You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – MIMAROPA
DIVISION OF CALAPAN CITY
Adriatico Memorial School Compound
Leuterio St., San Vicente South, City of Calapan
E-mail Address: deped_calapan@yahoo.com
Telefax No. (043) 288 – 1489

PANSANGAY NA PAGSUSULIT SA FILIPINO I (SEC)


Ikatlong Markahan

I . PAG –UNAWA SA BINASA


A. Layunin: Nagagamit ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa at pag-
unawa sa teksto.
Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng wastong sagot.

IBALON (Epiko ng Bicol)


Naganap ang mga pangyayari sa epikong ito bago sumapit at pagkatapos ng Malaking Baha o
Gunaw na si Baltog ang pinakabayani. Si Baltog ang unang nakarating sa Bikol sa paghahanap ng lugar na
maaaring panahanan ng kanyang mga nasasakupan. Nakatagpo ni Baltog ang mga kuwagong lumilipad sa
Bikol at ang mga baboy-ramung kasinlaki ng mga elepante.

Nang maihanda ni Baltog ang Kabikulan, ang ama niyang si Handiong at ang kanyang mga sakop
ay lumipat na roon. Ang mga tao ay tinuruan ni Handiong ng maraming industriya at ng iba’t ibang
pamamaraan ng pamumuhay. Subalit may nakataqgpo siyang isang ahas na may ulo ng babaeng nakatira
sa bundok ng Asok at ito’y hindi niya napasuko. Pinagpapatay niya ang mga hayop na ito.

1. Sa pagdating ni Baltog sa Bikol ang mga tao sa lugar na ito ay nagkaroon ng ________.
a. iba’t ibang kaalaman sa buhay.
b. iba’t ibang pamamaraan sa pamumuhay.
c. pagkakataong mabuhay ng matiwasay.
2. Si Baltog ay maituturing na pinakabayani sa kanilang lugar sa kanyang ginawang ____.
a. paghahanap ng maayos na tirahan.
b. panghuhuli ng mga hayop sa gubat.
c. pakikipaglaban sa mga kaaway.
3. Sa kanyang pamumuno sa mga taga-Bikol ay nagkaroon siya ng _____.
a. maayos na pamamalakad sa kanyang sakop.
b. pagmamalaki sa kanyang kakayahan.
c. paghahanap ng tulong mula sa kanyang ama.
4. Sa pakikipaglaban niya sa mga nakatagpo niyang mga hayop sa Kabikulan, masasabi na
a. siya ay may sariling diskarte.
b. may kaalaman sa paglaban sa mga hayop sa gubat.
c. may magaling na pakikipagsapalaran.
5. Ang samahan ng mag-amang Baltog at Handiong ay isang huwarang dapat tularan sapagka’t ___
a. magkasama sila sa lahat ng pagkakataon.
b. tinulungan siya sa pagpatay sa mababangis na hayop.
c. tinuruan ang kanilang sakop ng maraming kaalaman.
6. Ang mga tao noon pa mang unang panahon ay nagsisikap na____
a. magkaroon ng kakayahang maghanapbuhay.
b. tumuklas ng mga bagay-bagay.
c. mabuhay ng marangal at marangya.

B. Layunin: Nagagamit ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa kaligirang pangkasaysayan ng epiko.

7. Ang mga epikong Pilipinong kumakatawan sa bawat pangkat-etniko ay tinatawag na______


a. panitikan b. ethno-epic c. pangkasaysayan
8. Alin sa sumusunod ang tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikitunggali ng isang tao laban sa mga
kaaway?
a. panitikan b. awit c. tula
9. Isang mahabang tulang pasalaysay/ inaawit o kaya’y tinutula nang may himig.
a. pabula b. alamat c. epiko

10. Isang sa katangian ng epiko ay tumutukoy sa mga kababalaghan, mahika, pag-ibig at pakikipagsapalaran
ng_____.
a. kontrabida b. pangunahing tauhan c. mga mamamayan

11. Sa bawat epiko, madalas na ang bida ay namamatay at muling nabubuhay matapos na malusutan ng
mga kaibigan at kapanalig ang ilang nga_____
a. pagsubok b. pakikipagsapalaran c. pagbubunyi

12. Ang mga epikong Pilipino ay kumakatawan sa mga mabubuting aral, paniniwala, tradisyon at __.
a. kaugalian b. layunin c. pakikipagsapalaran

