You are on page 1of 53

MODYUL IV

IBA’T IBANG URI NG


PANITIKAN SA IBA’T
IBANG LUGAR
I. PANITIKAN NG CORDILLERA
“Cordillera” - gáling sa salitâng Español
na cuerda na may kahulugang “tanikala.”

Ang Kabundukang Cordillera ay tila tanikala ng


mga bundok at kayâ tinaguriang “spinal cord” o
gulugod ng Hilagang Luzon.
• Atas ng Pangulo Blg. 220 na lumilikha sa Cordillera
Administrative Region  o CAR - (Mga Lalawigang Bulubundukin
sa Kabundukang Cordillera) - nilagdaan ni Pangulong Corazon C.
Aquino noong Hulyo 15, 1987.

• Binubuo ito ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-


Apayao at isináma ang Abra. Bahagi ito ng programa sa pagbibigay
ng awtonomiyang  politikal sa rehiyon at sagot sa kahilingan ng
rebeldeng Cordillera People’s Liberation Army.

• Noong 14 Pebrero 1995, ang Kalinga-Apayao ay pinaghiwalay


bilang dalawang lalawigan.
Benguet - kabisera ng CAR.
Dito matatagpuan ang Lungsod ng Baguio, ang
tinaguriang Summer Capital of the Philippines, at La
Trinidad na mga sentrong pang-industriya ng rehiyon.

 Ang malalaking pangkat-etniko at wika ng CAR ay ang


mga sumusunod:
Ibaloy (Benguet), Kankanaey (Mountain Province at ilang
bahagi ng Benguet), Isneg (Apayao), Tinggian (Abra),
Ifugaw (Ifugao) at Kalinga (Kalinga).
• Sagana ang rehiyon sa mga reserbang minahan,
bagaman nakasentro ang pagmimina sa Benguet.

• Nawala halos ang kahoy dahil sa malaganap na kaingin.


Apektado ng pangyayaring ito ang malakas at tradisyonal
na sining na paglililok sa kahoy.

• Malakas ang produksiyon ng gulay sa Benguet,


pagsasaka ng palay sa Ifugaw at Abra, at mais sa
Mountain Province at Kalinga.
• Malakas ang turismo sa rehiyon.
• Pangunahing pang-akit ng pandaigdigang turismo ang
Banaue, at deklaradong UNESCO World Heritage Site.
• Mga likás na atraksiyon ang Yungib Sumaguing ng
Sagada at mga yungib ng mummies sa Benguet at Mt.
Province.
• Mga Pambansang Parke ang Burol Cassamata, Bundok
Data, Balbalsang-Balbasan, at Bundok Pulag na
pinakamataas sa Luzon at ikalawa sa pinakamataas sa
buong bansa.
• Kabílang sa mga pistang dinadayo ng turista
ang Panagbênga o Baguio Flower Festival
tuwing Pebrero, ang Adivay ng Benguet
tuwing Nobyembre na isang peryang agro-
industriyal, ang Ullalim tuwing Pebrero 14 na
pagdiriwang sa anibersaryo ng pagkatatag ng
Kalinga.
•PANITIKAN

•Ang panitikang pasalita ng Cordillera ay


maaaring ritwal o di ritwal.

• Ang panitikang Cordillera ay binubuo ng


mga epiko, awitin, mito, alamat,bugtong,
kuwentong bayan at salawikain.
MGA MITO
• Ang mga mito ang pinakanaapektuhan ng pagkawala kasabay ang
paglaganap ng impluwensiya ng mga taga-kapatagan at ng
relihiyong Kristiyanismo.
• Isang klase ng mito ay ang Diam ng Tinguian. Ang diam ay ginagamit
pangritwal, ang mga mito ay malimit na ginagamit pangritwal. Ang
mga diam ay nagbibigay paliwanag sa mga pinanggalingan ng isang
nakaugaliang pangritwal at dahilan ng paggawa ng mga ito. Ang mga
naitalang mito sa pag-aaral matapos ang ilang taon ay naglaho dahil
sa mga unang nabanggit na kadahilanan.
• Ang mga pangritwal na panitikan ay ang mga awit at epiko. Ang mga
ito ay maaari lamang gamitin sa ritwal at sagradong kaparaanan
lamang.
• Makikita ang matinding pagpapahalaga ng mga katutubo sa mga
ritual at gawain para sa diyos. Sa ganitong kadahilanan din mauugat
ang pagkahango ng panitikan nila sa ritual. Malimit na gamitin ng
mga katutubo ang panitikan sa mga gawaing pangritwal.

