You are on page 1of 44

PANITIKAN

SA ILOCOS

DR. ERNESTO C.
CABERTE JR.
MGA INAASAHANG PAGKATUTO:

1. Nailalahad ang mga ideyang may


kinalaman sa iba’t ibang akdang panrehiyon.
2. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga
panitikan sa rehiyon.
PANITIKAN SA ILOCOS
PANITIKANG ILOKO: KASAYSAYAN, TULA, MAIKLING
KUWENTO, DULA AT NOBELA

Ang Kailukanuhan ay binubuo ng higit kumulang


21, 945.49 na mga lupain. Ang mga lupaing ito ay
napapaligiran ng mga matatarik na bangin at
pinakamahabang baybayin.
PANITIKANG ILOKO

Lagusan din ang mga rehiyung ito ng dalawampu’t


siyam na ilog na dumadaloy hanggang sa Dagat Tsina.
Daanan din ito ng mga bagyo, tulad ng Batanes.
Pangunahing kabuhayan nila rito ay ang pagtatanim ng:
Palay, Tabako, Bulak, Mga gulay
PANITIKANG ILOKO

Makikita ang kasipagan ng mga tao sa kanilang


pagpasok sa iba’t ibang lokal na industriya katulad ng:
Paghahabi, Paggawa ng mga asin, Bagoong at basi (alak)
Ang Rehiyon I ay binubuo ng mga lalawigan: La Union,
Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur
PANITIKANG ILOKO

Ang Rehiyon II naman ay binubuo ng mga lalawigan:


Cagayan,Isabela, Nueva Viscaya, Batanes, Quirino
Ang Cordillera Administrative Region o CAR ay
binubuo ng: Ifugao, Apayao, Mountain Province,
Kalinga Abra, Benguet
MGA PINANINIWALAANG PINAGKUNAN NG MGA
ILOKANO NG SALITANG ILOKOS:

1. Ang bayan umano ng mga taong ito sa Hilaga ay


matatagpuan sa maliliit na baybayin na tinatawag
na “look”. Ang panlaping I ay nangangahulugang
“mula sa” o “ilog”.
MGA PINANINIWALAANG PINAGKUNAN NG MGA
ILOKANO NG SALITANG ILOKOS:

2. Ito’y nagmula sa “loko” na ang ibig sabihin ay “bayan


sa kapatagan” at dinagdagan na lamang ng “I”.
3. Maaari rin umanong nagmula sa salitang tagalog na
“iloc” at dahil sa nahihirapan ang mga Kastilang bigkasin
ang “g” ang ilog ay naging “iloc”.
PANITIKANG ILOKO
 Ilokano - Tawag sa lipi ng mga taong naninirahan sa mga unang lugar na
nabanggit.
 Samtoy - Tawag sa wika ng mga Ilokano “saomi daytoy” o wika namin
ito .
 Lumaganap ang ILOKANISASYON bunga ng kasalatan sa kasaganaan
ng lupain ng mga Ilokano.
 Kurditan - Tawag sa panitikan ng mga Ilokano, nagmula sa salitang
“kurdit”
PANITIKANG ILOKO

Hindi maitatatwa na ang KURDITAN ay


pumapangalawa sa lawak at husay sa Panitikang
Tagalog. Lumaganap ang mga kauna-unahang
Kurditan sa mga salindila bago pa dumating ang
mga Kastila sa Pilipinas.
AYON KAY LEOPOLDO Y. YABES

I. Mga Simu-simula - Sa simula pa lamang, bagaman hindi pa


nasusulat ang mga akdang Iloko lumaganap na sa Kailokanuhan
ang mga kantahing bayan, kuwentong bayan at karunungang
bayan.
Mga Kantahing Bayan
1. Pinagbiag - Ang mga awiting nagpapahayag ng kaisipan at
saloobin . Ang mga awiting nagpapahayag ng kuwento
MGA KANTAHING BAYAN

