng pamumuhay ang ating mga ninuno. May sukat at tugma na
kinapapalooban ng iba’t ibang damdamin na may marikit na pananalita.
Iba’t – ibang Uri ng Awiting Bayan
 Uyayi o hele – awit sa pagpapatulog ng bata.
 Soliranin – awit sa paggaod o pamamangka
 Kalusan – awit sa sama-samang paggawa
 Diona – awit sa kasal
 Kundiman – awit sa pag-ibig
 Kumintang o Tikam Hiliraw o Tagumpay – awit ng pakikidigma
 Dalit – awit para sa mga anito, pagsamba at paggalang ang himig nito

LESSON 2 3
 Dung-aw – awit para sa patay bilang pagdadalamhati
 Umbay – awit ng nangungulila dahil sa kawalan ng nagmamahal na magulang
 Ditso – awit na mula sa mga batang naglalaro sa lansangan
c. Epiko
Tinatawag na tulang pasalaysay. Nagsasalaysay ito ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.
Napapaloob dito ang kultura ng isang lalawigan kung saan nagmula ang na napabantog.
Mga Halimbawa ng Epiko
 Lam-ang – Ilocos
 Handiong – Bicol
 Hudhud at Alim – Ifugao
 Hinilawod – Bisaya
 Bantugan – Maranaw
 Indarapatra at Sulayman - Maguindanao

Gawin Mo
Magbigay ng tigdalawang halimbawa sa mga sumusunod.
a. Bugtong
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
b. Kawikaan o kasabihan
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
c. Salawikain
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Prepared by: Mrs. Lourdes M. Manansala

LESSON 2 3
DIVINE WISDOM SCHOOL OF PALMAYO
Resettlement Area, Floridablanca, Pampanga
EPP 5 – St. Michael’s the Archangel

Name:__________________________________________ Date:_________________________

LESSON 2 3

You might also like