• Sa Hudhud ay maipagmamalaki si Aliguyon, isang mitolohikal na


katauhang kilala sa kanyang yaman at kapangyarihan.

• Marami ang bersyon nito ang natagpuan sa Kordilyera at karamihan


ng kwento nito ay tungkol sa kanyang pagkapangasawa kay Bugan.
• Ang Hudhud ni Aliguyon ay kalimitang kinakanta tuwing
nagtatabas ng damo, nag-aani ng pananim at tuwing may
namatay na mataas na tao sa lipunan.

• Ito ay ginagawa ng mga mamamayan sa kabila ng mga


paghihirap na nangyayari sa kanila upang lumakas ang
kanilang loob dahil sa pag-awit ng Hudhud.

• Ang Hudhud ay kalimitang tinatawag na kantang pang-


ani dahil sa ito ay kalimitang kinakanta tuwing nag-aani.
• Sa kabilang banda, ang mga di-pangritwal na
panitikan naman ay kinabibilangan ng mga
may pormang sekular na maaaring gamitin
sa maraming iba’t ibang okasyon gaya ng
mga pagdiriwang, gawaing panlibang at
pagpapadama ng mga saloobin.
EPIKO

• Ang Panitikang Cordillera ay panitikan na nasa pasalita. Ito ay maaring


mahati sa dalawang uri ang pangritwal o di-pangritwal.

• Sa kanlurang bahagi ng Kordilyera ang mga Tinguian ng Abra ay


makikita ang Kanag Kababagowan. Ang epikong ito ay ginagamit
tuwing mag-aani, na nagsisilbing kasiyahan ng mga trabahador. Ang
mga pangunahing tauhan ng epikong ito ay sina Apo-ni-Bulayen, Apo-
ni-Tulau at si Kanag. Ito ay kinapapalooban ng mga mahiwagang mga
katauhan at bagay.
• Ang mga etnikong awiting ay maaaring mahati sa dalawa ang
liriko na naghahayag ng damdamin at ang naratibo na
nagkukuwento ng mga gawain at pangyayari sa kanilang lugar.

• Hindi nawawala sa pang-araw araw na gawain ang musika.

• Ayon kay Jose Maceda, walang isang natatanging tawag sa


awit ang mga taga-Kordilyera ngunit ang mga ito ay may mga
natatanging pangalan sa iba’t ibang klase ng awit.

• Ang mas sikat na Ullalim naman ng mga taga-Timog
Kalinga ay mga mahahabang awit na kinankanta ng mga
lalaki o ng mga babae na kaiba sa hudhud na kinakanta
lamang ng mga babae. Ang pagkanta nito ay ginagawa
tuwing may pagdiriwang at kasunduan (kasalan).
Nilalaman ng ullalim ang mga ulat sa labanan,
pamumugot ng ulo at matapang at makisig na
pakikipagsapalaran ng isang bayani. Binibigyan ng
pokus ng mga ito ang katapangan ng mga taga-Kalinga.
• Naglalaman din naman ito ng romansa, kakaibang
kagalingan sa mga gawain, kapangyarihang
kahima-himala at mga matagumpay na mga
paglalakbay at pakikidigma.

