You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE


Labangan, San Jose, Occidental Mindoro
website: www.omsc.edu.ph email address: omsc_9747@yahoo.com
Tele/Fax: (043) 457-0231 CERTIFIED TO ISO 9001:2015
CERT. NO.: 50500643 QM15

Modyul sa Pagkatuto
sa
Syosyedad at Literatura / Panitikang
Panlipunan (SOSLIT)

Inihanda nina:
ARNULFO T. VILLANUEVA, PhD
ROWENA C. ULAY, PhD
MYRNA V. BALLEZA, MA
AIDA E. BERGONIA, MA
ROGER T. AMSON, MA (Candidate)
JOSEPHINE C. ESTIPONA, MA
KHRYSS ALBEA D. PAULINO
GENESIS L. TOLENTINO

Bahagi ng modyul sa pagkatutong ito ay hindi pag-aari ng mga awtor. Ang marapat na pagkilala at
pasasalamat ay malugod na ibinibigay sa mga awtor, sangguniang internet at mga mananalikisik na
nakatala sa mga pahina ng sanggunian. Ang mga sangguniang ginamit ay nakalaan upang higit pang
maipaliwanag ang mga konsepto. Ang lahat ng mga dayagram, tsart at mga imahen ay ginamit para
lamang sa higit na pagkatuto. Ang tanging layunin ng kagamitang pampagtuturong ito ay upang padaliin
ang malayang pagkatuto at hindi para kumita sapagkat ito ay HINDI IPINAGBIBILI.

Edisyon 2020
Aralin 6
Sitwasyon
ng mga Pangkat Minorya

PAKSA
1. Sulyap sa Buhay ng Isang Pangkat Minorya
2. Ang mga Mangyan ng Mindoro

MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng Aralin 6, ang mga mananaliksik na mag-aaral ay
inaasahang:
 Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa
pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
 Maibuod ang mga mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang
binasa.
 Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa
kalagayan ng pangkat minorya.

A Singkaw- kaisipan

Ang iba’t ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang


sarili sa isa o higit pa na mga salik katulad ng lipi, wika, relihiyon o sa isang
magkatulad na kasaysayan. Binubuo ng malaking mayorya ng populasyon ng
pangkat na naninirahan sa kapatagan na Austranesyano, at naging Kristiyano mula
sa pagiging Animismo, Hinduismo, Budismo o Islam sa loob ng tatlong daang taon
ng pananakop ng mga Kastila.
Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay
mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mga Bikolano,
at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing
Austranesyano at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na
walang batayang pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na
dahil sa tinuturing na Pilipino ang mga Negrito sa Pilipinas.
Paksa 1: Sulyap sa Buhay ng Isang Pangkat Minorya

B Lusong-kaalaman

Aralin 6 Paksa 1 Gawain 1


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

C Bungkal – kabatiran

Sulyap sa Buhay ng Isang Pangkat Minorya


Tila alingawngaw na bumasag sa katahimikan ng mga katutubong Pilipino ang kaliwa’t kanang
suliraning nag-udyok sa kanila upang iparinig ang kanilang tinig. Kahit sila pa ang kaunaunahang humubog
sa ating kasaysayan at kultura, mistulang kulang pa rin iyon upang ang sitwasyon ng mga ethnic
minorities ay bigyang pansin ng lipunan at pamahalaan.
Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga pangkat etniko na
naninirahan sa isang rehiyon o lugar na samasama. Sila ay may koneksyong pangkasaysayan, mga bagay
na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang pamumuhay.
Matatagpuan sila sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at may tinatayang 14 hanggang 17 milyong Indigenous
Peoples na kabilang sa 110 grupo ng ethno-linguistic; ang mga ito ay pangunahing nakatuon sa Mindanao
(61%) at Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%), kasama ang ilang mga grupo sa
Visayas, ayon sa datos ng United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, isang
organisasyong nagsusulong na itaguyod at protektahan ang mga karapatan ng mga katutubong
mamamayan.
Kabilang na ang mga Mansaka ng Compostela Valley, Mangyan ng Mindoro, Lumad ng Mindanao,
mga Aeta ng Sierra Madre, at Tagbanwa ng Palawan sa maraming uri ng katutubong etniko o minorya sa
ating bansa sa bilang ng mga pangkat na hindi nakakatanggap ng karampatang pagkakakilanlan. Hindi
maikakaila ang ambag ng mga katutubo sa ating kultura at tradisyon; isa na rito ang sistema ng paglikha
ng mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces dahil sa natatanging istruktura nito, mga ipinamanang kasuotan
na sumasalamin sa sinaunang kultura, at marami pang iba. Maging sa paglipas ng panahon ay
kamanghamangha na napanatili nila ang natatanging katutubong kultura ng sinaunang Pilipino.
Ayon sa pananaliksik ng United Nations Development Program noong Marso, isang organisasyong
sumusuporta sa kaunlaran ng bansa’t pagtupad ng Millennium Development Goals nito, kadalasa’y mga
minorya ang biktima ng diskriminasyon sa benepisyong pampubliko dahil karamihan sa kanila’y nakatira sa
malalayong lugar na hindi gaanong abot ng kabihasnan. Kabilang sa mga problema ay kulang na suplay ng
malinis na tubig, tulong medikal gaya ng mga health centers, mga kagamitan at pasilidad para sa
edukasyon, at iba pa.
“A stronger focus on those excluded groups, and on actions to dismantle these barriers is urgently
needed to ensure sustainable human development for all,” ayon sa naturang ulat.

