You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS


Pamantasang Bayan, Hilagang Samar
Web: uep.edu.ph; Email: uepnsofficial@gmail.com

KOLEHIYO NG SINING AT KOMUNIKASYON


Departamento ng Wika at Komunikasyon

FIL 2

PANITIKAN NG PILIPINAS

KABANATA 3
PANAHON NG MGA KASTILA

Kaligirang Kasaysayan
Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang
pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilong
gobernador- heneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao rito. Ang diwa ng pasimulang
ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite
noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila.
Sa mga panahong iyon, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng mga Pilipino.
Tinangkilik nila ang Relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng mga pangalan at nagpabinyag. Nagbago
ang anyong kanilang pamamahay. Nagkaroon ng mga bahay na bato at tisa, mga magagandang
kasangkapang tulad ng piyano, muwebles, at mga kagamitang pangkusina. Nagkaroon din ng
mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at bapor. Natuto silang nagdiwang ng mga kapistahan
bilang parangal sa mga santo, sa Papa, at sa gobernador, Bilang libangan, nagkaroon ng mga
sabong, karera ng kabayo, at teatro.
Ang pagbabagong ito ay nagbigay din daan sa pagkakabuo ng ilang pangkat ng “may-
kaya” na may mga ari-arian at lupain. May ilan din sa mga Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha
ng kurso tulad ng medisina, abugasya, agrikultura, at pagiging maestro. Ang mga kursong ito ay
halos natapos nila rito na rin sa Pilipinas sapagkat marami na rin namang paaralan ang naitatag
ng mga panahong iyon.

MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO


Dahil sa matagal na pagkakasakop sa atin ng mga Kastila, di maikakailang Malaki ang
impluwensiyang naidulot nito sa Panitikang Filipino.

javb
1. Ang “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng
alpabetong Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na nagging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa mga
salitang ito ang nagging bahagi ng Wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na nagging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, corido, moro-moro, at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog,
Ilokano, at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.

MGA UNANG AKLAT


1. Ang DOCTRINA CRISTIANA- Ito ang kaunaunahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong
1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Akda ito nina Padre Juan de Placencia at Padre domingo
Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Nagtataglay lamang ng 87 pahina ang akdang
ito subalit nagkakahalaga naman ng $5,000.
2. NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO- ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda
ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto.
Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang metisong intsik. Naglalaman ito ng mga talambuhay ng
mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.
3. Ang BARLAAN AT JOSAPHAT- Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa
Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Ipinalalagay itong kauna-unang nobelang napalimbag sa
Pilipinas.
4. Ang PASYON- Ito’y aklat na natutugkol sa buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo. Binabasa
ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat na bersyon sa Tagalog ang akdang ito at ang bawat
barsyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang Version de Pilapil
(Mariano Pilapil), Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen), Version de la Merced ( Atencio de
la Merced), at Version de Guia (Luis de Guia). Isinasaalang-alang na pinakapopular ang Version
de Pilapil.
5. Ang URBANA at FELISA- Ito’y aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama
ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog.” Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina
Urbana at Felisa. Pawang tungkol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t Malaki
ang nagawang impluwensiya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino.
Ang layunin ni Pade Modesto sa pagsulat ay upang mangaral sa mga kabataan sa
siyudad at sa lalawigan tungkol sa mga pag-uugali, kilos at makabagong kabihasnan.

javb
MGA AKDANG PANGWIKA
1. ARTE Y REGLAS DE LA LENGUA TAGALA- sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin
sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.
2. COMPENDIO DE LA LENGUA TAGALA- inakda ni Padre Gaspar de san Agustin noong 1703.
3. VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA- kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na
sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.
4. VOCABULARIO DE LA LENGUA PAMPANGO- unang aklat pangwika sa Kapampangan na
sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.
5. VOCABULARIO DE LA LENGUA BISAYA- pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na
sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.
6. ARTE DE LALENGUA BICOLANA- unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos
Lisboa noong 1754.
7. ARTE DE LA LENGUA ILOKA- kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez.