• Sa pag-aaral ng Ullalim ay makikita din ang mga


pang-araw araw na karanasan ng mga tao sa
Kalinga. Kasalungat ng Hudhud, ang Ullalim ay
gumagamit at sumusunod sa mga gabay pangtula.
• Ang Bindian ng mga Ibaloy ay lumiliban sa kalimitang kuwento ng
epiko sa bansa. Ang bayaning si Bindian ay hindi kasing
matagumpay ng ibang bayani sa mga epiko ng bansa. Sa
kuwento ng epikong ito, si Bindian ay susubuking iligtas ang
diyosang si Bugan mula kay Kabuniyan, ang diyos ng langit. Si
Bugan ay magiging isang talon habang si Bindian ay
makakapangasawa ng isang ahas na naging tao ngunit nanatili
ang pagmamahal niya kay Bugan.
• Ito ay tunay na mababakasan nang pagka-Pilipino dahil sa
pagkaparehas nito sa ibang epiko ng bansa na naglalahad ng
paglalakbay at ginawang kabayanihan ng isang bayani na
nagtataglay ng katangian at paniniwala ng mga tao sa lugar na
iyon.
PANITIKAN NG ILOKOS
ILOKANO– ang tawag sa lipi na naninirahan sa Ilokos
SAMTOY – ang taguri ng mga Ilokano sa kanilang salita.
Ito ay mula sa salitang “saomi datoy,” isang
autronisian
KURDITAN – ang tawag sa kanilang panitikan, “kurdit”
sumulat
DOCTRINA CHRISTIANA ni Cardinal Berllaemine na
isinalin ni P. Francisco Lopez - ang kauna-unahang libro
ng mga Ilocano
MGA URI NG PANITIKANG ILUKO
1. Mga simu-simula
2. Mga akdang ukol sa pananampalataya, kagandahang-asal
3. Mga akdang ukol sa Iluko
4. Panulaang Iluko – “Dung-aw”
Walang tiyak na tula ang “dung-aw” sapagkat ang bawat isa’y
bumibigkas o umaawit ayon sa kasalukuyang damdamin at kaisipan
5. Maikling Kuwento – “kuwentong kababalaghan” – tungkol sa mga di
kapani-paniwala at di nakikitang nilikha, bagay o pangyayari sa
kapaligiran (nuno sa punso, diwata at iba pa.)
6. Nobela
7. Dula
8. Kantahing – bayan
9. Salaysaying bayan
10. Karunungang bayan
KANTAHING BAYAN
Pinagbiyag-ito – awiting nagpapahayag ng kuwento ng
bayani.Nahahati sa dalawang uri ang awiting nagpapahayag
ng kaisipan at saloobin.
Dallot – awit sa mga kasalan, binyag at iba pang pagtitipon na
sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay ng payo sa bagong
kasal sa saliw ng tulali.
Tulali – isang plawtang Iloko na may anim na butas.
Badeng – isang awit-pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihang
nanghaharana (Hal. Manang Biday, Pamulinawen, Naraniag a
bulan
Dung-aw – awit para sa mga patay
Dasal – patungkol sa mangmangkik – ito ay espiritu sa
kagubatan na dinadasalan upang hindi sila magalit.
Arinkenken – paligsahan ng mga lalaki at babae – ang
tema nila ay tungkol sa karapatan at responsibilidad
Hele o duayaya – awit na pampatulog sa mga bata
Awit sa paggapas, pangingisda, pagtatanim at bago
pumunta sa digmaan.
• Ang Ilocos ay mayaman din sa alamat katulad ng Ang kauna-
unahang Unggoy ni Sotero Albano ng Dinras, Ilocos Norte at
Ang Alamat ng Bigas; kuwentong bayan – Ang Tatlong
Magkakapatid na Masuwerte at Juan Tamad; epiko – Biag ni
Lam-Ang.

• Burburtia o Burtia – ito ang katumbas ng bugtong na Tagalog


kung saan sinusukat nito ang kaisipan ng mga Ilokano

• Pagsasao – salawikain sa Tagalog, may aral at binibigkas ng


patula
PANITIKAN NG PANGASINAN
• Ang Pangasinan ay kilala sa bangus at
pagawaan ng asin at tabako ang pangunahing
produktong komersyal. Likas ang yaman,
kabuhayan at industriya. Sikat din ang
Pangasinan tuwing tag-init sa maganda nitong
mga beach. Dinadayo rin ang Hundred Islands,
isang grupo ng mga maliliit na isla.
• Makasaysayan ang Pangasinan. Mula kay Prinsesa Urduja hanggang kina
Andres Malong at Juan de la Cruz Palaris. Ang mga ito ay kuwento ng
mga Pangasinense sa mga usaping may kinalaman sa kanilang
kapakanan. Matatagpuan din ang pagmamalasakit ng mga Pangasinense
sa kanilang kapakanan sa mga nailathala katulad ng:

• Silaw(ilaw) – mula 1934 – 1943. Naglalaman ang Silaw ng mga


sumusunod na akda sa wikang Pangasinan. Ang Silaw ay ukol sa epekto
ng kulturang Amerikano sa gawi at pag-uugali ng tradisyonal at
konserbatibong lipunan. Matatagpuan dito ang isyu ng aborsyon,
eleksyon at iba pang pagbabago ng pananaw ng mga kababaihang tila
nakawala sa tanikala ng makalumang tradisyon.
Tongtong (kuwento)

Anlong (tula)

Pabitla/bonikew (bugtong)

Diparan (salawikain)
PANITIKAN NG GITNANG LUZON
• Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng mga sumusunod na
lalawigan: Pampanga, Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac at
Zambales at Aurora.

Mga Kaligirang Pangkasaysayan


Ang Tarlac ang tinatawag na “Melting Pot.” Ito ay kilala bilang
Gitnang Kapatagan at dahil dito, itinuturing itong “Palabigasan ng
Pilipinas.”
Ang Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac ay kasama sa walong (8)
lalawigang naghimagsik laban sa Kastila noong 1896.

