You are on page 1of 70

Panitikang Pilipino

PANITIKANG SINAUNA
Sanligang
kasaysayan

PAANO NAGKAKAUGNAY ANG


KASAYSAYAN AT PANITIKAN?
Sinasabing ang panitikan ay buhay,
buhay-buhay at pamumuhay. Kung ano
ang kultura, tradisyon, kabihasnan, at
kaugalian ng mga tao sa kani-kanilang
panahon ay pinapaksa ng panitikan
•Binubuo ng magkakahiwalay na mga pulo ang Pilipinas kaya’t di
kataka-takang magkaroon ng iba’t ibang wika, kaugalian, tradisyon at
kultura.
•Ang pagkakaiba ay mauugat din sa mga ninunong dito ay napadpad
na siya muna nating kikilalanin upang lubos nating maunawaan ang
uri ng panitikan, pamahalaan at kulturang naipamana sa Lahi.
ANG MGA NEGRITO
Unang nanirahan sa Pilipinas.
Walang pirmihang tirahan.
Hindi sila marunong magbungkal ng lupa, di marunong magtanim, at
lalong di marunong magluto. Kalasag sa paghahanap ng ika-bubuhay ay
busog at pana
Walang sistema ng pamahalaan.
Mayroon silang awitin at pamahiin na pinagkukunan nila ng lakas ng loob
sa kanilang pakikipagsapalaran sa buhay.
ANG MGA INDONES
Kauna-unahang nandayuhan sa kapuluan.
Higit na maunlad ang pamumuhay kumpara sa dinatnang katutubo, sapagkat marunong silang
magbungkal ng lupa, magtanim at magluto ng kanilang pagkain. Marunong magsaing sa tukil at
may sariling sistema ng pamahalaan
Binubuo ng dalawang pangkat.
Una: Matatangkad at may balingkinitang pangangatawan, mapuputing manila-nilaw ang mga
balat, may matangos na ilong, maninipis na mga labi, at malalalim na mga mata.
Ikalawa: Pandak at may matitipunong pangangatawan, maitim na kulay ng balat, may
makakapal na mga labi, sarat o pangong ilong at may malalaki at bilugang mga mata. Dala nila
ang sariling sistema ng pamahalaan at may sariling panitikan tulad ng mga epiko, kuwentong
bayan, pamahiin, mga alamat at pananampalatayang pagano. Sila ang nagkalat ng lahi sa mga
bulubundukin ng Norte at pinaniniwalaang ninuno ng mga Ifugao.
Pananampalatayang pagano o paganismo
•Ang ganitong uri ng pananampalataya ay may kaugnayan sa
pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa kalikasan gaya ng araw,
bituin, puno, hayop, at iba pa. Ito ay may tatlong uri.
Pantheism
Animismo
Polytheismo
Pantheism - paniniwalang ang diyos at ang lahat ng bagay sa mundo
ay iisa at pareho lamang.
Animismo - paniniwalang ang mga bagay sa kalikasan ay may
kaluluwa at banal.
Polytheismo - paniniwala o pagsamba sa maraming diyos.
ANG MGA MALAY

Pagkatapos ng mandayuhan ng mga Indones, sinundan


ito ng mga Malay. Sila ay may dalawang pangkat.
Una: Siyang naging ninuno ng mga Igorot, Bontoc at
Tinguianes. Sila’y may pananampalatayang pagano at
mga awiting panrelihiyon.
Ikalawa: Higit na maunlad at may malaking impluwensiya sa
kasalukuyan. Sila’y may dalang wika, alpabeto na tinatawag na “Alibata”.
May dalang mga alamat, kuwentong bayan at mga karunungang bayan.
Dinala rin nila ang sariling sistema ng pamahalaan na kung tawagin ay
Balangay na kinuha nila sa sinasakyang balsa.
Siyang pinaniniwalaang ninuno ng mga Tagalog, Ilokano, Pangasinan,
Kapampangan, Bikolano, at Bisaya.
Ikatlo: Sila ay napapunta sa Mindanaw at mga naging
ninuno ng mga Muslim dito sa Pilipinas. May dala rin
silang epiko, kwentong bayan, alamat at
pananampalatayang Muslim.
ANG MGA INTSIK

Matapos ang mga malay ay sinundan naman ito ng mga Intsik.


