You are on page 1of 4

Panahon ng kastila

Miguel Lopez de Legazpi – Isinaalang-alng na ang unang pananakop ng mga kastila sa ating
kapuluan ay ang pananatili nito noong (1565), bilang kauna-unahang kastilang gobernador-
heneral.

Villalobos –Nang na ilagay sa ilalim ng koronang kastila ang kapuluan, si Villalobos ang
nagpasiya ng ngalang “Felipinas o Felipinas” bilang parangal sa Haring Felipe II nang panahong
yaon, ngunit dila ng mga tao ay nagging “Filipinas”.

Mga Espanyol – Ayon sa kanila ang kalagayan ng mga katutubo noon ay barbariko, di
sibilisado at pagano.

Kristiyanismo – Inuturo ng mga kastila sa mga katutubo upang maging sibilisado diumano ang
mga ito.

Katutubong wika – Naniniwala ang mga Espanyol noong mga iyon na mas mabisa ang
paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong
Espanyol.

Misyonerong Espanyol – Ang pamayan ay pinaghati-hati sa apat na ordeng misyonerong


Espanyol na pagkaraa’y nagging lima. Ang mga ordeng ito ay sina Agustino, Pransiskano,
Dominiko, Heswita,at Rekolekto upang pangasiwaan ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga
katutubo. Upang mas maging epiktibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo dahil mas medaling
matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro lahat ang wikang Espanyol. Nabatid nilang
sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung
ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil ditto, ang mga prayle ay
nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika,katekismo, at mga kumpensyonal para
mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika.

Mga Akdang Pangwika


Arte Y Reglas de la Lengua Tagala – Sinulat ni Padre blancas de San jose at isinalin ni
Tomas pinpin noong (1610).

Compendio de la Lengua Tagala – Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong (1703).

Vocabulario de la Lengua Tagala –Kauna-unahang talasalitaan sa tagalong na sinulat ni Padre


Pedro de San Buenaventura noong (1613).
Vocabulario de la Lengua Pampango – Unang aklat pangwika sa Kapampanga na sinulat ni
Padre Diego Bergano noong (1732).

Arte de la Lengua Bicolana – Unang aklat pangwika sa bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa
noong (1754).

Arte de la Lengua Iloka –Kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisko Lopez.

Mga Unang Aklat


Doctrina Christiana – Kauna-unahang aklat na nalimbag sa pilipinas pamamagitan ng
silograpiko.

Taon ng pagkakalathala: 1593

May-akda: Padre de Plancencia at Padre Domingo Nieva.

Nilalaman: Pater noster, Ave Maria, Regina Caeli, Sampung Utos ng Sta. Iglesya Katoliko,
Pitong kasalanang Mortal, Pangungumpisal at katesismo.

Nuestra Senora del Rosario – Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas

Taon ng pagkakalathala: 1602

May-akda Padre Blancas de San Jose

Nilalaman: Talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot sa relihiyon.

Barlaan at Josaphat –Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas na batay sa mga sulat sa Griyego
ni San Juan Damasceno.

Taon: (1780), Salin ni Padre Antonio de Borja.

Urbana at Felisa –Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa.

Padre Modesto de Castro – Sinulat ng tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog”.

Pasyon – Aklat na natutungkol sa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing


Mahal na araw.
Nagkaroon ng apat na bersiyon:

Version de Pilapil (Mariano Pilapil)

Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen)

Version de La Merced (Aniceto de la Merced)

Version de Guia (Luis de Guia)

(850) Ang tauo hanggang mayaman marami ang kaibigan Cung mahirap na, ang buhay si batii’t,
titigan.

(851) Gayon ngani itong mundo magdaraya, t, walang toto pangimbolo, i, nanalo sa calolowa
nang tauo.

Tandang Basio – Sinulat ni Padre Miguel Lucio Bustamante isang paring pransiskano.

Mga Dalit kay Maria – Ni Padre Mariano Sevilla, isang paring Filipino humalaw siya sa mga
awit na “Mesa de Maggio” (Buwan ng mayo). Pagpaparangal at pagpupuri sa Mahal na Birhen.

Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng
mga mamayanan noong panahon ng mga Espanyol. Naging usapin ang wikang panturong
gagamitin sa mga Filipino. Inutos ng Hari na gamitin ang wikang katutubo sa pagtuturo hindi
namn ito nasusunod.

Gobernador Francisco Tello de Guzman – Nagmungkahi na turuan ang mga indio ng wikang
Espanyol.

Carlos I at Felipe II – Naniniwalang kailangang maging bilinggwal ang mga Filipino.

Carlos I – Iminungkahing ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol. Sa huli,
napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang katutubo ang ginagamit nila
samantalang napalayo sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang gamit nila.

Haring Felipe II –Muling inutos ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo noong ika-2 ng Marso, 16, 1634.

Carlos II – Lumagda ng isang dikreto na inuulit ang probisyong nabanggit na kautusan.


Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito.

Carlos IV – Lumagda ng isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat
ng paaralang itatag sa pamayanan ng mga indio noong 29 Disyembre 1972.

You might also like