You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE


Labangan, San Jose, Occidental Mindoro
website: www.omsc.edu.ph email address: omsc_9747@yahoo.com
Tele/Fax: (043) 457-0231 CERTIFIED TO ISO 9001:2015
CERT. NO.: 50500643 QM15

Modyul sa Pagkatuto
sa
Syosyedad at Literatura / Panitikang
Panlipunan (SOSLIT)

Inihanda nina:
ARNULFO T. VILLANUEVA, PhD
ROWENA C. ULAY, PhD
MYRNA V. BALLEZA, MA
AIDA E. BERGONIA, MA
ROGER T. AMSON, MA (Candidate)
JOSEPHINE C. ESTIPONA, MA
KHRYSS ALBEA D. PAULINO
GENESIS L. TOLENTINO

Bahagi ng modyul sa pagkatutong ito ay hindi pag-aari ng mga awtor. Ang marapat na pagkilala
at pasasalamat ay malugod na ibinibigay sa mga awtor, sangguniang internet at mga
mananalikisik na nakatala sa mga pahina ng sanggunian. Ang mga sangguniang ginamit ay
nakalaan upang higit pang maipaliwanag ang mga konsepto. Ang lahat ng mga dayagram, tsart
at mga imahen ay ginamit para lamang sa higit na pagkatuto. Ang tanging layunin ng kagamitang
pampagtuturong ito ay upang padaliin ang malayang pagkatuto at hindi para kumita
sapagkat ito ay HINDI IPINAGBIBILI.

Edisyon 2020

1
Aralin 8
Pagsulat ng Tula
PAKSA
 Ang Tula/ Katuturan
 Pagsulat ng Tula

LAYUNIN
 Mailahad ang katuturan, uri at pamamaraan ng pagsulat ng tula bilang
instrumento sa panunuring pampanitikan.
 Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang
suliraning panlipunan.
 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.

A Singkaw- kaisipan

Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay


nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at
paghahanap ng mga magkakatugmang mga salita upang maipadama ang isang
damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. Bagama’t sa kasalukuyan ay
unti- unti nang nawawala ang sukat at tugma ng isang tula, lalo’t ang makabagong
manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan. Sa isang tula ay maaaring
may tatlong interpretasyon o pakahulugan: yaong sa manunulat, sa guro at mag-aaral,
bagamat ang pinakadiwa nito ay iisa lamang.

2
B Lusong-kaalaman

Pakinggan at awitin ang “We Heal As One” bilang pagkilala sa mga bayani ng
kasalukuyan at ng ating pagkakaisa. Gawin ito bilang pagsisimula ng paksa.

We Heal As One Sa wari mo’y nag-iisa


Sa wari mo’y nag-iisa But when we heal, we
Lahat kanya-kanya heal
Ngunit di man We heal as one
nagsasama
Kaya pang magkaisa We heal as one with
kindness
Isa sa pag-iingat We heal as one
Isa sa ‘ting dasal We serve, we share, we
Lahing nagpapatunay show compassion
Na tayo’y makatao pa We heal as one

Together we are being Sa wari mo’y nag-iisa


called But when we heal, we
To make a future world heal
The test we face is for Yes we will heal, we
us to prove heal
That we can heal as one Yes we can heal, we
heal
We heal as one with We heal as one
kindness We heal as one
We heal as one
We serve, we share, we
show compassion
We heal as one
Sa wari mo’y nag-iisa
But when we heal, we
heal
We heal as one

Isa sa pag-iingat
Isa sa ‘ting dasal
Lahing nagpapatunay
Na tayo’y makatao pa
Together we are being Featuring Produced by Release
Date
called
To make a future world Michael Williams Jimmy March
The test we face is for (PH), Menchu Lauchegco- Antiporda & Ryan 26,
Yulo & 16 more Cayabyab 2020
us to prove
That we can heal as one
Is when we heal as one

We heal as one with


kindness
We heal as one
We serve, we share, we
show compassion
We heal as one

3
C Bungkal – kabatiran

Paksa 1: Ang Tula/ Katuturan


Marami nang katuturang nabuo ang tula at ang ilan ay babanggitin dito:

