You are on page 1of 14

ANG PANITIKAN NG

PILIPINAS
SA PANAHON NG MGA
KASTILA (1565 - 1872)
ANG PANITIKAN NG
PILIPINAS
SA PANAHON NG MGA
KASTILA (1565 - 1872)
ANG PANITIKAN NG
PILIPINAS
SA PANAHON NG MGA
KASTILA (1565 - 1872)
ANG PANITIKAN NG
PILIPINAS
SA PANAHON NG MGA
KASTILA (1565 - 1872)
ANG PANITIKAN NG PILIPINAS SA PANAHON NG MGA KASTILA (1565 - 1872)

Nagsimula ang pananakop ng


mga Kastila sa pagdating nina
Miguel Lopez de
Legazpi at nagtatag ng unang
pamayanan sa Pilipinas noong
1565.
Nakipagsandugo siya kay Raha
Sikatuna. Mahabang panahon
ang pananakop ng
Kastila sa kapuluan.
Bagamat nagkaroon ng mga
paghihimagsik laban sa mga
Kastila, hindi
nagtagumpay ang mga ito
sapagkat hindi nagkakaisa ang
kanilang mga layunin.
Mababasa ang kasaysayan ang
mga paghihimagsik nina
Tamblot, Dagohoy,
Palaris, Diego Silang, atbp.
Nagkaroon din ng kaguluhan
ang mga Instik.
Nagtangka rin ang pananakop
ang mga Ingles.
Ang lahat ng iyo’y
napagtagumpayan ng mga
Kastila hanggang sa umabot na
sa kasukdulan ang pagtitimpi ng
mga mamamayan at nag-alsa sa
Kabite. Naging
biktima ang tatlong paring
Martir na sina Padre Mariano
Gomez, Jacinto Zamora
at Jose Burgos noong 1872
Nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa pagdating nina Miguel Lopez de Legazpi at
nagtatag ng unang pamayanan sa Pilipinas noong 1565. Nakipagsandugo siya kay Raha
Sikatuna. Mahabang panahon ang pananakop ng Kastila sa kapuluan. Bagamat nagkaroon ng
mga paghihimagsik laban sa mga Kastila, hindi nagtagumpay ang mga ito sapagkat hindi
nagkakaisa ang kanilang mga layunin. Mababasa ang kasaysayan ang mga paghihimagsik nina
Tamblot, Dagohoy, Palaris, Diego Silang, atbp. Nagkaroon din ng kaguluhan ang mga Instik.
Nagtangka rin ang pananakop ang mga Ingles. Ang lahat ng iyo’y napagtagumpayan ng mga
Kastila hanggang sa umabot nasa kasukdulan ang pagtitimpi ng mga mamamayan at nag-alsa sa
Kabite. Naging biktima ang tatlong paring Martir na sina Padre Mariano Gomez, Jacinto Zamora
at Jose Burgos noong 1872.

LARAWAN NG PANAHON
Layunin daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika Romano sa
kanilang pangingibang pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo.
Dahil sa layuning ito, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa dahilang
ang mga iyon daw ay likhang demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol sa pananampalataya nila.
Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga gramatika at
diksyunaryo.
Ang kapuluan ay pinangalanang Pilipinas bilang pagpaparangal kay Haring Felipe II ng Espanya.
Ipinahayag ito ni Villalobos.
Isa sa mahalagang pagpapalit na nagawa ay ang romanisasyon ng alibata. Mga titik na ang
ginamit ngunit mapapansin sa lumang mga kasulatan na ang f ay siyang s at v ay siyang w. Tulad
ng santiffimo at tavo.
Ipinasok na rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan, ang mga kasuotan,ang mga gawi at ang
mga pagdadala ng mga bagay na buhat sa Espanya, isa narito ang alpa, piano, espada, libro,
atbp.
Sa larangan ng panitikan, marami silang mga ipinakilala sa mga Pilipino at isa na rito ang
korido. Hindi lamang panitikan ang kanilang itinuro sa kapuluan, nagturo rin sila ng gramatika,
ngunit ang pagtuturo nila nito’y batay sa pook nakanilang kinaroroonan. Ang mga prayle ang
naging guro.
Ang unang tatalakayin sa bahaging ito ng aklat ay ang tungkol sa isinulat nilang gramatika at
diksyunaryo. Upang mapaabot nila sa mamamayan ang aral ng Diyos, sila ang nag-aral ng wika
ng kinaroroonan nila at hindi nila itinuro ang wikang Kastila.

