You are on page 1of 31

ARALIN SA FILIPINO G9

TULA
Inihanda ni Mrs. M.E. Balsote
Guro sa Filipino
ISANG
PUNONGKAHOY
ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan…
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
ANO ANG TULA?
TULA

Ang tula ay isang akdang pampanitikan na may


kondensa, pinaikling, at maindayog na wika na may
magkakaugnay na tunog at mapanlikhang pagpili ng
mga salita.
Ang tula ay isa sa pinakatanyag na anyo
ng panitikan dahil ito ay inilalahad sa
magandang wika at likas na imahinasyon.
Maging ang tula ay itinuturing din bilang
isang serye ng mga salita na naglalarawan sa
damdamin ng may-akda.

Ang istilo ng wika ay higit na tinutukoy


ng ritmo, tula, at ayos ng mga linya at
saknong.
URI NG TULA
• TULANG LIRIKO O
TULANG
Ang Tula ay may apat na uri at bawat
DAMDAMIN isa sa mga uring ito ay may kaniya-
• TULANG kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay
PA S A L AY S AY ang sumusunod.
• T U L A N G PAT N I G A N
• TULANG
PA N TA N G H A L A N O
PA D U L A
1. TULANG LIRIKO O TULANG DAMDAMIN
(LYRIC POETRY)

Ang tulang liriko o pandamdamin ay uri ng tula kung saan itinatampok ng


isang makata ng kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Puno ito ng
masisidhing damdamin ng tao tulad ng kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan,
kabiguan at iba pa. Sa kabila ng pagiging maikli, ito ay sapat upang maipahayag
ang damdamin ng manunulat.
AW I T

URI NG Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na


binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong,
TULANG na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing

LIRIKO
pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay
isahan. Ito ay ang karaniwang awiting ating
naririnig.
SONETO

URI NG Isang tula na karaniwang may 14 linya.


TULANG Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw
na kabatiran sa likas na pagkatao.
LIRIKO
ODA

URI NG Ang oda ay karaniwang isang liriko o


tulang awitin na nakasulat bilang papuri o
TULANG dedikasyon para sa isang tao o isang bagay
na nakakakuha ng interes o pagtuon ng
LIRIKO makata o nagsisilbing isang inspirasyon
para sa mismong oda.
E L E H I YA

URI NG Ito ay isang tulang nagpapahayag ng damdamin


o paggunita sa isangnilalang na sumakabilang-

TULANG buhay na. Ang himig nito ay matimpi at


mapagmuni-muni at di masintahin. Ito'y isang
LIRIKO tula ngpananangis; pag-alaala at pagpaparangal
sa mahal sa buhay na yumao na.
DALIT

URI NG Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon,


partikular na nakasulat para sa layunin ng

TULANG papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay


ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura
LIRIKO o maliwanag na halimbawa. at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
PA S T O R A L

URI NG
TULANG Isang uri ng tula na naglalarawan ng
tunay na buhay sa bukid.
LIRIKO
2. TULANG PASALAYSAY
(NARRATIVE POETRY)

Isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring


maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan
sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari.
• Epiko - ay isang mahaba kuwento/tula,
URI NG kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa
TULANG nanaglalaman ng mga detalye ng kabayanihan

PASALAYSAY gawa at mga kaganapan ngmakabuluhang sa


isang kultura o bansa.
• Awit at kurido - Ang tulang kurido ay may
URI NG walongsukat. Ito ay kadalasang mga alamat o

TULANG kuwento na galing sa mga bansa sa Europa


tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya.
PASALAYSAY Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag
na kurido ay ang Ibong Adarna.
• Balad - ito ay may himig na awit sa
URI NG dahilang ito ay inaawit habang may
TULANG nagsasayaw noong unang panahon. Ito
PASALAYSAY ay may anim hanggang walong pantig.
3. TULANG PATNIGAN
(JOUSTIC POETRY)

Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong


patula na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na
pag-iisip. Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at
balagtasan at batutian.
• Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang
URI NG paligsahan sa husay sa pagbigkas at
TULANG pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga
PATNIGAN salawikain at mga kasabihan.
• Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o
isang paligsahan sa pagtula na kabilang
URI NG sa tinatawag na “libangang itinatanghal”

TULANG na ang taglay na pamagat ay nanggaling


sa isang alamat ng singsing ng isang
PATNIGAN dalaga na nahulog sa dagat.
• Balagtasan - Tagisan ito ng talino
URI NG sa pagbigkas ng tula, bilang panga-
TULANG ngatwiran sa isang paksang
pagtatalunan. Ito’y sa karangalan
PATNIGAN ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
URI NG • Batutian - unang anyo ng
TULANG Balagtasan.
PATNIGAN
4. TULANG PANTANGHALAN O PADULA

Karaniwang itinatanghal sa theater. Ito ay patulang


ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o
melodiya ng isang awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong
lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba
sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
• Dula - ay isang uri ng panitikan na
URI NG naglalayong maitanghal sa entablado.
Ang mga dula ay maaaring hango sa
TULANG tunay na buhay o isinulat bunga ng
PADULA malaya at malikhaing kaisipan ng
manunulat o script writer.
• Komedya - ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang
panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing

URI NG tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa


bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundosundo ng
TULANG mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood.

PADULA • Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo


Soto (o Crissot), ay ang komedyang Kiki-Riki, isang
komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang yugto.
• Trahedya - nauuwi ang dulang ito sa
URI NG malagim o malungkot na wakas.
TULANG • Isang halimbawa ng trahedya ay Ang

PADULA Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat


ni Don Pagusara.
• Melodrama - ginagamit ang tulang ito
URI NG sa mga dulang musikal.
TULANG • Isang halimbawa nito ang Sarimanok

PADULA na isinulat ni Steven Prince “Patrick”


C. Fernandez.
• Parsa – ang parsa ay
URI NG nakapagpapasiya sa mga nanonood
TULANG dahil sa mga dugtong-dugtong na
PADULA mga pangyayaring nakatatawa.
URI NG • Saynete – ang dulang ito ay
TULANG tungkol sa mga lugar o pag-uugali
PADULA ng mga tao.
Salamat sa Pakikinig!

You might also like