Pagsubok ngayon, pagsubok pa rin bukas?

Kasama rin sa pagsubok ng mga katutubo ang paglaban nila para sa kanilang lupaing ninuno
(ancestral domains) at likas na yaman sa kamay ng mga kapitalista at mga dayuhan. Ayon sa Human
Rights Watch Organization, isang organisasyon na naglalayong protektahan ang mga minorya, marami
ang nakasaksi sa pagpatay ng mga hinihinalang paramilitar sa mga Lumad, sinundan pa ng madugong
pagtugon ng kapulisan sa protestang ginanap ng mga katutubo sa harap ng embahada ng Amerika at
marami pang iba. Idagdag pa dito ang pahayag ng mga katutubo ukol sa pag-usbong ng mga corporate
extractive industries na pumapasok sa kanilang lupaing ninuno (na tinatago sa tawag na development
projects), tulad ng mga minahan, pagtotroso, quarrying, proyektong pang-enerhiya, at iba pang
malawakang plantasyon at proyektong pangturismo na hindi angkop sa kanilang kultura.
Mayroong panukalang batas para sa mga minorya gaya ng Republic Act 8371 o Indigenous
People Rights Act, na naglalayong protektahan at pangalagaan ang mga katutubo at ang pinagmumulan
ng kanilang kabuhayan at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na nagdaraos ng National
Indigenous Peoples Conference, isang taunang pagpupulong upang paigtingin ang pagtanggap sa
mga minorities (kaakibat nito ang kamakailan lang na paglagda sa isang kasunduan ng NCIP at Technical
Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagsulong at pakikiisa nila sa mga minorities at
mga Indigenous Cultural Communities). Sa kabila ng mga nasabing pamamaraan ng gobyerno, hindi pa rin
maiiwasan ang katotohanan na kulang ang mga ito upang masigurado ang epektibong tugon ng
pamahalaan.
Sa patuloy na pag abante ng ating bayan sa kinabukasan, hindi dapat talikuran ang kultura at ang
mga palatandaan ng ating kasaysayan. Ang ating bayan ay hindi lamang para sa mga taong nasa
kabihasnan kundi para sa lahat, minorya man o hindi.
Ang artikulong ito ay nailimbag sa The Benildean Vol. 4 No. 1: Exploitation.

D Linang-diwa
Aralin 6 Paksa 1 Gawain 2
Panuto: Sa Panggawaing Notbuk, sagutin sa tatlo hanggang limang pangungusap ang bawat
katanungan. (5 puntos sa bawat mahusay na sagot)
E Punla-likha
Aralin 6 Paksa 1 Gawain 3
Panuto: Ipaliwanag

Sa iyong palagay, paano matitigil ang mga


diskriminasyon at pang-aabuso sa mga karapatan
ng mga pangkat minorya sa Pilipinas?

F Gapas-dunong
Aralin 6 Paksa 1 Gawain 4

Panuto: Isulat ang iyong sariling nalalaman o pagkaunawa sa mga sumusunod:


Paksa 2: Ang mga Mangyan ng Mindoro
B Lusong-kaalaman
Aralin 6 Paksa 2 Gawain 1
Panuto: Piliin sa Hanay B ang wastong kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat sa
Panggawaing Notbuk ang iyong sagot.

