You are on page 1of 4

MABINI COLLEGES, INC.

Daet, Camarines Norte

COLLEGE OF EDUCATION
1st Sem., S.Y.2020-2021

GEC 11: Ang Panitikan ng Pilipinas


MODYUL 3
Paksa: Panahon ng mga Kastila

Pangalan ng Mag-aaral:
Kurso/Taon:
Araw/Oras ng Pasok:

Kaligirang Kasaysayan
Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang
pananalita ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang
Kastilang gobernador-heneral. At dito nagsimula ang mga panitikan ng mga tao. Ang diwa ng
pasimulang ito ay nagpatuloy ng walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa
Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop ng mga Kastila.
Sa mga panahong iyon, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng mga Pilipino.
Tinangkilik nila ang relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng mga pangalan at nagpabinyag.
Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay. Nagkaroon ng mga bahay na bato at tisa, mga
magagandang kasangkapan tulad ng mga piyano, muwebles, at mga kagamitang pangkusina.
Nagkaroon din ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor. Natuto silang magdiwang ng
kapistahan bilang parangal sa mga santo, sa Papa, at sa gobernador. Bilang libangan, nagkaroon
sila ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro.
Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay din ng daan sa pagkakabuo ng ilang pangkat ng
“may-kaya” na may mga ari-arian at lupain. May ilan din sa mga Pilipino ang mga nakapag-aral
at nakakuha ng mga kurso tulad ng mga medisina, abugasya, agrikultura, at pagiging maestro.
Ang mga kursong ito ay halos natapos nila rito sa Pilipinas sapagkat maeami na rin namang
paaralan ang naitatag nang mga pahanong ‘yon.
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino
Dahil sa matagal na pagkakasakop sa atin ng mga Kastila, di-maikakailang malaki ang
impluwensyang naidulot nito sa Panitikang Filipino.
1. Ang “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng
Alpabetong Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa mga
salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at Tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, corido, moromoro at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog,
Ilokano, at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelehiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
Mga Unang Aklat
1. Ang Doctrina Cristiana
 Kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1973, sa pamamagitan ng
silograpiko
 Akda nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva.
 Nasusulat sa Tagalog at Kastila

2. Nuestra Senora del Rosario


 Ikalawang Aklat na nalimbag sa Pilipinas
 Akda ni Padre Blancas de San Josenoong 1602
 Nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan De Vera, isang
mistesong Intsik.
 Naglalaman ng mga talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot sa
relihiyon.

3. Ang Barlaan at Josaphat


 Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas
 Akda sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja.
 Ipinapalagay na kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas

4. Ang Pasyon
 Naglalaman ng buhay ni Hesukristo at pagpapakasakit nito
 Binabasa tuwing mahal na araw

5. Ang Urbana at Felisa


 Akda ni Padre Modestp de Castro – Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog

Mga Akdang Pangwika


1. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala – sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin ni
Tomas Pinpin noong 1610.
2. Compendio de la Lengua Tagala – iniakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.
3. Vocabulario de la Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni
Padre Pedro de San Buenaventura.
4. Vocabulario de la Lengua Tagala – unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni
Padre Diego Bergano noong 1732.
5. Vocabulario de la Lengua Bisaya – pinakamahusay na aklat pangwika sa bisaya na singulat
ni Mateo Sanchez noong 1711.
6. Arte de la Lengua Bicolana – unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos
Lisboa noong 1754.
7. Arte de la Lengua Iloka – kauna-unahang balarilang Iloko sa sinulat ni Francisco Lopez.
Mga Kantahing Bayan
Naging malaganap ang mga kantahing bayan sa buong Pilipinas. May kani-kaniyang
kantahing bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa bulubundukin ng Luzon,
Bisaya’t Mindanaw.
Ang mga kantahing bayan ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga
Pilipino. Ipinakikilalang ang mga Pilipino ay likas na nagpapahalaga at maibigin sa kagandahan.
Narito ang mga halimbawa ng mga kantahing bayan.
1. Leron-Leron Sinta – Tagalog
2. Pamulinawen – Iloko
3. Dandansoy – Bisaya
4. Sarong Banggi – Bikol
5. Atin Cu Pung Singsing – Kapampangan
Mga Dulang Panlibangan
Napakarami ng mga dulang panlibangan ang ginanap ng ating mga kalahi noong panahon
ng Kastila. Halos lahat ng mga dulang ito ay patula. Narito ang mga sumusunod.
1. Tibag
 Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalala ang paghahanap ni Sta. Elena sa
kinamatayang krus ng Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan.
2. Lagaylay
 Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipun-ipon kung buwan ng
Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay.
 Ito at itinatanghal nang may dalawang oras na may halong kanta at sayawan upang
iluklok/itanghal ang krus.

3. Sinakulo
 Pagtatanghal ito tungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong Hesuskristo. ANg
salitaan dito ay mula sa Pasyon.

4. Panunuluyan
 Isinasagawa ito bago mag-alas-dose ng gabi ng kapaskuhan.
 Tungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ng Birheng Maria at ni Joseph upang doon
iluwal ang sanggol na si Hesukristo.

5. Panubong
 Ginaganap ito bilang parangal sa isang panauhin o may kaarawan.

6. Karilyo
 Ang mga tauhan dito ay mga karton na pinapanood na gumagalaw sa likod ng isang
putting tabing at pinapagalaw ng mga taong di nakikira.

7. Moro-Moro
 Tulad ng sinakulo ang moro-moro ay itinatanghal din sa isang pinasadyang entablado.
 Itinatanghal sa araw ng mga piyesta sa bayan o nayon upang magdulot ng aliw at saya.
 Ipinapaalala sa mga ito ang kabutihan ng relihiyong Kristiyano.

8. Karagatan
9. Duplo
10. Kurido
11. Saynete
12. Sarsuela
 Ito ay isang melodrama o dulang musical na tatatluhing yugto.
 Ang mga paksa ay pag-ibig, paghihiganti, pagkasuklam at iba pang masisidhing
damdamin.
 Naglalarawan ng mga pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

You might also like