You are on page 1of 22

LEKSIKOGRAPIYA SA FILIPINAS

MULA 1521 HANGGANG 1898


PhDF 713

Jenny Capistrano-Linguete
LEKSIKOGRAPIYA SA FILIPINAS
(1565-1663) Panahon ng Engkwentro
(1663-1765) Panahon ng Reaksiyon
(1765-1815) Panahon ng Medyasyon
(1815-1872) Panahon ng Transpormasyon
(1872-1898) Panahon ng Tagumpay
Noong 1754, sa kainitan ng
pananalakay na Muslim na
sumalanta sa Estadong Kolonyal
hanggang sa kahilagaan sa
Zambales at hinamon halos ang
pag-iral nito, dalawang
napakahusay na diksyonaryo ang
lumabas sa imprenta.
Isa ang Vocabulario de la Lengua
Bicol ng Pransiskanong si Fray Marcos
de Lisboa.

Ang bahaging Bikol-Espanol


diksyunaryo ay binubuo ng 764 pahina,
samantalang ang Espanol- Bikol ay
may 160 pahina. Maaaring batay ang
trabahong ito sa kanyang 1728
manuskrito- ang "Diccionario del
Idioma Bicol."
Isa pa ang Vocabulario de la Lengua
Tagala, magkatulong na ginawa ng mga
Heswitang Fray Juan de Noceda at Fray
Pedro sa San Lucar.

Ang Seksiyong Tagalog-Espanyol ay may


619 pahina samantalang ang bahaging
Espanyol-Tagalog ay may 190 pahina na
sinusundan ng isang 34 apendise.

Ang mga diksyonaryong ito kasama ang


631 pahinang Vocabulario de la Lengua
Bisaya-Zebuano (1760) ni Francisco
Encina ang mga huling diksyonaryong na
lathala.
Ang Publikasyong pang gramatika sa
panahong ito na nasangguni ni Lisboa ay
ang gramatika ni Bergano at ang 1739 ika-
2 edisyon ng Arte de Lengua Bicol ni
Andres de San Agustin.
Ang diksiyonaryong Noceda at San Lucar
na itinuturing ni Middleton na isang
kayamanang leksikograpiko ay may
mainam na set ng mga pinaka mahusay na
gramatika sa tagalog.
Sa mga diksyonaryong nasa estadong
manuskrito, patuloy na nanguna ang mga
Agustino at Pransiskano.
Ang mga Agustino ay may Diccionario Tagalog-
Espanyol (1733) ni Tomas Ortiz. Inilarawan siya
ni Robertson bilang pinaka maningning sa mga
Agustino sa Filipinas. Isa pang kontribusyon nila
ang sa Agustinong si Fray Sebastian Foronda
na" Vocabulario Pampango" (1710)
Diccionario Ilocano (1750) ni Juan Serano .
Nag ambag ang mga Pransiskano ng
Diccionario del Idioma Bicol (1728) ni
Marcos de Lisboa naging batayan nito ang
nalatahalang diksiyonaryo noong 1754. Ang
Diccionario Tagalog (1685) ni Diego de la
Asumpcion at Diccionario del Mismo Idioma
Aetas(1750) ni Bernardo de Santa Rosa.
Balik-tanaw
MULING BAYBAYIN

