You are on page 1of 14

REHIYON 1

 Ang Rehiyon 1 ay binubuo ng mga


lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur,
Lalawigan, Panggasinan.
REHIYON 2

 Ang Rehiyon 2 ay binubuo ng mga Lalawigang


Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Batanes at Quirino.
CORDILLERA
ADMINISTRATIVE
REGION(CAR)
 Ang CAR ay kilala sa pagkakaroon ng mga matataas na bundok.
Ang hagdang palayan ay matatagpuan sa rehiyong ito.

 Ay binubuo ng mga Ifugao, Kalinga, Apayao, Abra, Mountain


Province, Benguet. Baguio, na tinaguriang Summer Capital of the
Philippines, ay sakop ng lalawigan ng Benguet.
ANG REHIYON NG
CORDILLERA

 Ang kasaganaan ng panitikan ng mga etnikong Ifugao, ibaloi,


ilongot, kankanay, itneg, isneg, Kalinga at Bondoc ang
lumalaganap sa lugar na ito.

 Maliban sa pagtatanim ng gulay at palay, paghahabi ng tela,


pag-uukit ng kahoy, paggawa ng mga rattan, basket, at walis
ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.
 Mayroon silang kaunungang bayan,. Awiting bayan, alamat at epiko.
 Nagmula ang salitang Ifugao sa IPUGO na ang ibig sabihin ay “mula
sa daigdig.”
 Ang mga ibaloy at kalinga ay may mga natatanging epiko ang
KABUNIYAN at BINDIAN.
 Ang mga taga kalinga ay may apat na bersyon ng epiko na
nailimbag, ang tatlo sa mga ito ay kinakikitaan na ng modernisasyon,
ginamitan ang mga ito ng sundalong kastila at mga baril. Kilala ang
epikong ito na ULLALIM.
 Kilala ang kanilang ALIM na sinasabing banal na epiko ng liping ito.
Ang kanilang HUDHUD ay nanatiling buhay na panitikan para sa mga
ANG PANITIKANG ILOKO

 Ang kailukanuhan ay binubuo ngj higit kumulang na 21,945.49 na mga


lupain.

 Dahil mandin sa kasalatan ng mga patag na lupain ang mga tao sa mga
rehiyong ito ay nagtatanim ng palay , tabako, bulak at mga gulay sa
mga mabubuhanging bahagi ng lupa.

 Makikita ang kasipagan ng mga tao rito sa kanilang pagpasok sa iba’t


ibang local na industriya katulad ng paghahabi, paggawa ng asin,
bagoong at basi.
 Ang bayan umano ng mga taong ito sa Hilaga ay matatapuan sa
maliit na baybayin naa tinatawag na “look.” Ang unlapin “I” ay
nangangahulugang “mula sa” o “ilog.”

 Sinasabi ring ito’y nagmula sa “loko” na ang ibig sabihin ay “bayan


sa kapatagan” at dinagdagan na lamang ng “i.”

 Maari rin umanong nagmula sa salitang tagalog na “iloc” at dahil sa


nahihirapan ang mga kastilang biigkasin ang “g” ang ilog ay naging
“iloc”.
 Ang wika ng mga Ilokano ay tinaguriang SAMTOY, na nagmula sa salitang
“saomi datoy” na nangangahulugang “wika namin ito.”

 Walang pagdududa na ang lenggwaheng ito ay isang “Austronesian.”

 Bagaman may kaunting punto sa pagsasalita nito, hindi ito katulad ng mga
Ibanag at Gaddang.

 “kurditan” ang tawag nila sa kanilang panitikan, na nagmula sa salitang


“kurdit” na ang ibig sabihin ay “sumulat.”
 Ang Doctrina Christiana ni Cardinal Bellarmine na isinalin ni P. Francisco
lopez ang kauna unahang aklat na iloko na nalimbag noong 1621.

 Naging katuwang ni lopez sa pagsasalin ni Pedro Bukaneg ang Ama ng


kurditan, at kilala rin sa mga taguring “ilokano Milton”, dahil sa kabila ng
kanyang kapansanan sa paningin ay nakapagsulat parin siya ng mga
mahuhusay at di matatawarang mga obra maestra, tinawag din siyang
“ilokano socrates”, dahill sa kanyang pagiging pilosopo at pagbibigay ng
aral sa mga lansangan.
URI NG PANITIKANG ILOKO

Ang panitikang iloko ayon sa matiyagang


pagsasaliksik at panulat ni Leopaldo Y. Yabes, ay inuri sa
mga sumusunod:

 A.mga simu-simula
 B. mga akdang ukol sa pananampalataya at kagandahang asal
 C. mga akdang ukol sa wikang iloko at
 D. panulang Iloko
 E.maikling kuwento at nobela
 F. at mga dula.
MGA KANTAHING BAYAN
 Pinagbiag- ito ay mga awiting nagpapahayag ng mga kuwento ng
bayani. Nahahati ang katutubong awitin sa dalawang uri: ang mga
awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin, at ang mga awiting
nagpapahayag ng kuwento.

 Dallot- awit sa mga kasalan, binyagan, at iba pang pagtitipon,


habang sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay payo sa bagong kasal.
 Badeng- isang awit ng pag-ibig na kadalasang ginagamit ng mga
kalalakihan sa ‘paghaharana.

 Dung-aw- isang panaghoy sa mga namatay kasabay ang


pagsasalaysay ng buhay nito mula sa pagkasilang hanggang sa
kamatayan.

 Dasal na patungkol sa mangmangkik- ang mga mangmangkik


ay mga espiritu ngj kagubatan na dinadasalan upang hindi sila
magagalit
 Arinkenken- Paligsahan ng mga lalakit babae sa kasalan
ang tema nito ay tungkol sa karapatan at responsibilidad na
haharapin ng bagong mag asawa.

 Hele- Awitig pambata na naglalaman ng pag asa tungo sa


magandang kinabukasan ng bata.

You might also like