You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
GORDON HEIGHTS NATIONAL HIGH SCHOOL

Departamento ng Filipino
Kurikulum 9
Filipino 9 – Panitikang Asyano
DIAGNOSTIC TEST

Pangalan ng Mag-aaral: ____Kurt Damiel R. Aleta_______________Antas / Seksiyon: __9-Olivia______Puntos: _____


Guro sa Filipino: ___ G. W.R.Antigo ___ Gng. A.V.Andrade ___ G. L.I.Eduarte
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at bilugan ng letra ng tamang sagot.
1. Ang bayang pinagmulan ng akdang “Naging Sultan si Pilandok”.
a. Marawi b. Maranaw c. Maguindanao
2. Sangay ng panitikang pinagmulan ng akdang nabanggit sa bilang 1.
a. Epiko b. Alamat c. Kwentong – Bayan
3. Ang panahon ng panitikan kung saan ang mga akda ay hinango sa sariling atin ng mga pangkat Etniko.
a. Panahon ng Kastila b. Panahon ng Katutubo c. Panahon ng Hapon
4. Pagkakapare – pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod.
a. Sukat b. Haraya c. Tugma
5. Pagkakapare – pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.
a. Haraya b. Tugma c. Sukat
6. Isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian.
a. Tula b. Salawikain c. Awit
7. Uri ng palaisipan na nasa anyong patula.
a. Tula b. Bugtong c. Sawikain
8. Bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa Pandiwa, Pang – uri at kapwa nito.
a. Panghalip b. Pang – abay c. Pandiwari
9. Isang mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o higit pang bayani.
a. Alamat b. Epiko c. Dula
10. Ang kahulugan ng Giryegong salitang “epos” na pinaghanguan ng epiko.
a. Awit b. Salawikain c. Tula
11. Lugar ng pinagmulan ng Biag ni Lam – ang.
a. Bisaya b. Iloko c. Maranao
12. Epikong kilala na nagmula sa Mindanao.
a. Maragtas b. Maragtas c. Darangan
13. Isang naratibong tula tungkol sa buhay ni Kristo.
a. Pasyon b. Senakulo c. Panata
14. Taon ng pagsisimula ng Panahon ng Amerikano.
a. 1896 b. 1897 c. 1898
15. Ang may- akda ng akdang Walang Sugat.
a. Severino Reyes b. Alejandro Abadilla c. Genoveva Matute
16. Ang akdang pinagmulan ng mga karakter na sina Julia at Teñong.
a. Walang Sugat b. Kahapon, Ngayon at Bukas c. Tanikalang Ginto
17. Ang Maikling Kwento ay tinatawag ding Maikling Katha.
a. Tama b. Mali c. A at B
18. Sangay ng panitikan na noong panahon bago dumating ang mga Hapon ay tumatalakay sa buhay – lungsod.
a. Tula b. Maikling Kwento c. Dula
19. Ang Ama ng Maikling Kwento ng Panitikang Filipino.
a. Dr. Jose Rizal b. Deogracias Rosario c. Francisco Balagtas
20. Ang Ama ng Nobelang Tagalog.
a. Dr. Jose Rizal b. Deogracias Rosario c. Francisco Balagtas
21. Ang nagpakilala ng Panulaang Tagalog.
a. Dr. Jose Rizal b. Deogracias Rosario c. Francisco Balagtas
22. Uri ng tula na nahihinggil sa pagtatalong patula sa iisang paksa.
a. Balagtasan b. Debate c. Duplo
23. Ang taguri sa mga nagtatalong patula sa iisang paksa.
a. aso at pusa b. daga at pusa c. paruparo at bubuyog
24. Ang tagapagpadaloy ng Balagtasan.
a. Lakandiwa b. Lakambini c. Lakan

Address: Keith Street, Gordon Heights, Olongapo City, Zambales


Contact No.: (047) 222-5555
Email Address: 301053@deped.gov.ph
“SDO Olongapo City: Towards a Culture of Excellence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
GORDON HEIGHTS NATIONAL HIGH SCHOOL

25. Ang may – akda ng tulang “Pag – ibig”.


a. Jose Dela Cruz b. Francisco Balagtas c. Jose Corazon De Jesus
26. Tinatawag itong “scene – setting”.
a. Long Shot b. Medium Shot c. Close – up Shot
27. Mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan.
a. Panning Shot b. Bird’s – Eye View c. Low Angle Shot
28. Ang anggulo o pokus ay mula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
a. Low Angel Shot b. High Angel Shot c. Extreme Close Up
29. Pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari sa isang pelikula.
a. Sinematograpiya b. Tunog at Musika c. Sequence Iskrip
30. Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang kwento.
a. Dyaryo b. Komiks c. Magasin
31. Taon ng pagkakasilang ng magasing Liwayway.
a. 1925 b. 1927 c. 1926
32. Ang magasing pangkababaihan.
a. Yes! B. Cosmopolitan c. Metro
33. Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magsimula ng negosyo.
a. T3 b. Candy c. Entrepreneur
34. Isang magasin para lamang sa mga gadget.
a. T3 b. Candy c. Entrepreneur
35. Bilang ng aspekto ng pandiwa.
a. 3 b. 4 c. 2
36. Ang katumbas ng Pangkasalukuyan.
a. Imperpektibo b. Perpektibo c. Kontemplatibo
37. Sangkap ng dula na nagbibigay interpretasyon at nagpapakahulugan sa iskrip.
a. Direktor b. Eksena c, Aktor
38. Ang pinakakaluluwa ng isang dula.
a. Direktor b. Iskrip c. Aktor
39. Sangay ng panitikan na kababakasan ng kulturang Pilipino.
a. Tula b. Sanaysay c. Dula
40. Uri ng dula na ipinakilala sa panahon ng Amerikano.
a. Karagatan b. Dupluhan c. Sarswela
41. Bilang bahagi ng pananalita sa kasalukuyan.
a. 8 b. 10 c. 13
42. Bilang ng bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
a. 4 b. 2 c. 1
43. Ang ibang katawagan sa Pang – uring Pamilang na Panunuran.
a. Kardinal b. Ordinal c. Patakaran
44. Pang – abay na nagsasaad ng timbang o sukat.
a. Panggaano b. Benepaktibo c. Kusatibo
45. Bilang ng uri ng Pangatnig.
a. 2 b. 4 c. 6
46. Bilang ng Pang – angkop.
a. 3 b. 6 c. 9
47. Ang morpemang “alam” ay kabilang sa anong bahagi ng pananalita.
a. Pandiwari b. Pawatas c. Pangngalandiwa
48. Tambalang ganap ang morpemang “bahaghari”`
a. Tama b. Maaari c. Mali
49. Bilang ng uri ng Payak na pangungusap.
a. 4 b. 3 c. 5
50. Bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng Ang / Ang mga, Si / Sina.
a. Pang – angkop b. Pang – ukol c. Pantukoy
Inihanda nina: Itinala at Pinagtibay ni:

G. Willy R. Antigo Gng. Maxima U. Dinglas


Gng. Annalyn V. Andrade Ulong Guro III – Filipino
G. Lino I. Eduarte
Mga Guro sa Filipino 9

Address: Keith Street, Gordon Heights, Olongapo City, Zambales


Contact No.: (047) 222-5555
Email Address: 301053@deped.gov.ph
“SDO Olongapo City: Towards a Culture of Excellence”

You might also like