You are on page 1of 19

Integrasyon ng Katutubong Kultura, Kaugalian, Pagkakakilalanlan ng mga Aeta sa

Mapaghamong Lipunan: Etnograpiyang Pananaliksik sa Brgy. Tongko, Lungsod ng

Tayabas

Isang pananaliksik

na Isinulit sa

Kolehiyo ng Pang-gurong Edukasyon

Southern Luzon State University

Lucban, Quezon, Philippines

Filipino II

Gracelyn C. Abustan
Benson N. Batac
Riva Jean S. Belesario
Micah Antonette V. Borela
Aubrey Jane V. Entienza
Gold Richard Estrope
John Eduardo Alfonso O. Fortaleza
Mark Gerald P. Lagran
Jennilyn S. Lagubana
Jannelli Micka Quevedo
King Lester M. Valdemoro
Sean Dexter C. Valle

2019
Panimula
Ang mga Aeta ay isa sa mga kilalang unang nanirahan sa bansang Pilipinas, at

pinaniniwalaang naglakbay sa tulay na lupa noong upre-kolonyal na panahon. Kilala rin sila sa

mayamang kultura at kinagawian bago pa dunating ang mga mananakop sa Pilipinas. (Panes &

Aguibiador, 2008).

Madaming pangkat- etniko na matatagpuan sa Pilipinas, isa na rito ang mga Aeta.

Matatagpuan sila sa bulubundukin ng Luzon at tinuturing bilang isang negrito na mayroong balat

na maiitim o may pagka-kayumanggi, at may taas na kulang sa apat na pulgada, kulot na buhok,

makakapal na labi at pangong ilong. Sinasabing sila ang pinakamatandang pangkat ng mga

taong naninirahan sa Pilipinas bago pa man naganap ang pandarayuhan ng mga taong

Austronesyo (Eder, J.F., 1988)

Sa loob ng maraming henerasyon napanatili nila ang kanilang katutubong pamumuhay. Sa

panahon ng mga kastila ay napanatili nilang ang mga nakagawian sa larangang pang-ekonomiya

tulad ng agrikultura, pangangalap at pangangaso at larangang pampulitika. Gayunpaman,

naimpluwensyahan pa rin sila ng doktrina ng katoliko at mga modernong kagawian tulad ng

konsepto ng kasal at paglalaro ng basketball (Brosius, 1990).

Sa kabilang banda, sa paglipas ng maraming panahon nagkaroon ng diskriminasyon sa

pamamagitan ng pagbabalewala sa kanilang katutubong kultura, paniniwala at relihiyon. Dahil

din sa mga sakuna at pagkasira ng kanilang lupang tinitirhan, napipilitan silang magpalipat- lipat

ng lugar.

Ang mga Aeta sa Brgy. Tongko, Lungsod ng Tayabas ay kilala bilang mga katutubong

naninirahan sa probinsya ng Quezon, na matatagpuan sa pagitan ng dalawang probinsya ng

Quezon; ang Lungsod ng Lucena at Lungsod ng Tayabas. Ang mga taong naninirahan dito ay
hindi lahat Aeta at mga purong Aeta, karamihan na nakatira dito ay may dugong Aeta at

Tagalog. Witnessing their living situation, they are much more living like an ordinary people and

the indigenous way of life were fading. Dahil malapit sila sa urbanisasyon, ang kanilang

kaugalian at pamumuhay ay na-apektuhan nito. Ayon kay Schalkwyk (2000), ang pagbabago sa

kultura ay nagaganap sa pagitan ng komunindad na gustong iangkop ang kanilang pamumuhay

sa kanilang pabago-bagong kapaligiran. Ang Aeta ng Brgy. Tongko ay hindi na gumagamit ng

kanilang tradisyonal na kasuotan dahil tinanggap na nga mga Aeta ang makabagong pananamit

na nababagay sa milenyal na panahon at pabago-bagong klima. Anag kanilang wikang ginagamit

sa pang-araw-araw ay Tagalog. Ilan sa mga lalaking Aeta ay trabahador sa konstruksyon at ang

