You are on page 1of 13

UNANG YUGTO: PANITIKAN SA ILALIM NG KRUS AT ESPADA NG ESPANYA

 MGA PANGYAYARING PANGKASAYSAYAN


o Pangunahing hangad ay mapalaganap ang relihiyong Katolika Apostolika Romana,
napalakip na sa hangaring ito ang pagpapalawak ng kanilang hanapbuhay na pambansa
at ng kanilang nasasakupang mga lupain.
o Nang ilagay sa ilalim ng koronong Kastila ang mga Kapuluan, si Villalobos ang nagpasiya
ng ngalang “Felipinas” o “Felipenas” bilang parangal sa Haring Felipe II nang panahong
yaon, ngunit sa dila ng mga tao ay naging “Filipinas” at sapagkat di tayo bihasang
bumigkas ng “F”, ang lalong naging palasak ay “Pilipinas”.
o Sa pagitan ng 1565 at 1872 ay mahigit na isang daang pagbabangon laban sa
kapangyarihan ng Kastila ang ginawa ng mga Pilipino. Sa mga pagbabangong ito’y
nakilala ang pangalan nina Lakandula, Magat Salamat, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang,
Palaris, Manong Pule, atb. Ang mga pagbabangon ay pawing nabigo sapagkat hindi pa
tayo nakakakilala ng pagkakaisa at nasyonalismo.
o Ang mga Intsik, Hapon, Olandes, at Ingles ay nangagtangkang lumusob at umagaw sa
Pilipinas, ngunit ang mga Ingles lamang ang nakapasok at nanakop noong mga taong
1762-1764.
o Nang maging gobernador si Jose Basco (1778) ang mga sining at mga siyensiya ay
binigyang-kasiglahan, gayundin ang kagaligang panlipunan. Sa panmahon nii Claveria
(1849), ang mga pamilyang Pilipino ay binigyan ng apelyidong Kastila at ang
impluwensiyang kastila ay malinaw na napakintal sa pananamit, sining, musika,
panitikan, at kaugaliang panlipunan, gayundin sa kasiglahang panrelihiyon, pagkapulido
at pagkamapitagan at sa paggalang sa kababaihan.
o Sa huling limampung taon ng panahong ito, ang hanapbuhay ng mga tao ay umunlad
dahil sa tuwirang pakikipagkumersiyo sa Espanya at Europa. Nagkaroon ng mga bahay
na bato at tisa, mga piyano, pintura, muwebles; mga karwahe, tren at bapor. Nagsimula
ang makukulay na pista ng bayan at mga pagdiriwang na parangal sa mga santo, sa Papa
at sa mga gobernador.
Natuto ang mga tao ng harana paghahanda at pandarayuhan sa mga dambana (shrines)
gaya ng nasa Antipolo.
Bilang libangan ay nagkaroon ng mga teatro, karera ng kabayo, sabong, atb.
Ang pagyamang ito ang ilan ay nagbigay-daan sa pagkabuo ng isang pangkat ng mga
“may-kaya” na may mga lupain at mga ari-arian at nangaging agrikultor, abugado,
medico, maestro at empleado sa pamahalaan. Nagbasa sila ng mga pahayagan,
pumansin sa mga suliraning pampamahalaan, at nagpaaral ng mga anak sa mga kolehiyo
at pamantasan sa Maynila at sa Europa.

 MGA KATANGIANG PAMPANITIKAN NG PANAHON


o Dahil sa pagnanais ng mga unang misyonero na ang relihiyon at panitikang dapat
malaman ng mga tao ay tungkol sa dala nilang pananampalatayang Kristiyano, ang
dating panitikang katutubo ng mga tagarito ay nahalinhan ng mga bagong sapit.
o Ang panitikan sa panahong ito ay naging mapanghuwad o mapanulad sa mga anyo at
paksaing kastila.
 Panulaan
 Tulang liriko
 Awit
 Kurido
 Pasyon
 Drama
 Duplo
 Karagatan
 Kumedya (o moro-moro)
 Dulang panrelihiyon
 Senakulo
 Sarswela
 Ang mga nasulat sa tuluyan (o prosa)
 Mga paksang panrelihiyon
 Talambuhay ng mga Santo
 Kuwento at Nobela (halos lahat ay pagsasaling-wika)
o Ang mga misyonero at mga kolonisador na Kastila ay hindi lamang nagturo ng pagbasa
at pagsulat sa mga tao kundi sumulat sa mga wika ng Kapuluan na ginamitan ng
pamamaraang kastila.
Sumulat sila ng mga gramatika, bokubularyo, talambuhay ng mga santo, sining, at
tuntunin sa pagsulat, atb.

