ng Kontemporaryong Panitikang Filipino Schedule: **8:30-9:50 AM - ONLINE **9:50-11:00 AM - OFFLINE ACTIVITY
Inihanda ni: Ms. Chellerie Mae Pedida
Ano ang Panitikang Filipino? Ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino. Ano ang Panitikang Filipino? Ang tunay na panitikan ay isang matapat na paglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang makasining. Ito ay maayos na pagkakatugma- tugma ng mga karanasan ng tao. Kahalagahan ng Pag-aaral nito: 1. Malalaman ng tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan. Kahalagahan ng Pag-aaral nito: 2. Mababatid nila ang kakalasan o kahinaan ng kanilang paniniwala o pag-uugali. Kahalagahan ng Pag-aaral nito: 3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi. Kahalagahan ng Pag-aaral nito: 4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong. Kahalagahan ng Pag-aaral nito: 5. Magkakaroon ng malasakit sa ating sariling panitikan. Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan 1. Klima – may kinalaman sa pag- iisip at pag-uugali ng tao. 2. Gawaing Pang-araw-araw – ang hanapbuhay at tungkulin ng mga karaniwang tao. 3. Kinatitirahan – pook ng isang lahi ay nagtatakda sa hilig at takbo ng talasalitaan. 4. Lipunan at Pulitika – ugaling panlipunan at mga simulaing pampulitika na kabihasnang napapasama sa isang bansa. 5. Relihiyon at Edukasyon – ang tayog, lalim, at lawak ng isang panitikan ay nakukuha sa pananampalataya at pilosopiya. Paano nakilala ang Pilipinas sa Pandaigdigang Panitikan? Dahil ito sa …
na siyang akda ni… DR. JOSE P. RIZAL
Mga Panahon ng Panitikang Filipino 1. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila - pasaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong ito at may impluwensyang kaisipang Malayo- Indonesyo. Mga Panahon ng Panitikang Filipino 1. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila Mga Panahon ng Panitikang Filipino 2. Panahon ng mga Kastila - naging panrelihiyon ang paksa sa panahong ito. - ang layunin nito ay mapalaganap ang Kristiyanismo. Mga Panahon ng Panitikang Filipino 2. Panahon ng mga Kastila Mga Panahon ng Panitikang Filipino 3. Panahon ng Propaganda at Himagsikan - naging makabayan at mapanghimagsik ang panitikan sa panahong ito. Mga Panahon ng Panitikang Filipino 3. Panahon ng Propaganda at Himagsikan Mga Panahon ng Panitikang Filipino 4. Panahon ng mga Amerikano - ang panitikang Filipino sa panahong ito ay may impluwensyang demokratiko. Mga Panahon ng Panitikang Filipino 4. Panahon ng mga Amerikano Mga Panahon ng Panitikang Filipino 5. Panahon ng Hapones - nakilala sa panahong ito ang malayang tula. - “Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino” Mga Panahon ng Panitikang Filipino 5. Panahon ng Hapones Mga Panahon ng Panitikang Filipino 6. Panahon ng Bagong Kalayaan – naging masigla muli ang Panitikang Pilipino sa liberasyon ng Pilipinas. Maraming manunulat ang nagsulat gamit ang wikang Filipino at Ingles. Mga Panahon ng Panitikang Filipino 7. Panahon ng Aktibismo – naging maiinit ang paksa ng panitikan, na kinapalolooban ng mga tinig at titik ng protesta o paglaban sa pamahalaan at awtoridad. Mga Panahon ng Panitikang Filipino 8. Panahon ng Bagong Lipunan – limitado ang paksang matatalakay. Ang mga manunulat ay hindi malayang magpahayag ng mga sariling damdamin at kanilang mga kaisipan. Mga Panahon ng Panitikang Filipino 9. Panahon sa Bagong Demokrasya – sumigla ang pamamahayag. Malaya ang mga mamamahayag at mga mamamayan na tumuligsa sa mga Mga Panahon ng Panitikang Filipino 9. Panahon sa Bagong Demokrasya – pangyayari sa bayan. Humantong ito sa pagsigla ng panitikan sa ibat-ibang larangan. Alibata o Baybayin - unang alpabeto ng sinaunang mga Pilipino. - binubuo ito ng 17 titik na hawig sa ginagamit ng mga Indones. - ito ay may tatlong patinig. Panitikang Filipino bago Dumating ang mga Kastila A. Alamat at Mito - mga pangyayari sa kalikasan ay binibigyan ng paliwanag sa pamamagitan ng malikhaing guni-guni. - ang halimbawa ay ang mga sumusunod: ANG PINAGMULAN NG MGA LAHI (Bisaya) Ang Pinagmulan ng mga Lahi (Bisaya) Ayon sa matatanda, ang bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala ng marami ay matagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi nalaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Ang Pinagmulan ng mga Lahi (Bisaya) Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan. Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay malunasan ang kanyang kalungkutan. Ang Pinagmulan ng mga Lahi (Bisaya) Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang buksan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Ita. Ang Pinagmulan ng mga Lahi (Bisaya) Hindi nasiyahan ang Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y masunog tulad ng una, hinango agad sa kalan. Ang Pinagmulan ng mga Lahi (Bisaya) Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Ito naman ang mga ninuno ng mga puting lahi. Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno. Palibahasa'y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa pugon. Ang Pinagmulan ng mga Lahi (Bisaya) Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan ng mga Pilipino. SI MALAKAS AT SI MAGANDA (Tagalog) SI MALAKAS AT SI MAGANDA (Tagalog) Malungkot ang Diyos noon dahil mag-isa lamang siya. Dahil dito ay naisipan niyang buuin ang malawak na kalangitan at binuo rin makinang na araw kasama ng iba pang bituin na hindi mapigilan ang pagningning sa kalangitan. SI MALAKAS AT SI MAGANDA (Tagalog) Gayunman, hindi pa rin naging maligaya ang Diyos kaya naman ikinumpas nito ang kaniyang kamay at nabuo ang daigdig. Sa loob ng pabilog na hugis nito ay nabuhay ang iba’t ibang nilalang tulad ng mga puno, halaman, isda, at ang mga ibong malayang nakalilipad sa kalangitan. SI MALAKAS AT SI MAGANDA (Tagalog) Mayroon ding mga anyong tubig tulad ng ilog at dagat ang walang patid sa pag-agos. Nalikha na nga ng Diyos ang sanlibutan. Ang mga ibon ay walang ginawa kung hindi ang lumipad. SI MALAKAS AT SI MAGANDA (Tagalog) Nang minsang mapadapo ang isang ibon sa kawayan, mayroon siyang kakaibang tinig na narinig sa loob nito. May tinig na nakikiusap na tuktukin ng ibon ang kawayan upang bumuka ito. SI MALAKAS AT SI MAGANDA (Tagalog) Ginawa nga ng ibon at lumabas ang isang lalaki. Siya raw si Malakas. Muli siyang nakiusap sa ibon na tuktukin pa ang isa pang kawayan upang makalabas ang kasama niya sa loob. SI MALAKAS AT SI MAGANDA (Tagalog) Ginawang muli ng ibon at lumabas ang isang dilag na ang pangalan ay Maganda. Isinakay ng ibon ang dalawa sa kaniyang likod at dinala sa isang pulo kung saan nila sisimulan ang kanilang lahing kayumanggi. B. Mga Epiko - tungkol sa kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. B. Mga Epiko - nasasalamin nito ang maraming pangarap ng lahing kayumaggi. - ang halimbawa ay ang mga sumusunod: B. Mga Epiko 1. Epiko ng mga Ipugaw a. Alim – isinasalaysay nito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan na siyang pinagmulan ng pag-aaway at pagpapatayan ng mga tao B. Mga Epiko 1. Epiko ng mga Ipugaw a. Alim – sa daigdig bilang sumpa ng Bathala ng mga Ipugaw na si Makanungan. B. Mga Epiko 1. Epiko ng mga Ipugaw b. Hudhud – ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Aliguyon, ang bayani ng lahing Ipugaw, at ang kadakilaan at kaluwalhatian ng kasaysayan ng kanilang lahi. B. Mga Epiko 2. Epiko ng mga Bisaya a. Haraya – kalipunan ng mga tuntunin ng kagnadahang asal. b. Hinilawod – pag-iibigan ng mga Bathala sa unang naninirahan sa Iloilo, Antique, at Aklan. B. Mga Epiko 2. Epiko ng mga Bisaya c. Maragtas – kasaysayan ng sampung datung Malay na tumakas mula sa Borneo sa pamumuno ni Datu Puti at ng mga unang araw nila sa Panay, ang islang kanilang binili kay Haring Marikudo ng mga Ita. B. Mga Epiko 2. Epiko ng mga Bisaya d. Lagda – kalipunan ng mga kautusan gaya ng Kodigo ni Kalantiyaw. e. Hari sa Bukid – tungkol sa haring nakikita ngunit tanyag dahil sa pagbibigay-biyaya at parusa. B. Mga Epiko 3. Epiko ng Muslim a. Darangan – isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko sa Pilipinas . Binubuo ito ng 25 na kabanata. B. Mga Epiko 3. Epiko ng Muslim a. Darangan – Nabibilang rito ang: • Indarapatra at Sulayman • Prinsipe Bantugan • Bidasari B. Mga Epiko 4. Epiko ng Tagalog a. Kumintang – pakikidigma ni Datu Dumangsil sa Taal, Datu Balkasusang Tayabas at ng Bai ng Talim. B. Mga Epiko 5. Epiko ng Iloko a. Biag ni Lam-ang – tungkol sa isang bayani at kanyang matapat na mga alaga, isang puting tandang na manok at isang aso. B. Mga Epiko 6. Epiko ng Bikol a. Ibalon – tungkol sa bayaning si Baltog, ang unang nakarating sa Bikol mula sa kaharian ng Samar. C. Awiting-Bayan 1. Oyayi – ito ang awit sa pagpapatulog ng bata. 2. Maluway – awit sa sama- samang paggawa. 3. Talindaw – ito ang awit sa pagsagwan. C. Awiting-Bayan 4. Suliranin – ito ang awit sa paggaod. 5. Kundiman – ito ang awit sa pag-ibig. 6. Kumintang – ito ang awit sa pakikipagdigma. D. Karunungang Bayan - nakakatulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural. - ang halimbawa ay ang mga sumusunod: D. Karunungang Bayan A. Salawikain - patalinghaga at kinapalolooban ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal. D. Karunungang Bayan A. Salawikain Halimbawa: “Ang taong nagigipit, sa patalim kimakapit.” “Taong walang kibo, sa loob ang kulo.” D. Karunungang Bayan B. Bugtong - ito ay nagpapatalas ng isip. Halimbawa: “Kung kailan mo pinatay, tsaka humaba ang buhay.” Sagot: KANDILA D. Karunungang Bayan C. Sawikain - patalinghanggang pananalita. Halimbawa: Hulog ng Langit – biyaya Maluwag ang turnilyo – luku- luko E. Palaisipan - isang paraan ng pagpukaw at paghasa ng isipan ng tao. Nakakalibang bukod sa nakakadagdag ng kaalaman. Salamat! Magkikita ulit tayo sa susunod na linggo..