mga kababaihan naman ay nagbebenta ng halamang gamot sa bayan ng Lucena at Tayabas. Ang

pagpapanatili ng kanilang kakaibang kultura ay mahalaga para sa kanilang pagkakakilanlan at

para na rin sa mga taong hindi kilala ang kultura, kaugalian at itsura nga mga Aeta para

matugunan ang problema na kanilang kinakaharap gamit ang kaalaman na sila ay isa sa mga

katutubong kailangang tulungan ng gobyerno ng Pilipinas, at ng iba’t ibang institusyon ng mga

taong naka-paligid sa kanila.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang tesis na pinamagatang “Integrasyon ng Katutubong Kultura, Kaugalian,

Pagkakakilanlan ng mga Aeta sa Mapaghamong Lipunan: Etnograpiyang Pananaliksik sa Brgy.

Tongko, Lungsod ng Tayabas” nilalayong sagutin ang mga sumusunod:

1.) Paano maipapakita ang mga Aeta sa pamamagitan ng:

a.) Kultura? c.) Pamumuhay?

b.) Kasuotan? d.) Trabaho?


2.) Sa paningin ng mga Aeta, paano sila tinitingnan ng mga taong nakapaligid sa kanila?

3.) Ano ang mga salik na nakaka-apekto sa kultura, sosyo-kultural na kaugalian at

pagkakakilanlan sa komunindad ng mga Aeta?

4.) Paano mapapanatili ang kultura at tradisyon ng Aeta?

5.) Mayroon bang kahalagan sa pagkakaiba ng kultura, sosyo-kultural na kaugalian at

pagkakakilanlan ng mga Aeta sa panahon ngayon at sa panahong pre-kolonyal?

Paglalahad ng Suliranin

Ang katutubong “Aetas” ay isa sa mga unang tribo o taal na tubong Pilipinas na naging

bahagi o sumasalamin sa pagiging Pilipino. Kahit na marami pa rin sa atin ang kakaunti ang

kaalaman patungkol sa kanila. At kahit na, maraming miyembro sa komunidad ng mga Aeta ang

namomobrelema sa mabilis at mapaghamong panahon ay sinusubukang panatilihing

makibagsabayan sa milenyal na lipunan.

Ang mga mananaliksik ay inalisa at pinag-aralan ang kultura, sosyo-kultural na kaugalian

at pamumuhay ng komunidad ng mga Aeta ng Brgy. Tongko. Ang mga mananaliksik ay

nagtungo sa “National Commission on the Indigenous People” (NCIP) para mangalap ng

impormasyon patungkol sa mga Aeta ngunit nabigo ang mga mananaliksik na makakuha ng

impormasyon patungkol sa mga Aeta dahil ang opisina na ito ang matagal ng hindi nagbubukas,

hindi nabibigyang atensyon at walang angkop na dokumento patungkol sa mga Aeta.


Pigura 1. NCIP (National Commission on Indigenous People office)

Ang mga mananaliksik ay pumunta rin sa Kapitolyo ng Probinsya ng Quezon para

mangalap ng impormasyon at ang mga mananaliksik ay sinamahan patungo sa pinuno ng mga

katutubo na si G. Ronnie Magtibay patungo sa mga Aeta ng Brgy. Tongko, Lungsod ng Tayabas

kung saan dito naninirahan ang tribo ng mga Aeta. Sa Brgy. Tongko, Lungsod ng Tayabas, ang

komunidad ng mga Aeta ay malayo sa kabihasnan ng milenyal na panahon ngayon. Marami pa

rin sa miyembro ng tribo ay hawig sa katutubong mukha at katawan nila. Yapak, kulot, at may

mga bahay na gawa sa kahoy o kawayan. Marami sa mga Aeta ay may pangunahing problema

ito ay ang integrasyon ng kanilang tribo sa milenyal na lipunan at sa kanilang lupain. Ang mga

Aeta ay dumadaing patungkol sa pag-aari ng lupain na kanilang kasaluyang tinitirhan na nasa