1. ANG MGA GRAMATIKA

- Tomas Pinpin - kauna-unahang manlilimbag na Pilipino na naglimbag ng “Arte Reglas de la Lengua


Tagala” na isinulat ni Padre Blancas de San Jose noong 1610

- Padre Gaspar de San Agustin - ang nagpalimbag ng “Compendio del Arte de La Lengua Tagala noong
1703

- Padre Minguella - nagsulat ng “Ensayo de Gramatica Hispano Tagala noong 1745

- Padre Jose Hevia Campomanes - akda ng “Lecciones de Gramatica Hispano-Tagalo”.

Mayroon din sa ibang wika tulad naisulat nina:

- Padre Francisco Lopez - “Arte de la Lengua Iloca” (1627)


- Padre Diego Bergaño- “Arte de la Lengua Pampanga”

2. ANG MGA DIKSYUNARYO AT BOKABULARYO

- Agustin Albuquerque - prayleng unang sumulat nang tungkol sa wikang Tagalog, lamang ay hindi
naipalimbag kailanman ang kanyang naisulat
- Padre de Plasencia - isang Fransiscano, binigyan ng karangalang unang nakasulat ng “Arte y Diccionario
de Tagala” (1581)

- Padre Miguel Ruiz - isang Dominico na sumulat ng “Vocabulario Tagala”

- Padre Francisco Blancas de San Jose - unang napalimbag na tungkol sa Tagalog, “Arte y Regla de la Lengua
Tagala” (1610)

- Padre Pedro de San Buenaventura - sumulat ng unang diksyunaryong nalimbag noong 1613,
“Vocabulario de la Lengua Tagala”

- Padre Domingo de Los Santos - “Vocabulario de la Lengua Tagala” (1703)

- Padre Juan de Noceda at Pedro de San Lucar - ang sumulat ng itinuturing isang dakilang bokabularyo na
nailimbag noong 1754

- Rosalio Serrano - “Diccionario Tagalog-Español” (1854)

- Pedro Serrano Laktaw - “Diccionario Hispano-Tagalo” (1889), ang kauna-unahang diksyunaryong


gumamit ng makabagong abakada

Mga bokabularyo sa ibang wika sa Pilipinas:

- Francisco Lopez - “Vocabulario de la Lengua Iloca (1630)


- Diego Bergaño- “Vocabulario de la Lengua Pampanga (1732)
- Marcos Lisboa - “Vocabulario de la Lengua Bicol (1754)
- Jacinto Juanmarti - “Diccionario Moro o Magindanaw-Español” (1892)

TUmulong sila sa pagbubuo ng isang panitikang pansarili ng mga Pilipino sa mga wikang
sarili, bagamat ang pagpapanahon ng mga pangyayaring pangkasaysayan ay hindi
iniwasto sa loob ng mga akda.

Samakatuwid, ang mga panitikan ng panahong ito ay masasabi nating may tatlong
katangian:

a. May sarisaring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, kurido,
pasyon, duplo, karagatan, kumedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga
pagsasaling-wika.
b. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
c. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad, o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong kastila.
 MGA IMPLUWENSIYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO
o Kabilang sa mga naiambag ng mga unang kolonisador na Kastila sa paglinang ng
panitikang Filipino ang mga sumusunod:

1. Ang romanisasyon ng Alibata o Baybayin.

Pagpapalit ng mga letra o titik ng alpabetong Romano sa mga titik ng dating alibata ng
Pilipinas.

2. Pagsulat ng mga gramatika ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, gaya ng Tagalog, Iloko,
Sebuwano, Ilonggo, atb.

