You are on page 1of 13

SLIDE 1

 Bale po ang report na napunta sakin ay rehiyon ng panitikan sa bahagi po ng LUZON

SLIDE 2

 Ang Panitikan ito po ay nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao.

 Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula

SLIDE 3

 Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang “ pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang
ang ginamit at hulaping “an”

 At ang salitang “titik” naman ay galing sa latin na “littera” na nangangahulugang literatura o


litrature sa ingles

 At Dahil sa pagbababagong morpoponemikong asimilasyong ganap ang “PANG ay naging PAN at


kinaltas ang unang letrang T sa TITIK kaya ito ay naging PANITIKAN

 Nagsasalaysay din itong ng mga pangyayari sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya,

 Maging mga kultura at mga karanasan kaugnay sa mga taong naninirahan sa nasabing lugar o
rehiyon.

SLIDE 4

 At meron mga tanyag na manunulat na may mga sariling pagpapakakuhulugan sa panitikan

 Ayon kay arrogante 1983 ( BASA SLIDE ) ADD

“Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito nasusulat ng tao sa malikhaing paraan ang kanyang
buhay” ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang kinabibilangan at pinapangarap”

 Ayon naman kay salazar 1995

“Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan”

 At mula naman kay webster 1974

“ Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng


malikhaing pagpapahayag”

 Sa mga kahulugang binanggit nila, ito ay makikita o mahihinuha natin na ang tunay na panitikan
ay talaga namang nagpapahayag at nagsasalaysay ng buhay ng tao, pamumuhay, lipunan,
relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin, pangyayaring
nakapagpapahayag sa masining o malikhaing paraan.

SLIDE 5

 Dito po ay tatalakayin natin ang mga panitikan na meron sila sa bawat rehiyon sa bahagi ng luzon
 Mapapansin din natin dito na my mga iilang pamilyar satin na halos mauulit lamang

 Makikita natin na dito pala nagmula ang mga panitikan na umusbong sa bawat rehiyon o lugar sa
pilipinas.

SLIDE 6

 Mula po sa Rehiyon 1,

 Na matatagpuan sa hilangang kanluran ng luzon ( ilocos region) na meron mga malalaking


kapatagan at mga matataas na kabundukan.

 Nakapaloob dito ang mga lalawigang ILOCOS NORTE, ILOCOS SUR, LA UNION, AT PANGASINAN
at may kanya kanyang capital o kabisera--- laoag kabisera ng ilocos norte, vigan kabisera ng ilocos
sur, san fernando kabisera ng la union at lingayen kabisera ng pangasinan.

SLIDE 7

 Ang mga mamamayan dito sa ilocos region ay halos mga Ilocano my mga tagalog at my mga
pangasinense pero mas marami pa rin ang mga ilokano.

 Ilocano ito yung mga tawag sa lipi o mga taong naninirahan sa nasabing lugar, at Iloco/Iloko
naman ang tawag sakanilang dayalekto

 Kurditan naman ang tawag sakanilang panitikan- KURDITAN na ang kahulugan ay SUMULAT, Ang
mga ilocano ay kilala rin naman natin sila sa pagiging masipag at matipid.

Ang kanilang mga katutubo ay tinatawag na ITNEG ito yung mga taong naninirahan sa kabundukan, O
ito ay mga "Ang mga taong bundok".

SLIDE 8

 Bago pa tayo masakop ng kastila ang mga ilokano ay mga panitikan ng pumapaksa sa
kalungkutan at kaligayahan sa buhay at kamatayan, nasasalamin ang mga iyon sa kanilang
anyong literari, tulad ng..

1. Pinagbiag-ito ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani Nahahati ito sa dalawang uri:

Mga awiting nagpapahayag ng

 UNA ay kaisipan pangalawa ay saloobin.

2. Dallot-awit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw at

pagbibigay ng payo sa bagong kasal.

3. Badeng- awit ng pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihan na nanghaharana

Halimbawa nito Manang biday at pamulinawen

4. Dung-aw- ito ay awit para sa mga patay o namatay

5. Dasal sa mangmangkik -ang


mangmangkik ito yung mga espiritu sa kagubatan na dinadasalan para hindi sila magalit.