Brgy. Tongko, Lungsod ng Tayabas. Dahil sa kakulangan ng suporta ng gobyerno sa mga

katutubong Aeta sila ay patuloy na naghihirap. Makikita ang modernisasyon sa kanilang pagkain

at pananamit at mamamasid na rin ang unti-unting pagkalaho ng kanilang kultura dahil sa

milenyal na lipunan Samakatwid, ang milenyal na lipunan ay walang kamalayan sa kanilang

pamumuhay at dahil dito may posibilidad na hindi mapanatili at mapangalagaan ang kultura at

pagkakakilanlan ng mga Aeta kahit na sila ay isa sa mga taal na taga-Pilipinas. Kasama na rin sa
diskusyon, ang mga salik na nakaka-apekto at nakakapag-pabago ng kanilang kultura, sosyo-

kultural na kaugalian at pagkakakilanlan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Agham panlipunan at sikolohiyang panlipunan na pananaliksik ay nagbibigay ng

impormasyon at kahalagahan nitong makabagong problema. Ang pag-aaral na ito ay

makakapekto sa iba’t ibang aspeto ng lipunan at hindi lang sa mga grupong minoridad kung

hindi pati na rin sa sa kabuuan ng lipunan dahil sa pag-aaral na ito makikita ang iba’t ibang

perspektiba na nakapaloob sa lipunan galing sa perspektiba ng mga taga-tugon na nakuha ng mga

mananaliksik para makuha ang sapat na impormasyon para masagutan ang pangunahing

suliranin at nakapaloob pa dito.

Sa kasalukuyang panahon, mayroong kakaunting pag-aaral patungkol sa komunindad ng

Aeta tungkol sa sa milenyal na panahon at paano ito nakakaapekto sa kanilang kultura, kaugalian

at pagkakakilanlan. Ito ay sumasalamin o umiikot patungkol kung kilala pa ba talaga ng mga

Aeta kung sino ba talaga sila. Kung alam pa rin ba nila ang kanilang nakagisnang kultura,

kaugalian at pagkakakilanlan noon at paano ito mapapanatili sa mapaghamong mundo na

kanilang kinagagalawan sa milenyal na panahon. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

mananaliksik para sa komunidad ng mga mananaliksik.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong din sa mga taga-tugon para makita ang iba’t ibang

perspektiba na maipapakita sa pananaliksik na ito. Maipapakita din dito ang bagong lente

sikolohiyang panlipunan patungkol sa milenyal na lipunan. Ang gustong maipakita ng mga

disiplinang ito ay kung paano maapektuhan ang mga Aeta sa ngayong milenyal sa lipunan sa

kanilang kaugalian, kultura at pagkakakilanlan at paano nila makakayang yakapin ang realidad.
Ito ay makakatulong sa iba’t ibang institusyon katulad ng paaralan, lalo’t higit na ang

Departamento ng Edukasyon para maisagawa o makagawa ng makabagong plano para makabuo

ng kapaligiran at polisiyang magproprotekta at mapapakita ang kahalagahan ng mga Aeta at pati

na rin,muling pagbabalik ng malawak na kasaysayan at kultura ng mga Aeta. At sa pananaliksik

na ito, maaring mabuo o gumawa ng mga memoradum ang DepEd kung saan maipapamalas ang

impormasyon patungkol sa makabagong kaisipan ng mga taong nasa komunidad ng Aeta na

maging progresibo o maging bukas ang isipan patungkol sa kultura at pagkakakilanlan ng mga

Aeta. “The National Commission on Indigenous People”, kasama ang Tuklas Katutubo,

“Assistance on National Minorities”, at iba pang NGOs para mas maipakita o maipamalas ang

kahalagan ng kultura at kakulangan sa kamalayan patungkol sa kaugalian at kultura ng mga

Aeta. Institusyon na sumusuporta sa katutubo lalo’t higit ang mga Aeta ay higit na matutulungan

ng pananaliksik na ito.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa iba’t ibang pag-aaral dahil ito ay naglalayong

mapalago ang kanilang ang kanilang kakayahan at interes sa larangan ng pananaliksik. Ito ay

magpapaunlad sa sikolohiyang kapabilidad ng mambabasa kadikit ng lente sa lipunang kanilang

kinagagalawan. Gayunpaman, ito ay magkapag aambag ng positibong resulta na maibabahagi sa

kanilang kakayahan patungkol sa progresibo nilang pamumuhay at kung paano na ngayon

kalakip ng lipunang kanilang ginagalawan.

