You are on page 1of 2

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Filipino 7
Pangalan:_________________________________________ Petsa:____________ Iskor:_________

I. Basahing mabuti ang bawat pahayag at bilugan ang angkop na titik sa bawat bilang.

1. Ito ay mga paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan.
a. bulong b. tugmang de gulon c. karatula d. tulang panudyo
2. Isang karunungang bayan na ang layunin ay manudyo at karaniwang ginagamit bilang panunukso sa mga
bata.
a. tulang panudyo b. bulong c. palaisipan d. panunukso
3. Ito ay isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
a. bugtong b. palaisipan c. bulong d. panudyo
4. Ito ay isang suhestibong larawan sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang kilalang bagay.
a. bugtong b. palaisipan c. bulong d. panudyo
5. Ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.
a. epiko b. kuwentong-bayan c. alamat d. mitolohiya
6. Ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo hanggang sa kasalukuyan.
a. epiko b. kuwentong-bayan c. alamat d. mitolohiya
7. Ay isang uri ng panitkan na nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
a. epiko b. kuwentong-bayan c. alamat d. mitolohiya
8. Anong uri ng panitkan ang tekstong “Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada”?
a. epiko b. kuwentong-bayan c. alamat d. mitolohiya
9. Nagtungo ang magtotroso sa _______ upang pumutol ng isang puno.
a. kapatagan b. kabundukan c. kagubatan d. karagatan
10. Ano ang gagawin ng magtotroso sa mga punong kaniyang makukuha?.
a. panggatong b. pangluto c. pangsaing d. pamalo
11. Ano ang hinahanap ng magtotroso sa lawa?.
a. palakol b. talim c. palaso d. pala
12. Siya ang tumulong sa magtoroso.
a. engkanto b. mangkukulam c. manggagamot d. engkantada
13. Unang talim na nakita ng engkantada.
a. pilak b. bakal c. ginto d. tanso
14. Pangalawang talim na nakita ng engkantada.
a. pilak b. bakal c. ginto d. tanso
15. Lugar kung saan nangyayari ang kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. kakintalan
16. Ang gumaganap at nagbibigay buhay sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. kakintalan
17. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. kakintalan
18. Mensahe/aral na makukuha sa kuwento.
a. tauhan b. tagpuan c. banghay d. kakintalan
19. Ay isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.
a. nobela b. sanaysay c. epiko d. alamat
20. Siya ang reyna sa bundok ng Arayat.
a. Maria Makiling b. Maria Sinukuan c. Mariang Makiling d. Mariang Sinukuan
21. Siya ay naparusahan ng reyna dahil sa pagiging dahilan ng gulo.
a. kabayo b. talangka c. lamok d. pagong
22. Ano ang dala-dala ni lamok na naging dahilan ng kaguluhan?
a. itak b. gulok c. espada d. bolo
23. Saang bahagi ng katawan parating naghahanap si lamok?
a. tenga b. ilong c. mata d. bibig
24. Ito ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
a. nobela b. sanaysay c. epiko d. maikling kuwento
25. Anong huling linyang sinabi ng pangalawang magtotroso?______________________________
II. Hanapin sa Hanay A ang angkop na salitang nasa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

Hanay A Hanay B
_____26. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mga mambabasa. A. Kwento ng Tauhan
_____27. Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento. B. Kwento ng Katatawanan
_____28. Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng tauhan. C. Kwento ng Katutubong kulay
_____29. Binibigyang-diin ang kapanapanabik at mahahalagang D. Kwento ng Pakikipagsapalaran
pangyayari na nakapagpabago sa tauhan. E. Kwento ng Kababalaghan
_____30. Mga pangyayaring kasindak-sindak. F. Kwento ng Sikolohiko
_____31. Kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan. G. Kwentong Bayan
_____32. Pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. H. Kwento ng Madulang
_____33. Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng Pangyayari
mga tauhan at uri ng pamumuhay nito. I. Kwento ng Katatakutan
_____34. Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsiganap sa kwento.

II. Sagutin ang sumusunod na bugtong. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

baril mata hikaw kabaong radyo

kandila bote kubyertos siper kampana

araw anino tainga puso kalendaryo

salbabida posporo pluma sintas salamin

__________35. ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.


__________36. kung kalian mo pinatay, saka humaba ang buhay.
__________37. Ginto sa kalangitan, hindi matitigtitigan.
__________38. dalawang batong maitim, malayo ang dinarating.
__________39. dalawang balon, hindi malingon.
__________40. ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
__________41. maliit na bahay, puno ng mga patay.
__________42. sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
__________43. lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
__________44. kung si kupido ang pakikinggan, ito ang pinakamahalagang bahagi ng katawan.
__________45. nagbibigay na sinsakal pa.
__________46. kadaldalan nito ay hindi nahihinto, dapat patayin upang maglaho.
__________47. naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
__________48. binili ko nang di kagustuhan, ginamit ko nang di nalalaman.
__________49. nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga matsing.
__________50. hindi donat na kinakain, ngunit may butas din.

Inihanda ni : Zenny Lou M. Caputli


Guro sa Filipino
Maligayang Pagsagot 

You might also like