MGA KANTAHING BAYAN


Naging malaganap ang mga kantahing bayan sa buong Pilipinas. May kani-kaniyang
kantahing bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa bulubundukin ng Luzon,
Bisaya’t Mindanao.
Ang mga kantahing bayan ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga
Pilipino ay likas na nagpapahalaga at maibigin sa kagandahan. Narito ang mga halimbawa ng
kantahing bayan.
❖ Leron-eron Sinta (tagalog)
❖ Pamulinawen (Iloko)
❖ Dandansoy (Bisaya)
❖ Sarong Banggi (Bikol)
❖ Atin Cu Pung Singsing (Kapampangan)

MGA DULANG PANLIBANGAN


❖ TIBAG – Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalala ang paghahanap ni Sta.
Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bundok-
bundukan.

❖ LAGAYLAY- sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipun-ipon kung


buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay. Abril pa lamang, namimili na si Kikay, ang

javb
anak ng Sakristan mayor ng mga dalagang sasal rito. Kung minsan, ipiniprisinta na ng
mga magulang ang kanilang anak kahit hindi pa dalaga, dahil sa isang panata na ginawa
dahil sa pagkakasakit o sa isang pabor na nais makamtan. Saibang bahagi ng Kabikulan,
iba naman ang pagtatanghal ngunit ang layunin ay pareho: paggalang, pagpuri, at ng pag-
aalay ng pagmamahal sa mahal na krus na nakuha ni Santa Elena sa bundok na tinibag.
❖ SINAKULO- pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit n gating Poong
si Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “Pasyon.”

❖ PANUNULUYAN- isang pagtatanghal na isinasagawa bag mag-alas dose ng gabi ng


kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ng Birheng Maria at ni
Joseph upang doon iluwal ang sanggol na si Hesukristo.

❖ PANUBONG- isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o


kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang
panauhin o may kaarawan. Ang unang bahagi ay sinisimulang awitin sa may
tarangkahanng bahay ng may kaarawan. Ang ikalawang bahagi ay inaawit habang
umaakyat sa hagdan ang mga kumakanta. Ipinaliliwanag nila rito ang halaga ng bawat
baitang. Kapag nasa huling baitang na sila, hindi agad sila papasok hanggang hindi
natatapos ang awitin at hanggang hindi sila pinapapasokupang ipahiwatig na sila ay
nahihiya.

❖ KARILYO- ito ay isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa
mula sa karton, na pinanood ng gumagalaw sa likod ng isang putting tabing at
pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga karting
gumagalaw.

❖ MORO-MORO- tulad ng sinakulo ang moro-moro ay itinatanghal din sa isang


ipinasadyang entablado. Ito’y itinatanghal sa mga araw ng pista ng bayan o ng nayon
upang magdulot ng aliw sa tao at lagging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ng relihiyong
Kristiyano. Ang mga moro- moro ay may hari’t reyna at mga mandirigmang kawal.

❖ KARAGATAN- ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa


dagat sa hangaring mapangasawa niya ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga
binatang may gusto sa kanya na sisirin sa dagat at ang makakuha’y pakakasalan niya.
Sa larong ito, isang matanda ang kunwa’y tutula; pagkatapos ay paiikutin ang isang tabo
na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito ay siyang tatanungin ng
dalaga ng mga talinghaga. Kapag ito’y nasagot ng binata ay ihahandog niya ang singsing
sa dalaga.

❖ DUPLO- Ito ay humahalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at


pangangatwiran na patula. ANg mga pangangatwiran ay hango sa bibliya, sa mga
sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang inilalaro ito sa paglalamay sa gunita ng isang
namatay.

❖ KURIDO- ang salitang “corrido” (baybay sa kastila) ay nangangahulugang kasalukuyang


mga balita sa mga Mehikano.

javb
Dito sa Pilipinas, ang kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa katapangan,
kabayanihan, kababalaghan at pananampalataya ng mga tauhan. Karamihan sa mga paksa ay
galing sa Europa at dinala lamang dito ng mga Kastila.
Naging tanyag na awitin noong ikalabinsyam na siglo ang kurido dahil sa kakulanagan ng
babasahin, lbangan, at panoorin ang mga tao.
Ang ilan sa mga manunulat ng kurido ay sina Jose de la Cruz, Ananias Zorilla, at Francisco
Baltazar.