Ang akdang patula ay may apat na uri: tulang


pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang padula o
pantanghalan, o tulang patnigan.
1. Tulang Pasalaysay- ang uring ito ay naglalarawan ng
mahahalagang tagpo opangyayari sa buhay; halimbawa’y ang
kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at panganib sa
pakikidigma, o kagitinagan ng mga bayani.
Mga uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko- Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o
binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at
pagtatagumpay ng pangunahing tauhan laban sa mga
panganib at hamong kanyang natatanggap. Ang mga
nagsulat nito ay naglayong gamitin ito sa ritwal.
Ang Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) ay isang
halimbawa ng epiko.
b. Awit at Kurido- ay tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang mga
reyna’t hari, prinsesa’t prinsipe. Ang awit ay may 12 ang
sukat ng pantig, habang ang korido naman ay may 10 ang
sukat. Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng awit,
at ang mga sumusunod ay halimbawa ng korido:
Ang Ibong Adarna.
c. Ballad- Ang balad ay tulang inaawit habang may
nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang
panahon. Mayroon itong anim hanggang walong
pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw. Ang balitaw ay debateng awit at sayaw tungkol
sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki.
2. Tula ng Damdamin o Tulang Liriko- Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ang
sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na
batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang mga ito.
Mga uri ng Tulang Liriko

a. Soneto  Ito ay ang tulang tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na


taludtod, dito ay may mapupulot na aral ang mga mambabasa.
b. Elehiya  Ang tulang ito ay tungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa
paggunita sa isang sumakabilang buhay.

4
c. Dalit  Ang tulang ito ay kilala bilang awit sa pagsamba sa anito. Ito ay awit ngpapuri
sa Diyos o di kaya naman ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o a Relihiyon.
d. Pastoral  Ito ay ang tulang tungkol sa bukid.
e. Oda  Ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin, ito ay walang
tiyak na bilang ang pantig at taludtod.

3. Tulang dula o Pantanghalan


a. Trahedya  Ang tema ng trahedya ay mabigat o nakasasama ng loob at kadalasa'y
nakakaiyak. Karaniwang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan ang mga tauhan.
Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo
o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan.
b. Komedya  Ang mga elementong, makaparsa, gaya ng pagbobobo (clowning)
pagbibigay ng mga biro, mga nakakatawang kilos o iba pang sangkap ng maraming
komedya. Ang komedya ay nakakahigit sa parsa, higit na seryoso at kapanipaniwala.
Ang mga tauhan ay nakikita sa lipunan ng mga indibidwal. Maaari silang pagtawanan o
makitawa sa kanila ng may pansin sa kanilang kalagayan o suliranin.
c. Parsa  Ang parsa ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mga
pangyayari ng isang dulang nakakatawa. Isang dulang pangunahing layunin ay
magdulot ng katatawanan sa mga tagapanood. Ito'y gumagamit ng eksaheradong
pantomina, pagbobobo (clowning) mga, nakakatawang komikong pagsasalita ng
karaniwang isinasagawa sa mabilisan at di-akmang layunin at di pakaunawaan.
d. Melodrama  Ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't
ang uring ito'y may malulungkot na sangkap kung minsan ay labis ang pananalita at
damdamin sa uring ito at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang
melodrama sa mga musikal na dula. Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya
ang pagwawakas.
e. Saynete  Ang saynete ay dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kuwento
ng pangunahing tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait, masiyahin at
maaalahanin.
4. Tulang Patnigan
a. Duplo  Isang uri ng tula na hinango sa balagtasan. Ipinangalan ito sa kinikilalang
"Unang Hari ng Balagtasan" na si Jose Corazon de Jesus o 'Huseng Batute'. Ginagawa
ito sa mga lamayan upang libangin ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan ngunit
may kasama ring katotohanan. Ito ang pumalit sa karagatan, sapagkat ito ay labanan
ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay
galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay
sa patay.
b. Karagatan  Ito ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran
at matalas na pag-iisip. Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan
ng singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan. Kung sino man ang makakita ng
singsing ay siyang mapapakasalan ng prinsesa.
c. Balagtasan  Ito ay isang uri ng pagtatalo ng
dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
Pinatanyag ito ng "Hari ng Balagtasan" na si Jose
Corazon de Jesus (Huseng Batute).
Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas,
inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng
panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga
saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng
pananalitang may mga tugma sa huli.