ANG MGA GRAMATIKA AT DIKSYUNARYO


1. ANG MGA GRAMATIKA
 Tomas Pinpin - kauna-unahang manlilimbag na Pilipino na naglimbag ng“Arte
Reglas de la Lengua Tagala” na isinulat ni Padre Blancas de SanJose noong 1610
 Padre Gaspar de San Agustin - ang nagpalimbag ng “Compendio del Artede La
Lengua Tagala noong 1703
 Padre Minguella - nagsulat ng “Ensayo de Gramatica Hispano Tagalanoong 1745
 Padre Jose Hevia Campomanes - akda ng “Lecciones de GramaticaHispano-
Tagalo”.
Mayroon din sa ibang wika tulad naisulat nina:

 Padre Francisco Lopez - “Arte de la Lengua Iloca” (1627)


 Padre Diego Bergaño - “Arte de la Lengua Pampanga”

2. ANG MGA DIKSYUNARYO AT BOKABULARYO


 Agustin Albuquerque - prayleng unang sumulat nang tungkol sa wikangTagalog,
lamang ay hindi naipalimbag kailanman ang kanyang naisulat
 Padre de Plasencia - isang Fransiscano, binigyan ng karangalang unangnakasulat
ng “Arte y Diccionario de Tagala” (1581)
 Padre Miguel Ruiz - isang Dominico na sumulat ng “Vocabulario Tagala”
 Padre Francisco Blancas de San Jose - unang napalimbag na tungkol saTagalog,
“Arte y Regla de la Lengua Tagala” (1610)
 Padre Pedro de San Buenaventura - sumulat ng unang diksyunaryongnalimbag
noong 1613, “Vocabulario de la Lengua Tagala”
 Padre Domingo de Los Santos - “Vocabulario de la Lengua Tagala”(1703)
 Padre Juan de Noceda at Pedro de San Lucar - ang sumulat ng itinuturingisang
dakilang bokabularyo na nailimbag noong 1754
 Rosalio Serrano - “Diccionario Tagalog-Español” (1854)
 Pedro Serrano Laktaw - “Diccionario Hispano-Tagalo” (1889), angkauna-unahang
diksyunaryong gumamit ng makabagong abakada

Mga bokabularyo sa ibang wika sa Pilipinas:

 Francisco Lopez - “Vocabulario de la Lengua Iloca (1630)


 Diego Bergaño- “Vocabulario de la Lengua Pampanga (1732)
 Marcos Lisboa - “Vocabulario de la Lengua Bicol (1754)
 Jacinto Juanmarti - “Diccionario Moro o Magindanaw-Español” (1892

PAKSAIN NG PANAHON NG MGA KASTILA


Maaaring mahati ang mga pakasain noong panahon ng mga Kastila sa;
(1) Panahon ng Panitikang Pansimbahan - dalit, nobena, buhay-buhay ng mgasanto’t santa,
mga dulang pansimbahan, sermon at mga nauukol sakagandahang-asal at
(2) Panahon ng Awit at Korido - awit at korido, mga tulang pandamdamin, mgatuluyan at
dulang pag-aliw.
1. PANAHON NG PANITIKANG PANSIMBAHAN
Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyon kaya ang unangpanahon ng
pananakop ay pagpapalaganap ng panitikang pansimbahan atkagandahang asal.
ANG DOKTRINA KRISTIYANA

 Ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1953


 Silograpiko at ipinalimbag ng mga paring Dominico sa Maynila

a. Dalit
 Iba’t-ibang santo’t santa ang pinagdadalitaan
 Ginaganap tuwing Mayo sa lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Rizal,Laguna, Cavite,
Quezon, Marinduque, at Mindoro
 Naisulat ang papuring pinamagatang “Fores de Mayo” ni Padre Mariano Sevilla

b. Mga Nobena
 Ito ay mga katipunan ng mga panalangin na kailangang ganapin sa loob ng 9 na
araw
 Hango sa mga akda noong unang panahon pa ng mga Kastila gaya ng Virgen nang
Capayapaan at Mabuting Paglalayag (1981) ni Padre Joaquin Tuazon
 Naunang akda: Novena kay Santo Domingo de Guzman(1889)
 “Novenang hain nang Bayan mong Biñang cay San Isidro Labrador”(1893) ni
Padre Modesto de Castro

c. Mga Buhay-buhay ng Mga Santo’t Santa


 Pasyong Mahal
 Vida de Rita (1747) ni Padre Francisco Buencuchillo
 Buhay ni San Francisco ni Joaquin Tuazon
 Buhay at Novena ni San Juan de Dios (1889) ni Francisco Valencia

d. Akdang Pangmagandang-asal
 Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro
 Mahahalagang mga aral na tungkol sa pangungumpisal (1889)