6. Arinkenken- paligsahan ng mga lalaki at babae sa kasalan, ang tema naman dito ay tungkol sa
karapatan at responsibilidad na haharapin ng bagong mag asawa

7.Hele o duayaya- ito ay Awit na pampatulog sa mga bata

 Meron ding awit sa pagtatanim, pangingisda at awit bago tumungo sa digmaan

 Pakantandaan lang natin na yung ibang awiting iloko ay nagpapakita yan ng kanilang pang araw
araw na gawain

SLIDE 9

 Sunod naman ay ang

B.SALAYSAYING BAYAN

1.ALAMAT- ito ay tumutukoy sa pinagmulan ng bagay o pook.

Halimbawa:

1. Bakit umakyat sa damo ang mga suso? Ni Jose E. Tomeldan ng Binalonan, Pangasinan

2. Ang kauna-unahang unggoy ni Sotero Albano ng Dingras, Ilocos Norte

3. Ang alamat ng bigas

4. Alamat ng pinaupong bangkay

2.KUWENTONG BAYAN- ito naman ay mga salaysay na hinggil sa mga likhang isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Halimbawa dyan ang..

Halimbawa:

1. Ang tatlong magkakapatid na lalaki

2. Ang tatlong magkakapatid na masuwerte

3. Si juan tamad

4. Ang gintong tuntunin

 At sunod ay epiko - ito ay isang tulang pasalaysay na nagsasaaad ng kabayanihan ng pangunahing


tauhan at nagtataylay rin nga katangian na nakahihigit sa karaniwang tao.

 Ang halimbawa dyan ang pinakatanyag at pinakasikat na epiko sa ilocos ang

 Biag ni lam-ang ni Pedro Bukaneg

SLIDE 10

 Mula naman sa ikalawang rehiyon


 Nandyan ang mga lalawigan ng

· Batanes – Basco kabisera ng

· Cagayan – Tuguegarao

· Isabela – Ilagan

· Nueva Vizcaya – bayombong

· Quirino – Cabarroguis

SLIDE 11

 Sa cagayan din matatagpuan ang mga Pinakamamahabang ilog sa Pilipinas

Chico River ,Magat River Pinacanauan River

 At halos din ng lugar sa cagayan valley ay napapaligiran ng bulubundukin at mga kagubatan

SLIDE 12

 Eto naman ang mga katutubo sa rehiyon 2

 Nandyan ang mga, IVATAN SA BATANES, IBANAG SA CAGAYAN, DUMAGAT, ISNEG, ITA AT
IGOROT

SLIDE 13

 At ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana

 Ang epiko skanila ay sinimulang isulat sa mga puno at mga bamboo at kinakanta sa mga
importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang giyera. At
dahil nag pasa-pasahang lahi hangang sa maging henerasyon sa henerasyon.

 SALOMON- Ito ay isang epikong inaawit halimbawa dyan ang “cinco-cinco” o instrumentong na
ginagamit nila tuwing Pasko sa harap ng altar, kasama dito ang salu-salo kung saan may alak,
kape at iba pa, at ito ay nilalaman tungkol sa pagkapanganak at buhay ni Jesu Kristo.

 VERZO- Ito ay isang awit na may apat na linya at tugma, ito ay Karaniwang ginagawa sa mismong
okasyon tulad ng mga kasal at binyag.

 Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo skanilang moralidad. Ilang mga halimbawa dyan ang “
ossse-osse” at “kilingkingan.”

SLIDE 14

 Sa ikatlong rehiyon na GITNANG LUZON na may mga lalawigan na

SLIDE 15

• Pampanga- san fernando

• Bulacan-malolos kabisera
• Bataan-balanga

• Nueva Ecija-palayan city

• Tarlac -tarlac city

• Zambales-iba

 Etnolinggwistokong naman ng rehiyon ay

• Tagalog

• Ilokano

• Kapampangan at

• Pangasinense

 Ang pangunahing hanapbuhay nila ang Pangingisda, panghahayupan, pagsasaka, pagmimina,


pagtrotroso, at paggawa ng asukal at produktong gawa sa rattan, paggawa ng parol na may
maayos na kalidad yan ang mga kilalang produkto at pangunahing pamumuhay at hanapbuhay
nila.