Dalawang pangkat din ang mga Intsik na nakarating sa Pilipinas.
Una: Nagbuhat sa Fukien, Tsina na tinatawag na mga
“manggugusi”. May dala silang gusi na may lamang mga abo ng
kanilang mga ninuno at yaon ay ibinabaon sa looban na
kinatitirikan ng kanilang bahay na tinitirhan.
Ikalawa: Nanggaling sa Mae, Tsina at sila’y napakalat
sa mga lalawigan ng Batangas, Mindoro at Marinduque.
Malaking impluwensiya ng mga Intsik ang mga salitang
napasok sa talasalitaang Filipino gaya ng susi, gusi, tali,
talyasi, siyense, mangkok, mga katawagan ng paggalang
gaya ng ate, ditse, sanse, kuya, diko, sangko, ikong,
siyaho, inso, diso, biyenan, hipag, bayaw, balae at iba pa.
Minana rin natin sa mga Intsik ang mahigpit na pagkakatali ng
pamilya, ang pagiging magalang, pagkamatipid at pagkamasinop.
Itinuro nila ang paggamit ng ginto, pilak at tanso, gayundin ang
pagsusuot ng tsinelas at bakya, ang paggamit ng mga
kasangkapan sa kusina tulad ng kawali, siyensi, talyasi at iba pa.
Sa kanila rin natin natutunan ang paggamit ng pulbura
at mga paputok.
Sa madaling salita, pangkabuhayan at di pulitika ang
impluwensiya ng mga intsik.
ANG MGA BUMBAY

Kasunod ng mga Intsik ay ang mga Bumbay. Sila’y may


dalawang pangkat.
Una: Nanggaling sa Borneo, at may dalang
pananampalatayang Budismo.
Ikalawa: Nanggaling sa Java. Kaiba sa mga nauna, sila’y may
paniniwalang Bramanistiko. Dala nila sa kapuluan ang panitikang
epiko, awiting bayan at mga liriko. Ang pangwika na hanggang sa
kasalukuyan ay bahagi pa rin ng ating talasalitaan Filipino gaya ng
mukha, likha, dukha, paksa, guro, bansa, hukom at iba pa.
MGA ARABE AT PERSIYANO

Sila ay nandayuhan din sa Pilipinas. Ilang panahon ding


nakipagkalakalan at nanirahan sa ating kapuluan.
Hatid nila ang impluwensiyang pampanitikan gaya ng
mga epiko, dula, alamat, at mga kuwentong bayan.
DALAWANG BAHAGI NG
MATANDANG PANITIKAN

1. Ang kapanahunan ng mga Alamat, na nagsimula sa


kauna-unahang panahon ng ating lahi ayon sa kayang
maabot ng mananaliksik at nagtapos sa ikalawang
pandarayuhan sa mga pulong ito ng mga Malay sa
pali-palibot ng taong 1300 A. D.
2. Ang kapanahunan ng mga Epiko o Tulang-bayani,
na nagsimula sa palibot-libot ng taong 1300 A.D., at
nagtatapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi
noong 1565, A.D.
MAIKLING
PAGSUSULI
T
Mga Katutubong Panitikan
1. MGA ALAMAT AT MITO
- Karaniwang sangkap ng sinaunang panitikan ng alinmang lahi.