Higit sa lahat, ang pananaliksik na ito ay maiiugnay sa iba pang magisasagawang

pananaliksik patungkol sa pag-aaral sa lipunan at paano ito nakakapekto sa kultura, kaugalian at

pagkakakilanlan ng mga tao sa lipunan. Ang pananaliksik na ito ay magiging gabay para mas

mabigyang diin ang mga problema na kinakaharap ng mga minoridad sa lipunan . Ito ay maaring

maging gabay para makabuo o maging suporta para sa isasagawang pang teorya, programa,
adbokasiya ng gobyerno o mananaliksik para makatulong sa pagunlad at pag papanatili ng

kultura, kaugalian at pagkakakilanlan ng komunidad ng mga Aeta.

Sakop at Limitasyon

Ang bahagi ng pananaliksik na ito ay nagbibigay linaw sa hangganan ng tinatalakay na

paksa ng pananaliksik upang maiwasan ang mga impormasyong may kaugnayan na hindi

malinaw at walang katiyakan. Nabibigyan ng maayos at angkop na paglilinaw sa sakop ng

pananaliksik habang binabaybay ang pag-sagot sa mga layunin nito.

Ipinapakita sa pananaliksik na ito ang persepyon ng mga Aeta sa kanilang sarili at kung

paano sila makitungo sa kanilang paligid. Kung paano ang iba’t-ibang salik sa lipunan ay

nakakaapekto sa kanilang kultura, sosyo-kultural na kaugalian at pagkakakilanlan. Tinatalakay

din kung napapanatili ba ang kultura at tradisyon ng mga Aeta pati ang kahalagahan nito

makalipas man ang panahon mula pre-kolonyal na Pilipinas hanggang kasalukuyan. Ang

panghihimasok ng pananaliksik upang alamin at pag-aralan ang komunidad ay magsisilbing daan

para sa iba pang pananaliksik lalo’t higit magbigay daan sa gobyerno upang magsagawa ng mga

programa at batas hinggil sa mga usapin sa komunidad ng mga Aeta.

Ang pananaliksik rin na ito ay kinikilala ang perspektiba ng milenyal na lipunan

patungkol sa komunidad ng mga Aeta. Ang pananaliksik ay ipinapakita ang opinion ng mga tao

sa milenyal na lipunan.

Kabanata II

Ipinapakita ng kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na magsisilbing

ebidensya at suporta ng pananaliksik. Sumangguni ang mga mananaliksik sa ilang journals,

pananaliksik, at online sources. Ang mga ideya mula sa mga batis ng impormasyon ay
nakatulong sa mga mananaliksik na alamin at mas maintindihan pa ang konsepto ng kanilang

pananaliksik. Makikita rin sa kabanatang ito ang balangkas ng kaisipan, paradim ng

pananaliksik, at kahulugan ng mga terminolohiya.

Kaugnay na Literatura

Ayon sa artikulo ni Gobrin at Andrin (2002), karaniwang itinuturing ang kaunlaran

bilang pagbabago na nagbibigay ng kagalingan. Subalit paano natin titingnan ang mga

“proyektong pang-kaunlaran” na nagiging dahilan ng mga sigalot? Paano kung ang sinasabing

kaunlaran ay sumisira sa kabuhayan ng mga mamamayan sa komunidad? Paano kung ang

sinasabing kaunlaran ay nagdudulot ng pagkakahati-hati sa halip na pagkakaisa? At paano kung

ang mga pagkakahatihating ito ay humantong sa tuluyang di-pagkakaunawaan ng mga tao o higit

pa, sa madudugong awayan? Masasabi ba na wasto ang kaunlarang ito? O, matatawag nga ba

itong kaunlaran?