13. Sa ating pagbabasa ng epiko kadalasang lumilitaw kaagad sa isang bayani ang ______.
a. katangian b. pagsubok c. intelektwal

14. Ang mga pangyayari sa epikong Pilipino ay umiikot sa mga pangyayaring ________.
a. maayos b. mahiwaga c. walang buha

15. Ang pag-iibigan, panliligaw, pag-aasawa, pagbubuntis, kamatayan at muling pagkabuhay ay mga paksa
na masasabing___
a. mga yugto ng buhay b. pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari c. pagdiriwang

II. TALASALITAAN
C. Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang mga matalinhagang pahayag/ salita sa teksto.
Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga matatalinhagang salitang may salungguhit. Piliin ang titik ng
wastong sagot.
16. Kanyang ibinuhos ang tubig sa lugaming bangkay.
a. maligamgam b. malamig c. buhay

17. Sinumang tao ang kanyang mahuli ay kanyang nilalapang.


a. hinihigop b. kinakain c. tinatapon

18. Si Kurita ay isang ganid na hayop


a. sakim b. mabait c. madamot

19. Walang mangahas na lusubin si Dulaw.


a. manguna b. magkusa c. maayos

20. Mga halimaw na salot sa lipunan.


a. mapanganib b. makatatakot c. nakatutuwa

21. Ang halaman ang siyang magsasabi ng sinapit ni Sulayman.


a. kinahinatnan b. pinangyarihan c. nagawa

22. Sa paglilibot ni Bantugan ay dinapuan siya ng sakit na naging sanhi ng kanyang maagang pagpanaw.
a. kamatayan b. pagkabuhay c. pagtatanghal

D. Pagtukoy sa uri ng tunggalian na ginamit sa pagpapaigting ng suliranin ng isang akda.


Panuto: Basahin ang seleksyon. Piliin ang titik na angkop sa bawat patlang upang matukoy ang uri ng
tunggalian at papel ng tauhan sa isang akda.

May apat na tunggalian na maaaring gamitin sa pagpapaigting ng suliranin. Una, tao laban sa
__(23)__ ay uri ng tunggalian na ang suliranin ng pangunahing tauhan ay dulot ng __(24)__ niya tao.
Ikalawa, __(25)__ tunggalian na nagaganap kung ang suliranin ng pangunahing tauhan ay sa sarili niya
mismo nagmula. Ikatlo, nagaganap sa pagitan ng pangunahing tauhan at ng pwersa ng kalikasan
katulad ng pagbaha,paglindol, sunog, tagtuyot ay tunggaliang __(26)__ . Tao laban sa __(27)__ ay
tungkol sa pakikilaban ng pangunahing tauhan laban sa suliraning ibinunsod ng lipunan o kapaligiran.
23. a. sarili b. tao c. kalikasan
24. a. kapwa b. iba c. tulad
25. a. tao laban sa lipunan b. tao laban sa kalikasan c. tao laban sa sarili
26. a. tao laban sa lipunan b. tao laban sa kalikasan c. tao laban sa sarili
27. a. tao sa kalikasan b. tao laban sa tao c. tao laban sa lipunan
E. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa epikong Lam-Ang
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang titik sa bawat bilang.

A. Unang Bahagi ( 28 – 32 )
A. Si Lam-ang ay humanda upang magtungo sa bahay ni Ines Kanoyan.
B. Sinabi ng kanyang ina na ito ay pumunta sa bundok ng mga Igorot na kalaban nila.
C. Sa paglalakad niya patungo kina Ines Kanoyan ay nasalubong niya si Sumarang.
D. Pinagpupuksa niya ang mga Igorot sa tulong ng kanyang taglay na anting-anting.
E. Isang araw naitanong niya kay Namongan kung saan naroroon ang kanyang ama.

