You are on page 1of 6

ANG LINGGWISTIKA SA

PILIPINAS

Ang linggwistika sa pilipinas


 Ayon nga kay Salvador M. Royales, sa komperensyang pangwika noong 2008,
"ang wika ay pag-aari ng tao, ngunit ang tao ay hindi pag-aari ng wika."
 Pormal na kinilala ang lingguwistika sa bansa nang itinatag sa Unibersidad ng
Pilipinas ang Kagawaran ng Lingguwistika noong 1924 sa ilalim ng pamumuno ni
Otto Scheerer, isang Alemang negosyante at iskolar (Rubino, 2005). 
 Ayon kay Constantino mula sa aklat ni Alfonso Santiago (2002), nahahati sa
tatlong panahon ang kasaysayan ng lingguwistika sa Pilipinas.

Panahon ng kastila
 Ayon kay Scheerer, ang pag-aaral sa mga wika ay isinagawa ng mga
misyonerong Kastila na karamihan ay mga paring Heswita at Dominikano sa
layuning mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa dakong ito ng
daigdig.
 Ang itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis ang pag-aaral sa mga
wikang katutubo noong panahon ng Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan
sa apat na Orden noong 15

Ang Kabisayaan ay hinati sa Agustinian at Heswita.


                   >  Ang Ilocos at Pampanga ay napunta rin sa Agustinian. 
    > Ang mga lalawigan naman ng Pangasinan at Cagayan ay    
napunta sa mga Dominikano. 
                   >   Ang Kabikulan ang pinangasiwaan ng mga Pransiskano.
                   >   At ang Tagalog ay hinati rin sa apat na orden.
Pinalaganap din ng mga Kastila sa panahong ito ang imprenta upang
makapagpalimbag ng mga aklat sa iba’t ibang wika sa bansa. Isa na nga rito ang
pagpapalimbag sa Doctrina Christiana noong 1593

Ilan sa pag aaral isinagawa noong panahon ng kastila

 Arte y Vocabolario de la Lengua Tagala (1581) ni Pari Juan de Quiñones.


Pinaniwalaang kauna-unahang pananaliksik na isinagawa ukol sa Tagalog.

 Vocabolario de la Lengua Tagala (1613) ni Pari de San Buenaventura.


Sinasabing ito ang kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog.

 Compedia de la Arte Lengua Tagala (1703) ni Gaspar de San Agustin .

 Diccionario Hispano-Tagala (1889) ni Pedro Serrano Laktaw.


 Arte Y Reglas de la Lengua Tagala (1560) ni Francisco Blancas de San Jose.
 Nueva Gramatica Tagalog (1872) ni Joaquin de Coria.

Kapansin-pansin na sinadya man o hindi ay napakaraming naisagawang pag-aaral sa


Tagalog. Hindi kukulangin sa dalawampu’t apat na aklat ang nalimbag tungkol sa
Wikang Tagalog, samantalang lima lamang sa wikang Bisaya. Ang dahilan marahil ay
sapagkat Tagalog ang wikang ginagamit sa Maynila na siyang pinakasentro ng
pamahalaan. (Santiago, 2002)

Panahon ng amerikano

 Amerikano ang nagturo ng pagkakaroon ng demokratikong pamumuhay

 Paggamit ng wikang ingles sa paaralan  Ngunit ito ang naging paraan nila upang
masakop at makuha ang loob ng mga pilipino

 Mga pangunahing wika ang pag aaralan (agham wika)

 Sundalong Amerikano ang unang naging guro o mas kilala sa tawag na


Thomasites

Carlos Everett conant

 Linggwistang americano

 Nagtrabaho sa manila noong 1904 bilang isang intrepreter at translator ng


spanish at filipinong wika 

 RGH law in philippine languages


 May roong sampung pag aaral na isinagawa si conant tungkol sa mga wika sa
pilipinas noong 1908 hanggang 1916.  Ngunit dalawa sa pag aaral ni conant ang
labis na naging tanyag o nakilala:

Leonard bloomfield

Ang gramatikal na pagsusuri ni Bloomfield sa wikang Tagalog ay ang pinakamagaling


na naisagawa sa anumang wika sa Pilipinas ayon kay Cecilio Lopez. Malaki ang
naiambag nito sa pag-aaral morpolohiya at sintaks sa Tagalog. Maliban dito, sinuri din
ni Bloomfield ang sintaks ng Ilocano.
Cecillo lopez

Si Cecilio Lopez ay ang pinakaunang linggwistang Pilipino. Natapos niya ang kanyang
Ph.D sa Linggwistiks sa Unibersidad ng Hamburg noong 1928. Sinulat niya noong 1940
ang kanyang gramatika ng wikang Tagalog matapos iproklama ang Tagalog bilang
batayang wika sa wikang pambansa.