3. Ang pagpapasigla sa panunulat sa ilalim ng pamamhala ng simbahan.

4. Ang pagtuturo ng Doktrina Kristiyana at ng mga katangiang kanais-nais taglayin sa ilalim


ng pananampalatayang Kristiyano, gaya ng kabanalan, pagpapakumbaba, karangalan,
kalinisang-budhi, mabuting pakikipagkapwa, pagtitimpi, pagtitiis, pagkakawang-gawa, atb.

5. Ang pagtitipon at muling pagbubuo ng dating panitikan mula sa saling-bibig at mula sa


mga naabutang mga nakasulat sa dahon, bumbong o balat-kahoy na hindi nasira ng
panahon bagamat may mga pagbabago, pagdaragdag at pagkakaltas na ginawa,

6. Ang pagdadala ng mga alamat ng Europa na inuring sarili ng mga Pilipino, Kaya’at sa
ngayon ay ipinalalagay na tubo rito, gaya ng “Bernardo del Carpio”, “mariang Alimango”,
“Haring Patay”, atb.

7. Ang wikang kastila na

(a) naging panitikang Filipino sa wikang kastila

(b) pinaghiraman ng marmaing salita ng iba’t ibang wikang sarili, lalo nan g Tagalog at
Bisaya.

8. Ang kagalingan at sibilisasyong Kastila at Europeo na tinanggap at inugali sa buhay at


pamamahay ng mga tao, maging mayaman at mahirap.

Mga Akdang Pampanitikan

1. Pasyon
2. Kumedya o Moro-Moro

- “Guerras Piraticas de Filipinas” – Fr. Jeronimo Perez

- Huseng Sisiw

- Francisco Baltazar

3. Urbana at Feliza – P. Modesto de Castro (Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog)

- Paliticas Doctrinales

- Exposicion de las SietePalabras en Tagalo

- Novena a San Isidro en Tagalo

4. Ang mga Dalit kay Maria

5. Mga Unang Tulang Tagalog

- “Librong pag-aaralan nang manga Tagalog ng uicang Catila” – nilimbag ni Tomas PInpin

- Fernando Bagongbanta – manunulat din ng tula

6. Dung-aw

7. Mga Kantahing Bayan

- Carinosa (Bisaya)

- Bahay Kubo (Tagalog)

- Ako Kini si Anggi (Bisaya)

- Magtanim ay Di Biro (Tagalog at Bisaya)

- Paruparong Bukid (Tagalog)

8. Kurido

- Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)

- Ananias Zorilla

9. Tula ni Balagtas

- Pagsisisi

- Plorante at Laura

- Mahomet at Constanza

- La India Elegante y El Negrito

10. KARAGATAN

11. Duplo
11. Karilyo

12. Senakulo

13. Tibag

14. Sarsuwela

IKALAWANG YUGTO: NAGISING ANG DAMDAMING MAKABAYAN NG MGA PILIPINO (1872)

 Nakapasok ang diwang liberalismo at ang pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad
ni Gob. Carlos Maria de la Torre.
 Pag-aalsa sa arsenal ng cavite, ang pagkakabuo ng gitnang uri (middle class)
 Isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa
pamamagitan ng garotenang walang katibayan ng pagkakasala (Pebrero 17, 1872).
 Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga kastila, subalit di nila nagawang pigilin pa ang
nabuong mapanlabang damdamin ng mga Pilipino.
 Ang dating diwang maka-relihiyon ay nagging makabayan at humihingi ng pagbabago sa
pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.

- Ang Kilusang Propaganda


o Jose Rizal,
o Marcelo H. Del Pilar,
o Graciano Lopez Jaena,
o Antonio Luna,
o Mariano Ponce,
o Jose Maria Panganiban,
o Pedro Paterno at iba pa

Paghingi ng reporma at pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.

 Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.

 Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

 Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa kortes ng Espanya.

 Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko

 Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at


pagpapahayag ng kanilang mga karaingan

Mga Taluktok ng Propaganda


- Tatlo ang taluktok o pinakalider ng Propaganda. Ang mga ito’y sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar,
at Graciano Lopez Jaena.
- La Solidaridad
o Ang opisyal na pahaygan ng Propaganda

- Jose Rizal (Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda)


o  Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Kalamba, lalawigan ng Laguna.
 Ang unang nagging guro niya ay ang kanyang ina na si Teodora Alonzo.
o  Nag-aral siya sa Ateneo de Manila, nagsimula siyang mag-aral ng medisina sa
Pamantasan ng Santo Tomas, ngunit nagtapos sa Unibersidad Sentral de Madrid. Nag-
aral din siya sa pamantasan ng Berlin, Leipzig, at Heidelberg.
o  Ang kanyang buhay ay nagwakas noong Disyembre 30, 1896, nang ipabaril siya ng
mga Kastila na nagparatang sa kanya ng sedisyon at paghihimagsik laban sa
pamahalaang Kastila.
o  Ginamit niya ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang sa kaniyang mga panulat.

 MGA AKDA
 “Noli Me Tangere”
 “El Filibusterismo”
 Mi Ultimo Adios (Ang Huling Kong Paalam)
 Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)
 Filipinas Dentro De Cien Años (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)
 El Consejo De Los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala)
 A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Pilipino)
 Junto Al Pasig (Sa Tabi ng Pasig)
 Mi Piden Versos (Hinilingan nila ako ng mga Tula)1882 at A Las Flores de
Heidelberg (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg)1882
 Notas A La Obra Sucesos De Las Filipinas Por El Dr. Antonio de Morga (Mga Tala
sa Akdang mga Pangyayari sa Pilipinas ni Dr. Antonio de Morga)1889.
 P. Jacinto: Memorias de Un Estudiante de Manila (Mga Gunita ng isang
Estudyante sa Maynila)1882.
 Diario de Viaje de Norte Amerika (Talaarawan ng Paglalakbay sa Hilagang
Amerika).

- Marcelo H. Del Pilar


o  Siya ay kilalang-kilala sa kaniyang mga sagisag sa panulat na Plaridel, Pupdoh, Piping
Dilat, at Dolores Manapat.
o  Siya’y isinilang sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong ika-30, 1850. Ang kanyang mga
magulang ay sina Julian H. del Pilar, kilalang manunulat sa wikang Tagalog, at Ginang
Biasa Gatmaitan.
o  Nagsimula siyang mag-aral sa kolehiyo ni G. Flores at pagkatapos ay lumipat sa
kolehiyo ng San Jose. Di nagtagal ay lumipat siyang muli sa Unibersidad ng Santo Tomas.
o  Itinatag ni Plaridel ang pahayagang “Diariong Tagalog” noong 1882, na pinaglathalaan
niya ng mga puna at pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila at
dahil sa iba’t ibang kasalanang ibinuhat sa kanya na bunga ng paghihiganti ng mga
prayle at upang maiwasan ang gagawing pagpapatapon sa kanya ay napilitang
maglakbay sa Espanya noong 1888.
o  Ng dumating siya sa Esapanya ay hinalinhan niya si Graciano Lopez Jaena bilang
patnugot ng La Solidaridad na naging tagapamansag ng mga banal na mithiin na
ikapagkakaroon ng mga kaluwagan sa pamahalaan ng mga Pilipino.
o  Namatay siya sa Espanya sa sakit na panunuyo, ngunit bago binawian ng buhay ay
ipinagbilin sa mga kasama na paratingin sa kanyang asawa’t mga anak ang mga tagubilin
na: “sabihin mo sa aking pamilya na sila’y hindi ko na napagpaalaman. Ibalita ninyo ang
kapalaran n gating mga kababayan. Ipagpatuloy ninyo ang pagtuklas ng ginawa at
kagalingan ng ating bayan.” Iyan ang dahilan kung kaya’t si Plaridel ay may sariling pitak
sa kasaysayan.

- Mga akda
 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – salin sa tulang Kastilang “Amor Patrio” ni Rizal na napalathala
noong Agosto 20, 1882 sa “Diariong Tagalog.”
 Kaiigat Kayo – ito’y isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni P. Jose Rodriguez sa
“Noli” ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888. Gumamit siya ng sagisag na “Dolores
Manapat” sa akda niyang ito.
 Dasalan at Tocsohan – akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na
inilantad sa Barcelona, 1888. Dahil dito’y tinawag siyang “Pilibustero.” Kahanga-hanga ang himig
na panunuya at ang kahusayan ng pananagalog.
 Ang Cadaquilaan ng Dios – ito’y isang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle
na inilathala sa Barcelona.
 Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas – isang tulang nagsasaad ng paghingi ng pagbabago
ngunit ang Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa
Pilipinas. Ang tulang ito’y katugunan sa tula ni Herminigildo Flores na “Hibik sa Pilipinas”, sa
inang Espanya.
 Dupluhan….Dalit….Mga Bugtong – ito’y katipunan ng maiigsing tula at pang –aapi ng mga
prayle sa Pilipinas.
 La Soberana en Filipinas – isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di makatarungang
ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino

- Graciano Lopez Jaena


 Isinilang siya noong Disyembre 18. 1856. Isa sa pinakadakilang bayani at henyo ng Pilipinas,
Hinahangaan ang kanyang angking talino ng mga Kastila at Europeo.
 Isa siyang kilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan at
Pananalumpati” sa Pilipinas. Ang kaniyang humigit kumulang 100 pananalumpati ay tinipon at
iniimbag sa imprenta ni Remigio Garcia, dating may-ari ng tindahan ng aklat, “Manila Filatica”
 Si Jaena ay umalis sa Pilipinas noong 1887 sa tulong ng kaniyang mayamang tiyuhin na si Don
Claudio Lopez upang makatakas sa pagpaparusa sa kanyang mga kaaway.
 Sa Barcelona ay itinatag niya ang kauna-unahang magasin, ang “La Solidaridad” na hindi
naglaon ay naging opisya na bibig ng “Asosacion Hispano Filipina” nan a binubuo ng mga kastila
at Pilipino na siyang lumalakad sa pagbabago ng mga reporma sa PIlipinas.
 Si Graciano Lopez Jaena ay nagkasakit ng tuberculosis at namatay sa ospital na walang bayad
sa Barcelona noong ika-20 ng Enero. 1896, labing isang buwan bago binaril ang malapit niyang
kaibigan, si Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Mga Akda
 Ang Fray Botod – isa sa mga akdang isinulat niya sa Jaro, Iloilo, noong 1876, anim na taon
pagkatapos ng himagsikan sa Kabite, na tinuligsa ang mga prayle na masiba, ambisyoso, at
immoral ang pagkatao. Ang “satire” o mapagpatawang Bisaya ay “malaki ang tiyan” o
mapagpatawang kuwentong tuligsa sa kasamaang laganap noon sa simbahan.
 La Hija del Praile at Everything is Hambug (lahat ay kahambugan) – dito ipinaliliwanag ni Lopez
Jaena ang mga kapahamakan at kaibiguan kung mapaksal sa isang Kastila.
 Sa mga Plipino – isang talumpati na ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
Malaya, maunlad at may karapatan.
 Talumpating Pagunita kay Kolumbos – noong ika- 391 anibersaryo sa pagkakatuklas ng
Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.
 En Honor del Presidente Morayta dela Asociacion Hispano Pilipino (1884) – pinuri ni Lopez
Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay niya sa mga tao.
 En Honor de los Artistas Luna y Resurrecction Hidalgo (1884) – Matapat na papuri sa kanilang
mga iginuhit na naglalarawan ng mga kalagayan ng ga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
 Amor A España o Alas Jovenas de Malolos – (Pag-ibig ng Espanya sa mga kababaihan ng
Malolos. Pag-aaral sa Kastila ng mga babae na ang guro ay gobernador ng lalawigan ang
magbibigay.)
 En Bandolerismo En Filipinas – ipinagtanggol ni Graciano Lopez Jaena na walang tulisan sa
Pilipinas at dapat magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailangang baguhin upang
hindi mahirapan ang Pilipinas.
 Pag-aalis ng Buwis sa Pilipinas
 Isang Paglinang sa Institucion ng Pilipinas
 Mga Kahirapan ng Pilipinas – tinutukoy rito ni Lopez Jaena ang maling pamamalakad at
edukasyon sa Pilipinas.

- Antonio Luna
 Isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya. Sumanib siya sa
Kilusang Propaganda at nag-ambag ng kaniyang mga isinulat sa La Solidaridad.
 Ang paksa ng kaniyang mga akda ay halos natutungkol sa kaugaliang Pilipino at ang iba’y
tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila.
 Ang ginamit niyang sagisag sa panulat ay “Taga-ilog.” Namatay siya sa gulang na 33 noong ika-
7 ng Hunyo, 1899. Pinatay siya diumano ng mga tauhan ni Aguinaldo, sanhi nang mabilis niyang
kabantugan na naging kaagaw niya sa pagtingin ng bayan.