Sa Pilipinas, ang kolonisasyon ay ginawa ng mga dayo sa pamamagitan ng pagtatayo ng

isang sentralisadong politico-militar na gobyerno na nanakop nang maliliit na pamayanan. Dahil

dito nasakop ang ibang mga katutubong komunidad at napailalim sa kontrol ng mga dayuhan.

Samantala, may mga katutubong pamayanan, lalo na iyong malapit sa mga kagubatan at

kabundukan, o iyong mga umatras mula sa kapatagan patungo sa kabundukan, ang nakapamuhay

nang may relatibong kalayaan mula sa kontrol ng mga dayong mananakop. Naipagpatuloy nila

ang ilang aspeto ng kanilang katutubong gawi at pamumuhay. Ang mga katutubong mamamayan

o pamayanang ito ay may malalim na pagtingin at pang-unawa sa kanilang mga lupa at mga

likas-yaman. Para sa kanila, ang lupa at ang mga biyaya nito ay isang bagay na dapat

pangalagaan para sa hinaharap. Ang ganitong pananaw ay masasalamin sa kanilang kultura o

kaugalian. Makikita ito sa kanilang mga panalangin, sa kanilang mga sayaw, mga ritwal at
maging sa sistema ng pamumuno at pagpapasya. Noong una, ang mga katutubo ay may

ekonomiyang nakasasapat sa sarili. Bagaman may panahong masagana ang kabuhayan,

madalang ang pagkakataon na nagkakaroon ng pakikipagpalitan ng kalakal sa labas ng

komunidad. Sa pangkalahatan, ang anumang kabuhayan o produktong nalilikha ng pamayanan

ay ginagamit at pinagsasaluhan ng lahat. Noon, pagkakaingin, pangingisda, pangangaso at

maliitang pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay. Dahil sa ganitong payak na kalagayang

pang-ekonomiya, hindi gaanong umiiral ang konsepto ng pribadong pag-mamay-ari ng lupa..

Ang mga lupang ninuno at lahat ng yamang matatagpuan dito ay itinuturing na pag-aari ng

buong pamayanan at sa balikat ng mga pinuno ng komunidad nakaatang ang responsibilidad ng

pangangasiwa dito (Gobrin et al., 2002).

Ayon pa sa artikulong inilathla nila Gobrin at Andrin (2002), isang halimbawa ng suliraning

kinakaharap ng mga Aeta at ng mga iba pang katutubong Pilipino ay ang pag-aalis ng karapatan

nila sa kanilang mga lupain. Isa na rito ay ang kasaysayan ng pagkakatayo ng Clark Air Base ay

nagsimula sa pagtatayo ng Fort Stutsonburg, isang kwadra ng mga kabayo ng mga sundalong

Amerikano noong bago ang Ikalawang Digmang Pandaigdig. Ang lugar na ito ay dating

pinangangasuhan ng mga katutubong Aeta na silang naninirahan noon dito. Naging isang

maunlad at malaking base militar ang isang dating kuwadra ng mga kabayo mula 1947 pasulong.

Ang mga Aeta sa kabilang banda ay natulak pataas sa kabundukan at pinagbawalang pumasok sa

mga lugar ng base. Nang lumaon, kahit ang kanilang kabundukang kinahantungan ay dineklara

nang bahagi Clark Air Base, dahil ito ay nakaposisyon sa loob ng tinatawag na buffer zones o

sub-zone ng Clark. Nang lumikas ang mga tropang US noong 1991, inakala ng mga Aeta na

mababalik sa kanila ang dating teritoryo.


Ang mga Aeta: isang walang-katapusang kwento ng paglikas

Ang tradisyunal na ekonomiya ng mga Aeta ay umiikot sa pangangalap at pangangaso.