C Bungkal – kabatiran
Ang mga Mangyan ng Mindoro
Mayroong tinatayang 300 milyong pangkat
ng mga katutubo sa buong mundo. Sa Pilipinas, sa
humigit kumulang na populasyong 94 milyon noong
taong 2010, tinatayang 15% nito ay kabilang sa
pangkat minorya.
Ang Mindoro ay pampito sa
pinakamalalaking isla sa Pilipinas, at may lawak na
10,224 kilometro kuwadrado na binibuo ng dalawang
probinsiya – Oriental at Occidental. Sa kabuoang
isang milyong populasyon, tinatayang 100,000 nito
ay ang mga katutubong Mangyan.
Mangyan ang tawag sa mga katutubong nainirahan sa isla na matatagpuan sa mga kabundukan
na binubuo ng walong pangkat at bawat pangkat ay may sariling pangalan, wika at kaugalian at kultura.

Ang mga Tribong Mangyan


Walong tribong Mangyan:
D Linang-diwa
Aralin 6 Paksa 2 Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
E Punla-likha
Aralin 6 Paksa 2 Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ibigay ang buod ng paksang aralin.

F Gapas-dunong
Aralin 6 Paksa 2 Gawain 4
Panuto: Sumulat ng sanaysay na tumatalakay sa mga sanhi at bunga ng mga dinaranas na
diskriminasyon at kawalang katarungan o paglabag sa mga karapatang pantao ng ating mga
katutubong Mangyan na hindi kukulangin sa 300 salita. Pumili ng sariling pamagat.

__________________________________
Pamagat
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

G Sipok-kamalayan
Aralin 6 Gawain 5
Panuto:
A. Isulat ang titik ng salita o mga salitang tumutugon sa mga sumusunod na tanong o pahayag.
1. Sila’y matatagpuan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas mula sa kanila ang 110 grupo ng ethno-
linguistics at ang pinakamalaking bilang nila ay nasa Mindanao.
a. Katutubo b. Mansaka c. Lumad d. Bangon
2. Ang pandaigdigang organisasyon na pomoprotekta sa karapatan ng mga katutubo.
a. International Declaration of Human Rights
b. United Nations Declaration on the Rights of the of the Indigenous Peoples
c. United Nations Development Program
d. Human Rights Watch Oranization
3. Ang pangkat minorya na gumawa ng Banawe Rice Terraces sa bahagi ng Sierra Madre Mountain
Ranges.
a. Aeta b. Mangyan c. Ifugao d. Mansaka
4. Ayon sa kanila ang isa sa pinakamalaking pagsubok na kinakaharap ng mga katutubo ay ang
paglaban nila para sa kanilang lupaing ninuno.
a. United Nations Declaration on the Rights of the of the Indigenous Peoples
b. Human Rights Watch Oranization
c. International Declaration of Human Rights
d. United Nations Development Program
5. Ang Batas Pambansa na kilala sa tawag na Indigenous People Rights Act.
a. R. A. 8371 b. R. A. 7183 c. R. A. 3178 d. R. A. 1738
6. Isa sa mga tribung Mangyan na ang tawag ay nagmula sa pangalan ng ilog na dumadaloy mula sa
dalisdis ng mga bundok sa itaas na bahagi ng lambak.
a. Tadyawan b. Bangon c. Iraya d. Alangan
7. Ang tribung naninirahan sa tabi ng ilog Binagaw at sa kalapit na mga bundok nito sa
nasasakupan ng Oriental Mindoro.
a. Hanunuo b. Iraya c. Ratagnon d. Bangon
8. Tribung kilala sa paggawa ng palayok.
a. Hanunuo b. Tadyawan c. Ratagnon d. Buhid
9. Sila ay may sistema ng pagsusulat na tinatawag na Surat Mangyan bago pa man dumating ang
mga Kastila dito sa Pilipinas.
a. Iraya b. Hanunuo c. Alangan d. Ratagnon
10. Mga katutubong kilala sa paninigarilyo gamit ang pipa (kuwako)
a. Bangon b. Buhid c. Taobuid d. Hanunuo

You might also like