2. Dallot - Ito ay awit sa mga kasalan, binyagan, at iba


pang pagtitipon habang sinasaliwan ng sayaw at
pagbibigay-payo sa bagong kasal.
Ipinalalagay rin itong isang uri ng pagtatalo ng mga
babae at lalaki sa saliw ng TULALI, isang plawtang
Iloko na may 6 na butas.
MGA KANTAHING BAYAN
3. Badeng - Isang awit ng pag-ibig na kadalasang ginagamit ng
mga kalalakihan sa paghaharana.
4. Dung-aw - Isang panaghoy sa namatay kasabay ang
pagsasalaysay ng buhay nito mula sa pagkasilang hanggang sa
kamatayan.
5. Dasal na patungkol sa mangmangkik - Ang mga
mangmangkik ay mga espritu ng kagubatan na dinadasalan
upang hindi sila magagalit
MGA KANTAHING BAYAN
 6. Arinkenken - Paligsahan ito ng mga lalaki’t babae sa kasalan, ang tema
nito ay tungkol sa karapatan at responsibilidad na haharapin ng bagong
mag-asawa.
 7. Hele - Ito ay awiting pambata na naglalaman ng pag-asa tungo sa
magandang kinabukasan ng bata.
 Ang ibang mga awiting Iloko ay nagpapakita ng kanilang mga pang-
araw-araw na gawain tulad ng awit sa pagtatanim, awit sa paggapas, awit
sa pangingisda, awit bago tumungo sa digmaan at iba pa.
SALAYSAYING BAYAN
1. Alamat - tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o
pook.
Halimbawa: Bakit Umakyat sa Damo ang mga Suso? ni
Jose E. Tomeldan ng Binalonan, Pangasinan, Ang
Kauna-uanahang Unggoy ni Sotero Albano ng Dingras,
Ilocos Norte, Ang Alamat ng Bigas, Alamat ng
Pinaupong Bangkay
SALAYSAYING BAYAN
2. Kuwentong Bayan- ito ay mga salaysay hinggil sa
mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga
uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. -
karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang
tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain -
kaugnay nito ang alamat at mito.
SALAYSAYING BAYAN
Halimbawa: Ang Tatlong Magkakapatid na Lalaki,
Ang Tatlong Magkakapatid na Masuwerte, Si Juan
Tamad, Ang Gintong Tuntuning Cochinango, Si
Andres, ang mambibitag, Ang Hunyangong
Pagong, Si Camachile at si Pasion, Ang Pitong
Tangang Magkakaibian
SALAYSAYING BAYAN

3. Epiko - ito ay tulang pasalaysay na


nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan at nagtataglay rin ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao. Halimbawa:
Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg
MGA KARUNUNGANG BAYAN
1. Burburtia o burtia - Ito ang katumbas ng bugtong sa
Tagalog. Kadalasang tinatalakay nito ang kapaligiran at
tinatawag na tulang-kopla at sinasabayan ng ritmo o indayog.
Burburtia o burtia- Binubuo ito ng mga matatalinghagang
mga pariralang may sukat at tugma na sumusukat sa talino ng
mga Ilokano.
PABITLA- tawag ng mga Pangasinan dito.
MGA KARUNUNGANG BAYAN
Burburtia o burtia Halimbawa: No baro narucop No daan
nalagda TAMBAC Kung bago marupok, kung luma
matibay (PILAPIL)
Burburtia o burtia Halimbawa: Ania ti banag no ikkatam
Dakdakkel ti inna pagbalinan ABOT Ano ang halaga ng
isang bagay pag binawasan, mas malaki ang kalalabasan.
(BUTAS)
MGA KARUNUNGANG BAYAN

Burburtia o burtia Halimbawa: Sangapulo iti mangiyawat


Taltallo iti mangawat AGISAANG Sampu ang nag-
aabot, Tatatlo ang sumasalo. (PAGSASAING)
Burburtia o burtia Halimbawa: Macaluto ng aoan init,
agasok uray nalamiis. YELO Nakaluluto’y walang init,
umaaso kahit malamig. (YELO)
PAGSASAO O SAWIKAIN