B. Ikalawang Bahagi (33 – 37 )


A. Sa kanyang pag-alis ay kasama niya ang kanyang manok na sasabungin at ang kanyang mahal na
aso.
B. Pumayag ang mga magulang ng dalaga na sila ay makasal kung matutumbasan ni Lam-ang ang
kanilang kayamanan.
C. Ipinagaspas ng manok ang kanyang pakpak at kaalinsabay niyon ay isang maliit na bahay ang
nabuwal.
D. Naging maligaya ang mag-asawa at nabuhay ng tiwasay.
E. Masaya at marangal ang kasalan pati na ang langit ay nasayahan.
III. WIKA
A. Natutukoy ang mga linker o pang-angkop sa pangungusap.
Piliin sa kahon ang sagot at isulat ang titik lamang. A. -g B. na C. -ng

Isa _(38)_ kapuri-puri _(39)_ samahan ang itinatag ng mga kabataan _(40)_ nasa nayon ng
Mabini. Maganda ang layunin ng samahan_(41)_ ito. Bawat isa’y kumikilos, gumagawa_(42)_ lahat.
Pinipintahan nila ang marurumi_(43)_ pader . Tinatamnan nila ng gulay ang tiwangwang _(44)_ lupa.
Nililinis nila ang mga barado _(45)_ kanal. Winawalis ng mga kabataan_(46)_ babae ang mga kalsada.
Malimit _(47)_ magtipun-tipon ang mga ito upang pag-usapan kung paano mapapabuti ang aba _(48)_
kalagayan ng kanila _(49)_ nayon.

B. Natutukoy /Nakikilkala ang wastong pangatnig sa pangungusap.


50. ___ sinimulan mo ang isang bagay kailangang tapusin mo ito na may determinasyon.
a. Kapag b. Sana c. Kundi
51. Maging mabuting mamamayan ka ____ umunlad ang bansa mo.
a. para sa b. upang c. kaya
52. Hindi ako nakarating sa kaarawan niya, ___ di siya naghinanakit sa akin.
a. sapagkat b. datapwat c. ngunit
53. Naroroon ang kahon ___ wala nang laman.
a. ngunit b. dahil c. samantala
54. Dumaraing ng hirap ang mga P:Ilipino ___ sanay sa dagliang kita.
a. palibhasa b. mangyari c. subalit

C. PAGPAPALIWANAG: (Igawa ito ng rubric sa pagmamarka)


Layunin: Nakapagpapaliwanag nang buong husay gamit ang mga patotoo/patunay at mga halimbawa
tungkol sa isang usapin/isyu.
Tanong: Bakit may taglay na supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan ang mga
pangunahing tauhan sa epiko? Ipaliwanag.
Department of Education
Region IV – MIMAROPA
Division of Calapan City
JOSE J. LEIDO JR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Calapan City

TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON
Ikatlong Mahabang Pagsusulit sa Filipino I
( SEC )

BLG. NG KAUKULANG
KASANAYAN BAHAGDAN
AYTEM BLG.
I. Pag-unawa sa Binasa
A. Nagagamit ang mga batayang
kaalaman at kasanayansa mapanuring
pagbasa at pag-unawa sa teksto. 6 1–6 10
B. Nagagamit ang mga batayang
kaalaman at kasanayan sa kaligirang
pangkasaysayan ng epiko. 9 7 - 15 15
II. Talasalitaan
C. Nabibigyang-kahulugan ang mga
matalinhagang pahayag / salita sa
teksto . 7 17 – 22 12
D. Natutukoy sa uri ng tunggalian na
ginamit sa pagpapaigting ng suliranin
ng isang akda . 5 23 -27 8
E. Nakapagsusunud-sunod ang mga
pangyayari batay sa pagkaunawa. 10 28 - 37 17
III. Wika
A. Natutukoy ang mga linker / pang-
angkop sa pangungusap. 12 38 - 49 20
B. Natutukoy ang wastong pangatnig sa
pangungusap. 5 50 -54 8
C. Pagpapaliwanag:
6 55 - 60 10

KABUUAN 60 60 100%
UNANG TAON ( SEC )
IKATLONG MARKAHAN
SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 21. A 41. A
2. A 22. A 42. C
3. A 23. B 43. C
4. B 24. A 44. B
5. C 25. C 45. C
6. B 26. A 46. A
7. B 27. A 47. B
8. A 28. E 48. C
9. C 29. B 49. C
10. B 30. D 50. A
11. A 31. A 51. B
12. A 32. C 52. C
13. A 33. A 53. A
14. B 34. C 54. A
15. B 35. B 55.
16. B 36. E 56.
17. B 37. D 57. rubric
18. A 38. C 58.
19. A 39. C 59.
20. A 40. A 60.

You might also like