3. PANAHON NG AWIT AT KORIDO


Tulad ng nabanggit na, mahahati sa apat na bahagi ang panahong ito:
(a) Awit at Korido,
(b) Tulang pang-aliw,
(c) Tuluyang pang-aliw, at
(d) Dulang pang-aliw.

a. Awit at Korido (Metrical Romances)


 Ang awit ay binubuo ng 12 na pantig sa loob ng isang taludtod, apat
nataludtod sa isang taludturan
 Ang mga korido ay hinggil sa mga alamat at di-kapaki-paniwalang
kasaysayan na ang buod at paksa’y nababatay sa mga naganap sa
Europe
 Kabilang sa mga awit ang Florante at Laurani Balagtas, Pitong
Infantes de Lara, D. Alejandre at D. Luis, Doce Pares ng Pransya at
Haring Patay.
 Kabilang naman sa korido ang Kabayong Tabla, Don Juan Tiñoso, Ang
Ibong Adarna, Ang Dama Ines at Prinsipe Florinioni Ananias Zorilla at
Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz

b. Tulang Pang-aliw
 Phelipe de Jesus - inaatang na ‘unang tunay na makata,’ ipinalalagay na ang
naipalathala niya noong 1708 ang may katangian ng tunay na tula
 “Arte Poetico Tagalo” (1895) ni Padre Francisco Buencuchillo
 Pinagsalit-salit na mañga Bulaclac o Sarisaring Tula tungkol sa mga Historia
ng Bayan-bayan sa Filipinas, Caugalian ng manga Tagalog, Manga
Cahatulang Paquiquinabangan at iba’t iba pang calulugdan ng Balana(1889)

c. Tuluyang Pang-aliw
 Barlaan at Josaphat (1708-1712) ni Padre Antonio de Borja
 Manga Buhoc na Nangungusap (1884)
 Tandang Basio Macunat (1885) ni Padre Miguel Lucio Bustamante

PAMAMARAAN ISTILO AT WIKA


TULA
Sa larangan ng panulaan, may lumabas na tinatawag na ladino, magkahalo ang Kastila at
Tagalog. Kilala sa mga manunulat na ladino sina Fernando Bagongbanta, Tomas Pinpin at Pedro
Suarez Ossorio.
(1) Memorial
(2) Awit
(3) Bagamat nabibiang si Pedro Suarez Ossorio sa mga ladino may isinulat din siya noong 1617
na nakasama sa “Doctrina Christiana” ni P. Alonzo de Sta. Ana noong 1627
Sa tulang pasalaysay o mga awit at korido, ang nangunguna’y ang Florante at Laurani
Francisco Balagtas at Ang Ibong Adarna. Sa may paksaing relihiyon ang Pasyon ang nangunguna.
Si Francisco Balagtas ang tinaguriang “Makata ng Lahi”. Ipinanganak siya sa Panginay, Bigaa,
Bulacan at binawian ng buhay sa Bataan. Tinagurian din siyang “Ama ng Tulang Tagalog.” Naiiba
ang pamamaraang ginamit niya sa kanyang Florante at Laura. Masasabing isang uri ng
paghihimagsik di lamang sa paksakundi sa pamamaraan ang kanyang awit na ito.

TULUYAN
Sa panahong ito lumabas ang tinatawag na mahabang tuluyan; hindi naman matatawag na
talagang nobela sapagkat kulang ng sangkap ng tunay na nobela. Masasabing ang mga ito ang
pinag-ugatan ng nobela. Kabilang dito ang mga sumusunod:

 Urbana at Feliza - nasa anyong pagpapalitan ng liham ng magkapatid na Urbana at


Feliza
 Tandang Basio Macunat - kuwentong sa loob ng iang kuwento
 Barlaan at Josaphat - isang nobela nga ngunit salin lamang buhat sa wikang Griyego
kaya tagapanguna lamang ng Nobelang Tagalog

ANG DULA AT DULAAN


(1) sa tahanan - ginaganap ang mga duplo, at karangalan, bugtungan at dulog o pamanhikan.
(2) sa labasan - ginaganap ang panunuluyan, o pananapatan, pangangaluluwa, tibag,
santakrusan, moriones at hugas-kalawang
(3) sa tiyak na tanghalan - ginaganap ang moro-moro, carilyo, senakulo, atsarsuwela.