Mga Akda
 Noche Buena – naglalarawan ng mga tunay na buhay ng mga Pilipino.
 Se Divierten (Naglilibang Sila) – isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila na halos di-maraanang
sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw.
 La Tertulia Filipina (Sa Piging ng mga Pilipino) – naglalahad ng isang kaugaliang Filipino na
ipinalalagay niyang lalong mabuti kaysa kaugaliang Kastila.

Por Madrid – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya
ngunit ipinalalagay ng banyaga kapag sinisingilan ng selyo.
 La Casa de Huespedes – (Ang Pangaserahan) naglalarawan ng isang panganserahan na ang
kasera’y naghahana ng mangangasera hindi upang kumita, kundi upang maihanap ng
mapapangasawa ang kaniyang anak.
 Impresiones – ito’y isang paglalarawan sa ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag-aaral na
naulila sa amang kawal.

- MARIANO PONCE
-  Si Mariano Ponce ay naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng
Kilusang Propaganda. Ang kaniyan mga ginamit na sagisag sa panulat ay “Tikbalang, Kalipulako
at Naning.”
-  Tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang paksa ng kaniyang mga sanaysay.
Inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang mga karaingan ng bayan. Ang ilan sa
kaniyang mga akda na naiambag niya sa Panitikang Filipino ay ang mga sumusunod:

- Mga Akda

-  Mga Alamat ng Bulakan – naglalaman ng mga alamat at kuwentong bayan ng kaniyang bayang
sinilangan.
-  Pagpugot kay Longino – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulakan.
-  Sobre Filipinas
-  Ang mga Pilipino sa Indo-Tsina

- PEDRO PATERNO

-  Si Pedro Paterno ay isang iskolar, drmaturgo, mananaliksik, at nobelista ng mga Kilusang


Propaganda. Sumapi rin siya sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociacion Hispano-Pilipino upang
itaguyod ang layunin ng mga Propagandista.
-  Siya ang unang manunulat na Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan noong mga huling
araw ng pananakop ng mga Kastila.
-
- Mga Akda
-  Ninay – kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na isinulat ng isang Pilipino.
-  A Mi Madre (Sa Aking Ina) – nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malungkot
ang isang tahanan kung wala ito.
-  Sampaguita Y Poesias Varias – katipunan ng kaniyang mga tula.

- Jose Ma. Panganiban


-  Ikinubli ni Jose Maria Panganiban ang kaniyang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na
Jomapa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng “Memoria Fotografica.” Siya ay halos kabilang sa mga
kilusang makabayan.
Mga Akda
-  Ang Lupang Tinubuan
-  Sa Aking Buhay
-  Su Plan de Estudio
-  El Pensamiento

- Pascual Poblete

- kabilang siya sa dalawang panahon ng Panitikang Pilipino:Kastila at Amerikano. Mamamahayag,


makata, mandudula, nobelista at mananalaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagan
g “EL RESUMEN”. Sa panahon ng Amerikano, itinatag niya ang pahayagang “EL GRITO DEL
PUEBLO” at “ANG TINIG NG BAYAN”.

- Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng Noli Me Tangere ni Jose


Rizal. Kinilalang “Ama ng Pahayagang Tagalog.