KAHULUGAN NG BAWAT URI NG AKDANG TULUYAN


1. Pabula  Ito’y isang maikling katha na nagbibigay o halimbawa ng isang uri ng tao, ng
asal nito at pag-uugali. Ang karaniwang mga tauhan dito ay mga hayop na kumakatawan

5
sa iba’t ibang uri ng tao at sa wakas ng maikling kathang ito ay may ibinigay nang isang
aral sa pamamagitan ng kasabihan o kawikaan. Ang pabula at katha ay iisa na may
layuning maghasik sa isipan ng mga mambabasa lalo na sa mga bata noong unang
panahon ng magagandang pangyayaring dapat na pamarisan at iwaglit ang masamang
gawaing di dapat panatilihin o pamarisan.
2. Alamat  Ito ay natutungkol sa pinagmulan ng isang bagay o pangyayari, pinagmulan
ng isang pook, ng halaman, ng hayop, ng bagay, at ng pangalan.
3. Maikling Kuwento  Isang kathang pampanitikan na ang karamihan sa mga
pangyayaring simple, may mga kilos na organisado, pagtutunggali ng mga tauhan, may
banghay, at sa kalagitnaan ay may mabibisang kasukdulan at may katapusan. Ang
maikling kuwento ay maikli kaysa sa nobela ngunit may pangunahing tauhan din, may
banghay na pagkakayari at may kasukdulan.
4. Sanaysay  Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matalinong
pagtuturo, makatuwirang paghahanay ng mga kaisipan at ng damdamin ng isang
sumusulat ayon sa kaniyang karanasan, kaalaman at haka-haka.
5. Talambuhay  Isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang
tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.
6. Dula  Ito’y isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay
naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na
bahagi ng buhay ng tao. Ang isang dula ay may mga sangkap tulad ng paunlad na
paglalahad ng mga pangyayari, buhol o suliranin, at kakalasan o pagliwanag sa suliranin.
7. Nobela  Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling mga pangyayari na
pinaghabi-habi sa isang mahusay na pagbabalangkas. Ang binibigyan ng diin ay
pagtutunggali ng hangarin ng bayani sa isang dako at ng hangarin naman ng kaniyang
mga kalaban sa kabilang dako. Ang katunggali ng pangunahing tauhan ay maaaring ibang
tao o kaya’y mga salungat na pangyayari, o ang sarili na rin niyang ugali at pagkatao.
8.
PAKSA 2: PAGSULAT NG TULA
Ang pagsulat ng tula ay isang bagay na kung titingnan ay mahirap gawin. Ngunit, sa
kaunting pagsasanay lamang ay magiging natural na ito sa iyo.
Tandaan ninyo, kahit sino ay puwedeng sumulat ng tula. Hindi mahalaga ang edad sa
pagsusulat, ang importante lamang ay pagpahiwatig ng iyong karanasan at damdamin.
Narito ang mga tips kung paano sumulat ng magandang tula:

 Humanap ng inspirasyon. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Kung wala ito, hindi magiging
kapanipaniwala ang iyong mga sulat.
 Saan ba ako makakakita ng inspirasyon?. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakakuha
ka ng inspirasyon. Minsan mayroong mga pangyayari o tao na bigla na lamang bibigay sa
iyo ng napakatinding emosyon na para bang umaapaw. Pag nakita mo na iyon, dapat
handa ka nang magsulat.
 Magsimula sa malayang taludturan. Maraming pormal na paraan ng pagsulat ng tula na
gumagamit ng saktong sukat at tugma. Subalit, mas maganda pa rin na magsimula ka sa
malayang taludturan. Pagkatapos, maari mo nang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng tula
tulad lamang ng haiku, tanaga, tanka at iba pa.
 Siguraduhing alam mo ang sinusulat mo. Hindi magiging kapani-paniwala ang iyong tula
kung hindi mo ito lubos na alam. Kung ang sulat mo ay tungkol sa korupsyon sa gobyerno,
dapat alam mo talaga kung anong nangyayari. Ganun rin pagdating sa pag-ibig. Kung ikaw
ay nasaktan na, gamitin mo ang karanasan na iyon para maipahiwatig kung ano talaga ang
naramdaman mo sa pagkakataong iyon.
 Magbasa ng tula ng iba. Hindi ka magiging mahusay na manunulat kung hindi ka natututo
sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring makakakita ka ng ibang paraan ng pag sulat
na puwede mong kunan ng inspirasyon.

6
 Gumamit ng metaphor o simile kahit simple lamang ito. Ang paggamit
ng simile at metaphor ay isang paraan ng paglalarawan sa mga pangyayari, tao, o bagay.
Maaari ring gamitin ang personipikasyon sa mga tula.