ANG DUPLO
Ang duplo ay mimetikong larong ginagawa kapag may lamay o pasiyam upang aliwin ang mga
namatayan isang tagisan ng talino sa pamamagitan ng pagtula at ang mga kaisipang taglay ng
berso ay kadalasang buhat sa mga awit, korido, salawikain at kasabihan.

ANG KARAGATAN
Ang karagatan ay isang mimetikong laro ng mga Tagalog na ginaganap kapag may lamay upang
aliwin ang mga namatayan; batay sa alamat ng isang prinsesang sa hangad na magkaisang
dibdib ang binatang mahirap na kanyang iniibig ay nakaisip ang binata ng mainam na paraan.

ANG PANGANGALULUWA
Ang pangangaluluwa ay dulang panrelihiyon sa mga lugar ng Katagalugan na ginaganap sa mga
bahay-bahay tuwing bisperas ng Araw ng mga Kaluluwa. Ang mga batang babae at lalaki ay
nagpupunta sa mga bahay-bahay bilang mga kaluluwang nagbuhat sa purgatoryo at humihingi
ng indulhensya para sakaligtasan ng kanilang kaluluwa.

ANG TIBAG
Ang tibag ay dulang panrelihiyong itinatanghal tuwing Mayo sa Bulacan, Bataan, Rizal, Nueva
Ecija at Bicol. Binubuo ito ng mga tulang panrelihiyon at ng loa. Ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod ay hindi pare-pareho dahil inaayon ang diyalogo sa kailangang sabihin ng tauhan.

ANG SANTAKRUSAN
Ang santakrusan ay dulang panlasangan at panrelihiyong naglalarawan ng paghahatid ng krus sa
simbahan. Ito ay isang marangyang parada ng mga sagala at mga konsorteng lumilibot sa mga
kalye.
ANG MORIONES
Ang moriones ay dulang panrelihiyong ginaganap sa mga lansangan sa lalawigan ng Mindoro at
Marinduque tuwing Mahal na Araw. Ang dula ay nagsisimula sa Miyerkules Santo hanggang
Biyernes Santo. Ito ay kumakatawan sa mga senturyong Romano noong kapanahunan ni Jesus.

ANG MORO-MORO O KOMEDYA


Ang moro-moro o komedya ay anyo ng dulang dala ng mga Kastila sa Pilipinas, binubuo ng mga
karakter na mga Kristiyano at Muslim; inilalarawan ang mga Moro o Muslim bilang matatapang
at magugulo, samantalang ang mga Kristiyano ay mababait at tahimik.

ANG KARILYO
Ang karilyo ay dulaang binubuo ng mga papet na nilikha buhat sa ginupit na mga kartong
naglalarawan ng iba’t-ibang karakter at pinapagalaw sa pamamagitan ng mga patpat na
nakakabit sa papel at sa harap ay may putting tabing kung saan makikita ang mga anino ng
papet bunga ng ilawan o lamparang nagbibigay ng liwanag sa likuran ng puting tabing.

ANG SENAKULO
Ang senakulo ay dulang panrelihiyon na palasak sa Luzon at Kabisayaan tuwing Kwaresma o
Mahal na Araw. Dinaraos ito sa mga bakanteng lote at nakahiligang aliwan ng mga Pilipino sa
gabi.

ANG SARSUWELA
Ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa Españanoong ika-17 siglo,
binubuo ng mga pagsasalaysay na sinaniban ng mga sayaw at tugtugin at may mga paksang
mitolohikal at kabayanihan.

ANG SALUBONG
Ang salubong ay dula ng mga paroko ng Katoliko at Aglipay. Ito’y ang pagsasadula ng
pagsasalubong ng ‘nabuhay’ na muling si Cristo at ng Birheng Maria sa umaga ng Linggo ng
Pagkabuhay at isinasagawa sa saliw ng awit at sayaw.

