You are on page 1of 3

Panitikan sa Rehiyon ng Ilocos

Mamamayan
Katangian:
1. Masinop
2. Matipid
3. Mapamaraan
ILOKANO at PANGASINENSE ang tawag sa mga taong naninirahan sa Rehiyon ng Ilokos
Topograpiya
1. Maburol at mabundok (hal. Mt. sicapoo sa Solsona, Ilokos Norte)
2. Makitid na Kapatagan
Klima
Nobyembre hanggang Abril, sinasabing maganda ang panahon.
Industriya at produkto

Pagsasaka (produkto: bawang, tabako, palay, mais, bulak, tubo at manga)


Pangingisda (produkto: bangus, hito, dalag, hipon, alimasag
Paglililok
Paghahabi ng kumot, tuwalya at punda
Paggawa ng tapayan o burnay mula sa luwad
Paglalala ng basket at banig
Paggawa ng asin, bagoong na isda at alamang, bukayo

Panitikan
Kurditan- ang tawag sa kanilang panitikan.
Kurdit- sumulat
Doctrina Cristiana
-ni Cardinal Berllarmine na isinalin ni P. Francisco Lopez
-ito ang kauna-unahang libro ng mga Ilokano.
-naglalaman ito tungkol sa unang tulang iloko at ang bahagi na naisulat ng mga katutubong
script.
A. Kantahing Bayan

1. Pinagbiag- ito ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani. Nahahati sa dalawang uri:


ang awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin.
2. Dallot- awit sa mga kasalan, binyag at iba pang pagtitipon na sinalawahan ng sayaw at
pagbibigay payo sa bagong kasal.
TULALI- isang plawtang Iloko na may anim na butas.
-isang uri ng pagtatali sa babae at lalaki sa saliw ng tulali.
3. Badeng- isang awit pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihang naghaharana.
Hal. Manang Biday; Pamulinawen; Naraniag a bulan
4. Dung-aw- awit para sa mga patay.
5. Dasal na patungkol sa mangmangkik- ang mga ito ay espiritu sa kagubatan na dinadasalan
upang hindi sila magalit.
6. Arinkenken- paligsahan ng mga lalaki at babae. Ang tema nila ay tungkol sa karapatan at
responsibilidad.
7. Hele o Duayaya- awit na pampatulog sa mga bata.
8. Awit sa pagtatanim, paggapas, pangingisda, at bago tumungo sa digmaan
B. Salaysaying Bayan
1. ALAMAT
Hal.
a. Bakit umakyat sa damo ang mga suso? Ni Jose E. Tomeldan ng Binalonan, Pangasinan
b. Ang kauna-unahang unggoy ni Sotero Albano ng Dingras, Ilocos Norte
c. Ang alamat ng bigas
d. Alamat ng pinaupong bahay
2. KUWENTONG BAYAN
Hal.
a. Ang tatlong magkakapatid na lalaki
b. Ang tatlong magkakapatid na masuwerte
c. Si Juan Tamad
d. Ang gintong tuntunin

3. EPIKO
Hal. Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg

4. BURBURTIA O BURTIA -ito ang katumbas ng bugtong tagalog kung saan sinusukat nito
ang kaisipan ng mga ilokano.
Hal. No baro ket narukop no daan nalagda. Sagot (tambak)
5. PAGSASAO- salawikain sa tagalog.. May aral at bibigkas ng patula.
Hal. Ti adda siniglot na isu ti adda bukraen na
6. ARASAAS- katumbas ito ng bulong sa tagalog.
Hal. Umaykan, dika, agbatbati, Puwera dildilaw
7. MAIKLING KUWENTO
SARITA- ang tawag ng mga ng mga ilokano sa kanilang maikling kuwento. Itoy
nangangahulugang kuwento sa tagalog.
Mga manunulat
1. Pedro Bukaneg
Isang dakilang Pilipino mula sa lupain ng mga Samtoy (bandang Ilocos).
Itinuturing siyang unang edukadong Ilokano, orador, musikero, leksikograpo at
dalubwika.
Siya ang itinuring na Ama ng Panitikang Ilokano
-BIAG Ni Lam-ang
2. Severino Montano
Siya ang nagtatag ng Arena Theater sa Philippine Normal College (Philippine
Normal University) na tinulungan ng pamahalaan at ng Rockefeller Foundation.
Nakasulat siya ng maraming mga dula. Ang ilan sa mga ito ay My Brother Cain , The
Land My Fathers Loved, Thru Hopeless Years, The Merry Wives of Manila, Lonely is
My Garden, Portrait of An American at iba pa.
3. Isabelo de los reyes
Tinagurian siyang Ama ng Sosyolismo sa Pilipinas at Ama ng mga Iloko.
Siya ay isang mamamahayag, maunulat, manananggol at pinuno ng mga
manggagawa.
Nagtatag ng Iglesia Filipina Independence.
Inihanda ni:
GARAN, Desserie Mae E.

You might also like