Ang malakas na pagsulong sa saliksik sa Panahon


ng Engkwentro (1565-1663) ay hindi namulaklak
sa Panahon ng Reaksiyon (1663-1765). Ang
bilang ng saliksik panglingguwistika ay bumaba.
Dahil dito sa sumunod na kalahating siglo - ang
Panahon ng Medyasyon (1765-1815) ay lubhang
naghikaos sa saliksik pang linguwistika.
Ang yugtong ito ay nagsilang frailokrasya sa
paglitaw ng mga prayle bilang taga pamagitan
ng mga Filipino at ng estado. Sa buong kolonya,
sila lamang ang mga Espanyol na maaring
makipagtalastasan sa sambayanan ng buong
kapuluan
Ang epekto ng Panahon ng Reaksiyon (1663-1765)
sa saliksik leksikograpiko sa Panahong ng
Medyason (1765-1815) ay napakalubha.
Dalawa lamang diksiyonaryo ang nalathala at ang
isa dito ay muling limbag lamang, ito ang ikalawang
Edisyong 1794 ng Vocabulario de la Lengua Tagala
ng Pransiskanong si Fray Domingo de los Santos.
Ang isa pang diksiyonaryo ang Vocabulario Chino-
Espanyol de Lengua Sangleys ni John Leyden.
Sa kategoryang manuskrito, patuloy na nabigyang
diin ang tagalog bagaman humabol sa atensiyon
pananaliksik ang mga Ilokano.
Ang bilang ng saliksik panglingguwistika ay lubhang
humina sa Panahon ng Medyasyon bunga ng
kondisyong politikal sa Panahon ng Reaksiyon. Ang
interes pangwika sa Filipinas mula sa ibang bansa ay
patuloy na sumulong; patuloy na nag-isyu ng mga
dekreto ang Estado at Simbahan hinggil sa
sitwasyong pangwika sa kapuluan.
Ang patakarang pangwika ng Korona hinggil sa
sapilitang paggamit at pagtuturo ng Espanol ay
biglang isinulong para mapilit ang mga Filipinong
matuto ng Espanol. Subalit binaliktad ni Carlos III ang
patakarang ito sa halip tahasang inalis ang gayong
pangangailangang pangwika.
Sa Panahon ng Transpormasyon (1815-1872)
nagsimulang sumigla ang saliksik. Ang repormang
ipinakilala ni Carlos III sa nakaraang panahon ay
nagpakita ng epekto. Ang Estadong Kolonyal, batay
sa lahat ng palatandaan, ay higit ng matatag at may
kontrol sa mga Filipino.
Sa larangang ng saliksik panglingguwistika, sa
panahong ito nakita ang pamumulaklak ng gawaing
leksikograpiko.
May umabot sa 45 na trabaho sa panahong ito, 33
ang bagong publikasyon, anim ang muling limbag na
gawa sa mga nakaraang panahon.
Tagalog at Bisaya ang patuloy na nanguna sa
gawaing leksikograpiko.
Ang resulta ng mga binagong patnubay na mga
pag-aaral na leksikograpiko ay sumasaklaw sa
sumusunod na mga wika; Gaddang, Ilokano,
Hiligaynon, Ibanag na may anim na pag-aaral,
Kapampangan, Bikol, Pangasinan, Chamorro at
Sebwano.
Sa panahong din ito lumitaw ang unang set ng
mga diksyunaryong multilingguwal at
espesyalisadong mga pag-aaral.
Ang mga espesyalisadong diksyonaryo ay nabibilang
ang Diccionario Geografico Estadistico, Historico
de las Islas Filipinas (1851) nina Bizeta at Bravo at
ang Diccionario Eumeristico Filipino (1871) ni Bikr na
nagpapakita ng mga espesipikong uri ng salita.
Sa panahong ito maraming mahahalagang muling
limbang ang lumabas na itinuring na may malaking
halaga.
Kasama sa natatanging publikasyon sa panahong ito
ang diksyonaryong Tagalog-Espanol ng isang Filipino
mula Bulacan si Rosalio Serrano at ang kaniyang
Diccionario de Terminos comunes Tagalo-
Castellano (1854).
Dahil sa tagumpay para sa saliksik
panglingguwistika sa panahon ng
transpormasyon kaya naganap ang
malikhaing produksiyon sa pagwawakas
ng rehemeng Espanol, ang Panahong ng
Tagumpay (1872-1898).
Ang pag-aalsa sa Filipinas ay nagkaroon
ng katangiang Nasyonal, na nagwakas sa
pagtatag ng Unang Republika ng Filipinas.
Sa panahong ito naganap ang
pinakamalaking produkto ng
leksikograpikong publikasyon at saliksik
na umabot ng sandaang trabaho; mga
manuskrito at nalathalang diksiyonaryo na
kapawa bilingguwal at multilingguwal, at
mga espesyalisadong pag-aaral.
Ang pagpapalawak ng saklaw ng saliksik
upang maisama ang wikang minoridad.
Juan Gayacao- Ikalawang Filipinong leksikograpong
ay naglabas ng kanyang Nuevo Vocabulario o Manual
de Conversaciones en Espanol-Panayano.
Jose Felipe del Pan at Jose de la Rosa- ikatlo at
ikaapat na leksikograpong nagtrabaho ng
napakaekstensibo at espesyalisadong 733 pahinang
Diccionario de la Vida Practica en Filipinas .
Evaristo Fernandez- ikaapat na awtor na anglathala
ng 118 pahinang Vocabulario Tagalog-Castellano
noong 1833.
Pedro Serrano Laktaw- Ikalimang Filipinong
leksikograpong naglathala ng 620 pahinang
Diccionario Hispano-Tagalog (1889).
Juan Gayacao- Ikalawang Filipinong
leksikograpong ay naglabas ng kanyang Nuevo
Vocabulario o Manual de Conversaciones en
Espanol-Panayano.
Jose Felipe del Pan at Jose de la Rosa- ikatlo at
ikaapat na leksikograpong nagtrabaho ng
napakaekstensibo at espesyalisadong 733
pahinang Diccionario de la Vida Practica en
Filipinas .
Evaristo Fernandez- ikaapat na awtor na
anglathala ng 118 pahinang Vocabulario
Tagalog-Castellano noong 1833
PAGLITAW NG INGLES SA LEKSIKOGRAPIYA NG FILIPINAS
Ang unang paglitaw ay ang "English, Sulu, and Malay Vocabulary" ni
T.H. Haynes sa Journal of the Straits Branch of the Royal Asiatic
Society.
"English-Sulu-Malay Vocabulary Grammatical" ni Anson Cowie, na
nalathala sa London noong 1893.
"English-Sulu-Malay Vocabulary" ni Ward (1894) at maaaring
matagpuan sa Epistolario Rizalino, tomo IV, p1185.
Subalit kapuna-punang walang naging pagtatangkang ginawa ang
Imperyalistang Amerikano na unawain ang alinmang wika sa Filipinas.
PUBLIKASYON SA PANAHON NG TAGUMPAY
Ang komparatibong bokabularyo ng Bataan Tagalog, Kapampangan
ng Zambales, at Negrito ng Zambales sa Ueber die Negritos oder
Aetas der Philippines, 1878 ni Adolf Berhard Meyer.
Nalimbag din ang mga saliksik ng Heswita noong 1892, ang Diccionario
Bagobo-Espanol ni Mateo Gisbert.
Kasama din sa mga bagong trabaho ang Diccionario Isinay-Espanol
(1885) ni Miguel Garcia Vasquez.
Ang Diccionario Espanol y Batan ni Franco de Paula (1895)
JENNY C. LINGUETE
PHD FILIPINO

You might also like