SLIDE 16

 At mula sa PANITIKAN NG KAPAMPANGAN na

 AWITING BAYAN halimbawa dyan ang..

• Basulto – ito’y naglalaman ng mga matatalinghagang salita

na pankaraniwang ginagamit sa pagpastol ng mga kambing,

baka, kalabaw, at iba pang mga hayop

• Goso – tumutukoy ito sa isang moral na aspeto ng kanilang

Kalinangan, Ito ay may aral at inaawit sa tuwing Araw ng mga Patay

• Pamuri – nag-ugat ito sa salitang “puri” at inihahanay ito sa isang uri

ng awit ng pag-ibig ng mga Kapampangan

• Pang-obra – ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga

gawaing kapampangan

• Paninta – ito ay awit bilang isang pagpaparangal ng mga

Kapampangan sa isang hayop, bagay, lugar o tao na

kanilang lubos na pinahalagahan, ipinalalagay din itong isang awit ng pag ibig.

• Sapataya – ito naman ay awiting nag-uugnay sa mga kapampangan

sa kanilang paniniwalang politikal. May himig ito na


pangangatwiran o pagtatalo habang sinasaliwan ng

isang sayaw.

SLIDE 17

 Sunod ay AKDANG PANRELIHIYON sa lalawigan ng nueva ecija


 PASION- Isang akdang panrelihiyon na naglalaman ng buhay at kapanganakan at

pagpapakasakit ni Hesukristo

 SENAKULO- Ito ang Pagsasabuhay ng paghihirap ni Kristo hanggang sa

kanyang kamatayan

 sa DULA naman ay ang..

 Duplo- ito ay nilalaro rin sa lamayan nagpapaligsahan ang mga kalahok sa husay ng pagtula

 Karagatan- isa itong kwento ng isang prinsesa na sadyang naghulog ng sinsing sa karagatan

SLIDE 18

 Mula naman sa rehiyon 4-A AT 4-B

SLIDE 19

 Sa rehiyon 4-A CALABARZON na Binubuo ng lalawigang

CAVITE - imus

Laguna-santa cruz

Batangas-batangas city

Rizal-antpolo

Quezon-lucena

 Sa rehiyon 4-B naman ay MIMAROPA na binubuo ng lalawigang

Occidental ,Oriental Mindoro-calapan city

Marinduque-boac

Romblon-romblon

Palawan-puerto prinsesa

 Ang mga lalawigan na nasa rehiyon 4-B na mga isla ng karagatan sa timog tsina

SLIDE 20

 Ang rehiyong ito ay ikalawa sa pinakamaraming tao o populasyon sa pilipinas


 Mula naman dito ang kultura nila ay pagdiriwang ng mga tao o piyesta sa pamamagitan ng
pagbibigayan ng kanilang naani para sa pasasalamat sa kanilang mga santo

 Diba kapag my mga piyesta tayo bilang papuri at pagkilala sa santo na meron tayo sa isang
lalawigan.

 Pagdiriwang ng kalayaan festival para sa mga naging bayani ng kasaysayan bilang pagkilala at
pagbibigay pugay sa mga local man o sa mga bayani natin.

 Ang panitikan naman sa rehiyong ito ay

 Ang kumintang - ito ay isang epikong patungkol sa kasaysayan ng haring solidad at ang kanyang
tatlong anak na sina bagtas, madukit at dikyaw

 Pero dahil nga ang kumintang ay isang pasaling dila, nagkaroon ito ng ibat ibang bersyon.

 Sunod naman dito pamilyar na pamilyar tayo SI MALAKAS AT SI MAGANDA- patungkol sa


pinagmulan ng tao sa bundok. ( si malakas ang kauna-unahang lalaki at si maganda naman ang
kauna-unahang babae ) ito ay isang alamat

 Sunod naman ay si JUAN AT ANG ALIMANGO- ito ay isang kwentong bayan na si juan ay
inihahalintulad ang mga alimango sa mga tao na kapag inutusan ay susunod ito.