❖ SAYNETE- Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon
ng pananakop sa atin ng mga Kastila ang Saynete. Ang paksa ng dulang ito ay
nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang
pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. Ang “La India Elegante Y El Negrito
Amante” ni Francisco Baltazar ay ipinalalagay na isa sa mga nakaaaliw na libangang
saynete nang panahong ito.

❖ SARSUELA- ang sarsuela ay isang melodrama o dulang musical na tatatluhing yugto.


Ang paksa ay natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam, at iba
pang masisidhing damdamin. Naglalarawan din ito ng pang-araw-araw na buhay ng mga
Pilipino. Upang lalong magustuhan ng mga manonood, hinahaluan ito ng katatawanan
na lagging ginagampanan ng mga katulong sa dula. Sinasabing ito’y nagging libangan
nang mga huling taon nang pananakop sa atin ng mga Kastila.
Ang isa sa pinakamagandang halimbawa ng sarsuela ay ang “Walang Sugat” ni Severino
Reyes na namalasak mula sa huling taon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa
mga unang taon dito ng mga Amerikano.
Sapagkat ang isa sa pinakalayunin ng mga Kastila sa pananakop nila ng mga ibang
bansa ay ang magpalaganap ng pananampalatayang Katolisismo, kaya’t ang una nilang
itinuro sa mga Pilipino’y ang relihiyon. Ngbukas sila ng mga paaralan o kolehiyo sa ilalim
ng pamamahala ng mga pari. Ang mga unang kolehiyong itinatag nila ay ang mga
sumusunod:

o Colegio de San Jose- 1602


o Colegio de Santo Tomas- 1611(nagging unibersida- 1645)
o Colegio de San Isabel 1632
o Beaterio de la Compana
o Colegio de Santa Rosa 1750
o Colegio de la Concordia 1869

javb
KABANATA 4
PANAHON NG PAGBABAGONG ISIP

Kaligirang Kasaysayan
Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog
na damdamin ang mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina
Gomez, Burgos, at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na
katibayan sa pagkakasala. Ito’y naganap noong ika-Pebrero, 1872. Naragdagan pa ito nang
makapasok dito ang dalawang liberalism sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa
pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob.
Carlos Maria Torre.
Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga Kastila, subalit di na nila nagawang pigilin pa
ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga Pilipino. Ang dating diwang maka-relihiyon ay
nagging makabayan at humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.

ANG KILUSANG PROPAGANDA


Ang kilusang ito ay binuo ng pangkat ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose
Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Maria
Panganiban, Pedro Paterno, at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga
sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang mga Kora paroko
5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino pamamahayag, pananalita, at pagtitipon o pagpupulong,
at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

MGA TALUKTOK NG PROPAGANDA


Tatlo ang taluktok o pinakalider ng Propaganda. Ang mga ito’y sina Jose Rizal, Marcelo
H. del Pilar, at Graciano Lopez Jaena. Tunghayan natin ang kani-kanilang mga dakilang ambag
sa bayan.

DR. JOSE RIZAL


Mga akda:
1. Noli Me Tangere- ito ang una at walang kamatayang nobelang nagpasigla nang malaki sa
kilusang propaganda t siyang nagbigay daan sa himagsikan laban sa Espanya.