2. Pagsasao o Sawikain sa Tagalog, may aral at


binibigkas ng patula.
Halimbawa: Ti adda siniglot na isu ti adda bukraenna
Kung sino ang nagbuhol, siya ang magkakalas
MGA KARUNUNGANG BAYAN
Pagsasao Halimbawa: Ti lubong ket suwitik
Ang mundo’y mandaraya
Pagsasao Halimbawa: Ti osto a napanglaw Ket ti tao nga
awan ammo na iti napintas nga adal
Ang tunay na maralita ay ang taong hubad sa
katotohanan
MGA KARUNUNGANG BAYAN
3. Arasaas - Ginagamit ito ng mga Ilokano sa paghingi
ng paumanhin sa mga lamanlupa, maligno at mga
espiritung hindi nakikita. Katumbas ito ng bulong sa
Tagalog.
Arasaas Halimbawa: Umaykan, dika agbatbati Sumama
ka, huwag kang paiiwan.
MGA KARUNUNGANG BAYAN
Arasaas Halimbawa: Puwera baros Puwera usogPuwera
dildillaw Puwera
Arasaas Halimbawa: Kaasiam Apo! Kaawaan mo Apo!
Allwem Apo! Iahon
Arasaas Iba pang halimbawa: Dayo dayo, bari bari Apo!
Maykan Juan madi ka agbatbati! Umadayo amin Apo!,
umisbo ak. Agtaraigid kayo amin Apo ta mag-naak!
II. MGA AKDANG UKOL SA PANANAMPALATAYA
AT KAGANDAHANG-ASAL
 Lalong nag-ibayo ang akdang pangrelihiyon sa Iloko nang
pumasok ang Kristiyanismo.
 Mga aklat na nalimbag:
 1. Doctrina Christian ni Cardinal Roberto Francisco Bellarmine.
Kauna-unahang akda na nasulat sa wikang Samtoy ni P.
Francisco Lopez, isang paring Agustino. Ito ang
pinakamahalagang akda sa Samtoy noong ika-17 dantaon
II. MGA AKDANG UKOL SA PANANAMPALATAYA
AT KAGANDAHANG-ASAL

2. Pasion de Nuestra Senora Jesucristo- Ito ang unang


pasyong isinulat sa Samtoy noong 1621 ni P. Antonio
Mejia.
3. Viva de San Barlaan y Josaphat - Ito ay sinulat ni P.
Agustin Mejia noong ikalabimpitong dantaon.
II. MGA AKDANG UKOL SA PANANAMPALATAYA
AT KAGANDAHANG-ASAL
4. Sermones Morales at Escudos del Christiana- Ito ay
ang akdang sinulat nina P. Jacinto Guerrero at P.
Guillermo Sebastian
5. Novena de Nuestra Senora de la Caridad que se
Venera en la Iglesia del Pueblo de Bantay - Ito ang
kauna-unahang novena na nailimbag sa Pilipinas ni P.
Juan Bautista Arenos.
III. MGA AKDANG UKOL SA WIKANG ILUKO
1. Arte de la Lengua Iloca - Ito ang kauna-unahang
akdang pangwika tungkol sa wikang Iloko na sinulat ni P.
Francisco Lopez noong 1627.
2. Vocabulario de la Lengua Iloco - Ito ay isang
diksyunaryo at gramatika sa wikang Iloko na sinulat ni P.
Lopez. Ito’y inayos at dinagdagan noong ika-18 dantaon
ng ilang pari. Noong 1891, muling inayos ito ni P.
Andres Carro.
III. MGA AKDANG UKOL SA WIKANG ILUKO

3. Gramatica Hispano-Ilocana at Diccionario


Hispano - Ito ay nalimbag noong ika-19 dantaon at
sinulat ni Gabriel Vivo y Juderias.
4. Estudio de las Antigua Alfabitos Filipinos - Ito
ay sinulat ni P. Marcilla at nalimbag noong ika- 19
dantaon.
III. MGA AKDANG UKOL SA WIKANG ILUKO

3. Gramatica Hispano-Ilocana at Diccionario


Hispano - Ito ay nalimbag noong ika-19 dantaon at
sinulat ni Gabriel Vivo y Juderias.
4. Estudio de las Antigua Alfabitos Filipinos - Ito
ay sinulat ni P. Marcilla at nalimbag noong ika- 19
dantaon.
IV. ANG PANULAANG ILOKO

1. Pedro Bukaneg - Kilala siya sa taguring “Ama ng


Panitikang Ilokano, Ilokano Socrates, at Ilokano Milton.”
Pinaghanguan ng “Bukanegan” ng mga Ilokano
Bukanegan- katulad ng Balagtasan sa lahat ng anyo ng
panulaan
IV. ANG PANULAANG ILOKO