Mayroong anim na malalaking grupo ng Aeta na naninirahan noon sa kani-kanilang mga

teritoryo sa apat na probinsyang pumapalibot sa Bundok Pinatubo. Sa bahaging silangan ay ang

mga pamayanan ng mga Aytang Abarlen, sa probinsya ng Tarlac. Sa timog na bahagi ay ang

mga Mag-Anchi at Mag-Indi ng probinsya ng Pampanga. Sa bandang timogkanluran naman

matatagpuan ang mga Ambala at Bayukan ng probinsya ng Bataan, at sa kanluran ay ang mga

Hambali Ayta ng probinsya ng Zambales. Mula sa panahong kolonyal at hanggang sa

kasalukuyan, ang madalas na paglikas mula sa kanilang mga dating tradisyunal na pamayanan ay

unti-unting nagpakipot sa malawak na teritoryo ng mga Ayta. Ang ilan nilang mga pinuno na

naglayong makipagkaibigan sa mga “taga-patag” ay ibinigay ang ilang bahagi ng kanilang lupa

bilang kapalit ng mga bagay tulad ng bolo, riple, salamin, baka, at iba pang mga kagamitan. Sa

huli, ang mga pamayaanan nila sa paligid ng Bundok Pinatubo ang tanging natira sa kanila.

Dahil dito, mula sa dating makilos na pamumuhay ng mga mangangaso at mangangalap, ang

anim na grupong Ayta ay napilitang “manatili” sa kanilang mga pamayanan sa paligid ng

bundok. Malaking papel ang ginampanan ng Bundok Pinatubo sa kanilang katutubong

kakilanlan. Sa kanilang alamat, ang bundok na ito ang tirahan ni Apu Namalyari (Diyos na

Makapangyarihan), ang ispiritung nagbabantay at gumagabay sa kanila. Ibig sabihin, ang bundok

na ito ang tumatayong huling balwarte ng mga Aeta, ang sentrong kanlungan ng kanilang

natitirang mga komunidad (Gobrin et al., 2002).

Mga Batas Ukol sa Karapatan ng mga Katutubo

Batas ng Republika bilang 8371 o Batas Ukol sa Karapatan ng mga Katutubo ng 1997-

Ito ay batas na kumikilala, nagtataggol at, nagtataguyod sa karapatan ng katutubong pamayanang


kultural/ katutubong pamayanang pilipino, nagbubuo ng pambansang komisyon para sa

katutubong pilipino, nagtatadhana ng kaukulang kaparaanan sa pagpapatupad at naglalaan ng

gugulin para dito sa para sa iba pang layunin.

Ayon sa Kabanata IV, seksyon 13 ng batas, kinikilala ng Estado ang likas na karapatan

ng mga Katutubong Pamayanang Kultural/ Katutubong Pamayanan sa sariling pamamahala at

sariling pagpapasya at iginagalang ang kanilang mga kaugalian, gawi at linangan/institusyon. Sa

gayon, titiyakin ng Estado ang karapatan ng Katutubong Pamayanang Kultural/ Katutubong

Pamayanan na malayang itaguyod ang kanilang pangkabuhayan, panlipunan at pangkulturang

pag-unlad.

Mula naman sa Kabanata IV, seksyon 23, binanggit na ang kalayaan mula sa

Diskriminasyon at Karapatan sa Pantay na Pagkakataon at Pakikitungo. Karapatan ng mga

Katutubong Pamayanang Kultural/ Katutubong Pamayanan na maging malaya sa anumang anyo

ng diskriminasyon, kaugnay sa pangangalap ng manggagawa at mga kalagayan sa paggawa, na

sila ay magtamasa ng pantay na pagkakataon para sa pagtanggap sa hanapbuhay, pangkalusugan

at panlipunang tulong, kaligtasan at iba pang kaugnay na mga pakinabang pang-hanapbuhay,

ipabatid sa kanila ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng umiiral na mga batas sa paggawa at

mga paraang magagamit nila upang makagawa ng lunas, hindi sumailalim sa anumang sistema

ng pamimilit na pagkuha ng bagong manggagawa, kabilang na ang mapang-aliping paggawa at

iba pang anyo ng utang-pagkabusabos; at pantay na pagkakataon sa hanapbuhay para sa babae at

lalaki, kabilang ang pangangalaga laban sa pangkasariang panliligalig. Sa gayon, pagtitibayin ng

Estado, alinsunod sa balangkas ng mga pambansang batas at patakaran, at sa pakikipagtulungan

sa mga kaukulang Katutubong Pamayanang Kultural/ Katutubong Pamayanan, ang natatanging

mga hakbang upang matiyak ang mabisang pangangalaga hinggil sa pagkuha ng bagong
manggagawa at mga kalagayan sa hanapbuhay ng mga taong nabibilang sa pamayanang ito, lalo

na kung hindi sila mabisang napapangalagaan ng mga batas na ipinatutupad sa mga manggagawa

sa kabuuan.