javb
2. El Filibusterismo- Ang nobelang ito’y karugtong ng Noli. Kung ang Noli ay tumatalakay sa
mga sakit ng lipunan, ang Fili ay lantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang
katulong ngunit higit na nagging makapangyarihan, ang simbahan. Kaya’t madalas uriin ang
Nolin a nobelang panlipunan at pampulitika naman ang Fili.
3. Mi Ultimo Adios- ( Ang Huli Kong Paalam)- ito ay kanyang sinulat noong siya ay
nakakulong sa Fort Santiago. Ipinalalagay ng maramina ang tulang ito ay maihahanay sa
lalong pinakadakilang tula sa daigdig.
4. Sobre La Indolencia de Los Filipinos- Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino. Ito’y isang
sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino
ay tamad.
5. Filipinas Dentro De Cien Años ( Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon). Ito ay isang
sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas
ay mababawasan, samantalang ang impluwensiya ng Estado Unidos ay maramdaman. Hula
ni Rizal: Kung may sasakop uli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estados Unidos.
6. A La Juventud Filipino- (Sa Kabataang Pilipino)- Ito ay isang tulang inihandog niya sa
mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas.
7. El Consejo De Los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala)- Ito ay isang dulang
paalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.
8. Junto Pasig (Sa Tabi ng Pasig)- Isinulat niya ito nang siya ay 14 na taong gulang lamang.
9. Me Piden Versos (Hinilingan Nila Ako ng mga Tula)- 1882 at “A Las Flores de Heidelberg”
(Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882) . Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga
di pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.
10. Notas A La Obra Sucesos De Las Filipinas Por El Dr. Antonio de Morga” ( Mga Tala
sa Akdang mga Pangyayari sa Piipinas ni Dr. Antonio de Morga) 1889.
11. P. Jacinto: Memorias de Un Estudiante de Manila (P. Jacinto: Memories de Un
Estudiante de Manila: Mga Gunita ng Isang Estudyante sa Maynila) 1882.
12. Diario de Viaje de Norte America ( Talaarawan ng Paglalakbay sa Hilagang Amerika).
MARCELO H. DEL PILAR
Mga akda:
1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- salin sa tulang Kastilang “Amor Patrio” ni Rizal na
napalathala noong Agosto 20, 1882 sa “Diaryong Tagalog”
2. Kaiigat Kayo- ito’y isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni P. Jose Rodriguez
sa “Noli” ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888. Gumamit siya ng sagisag na “Dolores
Manapat” sa akda niyang ito.
3. Dasalan at Tocsohan- akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle
na inilantad sa Barcelona, 1888. Dahil dito’y tinawag siyang “Pilibustero.” Kahanga-hanga ang
himig na panunuya at ang kahusayan ng pananagalog.

javb
4. Ang Cadaquilaan ng Dios- ito’y isang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga
prayle na inilathala sa Barelona. Ito’y isang sanaysay ng patuligsa laban sa mga prayle ngunit
nagtataglay ng mga pilosopiya tungkol sa kapangyarihan at katalinuhan ng Poog Lumikha,
pagpapahalaga, at pag-ibig sa kalikasan.
5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas- isang tulang nagsasaad ng paghingi ng
pagbabago ngunit ang Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng
anumang tulong sa Pilipinas. Ang tulang ito’y katugunan sa tala ni Herminigildo Flores na
“Hibik sa Pilipinas, sa Inang Espanya.”
6. Dupluhan…Dalit…Mga Bugtong- Ito’y katipunan ng maiigsing tula at pang-aapi ng mga
prayle sa Pilipinas.
7. La Soberana en Filipinas- isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di
makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino.
8. Por Telepono
9. Pasiong Dapat Ipag-Alab ng Puso ng Taong Babasa

GRACIANO LOPEZ JAENA


Mga akda:
1. Ang Fray Botod- isa sa mga akdang isinulat niya sa Jaro, Iloilo, noong 1876, anim na taon
pagkatapos ng himagsikansa Kabite, na tinutuligsa ang mga prayle na masiba, ambisyoso,
at immoral ang pagkatao. Ang “satire” o mapagpatawang Bisaya ay “Malaki ang tiyan” o
mapagpatawang kuwentong tuligsa sa kasamaang laganap noon sa simbahan
2. Ang iba pang isinulat ay ang La Hija del Praile, at ang Everything is Hambug” o (Ang lahat
ay kahambugan). Dito ay pinaliliwanag ni Lopez Jaena ang mga kapahamakan at kabiguan
kung mapakasal sa isang Kastila.
3. Sa Mga Pilipino -1891- Isang talumpati na ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga
Pilipino. Malaya, maunlad at may karapatan.
4. Talumpating Paggunita kay Kolumbos- Noong ika -391 Aniberesaryo sa pagkakatuklas
ng Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.
5. En Honor del Presidente Morayta dela Asoncion Hispano Pilipino- 1884- pinuri ni
Lopez Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay-pantay niya sa mga tao.
6. En Honor de los Artistas Luna y Resurreccion Hidalgo- 1884- Matapat na papuri sa
kanilang mga iginuhit na naglalarawan ng mga kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.
7. Amor A España o Alas Jovenas de Malolos- (Pag-ibig ng Espanya sa mga kababaihan
ng Malolos. Pag-aaral sa Kastila ng mga babae na ang guro ay gobernador ng lalawigan ang
magbibigay.)