 Ang Ambahan at Urukan ng MINDORO

 Ambahan- isang tulang paawit na ginagamitan ng iskrip,na paksa nito ay panunuyo at pag-ibig.

 Urukan- isa ding tulang paawit na puspos ng mga salita ng karunungan at katutubong ulat ng mga
matatanda sinasaliwan din ng gitara, plawta, lira o anumang “string instrument”. sa ingles

 Panubong- Isang tulang paawit bilang pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan o
panauhin sa kanilang baryo.

 Iba pang panitikan na umusbong sa rehiyon dito ay

 SALAWIKAIN, halimbawa dyan

Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo

 Meron naman din ditong mga BUGTONG- bilang isang paligsahan sa mga kabataan hanggang sa
kasalukuyan naman dahil ito ay nagsisilbing LIBANGAN,ALIWAN, ng mga bata maging matanda.
Na kung saan Sa mabilisang pagsagot sa matatalinghagang katanungan.

SLIDE 21

 Dumako naman tayo sa Mga kilalang manunulat sa Rehiyon ng CALABARZON AT MIMOROPA

 Unahin natin si LOPE K. SANTOS, isinilang sa lalawigan ng RIZAL

 Tinaguriang siyang Ama ng Balarila, isang nobelista, makata, kwentista guro at politiko

 At ang kanyang Obra maestra ay ang “BANAAG AT SIKAT” na isang nobela


 At Hindi lang naman yan ang naging akda ni lopek. Santos kase sa panahon ng amerikano marami
siyang naisulat na akda mga tula, maikling kwento,

 At Si lope k. santos ay tinagurian din siyang APO NG MANANAGALOG

 Sunod naman ay si JOSE CORAZON DE JESUS

 Ang kanya namang sagisag panulat ay HUSENG BATUTE

 Tinaguriang hari ng balagtasan, tinawag din MAKATA NG PAG IBIG

 Ang kanyang obra maestra ay ang ISANG PUNONG KAHOY, at meron din siyang TULA na
pinamagatang ANG PAMANA

 At meron din siyang akda na BAYAN KO” na nilapatan ng kanta ni constancio de guzman na
naging awitin ito ng mga pilipino noong panahon ni marcos para sakanilang kalayaan

 Sunod ay si CLARO M. RECTO, na isinilang sa tiaong tayabas na ngayon ay probinsya ng quezon

 Sa edad na 21 ay nalimbag ang kanyang unang bulyom ng mga tula na pinamagatang bajo los
cocoteros, at may akdang “ NOONG BATA PA AKO”

 Sunod ay si TEO S. BAYLEN, isinilang sa novelita cavite

 Ang aklat-katipunan ng kanyang mga tula ay PINSEL, PAMANSING,KALABAW, AT BUFFALO

 Isa rin siyang musikero at kompositor

SLIDE 22

 Dumako naman tayo kay PASCUAL POBLETE, isinilang sa naic cavite

 Si pascual poblete ay isang makasaysayan sa panahon ng kastila noon,

 Nagtatag at patnugot ng pahayagang EL RESUMEN- ginamit niya ito upang tuligsain ang mga
katiwalian at pang aaping ginawa ng kastila na siyang naging dahilan para usigin at ipatapon sa
africa

 Dito sumulat ng dulang pag-ibig sa tinubuang lupa na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong,
At si pascual poblete ay ilang beses na siyang nakulong pero nakakalaya rin naman siya

 Naging katuwang sa mamamahayag sa pahayagang LA OCEANA ESPANOLA

 Naging koluminista ng diariong tagalog, at si pascual poblete ay itinuturing na AMA NG


PAHAYAGAN

 Sunod naman ay si ( AGA ) ALEJANDRO G. ABADILLA, isinilang

 Isang makata, sanaysayista at kwentista, naging tagapangasiwa EDITOR NG PHILIPINE AMERICAN


REVIEW

 Itinuturin ding AMA NG MAKABAGONG TULANG TAGALOG-


 si alejandro abadilla kase hindi siya sumunod don sa mga tula na may mga sukat at tugma, ang
ginawa niya tumaliwas siya don, gumawa siya ng mga tula na nasa malayang taludturan, ibig
sabihin walang sukat.