ANG PAGLAKAD NG ESTRELLA


Ang paglakad ng estrella ay mimetikong ritwal ng mga taga-Angono at ibang lugar sa Rizal.
Ginagawa tuwing huling araw ng simbang gabi, ang pagpapalakad ng parol na may korteng
butuin at sa loob nito ay may bombilyang nakasindi.

ANG PENITENSYA
Ang penitensya ay dulang panrelihiyong isinasagawa ng mga lalaking pinetentes na Katoliko
tuwing Semana Santa o Mahal na Araw. Ang mga pinetentes ay nakatabon ang mukha, ang
itaas na katawan ay hubad at may koronang tinik sa ulo at naglalakad sa kalye na pasan-pasan
ang krus habang pinapalo at hinahampas sa ilalim ng init ng araw.

ANG HUWEGO DE PRENDA


Ang huwego de prenda ay mimetikong larong isinasagawa kapag pasiyam obilasyon, ang mga
manlalaro ay nagkakabit-kabit nang pabilog at na sa gitna.

ANG BULAKLAKAN
Ang bulaklakan ay isang mimetikong larong ginagawa kapag pasiyam obilasyon at palasak sa
mga Katagalugan. Ito rin ang tawag sa mga katutubong sayaw na minana natin sa mga Tsino na
kung saan ang mga mananayaw ay may mga dalang malalaking koronang nababalutan ng mga
papel na bulaklak nakanilang iwinawasiwas para makagawa ng iba’t-ibang nakamamanghang
hugis.

ANG PANANAPATAN
Ang pananaptan ay isang tradisyon ng mga Katolikong Tagalog na ginagawa tuwing Mahal na
Araw sa mga pagbasa; pagkarinig sa mapanglaw na awitin mulasa loob ng bahay o kapilya, ito
ay sasagutin ng mga gumagalang mang-aawit hanggang ang lahat ay kasali na sa pag-awit nang
sabay-sabay.

PANUNULUYAN
Ang panunuluyan ay dulang panrelihiyon ng mga Tagalog na ginaganap tuwing bisperas ng
Pasko. Ipinapakita rito ang mag-asawang Birheng Maria at San Jose na naghahanap ng kanilang
matutuluyan.

ANG PUTUNGAN
Ang putungan ay isang mimetikong ritwal ng mga taga-Marinduque napagsusuot ng koronang
gawa sa bulaklak na isinasagawa ng mga katutubo samga panauhin kapag may pagdiriwang ng
Moriones tuwing Semana Santa.
DULOG O PAMANHIKAN
Ang pamanhikan ay isa ring uri ng dula sapagkat sagutan ito ng namamalae at ng
pinagmamalaehan. Bago magkayari ang mga magulang ng babae at lalaki, nagpapalitan sila ng
mga matatalinghagang pangungusap.

ENSILADA
Ang ensilada ay mimetikong larong patulang ginagawa bilang pang-aliw samga namatayan.
Karaniwang ginagawa ito sa Bulacan.

HULING HAPUNAN
Ang huling hapunan ay dulang itinatanghal ng mga Tagalog at Bicolano tuwing Huwebes Santo,
nagsasadula ng Huling Hapunan sa isang aktwal nahapunan, ang papel na Jesus ay
ginagampanan ng isang pari at may labindalawang karakter na gumaganap sa papel ng mga
apostoles. Tinatawag din itong ultima cena.

TATLONG HARI
(1) Ito’y isang simpleng prusisyon na nagtatampok sa mga nakasuot Tatlong Haring Mago at
itinatanghal sa Floridablanca, Pampanga.
(2) Maikling pagsasadulang-muli ng paghahanap at pagsamba ng tatlong haring sina
Melchor, Gaspar at Baltazar na itinatanghal sa Gasan, Marinduque.

PUGUTAN
Ang pugutan ay katutubong dulaan ng mga taga-Marinduque na itinatanghal tuwing Biyernes
Santo sa lansangan, puno ng niyog at sa dalampasigan. Ito ay naglalarawan ng paghahanap kay
Longinus.
CONSTANTINO
(1) Relihiyosong dula ng mga Ilonggo hinggil sa pagkakatagpo sa Banal na Krus na ginaganap
tuwing buwan ng Mayo; at
(2) Karakter sa mga dulangTibag at Santakrusan.

DAKIPAN
Ang dakipan ay isang panggagaya sa ginawa ng mga sundalong Romano nang dakpin nila si
Jesus noong Huwebes Santo. Ginaganap ito sa Angono, Rizal.

You might also like