javb
8. El Bandulerismo En Pilipinas- Ipinagtanggol niGraciano Lopez Jaena na walang tulisan
sa Pilipinas at dapat magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailangang baguhin
upang hindi mahirapan ang Pilipinas.
9. Honor En Pilipinas- Karangalan sa Pilipinas- ang pagwawagi sa exposisyon nina Luna,
Resurreccion, at Pardo de Taverra na ang katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa
Pilipinas.
10. Pag-aalis ng Buwiss sa Pilipinas.
11. Isang Paglinang sa Institucion ng Pilipinas
12. Mga Kahirapan ng Pilipinas- Tinutukoy rito ni Lopez Jena ang maling pamamalakad at
edukasyon sa Pilipinas – 1887.

IBA PANG MGA PROPAGANDISTA


ANTONIO LUNA
Ilan sa kanyang mga inakda:
Noche Buena- naglalarawan ng tunay na buhay ng Filipino.
Se Divierten- (Naglilibang Sila)- Isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila na halos di-
maraanang sinulid ang pagitan ng mga ngsisipagsayaw.
La Tertulia Filipino- (Sa Piging ng mga Pilipino)- naglalahad ng isang kaugaliang Filipino na
ipinalalagay niyang lalng mabuti kaysa kaugaliang Kastila.
Por Madrid- tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng
Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo.
La Casa de Huespedes- (Ang Pangaserahan) naglalarawan ng pangaserahan na ang
kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumita, kundi upang maihanap ng
mapapangasawa ang kaniyang anak.
Impresiones- ito’y isang paglalarawan sa ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag-aaral
na naulila sa kanyang amang kawal.

MARIANO PONCE
Akda:
Mga Alamat ng Bulakan- naglalaman ng mga alamat at kwentong bayan ng kaniyang
sinilangan.
Pagpugot kay Longino- isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulakan.
Sobre Filipinas
Ang mga Pilipino sa Indo Tsina

javb
PEDRO PATERNO
Akda:
Ninay- kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino.
A Mi Madre (Sa Aking Ina) - nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina na nagging malungkot
ang isang tahanan kung wala ito.
Sampaguita Y Poesias Varias- katipunan ng kanyang mga tula.
JOSE MA. PANGANIBAN- ikinubli ni Jose Ma. Panganiban ang kanyang tunay na
pangalan sa ilalim ng sagisag na Jomapa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng “Memoria
Fotografica.” Siya ay halos kabilang sa mga kilusang makabayan.

Ang ilan sa kanyang mga naisulat ay ang mga sumusunod:


- Ang Lupang Tinubuan
- Sa Aking Buhay
- Su Plan de Estudio
- El Pensamiento

MGA TALUKTOK NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK


Ang kinikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini. Tunghayan natin ang kani-kanilang nagging
ambag sa bayan.

ANDRES BONIFACIO
- Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan- nahahalintulad sa Sampung Utos
ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito.
- Huling Paalam- salin sa tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal.
- Pag- ibig sa inubuang Lupa- isang tulang nagging katulad din ng pamagat ng kay
Marcelo H. del Pilar.
- El Verdadero Decalogo- (Ang Tunay na Sampung Utos)- ito ang pinalalagay na
kaniyang pinaka 0bra maestra na ang pinakahangarin niya rito ay ang magpalaganap
ng nasyonalismong Pilipino
- El Desarollo Y Caida de la Republika Filipina (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng
Republikang Pilipino)
- Sa baying Pilipino
- Pahayag

EMILIO JACINTO
- Kartilya ng Katipunan
- Liwanag at Dilim
- A Mi Madre (Sa Aking Ina)
- A La Patria-
JOSE PALMA y VELASQUEZ

javb
- Himno Nacional Filipino

ANG MGA PAHAYAGAN NG PANAHON NG HIMAGSIKAN


- Heraldo de la Revolucion- naglalathala ng mga dekreto ng pamahalaang
mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawang gumigising sa
damdaming makabayan.
- La Independencia- pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili
ng Pilipinas.
- La Republica Filipina- itinatag ni Pedro Paterno noong 1898
- La Libertad- pinamatnugutan ni Clemente Zulueta.

javb

You might also like