2. Justo Claudio y Fojas- Siya ay isang paring sekular na


sumulat ng mga novena, aklat ng panalangin, katekismo,
drama, gayundin naglathala ng aklat ng ukol sa balarila
ng Espanyol at diksyunaryong Iloko-Espanyol. Siya ang
Leona Florentino ng kanyang kapanahunan.
IV. ANG PANULAANG ILOKO

3. Leona Florentino - Siya ang unang makatang babae ng


Ilocos Sur. Isinilang siya sa Vigan, Ilocos Sur (noon ay
Villa Fernandina), noong 19 Abril 1849. Ang kanyang
ama ay si Don Marcelino Florentino na kinilalang isa sa
mayayaman sa Ilocos noon at ang kanyang ina ay si
Donya Isabel Florentino.
IV. ANG PANULAANG ILOKO

Leona Florentino- Siya raw ang katapat nina Elizabeth


Barret Browning ng Inglatera at Sappho ng Grecia. Ang
maririkit niyang mga tula sa Kastila at wikang Ilokano ay
nakasama sa eksibit sa Exposicion General de Filipinas
sa Madrid noong 1887 at sa International Exposition sa
Paris noong 1889.
IV. ANG PANULAANG ILOKO

Leona Florentino - Ito ang nagbigay sa kanya


at sa Pilipinas ng karangalan at dahil sa
kinilala ang kanyang kakayahan sa literature,
nakasama siya sa International Encyclopedia
of Women’s Works, noong 1889.
IV. ANG PANULAANG ILOKO
Leona Florentino - Sa gulang na 10 taon pa lamang ay
nakasusulat na si Leona ng mga tula sa wikang Iloko at
nakapagsasalita na rin siya ng kastila. Siya ang
pinakamatalino sa pamilya subalit hindi siya nakapag-aral
sa Unibersidad sapagkat noong panahong iyon (panahon ng
Kastila) ang mga paaralan ng mataas na pag-aaral ay sarado
para sa mga kababaihan—may paniniwala na ang mga
babae ay para lamang sa tahanan o kaya ay pagiging madre.
IV. ANG PANULAANG ILOKO

Leona Florentino - Pinaunlad ni Leona ang kaniyang


sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba’t ibang aklat
hanggang sa makilala niya si Padre Evaristo Abaya na
nagturo sa kanya ng higit pang Kastila at humikayat sa
kanya na magsulat ng mga tula.
IV. ANG PANULAANG ILOKO

Leona Florentino - Nakasal si Leona kay Elias delos


Reyes na minsan ay nanungkulan bilang Alkalde Mayor
ng Vigan. Nagkaroon sila ng limang anak. Ang
pinakamatanda ay kinilala rin sa ating kasaysayan at
maging sa laranagan ng panitikan. Siya ay si Isabelo
delos Reyes, naging senador at sibik leder noong
kanyang kapanahunan.
IV. ANG PANULAANG ILOKO

Leona Florentino - Ang mga nakilalang tula ni Leona


Florentino ay Rucrucnoy (Dedication), Naangaway a
Cablaaw (Good Greetings). Nalpay a Namnama
(Vanishing Hope), BEnigna, Para ken Carmen, Panay
Pacada (Farewell), at iba pa. Maagang binawian ng
buhay si Leona sa gulang na 35.
IV. ANG PANULAANG ILOKO

Namatay siya sa Vigan noong 4 Oktubre 1884. Bagamat


namatay nang maaga ay nakilala naman ang kanyang
kakayahan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi
hanggang sa Europa. Siya ang unang Pilipina na nakilala
sa buong mundo bilang babaing makata.
INDIBIDUWAL NA GAWAIN
1. Sumulat ng isang replektibong
sanaysay na ukol sa “Panitikan sa Ilocos.”
2. Binubuo ng tatlong talata: may
panimula, katawan at wakas.
SANGGUNIAN

Lumbera, B. at Lumbera C. N.(1997).Philippine


Literature (revised edition). Pasig City: Anvil Publishing,
Inc. Aguilar, R. et al. (2006). Panitikan ng Pilipinas.
Makati City: Grandwater Publications.
https://tl.m.wikipedia.org

You might also like