Ernesto constantino

isa pang kilalang linggwista sa Pilipinas ay si Ernesto Andres Constantino. May mga 11
na artikulo kanyang naisulat mula 1959 hanggang 1970. Isinulat niya noong 1964 ang
"Sentence patterns of the ten major Philippine languages" na naghahambing sa
istruktura ng mga pangngusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Tausug,
Ilokano, Ibanag, Pangasinense, Kapampangan. Sa 1965 lumabas ang kanyang "The
sentence patterns of twenty-six Philippine languages."

Hermann costoble

Bumuo ng pag-aaral tungkol sa mga salitang-ugat na binubuo ng isang pantig o


monosyllabic at sinuri ang pagkakaiba at pagkakahawig ng mga tunog sa mga
pangunahing wika sa bansa.

Frank blake

Nakatuon ang pag-aaral niya sa pagsusuri sa tatlong magkakaugnay na yunit sa


gramatika: verb, voice at case. Ayon sa kanya, ang mga pangngalan sa Tagalog ay
maaaring gawing pandiwa. Sinabi niya "the verbalizing power of Tagalog and generally
speaking of other Philippine languages and indeed of Malayo-Polynesian languages in
general has so to speak run wild." Sa kabila ng mga pag-aaral na naisagawa, ang
katotohanan ay hindi nagpunta si Blake sa Pilipinas. Sa halip gumamit lamang siya ng
mga impormante upang masuri ang mga wika rito.

Panahon ng kalayaan

 Dalawa ang maituturing na naging daluyan ng kalakaran sa lingguwistika sa


bansa: ang paaralan at relihiyon.

 Nanguna rito ang SIL o Summer Institute of Linguistics na itinatag noong 1953
kung saan ito ay naging tulay para sa mga lingguwistang misyonero na masuri
ang mga wika sa Pilipinas. 
  Naitatag din noong 1957 ang Philippine Center for Languages Study na
nakatuon sa metalingguwistikang pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa mga
Pilipino.

 Sa pamamagitan ng mga programa sa paaralan tulad ng Consortium for Ph.D. in


Linguistics sa PNU at Ateneo, maging ang pagtatayo ng mga organisasyon at pasilidad
tulad ng Language Study Center, Linguistic Society of the Philippines at Translators
Association of the Philippines, dumami ang mga pagsusuri sa mga wika.

Tatlong pagsuri ng Ponolohiya ng Tagalog

 Remedios Cayari (1956)-Hindi niya kinilala na kagkaibang ponema ang /e/ at/i/
gayundin sa /o/ at /u/

 Robert Stockwell (1957) at Teodora Liamzon(1966)-Kinilala ang pagkakaiba


ng mga ponema ng  /e/ at/i/ gayundin sa /o/ at /u/.

 Andrew Gonzales -sinuri niya ang diin, ritmo, at intonasyon ng Tagalog sa


pamamagitan ng paggamit ng makabagong instrumentong pangwika.

 Lumitaw sa kanyang pag-aaral na ang tono, lakas, at haba ay nagiging resulta


lamang ng diin(stress) at hindi ng haba(length).

Halimbawa: /BU:hay/ at /bu:HAY/ - Ang una ay ang panahon ng pagkapanganak


hanggang kamatayan ng isang nilalang. Ang pangalawa ay ang estado ng pagkakaroon
ng buhay ng isang nilalang kung saan tumitibok ang puso nito at humihinga.

/TA:la/ at /ta:LA/ - Ang una ay bituin. Ang pangalawa ay sulat.


Apat na Tesis sa iba't ibang aspekto ng gramatika ng Tagalog

Siverio(1962)- sumuri sa mga pandiwa at mga pangungusap na “passive” sa tagalog

Gonzales(1962)-tumatalakay sa mga pandiwa at mga pangungusap na “active”

Cayari(1963)-nagkaklasipika ng mga pandiwang pamanahon (time adverbs) ng Tgalog


ayon sa distribusyon

Paz(1967)-nagsusuri sa morpolohiya at sintaksis ng mga pangngalan at pang-uri sa


Tagalog

You might also like