Binanggit naman sa Kabanata IV, Seksyon 25, na ang mga Katutubong Pamayanang

Kultural/ Katutubong Pamayanan ay may karapatan sa natatanging mga hakbang para sa kagyat,

mabisa at tuloytuloy na pag-unlad ng kanilang pangkabuhayan at panlipunang kalagayan,

kasama ang mga usapin sa hanapbuhay, panghanapbuhay na pagsasanay at muling pagsasanay,

pabahay, kalinisan, kalusugan at katiyakang panlipunan. Bibigyan ng natatanging pansin ang

mga karapatan at naiibang pangangailangan ng mga katutubong kababaihan, matatanda,

kabataan, bata at mga may kapansanan. Nang naaalinsunod, titiyakin ng Estado ang karapatan ng

mga Katutubong Pamayanang Kultural/ Katutubong Pamayanan sa mga batayang serbisyong

panlipunan ng pamahalaan na kabilang, subalit hindi limitado sa, kagamitan sa tubig at pailaw,

edukasyon, kalusugan at imprastraktura.

Deklarasyon ng United Nations sa mga Karapatan ng mga Katutubo bilang isang

pamantayan ng tagumpay na kailangang matamo upang maisulong ang tunay na

pakikipagtulungan at pantay na paggalang.

Binanggit sa ikalawang artikulo na ang mga katutubo at mga indibidwal ay malaya at

pantay sa lahat ng ibang mga tao at mga indibiwal at may karapatan na maging malaya sa

anumang uri ng diskriminasyon, sa pagsasagawa ng kanilang mga karapatan, lalo na yaong mga

nakabatay sa kanilang katutubong pinagmula at pagkakakilanlan.

Ayon sa ika-limang artikulo ng deklarasyon, ang mga katutubo ay may karapatan na

panatilihin at palakasin ang kanilang natatanging pulitikal, ligal, ekonomiya, panlipunan at


kultural na mga institusyon, kasabay ng karapatang maging bahagi, kung kanilang nanaisin, sa

pampulitika, ekonomiya, panipunan at kultural na buhay ng Estado.

Sinasabi naman ng ika-walong artikulo na ang mga katutubo at mga indibidwal ay may

karapatan na hindi maisailalim sa sapilitang asimilasyon o pagkasira ng kanilang kultura.

Balangkas ng Kaisipan

Kilala ang kultura bilang isang manipestasyon ng isang lipi na nagpasalin-salin sa bawat

henerasyon. Patuloy itong nagbabago at umuunlad kasabay sa pagdaan ng panahon. Hindi

mapipigilan ang pagbabagong ito sapagkat mas higit na madali ang paraan ng paggamit ng mga

makabago. Sa likod ng mga pagbabago ay ang pakikipagsapalaran ng mga katutubong Pilipino

sa modernong mundo. Mula sa mga batis ng impormasyon nais ng mga mananaliksik na ipakita

ang kalagayan ng mga katutubong Aeta sa lipunan ngayon. Nais nitong ilahad kung paano sila

nakikisabay sa agos ng modernisasyon, gayundin sa tila unti-unting pagkabura ng kanilang

kultura. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay masasalamin ang kalagayan at kahalagahan

ng kulturang Aeta sa mga Pilipino.

Paradim ng Pananaliksik

Ang mga baryabol ay binigyang kahulugan habang sila ay konektado sa bawat isa. Ang

mananaliksik ay binigyang kahulugan ang iba’t ibang baryabol at dinuskusyon ang milenyal na

lipunan na nakaka-apekto sa integrasyon ng komunidad ng Aeta patungkol kultura, sosyo-

kultural na kaugalian at pagkakakilanlan.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para matukoy kung gaano nakakasabay ang mga

Aeta sa milenyal na lipunan at kung kilala o alam pa rin nila ang kanilang kasaysayan at mga

katutubo na kaugnay sa kanilang kultura at tradisyon.