SLIDE 23

 Sunod ay si JOSE RIZAL, ( ano nga ba ang buong pangalan ni rizal ) isinilang sa calamba laguna

 Isang manggamot, bakit nga ba pumsok at pinag aralan ni rizal ang medisina dahil nais niyang
gamutin ang kanyang ina na may sakit na katarata

 Isang siyentipiko, makata, nobelista na ang kanyang naisulat na dalang nobelang NOLI ME
TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO, naging isang pintor eskultor, dalubwika, mananaliksik
mananaysay at sobra laki ng kanyang ambag sa dito sa panitikan ng pilipinas lalong lalo na sa
panitikan Ng rehiyon at ang isang pambansang bayani natin ng pili[inas.

SLIDE 24 & 25

 Sa ikalimang rehiyon naman na binubuo ng lalawigang

Albay-legaspi kabisera

Cam norte-daet

Cam sur- pili

Catanduanes-virac

Masbate-masbate

Sorsogon-sorsogon

 Ang rehiyon 5 ay panlima sa pinakamalaking pangkat etnolingwistika sa pilipinas at ang WIKANG


BICOL ibinatay sa MALAYO POLYNESIAN na may halong arabia, instik, at kastila

SLIDE 26

 Mga panitikang meron sila ay

 isa sa mga tanyag at maipagmamalaking epiko ng mga taga bikol ang EPIKO NG IBALON

 Sunod ay OSIPON- o ibig sabihin nito sa tagalog ay KWENTO- isang tradisyon na paglalahad ng
mga pangyayari na kapupulutan ng aral, maaring ito ay maikling kwento o sanaysay

 Sunod ay ALAMAT- at ang halimbawa dyan ay “ALAMAT NG BULKANG MAYON”

 Ang TIGSIK- naman ay isang tula na ginagamit tuwing my kasiyahan, may apat na taludtod at higit
sa wawaluhinng pantig

 Ang Ranga- naman ay isang kundiman ng bikol, mga awitin ng pag ibig na maaaring mataas na
antas ng kaligayahan o kasiyahan

 Ang Rawitdawit- naman ay isang tulang bikolano at nasa anyo ng patulang pasalaysay
 At meron mga AWITING BAYAN DITO sa Bikol

 Ang DINUSA- isang awiting pag ibig halimbawa dyan ang SARUNGBANGGI

 Ang DIWATA- naman isang awitin sa kapighatian o kalungkutan sa pagkamatay ng kanilang mga
mahal sa buhay

 Sa angoy- naman awit sa pagbuburol ng patay

 Ang HOARASA- naman ay awit sa pagtatapos ng isang kalamidad o pagtapos sa isang kalamidad

SLIDE 27

 Sa rehiyon naman na NCR O NATIONAL CAPITAL REGION

 Sa bisa ng atas ng pangulo, sa panahon ng pamamahala ni pangulong FERDINAND MARCOS


nabuo ang METROPOLITAN o ang METRO MANILA

 Kinilala ang metro manila bilang isang NATIONAL CAPITAL REGION ang NCR o ang pambansang
punong rehiyon.

 Ang NCR ay binubuo ng labing anim (16) na lungsod

Manila city- isang capital o sentro ng pilinas

Mandaluyong city

Muntinlupa city

Pasig city

San juan city

Quezon cityy

Caloocan city

Malabon city

Navotas city

Valenzuela city

Las pinas city

Makati city

Paranaque

Taguig city

At pasay city

 At nag iisang munisipalidad na ang pateros


SLIDE 28

 Ang ncr ang pinakamaliit na rehiyon sa bansa ngunit ito ang sentro ng pilipinas sa kultura,
ekonomiya, edukasyon at pamahalaan sa pilipinas

 Ito ang my malaking kontribusyon sa larangan ng komersyo, pananalapi, media, pananaliksik,


teknolohiya at higit sa lahat ang panitkan

 Binigyang kulay ITO ng mga masisining na akda na siyang nilikha ng mga bantog na manunulat sa
kasaysayan ng panitikan