• Ang pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang “Death March” na nagsimula sa
Mariveles, Bataan noong 1941. Sa “Dambana ng Kagitingan” sa
Bundok ng Samat, Bataan ang malungkot na bahagi ng kasaysayan sa
rehiyong ito. Ganoon din ang pagsabog ng Pinatubo noong 1991.

• AGODA – parada sa ilog ng Bocaue, patuloy na ginaganap bilang


pagpaparangal sa kanilang Patron, ang Our Lady of La Naval, Pista ng
Pagluhod ng mga Kalabaw, Pagsasayaw sa OBANDO, Santacruzan at
Harana.
AWITING BAYAN
Basulto – naglalaman ng mga matatalinghagang mga salita na
pangkaraniwang ginagamit sa pagpapastol ng kambing, baka, kalabaw
at iba pa.
Goso – tungkol sa Moralistikong aspekto ng kanilang kalinangan. Ito ay
may tiyak na aral at inaawit sa saliw ng gitara, biyolin at tamburin
tuwing Araw ng mga Patay.
Pamuri – nag-uugat sa salitang “puri” at inihahanay sa isang uri ng pag-
ibig ng mga Kapampangan
Mga Ikinabubuhay sa Gitnang Luzon
Pangingisda
Paghahayupan
Pagsasaka
Pagmimina
Pagtotroso
Paggawa ng asukal
Produktong rattan
Paggawa ng parol (Pampanga)
• Paminta – awiting-bayan, bilang pagpaparangal sa isang hayop, bagay,
• lugar o tao na kanilang labis na pinahahalagahan. Ipinalalagay din na
• awit ng pag-ibig.

Sapataya – awiting - bayan na nag-uugnay sa mga Kapampangan sa


kanilang paniniwalang pulitikal. May himig ito ng pangangatwiran o
pagtatalo habang sinasaliwan ng isang sayaw sa saliw ng “kastanyente.”

Diparan – naglalaman ng mga salawikain at kasabihan. Ang kanilang paksa

ay hango sa katotohanan ng kanilang nararanasan sa buhay.


DULA
• Karagatan- dulang inihahayag sa paraang patula. Ito ay nag-uugat sa
isang kasaysayan ng isang prinsesa na sadyang naghulog ng singsing
sa dagat upang mapakasal sa katipang mahirap na maninisid ng perlas.

Duplo – ito’y nilalaro sa lamayan ng patay kung saan nagpapaligsahan ang


mga kalahok sa laro sa kanilang husay sa pagtula

Gonzalo de Condova – tungkol ito sa pakikipagsapalaran ni Kapitan


Gonzalo at ng kanyang pag-ibig kay Proses Zulema na anak ng isang
sultan
• Komedya – laging hango sa pag-iibigan ng isang prinsipe at prinsesa.
Ang
labanan ng mga Kristiyano at Muslim ang binibigyan ng mahahalagang
bigat dito at laging nagtatapos sa pagtatagumpay ng mga Kristiyano at
pagbibinyag sa mga Muslim ng mga Kristiyano.

Crissotan – ito ay isang pagtatalong patula katulad ng balagtasan.

Zarsuela – dula mula sa zarzuela ng mga Kastila na nag-ugat sa lugar kung


saan ito unang itinanghal sa Espanya (Zarsuela de la Provincia de
Guenco)
PANITIKAN NG BICOL
• Ang Rehiyon ng Bikol ay binubuo ng mga lalawigan ng Albay, Camarines
Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

• Ang Lungsod ng Legazpi ang kabisera, sentro ng pulitika at


administrasyon ng rehiyon.

• Ang Lungsod ng Naga naman ang sentro ng relihiyon, edukasyon,


ekonomiya at industriya sa rehiyon.

Matatagpuan ang Kabikulan sa pinakatimog na dulo ng Luzon, ang


pinakamalaking pulo sa kapuluan ng Pilipinas.
• MGA KILALANG LUGAR SA BICOL
• Bulkang Mayon (Legazpi, Albay)
• Penafrancia Basilica ( Naga City, Camarines Sur)
• Cagsawa Ruins ( Legazpi, Albay)
Caramoan Islands ( Camarines Sur)
Subic Beach ( Matnog, Sorsogon)
• Kapag narinig ang salitang Bikol, tiyak papasok agad sa kaisipan ng
tao ay ang Mayon Volcano at Cagsawa Ruins. Ang Mayon Volcano ay
may perpektong hugis na apa. Ang Cagsawa Ruins ay sumisimbolo sa
katatagan ng Bikol sa anumang kalamidad o sitwasyon.

• Ang panitikan sa Bikol ay napapalibutan ng pagkahumaling sa


gayuma at magagandang tanawin.