Upang palawigin pa ang kahalagan ng pananaliksik, ang paradim ng pananaliksik at

nakalathala sa ibaba:

Komunidad ng mga Aeta

Taga-tugon

Mga salik na nakakapekto


sa Kultura, Sosyo-
Kultural, at Kaugalian

Mga Epekto

Pigura 2.1 Paradim ng Pananaliksik


Kabanata III

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang disenyo ng pananaliksik, instrumento ng pananaliksik

at ang bilang nga mga taga tugon. Nakapaloob dito ang gagamiting pamamaraan sa pagkalap ng

datos gayundin ang uri ng estadistika na angkop sa paksang sinisiyasat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na “Integrasyon ng Katutubong Kultura, Kaugalian, Pagkakakilanlan

ng mga Aeta sa Mapaghamong Lipunan: Etnograpiyang Pananaliksik sa Brgy. Tongko, Lungsod

ng Tayabas” ay isang kwalitatibong pananaliksik para sa gayon ay maibahagi ng maayos ang

mga datos na nararapat makuha.

Ito ay isang deskriptibong pananaliksik kung saan ito ay nagsasaad ng mga problemang

nakuha ng mga mananaliksik patungkol sa integrasyon ng milenyal na lipunan sa buhay ng mga

Aeta sa Brgy. Tongko, Lungsod ng Tayabas.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga katutubong Aeta

upang masiguro na mauunawaan ng mga taga-tugon at sasagot sa interbyung gagawin ang mga

bawat bagay maging ang pagiging kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang kanilang

nararapat at kailangang impormasyon.

Taga-tugon

Ang mga napiling respondante para sa pag-aaral na ito ay mga katutubong Aeta na

kasalukuyang naninirahan sa Barangay Tongko sa Lungsod ng Tayabas.


Ang kabuuang sumagot sa pag-aaral na mula sa komunidad ng Aeta ay tatlo. Si Chiristine

Sanchez, ang tribal chieftain at dalawang elder kung tawagin ng mga Aeta, sila Edgardo Sanchez

at Antonio Dela Cruz.

Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos

Ang mga mananaliksik mismo ang kumalap ng mga impormasyon upang lubos na

maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang iprepresentang

mga datos.

Ginamit nito ang interbyu sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga

mananaliksik maging sa mga respondante. Ang mga mananaliksik ay nagsawa ng maikling

oryentasyon sa mga katutubong aeta at sinigurado ang pagiging kompidensyal ng mga nakakalap

na mga datos.

Kabanata IV

Sa kabanatang ito ay ipapapakita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa

mga taga-tugon tungkol sa: Integrasyon ng Katutubong Kultura, Kaugalian, Pagkakakilalanlan

ng mga Aeta sa Mapaghamong Lipunan: Etnograpiyang Pananaliksik sa Brgy. Tongko, Lungsod

ng Tayabas

Resulta at Dikusyon

Kabanata V
Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral, konklusyon at

rekomendasyon para ang solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay.

Paglalagom

Ang paglalathala ng pag-aaral ukol sa Integrasyon ng Katutubong Kultura, Kaugalian,

Pagkakakilalanlan ng mga Aeta sa Mapaghamong Lipunan: Etnograpiyang Pananaliksik sa Brgy.

Tongko, Lungsod ng Tayabas ay naganap. Tatlong taga-tugon ang sumagot sa mga katanungang

inilahad ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng interbyu, at ang mga resulta ay ang mga

sumusunod:

1. Batay sa resulta ng pag-aaral napag-alaman ng mga mananaliksik

na:_____________________________________________

2. ---

Konklusyon

Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod na konklusyon:

1.
Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, buong pagkumbabang

inirekomenda ng mga mananaliksik ang sumusunod:

1.

Apendiks

You might also like