(Kung ang Alamat ay tumatalakay sa pinagmulan at ang mito ay ginagampanan naman ng mga
diyus-diyosan, sa iyong palagay, sa anong kaparaanan kaya tayo nagkaroon ng mga ganitong
anyo ng panitikan?)
Dala ng kakapusan sa kaalamang maka-agham, ang mga phenomena o mga
pangyayari sa kalikasan ay binibigyan ng ating mga sinaunang katutubo ng
mga paliwanag sa abot ng kanilang malikhaing guniguni. Naging kapani-
paniwala sa kanila ang ganitong haka-haka – lubha pa’t napatunayan ang
pagkakahabi ng mga pangyayari – hanggang ang mga alamat at mitong ito ay
makapasok maging sa kanilang pananampalataya sa lumikha.
MGA HALIMBAWANG ALAMAT
• Bakit maliwanag ang araw kaysa buwan (Kapangpangan)
Ayon sa alamat may isang Bathala na lumikha ng mundo at meron siyang dalawang anak, isang lalaki na
nagngangalang Apolaki at isang babae na nagngangalang Mayari. Ang kanila raw mga mata ang nagtatanglaw
sa mundo kaya’t mahal na mahal sila ng mga nilikha rito. Ngunit dumating ang araw na pumanaw ang bathala
at ang dalawang magkapatid ay nagkaroon ng inggitan sa pag-uukol ng pagmamahal ng daigdig. Nag-away
sila at nagkasakitan hanggang sa mabulag ni Apolaki si Mayari nang suntokin niya ito. Pinagsisihan ito ni
Apolaki kaya’t inamo niya ang kapatid at upang patunayan ang kaniyang pagsisisi ay sinabi niya rito na silang
magkapatid ay hati sa kapangyarihan. Napagkasunduan nilang ang pagbibigay ng liwanag sa daigdig ay hatiin
sa dalawa, si Apolaki sa araw at si Mayari naman sa gabi. Sapagkat iisa na ang mata ni Mayari ang gabi ay
nahihigitan ng liwanag ng araw na ibinibigay ni Apolaki. Naging araw si Apolaki at naging Buwan si Mayari.
MGA HALIMBAWANG ALAMAT
• Pinagmulan ng lahi (Bisaya)
Batay sa akda, noong unang panahon raw ay wala pang tao sa daigdig kaya’y ang bathalang si Laon (Bathala ng mga
Bisaya) ay umisip ng paraan upang maging mapayapa, masaya, at masigla ang daigdig. Ipinasiya niyang lumikha ng
mga tao.
Isang araw, kumipal siya ng lupa, inihugis ito at iniluto sa isang hurno. Pagkahango sa niluto ay napuna niyang ito’y
ubod ng itim dahil sa pagkasunog. Ito ang pinagmulan ng mga negro natin sa kasalukuyan.
Sa muling pagsasalang niya sa hurno ay nagkaroon siya ng agam-agam na baka masunog na naman ito kung kaya’t sa
labis na pag-aalala ay hinango niya ito agad kaya’t ito ay nahilaw. Ito ang pinagmulan ng lipi ng mga puti.
Dahil sa naunang dalawa, nakasanayan ng bathala ang paghuhurno at ang ikatlong salang niya ay naging kasiya-siya
sapagkat hustong-husto ang luto, hindi sunog at lalong hindi hilaw. Ito ang siyang pinagmulang ng lahing kayumanggi.
HALIMBAWANG MITO
• Si Malakas at si Maganda
•Bakit kulang ang liwanag ng buwan.
MGA BULONG

Bahagi pa rin ng ating katutubong panitikan.


Isang uri ng tradisyunal na dula.
Ginagamit sa panggagamot at paghingi ng pahitulot
sa mga nuno sa punso (Hal. “habi-habi po lelong,
lelang baka po kayo matapakan”
IBA PANG HALIMBAWA NG BULONG
Daga, daga, heto na ang sira kong ngipin, ibigay mo sa akin
ang bago at masaganang ngipin.
Tabi… Tabi… Tabi! makikiraan mga bulag kami. Huwag po
kayong lalapit, baka namin kayo maipit – Bikol
Tabi, tabi! Daraan lang kami. Patawarin kami, kung amin
kayong masagi. – Ilonggo.
MGA KWENTONG BAYAN
Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas maging bago pa
man dumating ang mga kastila.
Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, kilalang antropologong Amerikano ay
higit na mayaman ang Pilipinas sa mga kwentong bayan kaysa sa India,
Persya, Rusya, at Hapon.
Itinuturing ng mga kwentong bayan ang mga mito, pabula at alamat.
MGA HALIMBAWANG KWENTONG
BAYAN
Sa mga bayan-bayan, nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga
mamamayan ang mga sumusunod na kuwentong bayan:
 Mariang Makiling
 Prinsesa Makapuno
 Ang Pagkakalikha ng Daigdig
 Bakit Patayong Natutulog ang Kabayo
 Bakit Humahalik sa Lupa ang Butiki?
 Ang Buwan at ang Araw
 Ang Anak na Isinumpa
 Pinagmulan ng Lahi
 Ang Haring Sicada at Ang Haring Leon
 Mariang Kalabasa
 Mariang Alimango
 Mariang Sinukuan
Mga Katutubong Panitikan
2. Panahon ng Epiko o Tulang Bayani
Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser et. Al., ang matandang panulaan ng Pilipinas
ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya.
Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makadiyos, tahanan, bukid,
dagat, kaligayahan, kasaganaan, at iba pa.
Dahil likas na makata ang ating mga ninuno kung kaya’t may mga tula at awit sila sa lahat ng
okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong (Ayon kay Lope K.
Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula), ang mga salawikain at maging mga
kasabihan.
MGA HALIMBAWA NG BUGTONG
Mukha’y kabi-kabila, kung sa bungangkahoy ano kaya?
Kung araw ay bubungan, kung gabi’y karagatan.
Isiniksik bago kinalabit, malayo ang sinapit.
Uka ang tiyan, malakas pang sumigaw.
Bato na ang tawag ko, bato pa ang tawag mo, turan mo kung ano
ako.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
Naghangad ng kagitna, sansalop ang nawala.
Kapag may tiyaga, may nilaga.
Kung ano ang puno siyang bunga.
Kapag may isinuksok may madudukot.
Umilag sa baga, sa ningas nasugba.
Ang tunay na panyaya, sinasamahan ng hila.
MGA AWITING BAYAN
Tula na nilapatan ng himig.
 Mga uri ng awiting bayan
- Oyaye o hele (awit sa pagpapatulog ng bata)
- Kundiman (awit sa pag-ibig)
- Pananapatan (paghaharana sa Tagalog)
- Soliranin (rowing song o awit sa pamamangka)
- Kumintang (awit sa pakikidigma)
- Sambotani (awit sa pagtatagumpay)
- Diona (awit ng pagpapakasal)
- Balitaw (awit ng paghaharana sa Bisaya)
- Pangangaluluwa (awit sa araw ng mga patay)
- Panitsit (kapangpangan – “o kaka, o kaka”)
- Dalit (awit na panrelihiyon)
- Dung-aw (awit sa patay ng mga Ilokano)
MGA HALIMBAWA NG AWITING
BAYAN
MGA HALIMBAWA NG AWITING
BAYAN
MGA HALIMBAWA NG AWITING
BAYAN
MGA HALIMBAWA NG AWITING
BAYAN
MGA HALIMBAWA NG AWITING
BAYAN
Ano ang katangian ng Epiko?
EPIKO
 Dala ng mga ninunong nandayuhan sa
Pilipinas.
 Mahahabang tulang pasalaysay tungkol sa
kabayanihan ng pangunahing tauhan.
 Naglalaman ng mga pangyayaring di
Kapani-paniwala.
KATANGIAN NG EPIKO
 Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling
tahanan

 Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.

 Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.

 Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.

Patuloy na pakikidigma ng bayani.


KATANGIAN NG EPIKO
Pamamagitan ng isang bathala para matigil ang labanan.

Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay


magkadugo.
Pagkamatay ng bayani.

Pagkabuhay na muli ng bayani.

Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.

Pag-aasawa ng bayani.
MGA
HALIMBAWANG
EPIKO
Epiko ng Bisaya
Apat ang kinikilalang epiko ng mga Bisaya: Haraya, Lagda, Maragtas at
Hinilawod.

Sa apat na epikong nabanggit ang Hinilawod lamang ang malapit sa Epiko.

Lagda – Isa lamang kalipunan ng mga tuntunin ukol sa mabuting pagtupad sa


tungkulin sa pamahalaan na nakapaloob sa mga salaysayin at mga pangyayari.

Ang Kodigo ni Kalantiao ay isa sa mga matatagpuan sa Lagda.

Haraya – Katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga salaysay ng


paghahalimbawa ng nasabing tutunin.

Maragtas – Nagsasaad ng pinagmulan ng Bisaya.


EPIKO NG PANAY
Itinuturing ang Hinilawod na pinakamatanda at
pinakamahabang epiko ng panay.
Binubuo ito ng 18 salaysay at ang bawat kuwento
ay kumakatawan sa tatlong henerasyon.
Kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala ng
mga unang nanirahan sa Ilo-ilo, Aklan at Antique.
EPIKO NG MGA
BIKOLANO
Ibalon ang matandang epiko ng Bikol
na isinalaysay ni Cadregong, isang
makatang manlalakbay.
 Isinalin sa Kastila ni P. Jose Castańo at
nalathala sa Madrid sa pamamagitan ni
Wenceslao Retana.
EPIKO NG MGA IFUGAO
 Dalawa ang kilalang Epiko ng mga Ifugao:
Hudhud at ang Alim.
Alim – Ipinagpalagay ni Dr. Otley Beyer na
pinakamatandang Epiko sa Pilipinas. Higit na
makarelihiyon ang anyo nito.
Hudhud – Inaawit sa mga pagkakataong hindi
panrelihiyon.
Epiko ng
Muslim
(Darangan)
Kumintang
 Kasaysayan ng pagsusugo ni haring Soladan sa kaniyang tatlong anak
na sina Bagtas, Mandukit at Dikyaw buhat sa emperyo ng Manyapahit
tungo sa Ma-i Lusong na bahagi noon ng kahariang Luntok.
Ang Unang Dula
•Itinatanghal sa mga maluluwang na bakuran, liwasang bayan,
tahanan at kung minsan ay sa mga baybay dagat at tabing ilog.
•Nasa anyong ritwal ang unang dula.
•Tinatawag na pamanhikan ang dula ng mga tagalog na ginaganap sa
mga tahanan ng dalagang nilalangit.
Tatlong Bahagi ng Pamanhikan
Bulong - Paghaharana
Kayari - Paninilbihan
Dulog - Pamanhikan
Wika at Pagsulat (Baybayin/alibata)

AKO AY PILIPINO
HANGGANG SA MULI 

You might also like