Ang epikong Ibalon ay sinulat ni Padre Jose Castano, isang


Pransiskanong prayle na nanirahan ng 17 taon sa Bikol batay sa kuwento
ng isang manlalakbay at mang-aawit na si Calagnong.


• Ang Osipon o Oripon ay isang uri ng salaysay na pinakamadaling
hubuging anyo, maaaring dagli, maikling kuwento, salaysay o
sanaysay. Ito ay isang lumalaganap na anyo sa Bikol bunga ng
lumalaganap na mga diyaryong Bikolano at ginagamit ng mga
manunulat upang magbunyag ng palalong isipan at magpalaganap ng
aral o leksiyon.

• Sarsuwela – isang anyong panitikan na dapat kalugdan sa Bikol na


pinaunlad ng manunulat na si Justiniano Nuyda
• Noong huling bahagi ng ika-19 siglo, muli siyang bumalik sa Naga
upang mangasiwa sa pagpapatakbo ng imprenta sa Naga, dahil diumano
sa alok na rin ng Obispo ng Nueva Caceres na si Arsenio Campos,
isang Agustino. Pinangalanang Imprenta de Nuestra Senora de
Penafrancia ang unang imprenta sa Naga. Sa mga susunod na taon,
sinasabing nagpalit-palit ng pangalan ang nasabing imprenta, mula sa
Imprenta de La Sagrada Familia, Imprenta y Libreria Mariana
hanggang sa Imprenta La Bicolana de M. Perfecto. Nagsimula siyang
makilala sa wikang Bikol nang itatag niya ang An Parabareta (1899-
1900), ang kauna- unahang peryodiko sa rehiyon.
MARIANO PERFECTO
• Siya ang ikaapat na gobernador ng Ambos Camarines (Camarines Norte at
Camarines Sur) na isang prolipikong manunulat at may pambihirang pagkilala
bilang“Ama” ng dalawang panitikan, ng panitikang Bikol at panitikang Hiligaynon.

•   Ipinanganak sa Ligao, Albay noong1853, si Mariano Perfecto ay naging kilalang


manunulat sa wikang Bikol at Hiligaynon. May nagsasabing isa siyang paring sekular
sa Naga at kailangang ipatapon dahil sa gawaing politikal. Sa Iloilo siya ipinatapon at
nagsimula doon bilang isang maestro sa isang munting paaralan sa Barotac Viejo. Sa
Iloilo rin siya nagsimulang magsulat ng mga kuwentong relihiyoso katulad ng buhay
ni San Eustaquio, na kaniyang ibinebenta. Nang manalo diumano si Perfecto sa lotto,
kaniyang ipinalathala ang nasabing akda na naging instrumental sa pagpapatayô niya
ng isang libreriya, ang kauna-unahan sa buong Bisaya at Mindanao. Sinasabing sa
Iloilo na rin siya nagkaroon ng sariling pamilya. Noong 1882, pinalitan niya ang
pangalan ng kaniyang tindahan at limbagan sa Libreria Panayana.
• Bilang isang manunulat ng kaniyang panahon, isa si Perfecto sa kauna-
unahang manunulat ng bansa na maituturing na nagkaroon ng
kalinangan sa pagsasalin. Siya ang nagsalin ng Pasyong Henesis sa
Bikol at Hiligaynon. Ang kaniyang Almanaque Bikolnon at
ang Almanaque Panayanhon (sa Iloilo) ay naging mga popular na
babasahin. Sa dalawang wikang ito nagsulat si Perfecto ng mga nobena,
kartilya, awit at korido, at komedya. Dala ng kaniyang malawakang
impluwensiya bilang manunulat, nanalo siyang gobernador ng Ambos
Camarines noong 2 Nobyembre 1909 at naging pinunò ng probinsiya
simula 1910 hanggang 1912. Binawian siya ng buhay noong 3
Nobyembre 1913. Marami sa kaniyang mga sinimulang hakbangin sa
pagsusulat at paglalathala sa Bikol man o Hiligaynon, relihiyoso man o
sekular na teksto, ang nanatiling mahalagang mohon sa pag-aaral at
pagtataguyod ng kalinangang Bikol at Hiligaynon. (KSC)
• References:

Cordillera Administrative Region (CAR). (2015). In V. Almario


(Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture
and the Arts.  
https://philippineculturaleducation.com.ph/cordillera-administrative-regi
on-car/

Garcia, E.M. & Ramboyong, R. T. (2020). Modyul, Panitikang Filipino

Mariano Perfecto.
https://philippineculturaleducation.com.ph/perfecto-mariano

You might also like