IKATLONG YUGTO: PANITIKAN NG PAGHIHIMAGSIK AT PATULOY NA PAKIKIPAGLABAN

Paksa ng Panitkan:
o Nananawagan ng himagsikan
o Humihingi ng pagbabago o reporma sa pamamlakad ng simbahan at pamahalaan
o Nakasulat sa bernakular (wikang katutubo)
o Nagpapahayag ng diwang pagkamakabayan
o Pag-asam ng Kalayaan
- NIlalaman ng Pnitikan sa Panahon ng Tahasang Paghihimagsik
o Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan
o Pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang
inaasam na kalayaan
- ANDRES BONIFACIO
o “Katapusang HIbik ng Pilipinas”
 tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang
pagpapatuloy sa tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na
Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo H. del Pilar
sa kanyang tulang SAGOT SA HIBIK NG PILIPINAS
o “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
- EMILIO JACINTO “Dimasilaw” “Utak ng Katipunan”
o Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan- ang KALAYAAN
o “Kartilya ng Katipunan”
o Liwanag at Dilim
o A Mi Madre (Sa Aking Ina)
o A La Patria (Sa Bayang Tinubuan
- APOLINARIO MABINI
o “Ang Tunay na Sampung Utos” - El Verdadero Decalogo
o Ang Himagsikang Pilipino – Isang Sanaysay Na Naglalarawan Ng Kabayanihan Ng Mga
Pilipino Sa Pakikipaglaban
o Sa Bayang Pilipino –Isang Tulang Handog Sa Bayan
o Ang Pahayag = Hinango Sa Kanyang Manipesto
o El Desarollo Y Caida Dela Republica Filipina -Ang Pagtaas At Pagbagsak Ng Republikang
Pilipino Pagpapalit Ng Ilang Titik Sa Alpabetong Pilipino

- JOSE PALMA
o lumikha ng tulang liriko at ito ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “MELANCOLICAS”
( Mga Panimdim)
o pinakadakilang ambag ay ang pagkakalapat ng titik sa tugtuging pambansa na
pinamagatang “FILIPINAS”
- JULIAN FELIPE
o may-akda ng Pambansang Awit
o “AMA NG MARCHA NACIONAL”

- MGA PAHYAGAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

1. HERALDO DELA REVOLUCION – naglalahathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga


balita, at mga akda sa Tagalog na pawang gumigising sa damdaming makabayan
2. LA INDEPENDENCIA – pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas
3. LA REPUBLICA FILIPINA – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898
4. LA LIBERTAD – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta
5. UNANG GASETILYA – noong 1637, nilimbag ni Tomas Pinpin ang SUCESOS FELICES bagamat isang
polyeto ay ipinalalagay na kauna- unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas
6. DEL SUPERIOR GOBIERNO – kauna-unahang pahayagang regular na inilathala sa Pilipinas.Ang naging
unang editor ay si Manuel Fernandez del Folgueras
7. LA ESPERANZA – kinilalang unang pahayagang pang-araw-araw. Pinamatnugutan nina Felipe Lacorte at
Evaristo Calderon
8. DIARIO DE MANILA – unang lumabas noong1848 sa pamamatnugot nina Felipe del Pan
9. EL RESUMEN – magkatulong na inilathala nina Isabelo delos Reyes at Baldomero Hazanas. Kauna-
unahang pahayagang lantad sa pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino
10. ANG KALAYAAN – ang opisyal na pahayagan ng kilusang KATIPUNAN na pinamatnugutan

Panganiban, J.V. et al. (1995). Panitikan ng Pilipinas.


http://mololibrary.jblfmu.edu.ph/PANITIKAN%20NG%20PILIPINAS%20(%20BY%20%20JOSE%20VILLA%2
0PANGILINAN%20)%20.pdf
https://books.google.com.ph/books?id=PPGiIU34k0EC&pg=PA5&dq=Panahon+ng+Propaganda+at+Him
agsikan&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjq_tzjucn9AhVK7GEKHX6HCY8Q6AF6BAgJEAI#v=onepage&q&f=fals
e
Donaire, A. (2021). Panitikan Sa Pilipinas. https://www.studocu.com/ph/document/university-of-
eastern-philippines/bs-civil-engineer/3-panitikan/11472079

Magsino, A. (2014). PANAHON NG PAGGISING NG


DAMDAMING MAKABAYAN.
https://prezi.com/i2_cwybzzh9c/panahon-ng-paggising-ng-damdaming-makabayan/

https://dokumen.tips/documents/panitikan-sa-panahon-ng-himagsikan.html?page=15
http://aubrylicious.blogspot.com/2013/03/panitikan-sa-panahon-ng-himagsikan.html

https://prezi.com/ytdf5fgnpdkc/panitikan-sa-pilipinas-panahon-ng-kastila/

https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan-sapanahonngkatila

https://www.slideserve.com/miya/panitikan-sa-panahon-ng-kastila

You might also like