 ANG MGA URI NG PANITIKANG TAGLAY NG REHIYONG NCR AY MGA

 Awit, Maikling kwento, kwentong bayan, tula, nobela,


balagtasan,sanaysay,bugtong,kasabihan,sarswela at dula

SLIDE 29

 Kilalanin natin ang mga bantog na manunulat na nagpamalas sa knilang karungungan sa larangan
ng panitikan

 Si GAT ANDRES BONIFACIO, isinilang sa tondo maynila

 Kinilala siya bilang isang AMA NG KATIPUNAN at AMA ng himagsikang pilipino, Siya ang pangatlo
at huling supremo ng KKK

 Siya ang my akda ng “PAG IBIG SA TINUBUANG LUPA” na naglalarawan ng kanyang pagmamahal
sa bansa sa gitna ng rebulusyon

 Ganun din ang DECALOGO- na patungkol sa mga tuntunin o batas na dapat sundin ng mga anak
ng bayan

SLIDE 30

 Si emillio Jacinto, isinilang sa Tondo maynila

 Tinaguriang UTAK NG KATIPUNAN

 Siya ang pinakabatang naging miyembro ng katipunan sa edad na labingpito, at tagapayo ni


Andres bonifacio

 Gumamit siya ng mga sagisag panulat na “PINGKIAN , DIMASALAW AT KA ILYONG

 Siya ang my akda ng NINGNING AT ANG LIWANAG, KARTILYA NG KATIPUNAN

 At si JOSE DELA CRUZ- isinilang sa tondo maynila

 Kinilala na HARI NG MGA MAKATA SA KATAGALUGAN, Isang nagsilbing guro ni FRANCISCO


BALAGTAS sa pagdula, at gumamit sa ng sagisag panulat na huseng sisiw

 At siya ang my mga akdang ng mga tulang liriko na pinamagatang

SINGSING NG PAG IBIG, ( THE RING OF LOVE ) at AWA SA PAG IBIG


 At mga marami pang mga kilalang manunulat at ating naring mga bayani

SLIDE 31

 Sunod ang CAR o CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

 Sa rehiyon naman ito ay matatagpuan sa kalagitnaang bahagi ng bulubundukin ng hilagang luzon

 Kasama dito ang binubuo ng mga lalawigan na

Abra

Apayao

Benguet

Ifugao

Kalinga at

Maountain province

SLIDE 33

 Ang panitikan ng cordillera ay may tradisyong pabigkas na may pang ritwat o di- pang ritwal

 Ang pang ritwal na uri- kinabibilangan dito ang awit, dasal at kwento o tinatanghal o binibigkas sa
isang banal o kontekso kung saan my mga namamagitan sa ugnayan ng mga espirito at tao

 Ang mga hindi pang ritwal naman na uri- kinabibilangan naman ito ng mga kaanyuang maaring
itanghal sa kahit anong okasyon, tulad ng mga kapistahan, mga sandaling malaya ang mga tao o
sa mga personal na kahilingan.

 At ang cordillera ay Meron dalawang mahahabang kwentong patula- tungkol sa kagitingan na


matatagpuan sa cordillera

 Ito ay ang HUDHUD NG IFUGAO- isang pangunahing tauhan sa hudhud ay si aliguyon” isang
pambihirang nilalang na nakilala sa kanyang kayamanan at taglay na lakas

 May tatlong okasyon kung saang inaawit ang hudhud

Lamay ng isang taong nasa mataas na antas ng lipunan

Paglilinis ng mga damo sa palayan ng kababaihan

At ang panghuli ay SASAPIT ANG TAG- ANI

 Bilang sakanilang tuntunin mga kababaihan lamang ang maaring umawit ng hudhud

 Ang hudhud ay walang sukat at hindi din nila tinatakang lagyan ng tugma

 Ang ULALIM naman- isang mahabang tulang awit na maaaring isalaysay ng lalaki o babae tuwing
my kapistahan
 Tampok dito mahabang pagsalaysay ng pakikipaglaban, kapakinabangan at kagitingan at
katapangan ng mga kalinga.

AT DITO PO NAGTATAPOS ANG MGA REHIYON SA BAHAGI NG LUZON.

You might also like