Halimbawa:

O sinta ko, kahit ang liwanag ng buwan,


Ay hindi makapantay sa iyong kagandahan.
Ang mga bituin naman ay lubos sa kainggitan,
Ikaw ay nasa puso, magpakailanman
Lagi’t laging binabanggit na sa pagsulat ng anumang akdang pampanitikan, mahalaga ang
pagkakaroon ng inspirasyon. Dito tinataya o tinitimbang kung ano nga ba ang nais mong isulat,
at kung para kanino o para saan ka ba magsusulat? Ano ang layunin mo sa pagsulat? Saan ka ba
maaaring kumuha ng inspirasyon?
Narito pa ang ilang tips sa pagsulat ng tula:

 Maaari kang makakuha ng inspirasyon sa mga tao sa iyong paligid. Ang


pakikipagkuwentuhan patungkol sa mga kaniya-kaniyang karanasan ay makatutulong
upang mapalawak mo ang iyong imahinasyon. Maaari ka ring makapulot ng mga aral sa
buhay mula sa karanasan ng ibang tao.

 Maaari ka ring makakuha ng inspirasyon mula sa sarili mong karanasan. Ang first-hand
experience ay laging nagdudulot ng kongkretong reaksiyon mula sa mga bagay-bagay na
iyong naranasan.

 Maaari ka ring makakuha ng inspirasyon mula sa mga nababasa at napakikinggan. Ang


pagiging expose sa mga pagtatanghal ng sining ay magdudulot sa iyo ng malaking
impluwensiya. Kung nanaisin mong pasukan ang mundo ng panitikan at sining, maiging
buong puso mo muna itong tangkilik.

Ano ba ang gusto mong sabihin?


Tandaan, ikaw lang ang nakaaalam kung ano ba ang gusto mong sabihin, kung ano ang
nais mong isulat. Kung sa tingin mo ay nakahanap ka ng inspirasyon sa iyong pagsusulat, dapat
mo namang intindihin ang mensahe na iyong isusulat. Ano ba dapat ang lamanin nito?
Nais sabihin sa iyong sarili. Halos lahat ng manunulat ay nagsisimula sa paglalahad ng
kanilang personal na karanasan.
Nais sabihin sa mga tagapagtangkilik. Bilang nagsisimulang manunulat, tinatantiya natin
ang panlasa ng mga magbabasa o makakapagkinig ng iyong piyesang inihanda. Kailangan buo
rin sa isipan mo kung ano ba ang nais mong sabihin sa kanila.
Nais sabihin sa lipunan. Lahat ng nagsisimulang magsulat ay may pangarap na balang
araw mabasa ng lahat ng tao ang kanilang mga isinusulat

D Linang-diwa
Panuto: Hanapin ang sagot ng Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik sa nakalaang patlang.
Hanay A Hanay B

_____1. Tulang may 14 na taludtod. a. Panitikan

7
_____2.Binubuo ng sukat na lalabindalawahing pantig at
inaawit nang mabagal na saliw ng gitara. b. Awit

_____3. Binubuo ng wawaluhing pantig na sukat at


c. Bibliya
binibigkas sa kumpas ng martsa

_____4.Tulang nagpapahayag ng damdamin tungkol sa d. Epiko


kamatayan.
e. Soneto
_____5. Mga awit na pumupuri sa Diyos o sa mahal na
birhen. f. Talambuhay
_____6. Tala ng kasaysayan ng buhay ng tao.
g. Kasaysayan
_____7. Tulang nagsasalaysay ng kabayanihan.
h. Dalit
_____8. Anumang bagay na naisatitik ay may kaugnayan
sa buhay at damdamin ng tao i. Kurido
_____9. Mga bagay na naisatitik at tunay na nangyari.
j. Elehiya
_____10. Pinagmulan ng Kakristiyanuhan.
k. Komedya
_____11.Tulang nagpapahayag ng damdamin ng makata.

_____12. Dulang nagwawakas sa kasiya-siyang l. Liriko


pangyayari at pagkakasundo-sundo ng mga
tauhan.

E Punla-Likha
Panuto: Ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga tula noon sa tula ngayon gamit ang
Graphic organizer na nasa ibaba.

F Gapas-dunong
Panuto: Kapanayamin ang mga kilala ninyong matatanda sa inyong lugar (edad 50 pataas).
Alamin kung may matatandang tula, tugmaan o talinhaga pa silang natatandaan. Itala ang
kanilang sasabihin at ilagay sa panggawaing notbuk.

8
G Sipok-kamalayan

Panuto: Gumawa ng spoken word poetry sa pamamagitan ng


video presentation na hindi bababa sa 3 minuto. Maaaring gawing paksa ang kasalukuyang mga
nangyayari sa ating bansa. Narito ang pamantayan.
Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman 4

Kahusayan sa Pagpapahayag 4

Kasiningan 2

Kabuoan 10

You might also like