You are on page 1of 9

COURSE MODULE Don Carlos Polytechnic College

MODULE WEEK NO.2

Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon


Telephone Number: 09362264300

College of Education/Teacher Education Department


LIT 1: Mga Anyo ng Kontemporaryong panitikang Pilipino
Semester of A.Y. 2020-2021

Introduksiyon
Ang Panitikang Filipino nang panahon ng Kastila ay nagsimula lamang ng opisyal na maitatag ni
Legaspi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1565. Mahigit sa 3 daang taong namalagi at
lumaganap ang Panitikang Filipino sa Kastila.
Rationale
Ang modyul na ito ay naglalaman ng Panitikan sa Panahon ng Kastila.

Intended Learning Outcomes

A. Nasusuri ang layunin ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas.


B. Nakagagawa ng isang sanaysay patungkol sa Panitikan sa Panahon ng Kastila.
C. Nakabibigay ng mahahalagang ideya sa Panitikan sa Panahon ng Kastila.

Activity
Gawain: Gumawa ng sanaysay tungkol sa Panitikan sa Panahon ng Kastila.
Diskusyon

PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA


Layunin sa Pananakop
1. Pangunahing dahilan ay ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo o
Katolisismo.
2. Ang pangalawang dahilan ay pagpapayaman. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga ibang
bansa sa kanluran ay nananalakay ng mga bansa sa Asya at sa Aprika.
3. Ang pangatlo naman ay ang pagpapalakas ng kapangyarihan. Ang espanya ay naging
mayaman at makapangyarihang bansa noong ika-15 at ika-16 na daang taon.

Katangian ng Panitikan sa Panahon Yaon

 Sapagkat ang pangunahing layunin ng mga kastila’y magpalaganap ng pananampalatayang


katolisismo ay ang edukasyong ibinigay sa mga Pilipino’y ballot ng mga araling
panrelihiyon. Unti- unti nilang pinalitan ang dating pananampalatayang pagano. Ang dating
Alibata ay hinalinhan nito ng Alpabetong Romano. Kaya’t masasabing ang unang misyonero
sa Pilipinas ay tapat sa kanilang tungkuling maka-Diyos.
 Gayon din naman ang kanilang panitikang dinala sa Pilipinas. Karamihan ay panrelihiyon,
pangkagandahang asal at pangwika. Ang mga uri ng panitikang lumaganap ay mga awit,
corrido, duplo, karagatan, comedia, moro-moro, cenakulo, at sarsuwela.
1
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.2

Ang Panitikang Pilipino nang panahon ng kastila ay nahahati sa tatlong yugto:

1. Panitikan sa ilalim ng Krus at Espada ng Espanya


2. Panitikan sa paggising ng damdaming makabayan
3. Panitikan sa panahon ng himagsikan

Mga Akdang Panrelihiyon:

1. Doctrina Cristiana (1593) – ito ang kauna-unahang aklat na panrelihiyon na nalimbag sa


pamamagitan ng silograpiya sa Pilipinas. Isinulat ito nina Juan de Plasencia at P. Domingo
de Nieva.
2. Nuestra Senora del Rosario (1602) – ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas. Ito ay
isinulat at inilimbag ng sariling kamay ni Padre Blancas del San jose sa Limbagan ng
Pamantasan ng Santo Tomas.
3. Barlaan at Josaphat (1708) – isang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja mula sa Griyego. Ito ang kauna-unahang nobelang tagalog kahit saling
wika lamang.
4. Pasyon
5. Dalit kay Maria – Si Padre Mariano Sevilla, isang paring Pilipino ang sumulat nitonoong
1865.

Mga Akdang Pangwika:

1. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala (1610) – sinulat ni Padre Blanca de San Jose at
inilimbag ni Tomas Pinpinang kauna-unahang manlilimbag na Pilipino.
2. Vocabulario de la Lengua Tagala (1754) – sinulat nina Padre Juan de Noceda at Padre
Pedro Sanlucar na bokubularyong pinakatanyag.

Panitikan sa Paggising ng damdaming makabayan

Noong Pebrero 17, 1872 ang tatlong paring marter na sina Burgos, Gomez at Zamora ay
binitay sa garote. Ditto nabuhay ang damdaming makabayan ng Pilipino. Nagging makabayan ang
dating diwang makarelihiyon, na humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng mga tauhan ng
pamahalaan at simbahan. Nakilala ito sa bansag na Kilusang Propaganda, kung saan ang
pangunahing sandata nila ay panulat.

Mga Hangarin ng “Kilusang Propaganda”

1. Pagpapantay ng Pilipino at Kastila sa harap ng baraas


2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
3. Ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya
4. Gawing Pilipino ang kura paroko
5. Kalayaang pangkatauhan nsa mga Pilipino, gaya ng kalayaan sa pamamahayag, sa
pananalita, sa pagtitipon at pagpupulong, at sa paghingi ng katarungan sa kaapihan.

2
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.2
Panitikan sa panahon ng himagsikan

Ang mapayapang paghiling ng reporma sa pamahalaan ay nagwakas sa paghihimagsik dahil


sa mga Pilipinong higit na mapusok at may paniniwalang kailangan ng bayan ay hindi reporma
lamang kundi ganao na kalayaan.

Mga Panitikan

TULA

Mga Unang Tulang Tagalog


Bago dumating ang mga kastila ay walang tiyak na kaanyuan ang tula. Masasabing ang unang
tulang Filipino’y ang mga bugtong, salawikain, sawikain, at kasabihan. Si Tomas Pinpin ang unang
naglathala ng tulang napapaloob sa kanyang aklat na “Librong Pag-aaralan ng Wikang Castila”. Ang
isang tula naman ay isinulat naman ni Pedro Suarez Ossorio ng Ermita, Maynila noong 1617 na
tumutukoy sa Panginoon.

Mapapansing ang mga paksa ng mga unang Tagalog ay panay na panrelihiyon at magkasama
ang dalawang wika, ang Tagalot at Kastila sa tula. Ito ang tinatawag nilang “Ditso” noong panahong
iyon.

Ayon kay Juan F. Burgos, isang talasanggunian sa panitikang Iloko, mayroong isang daang
tula, animpung nobena, apatnapu’t dalawang awit ang naisulat sa Iloko. Kasama sa talang ito ay
ang:

 Doctrina Cristiana (na isinalin ni Padre Francisco Lopez)


 Pasion Mahal ni Jesucristo (ni Padre Agustin Mejia)
 Sermones Morales (ni Padre Guillermo Sebastian)
 Novena de Nuestra Señora de la Caridad ni (Padre Juan Bautista Arenas)

Sa bisaya naman mayroong epiko at moro-moro o comedia. Sa Bikol, maraming naisulat na akdang
panrelihiyon.

Mga Manunulat at Makata sa Panahon ng Kastila

1. Fernando Bagongbanta – isa sa unang makatang Tagalog, Bataan. Siya ang tumulong kay
Padre Blancas de San Jose sa pagpapalimbag ng Artes y Reglas. Ang tula niyang natuklasan
ng mga mananaliksik ay ang “Salamat nang Walang Hanggan.” Ito’y nasusulat sa Tagalog at
Kastila.
2. Cecilio Apostol – siya ay isang pangunahing makata, mananaysay, tagasalin, at editor sa
wikang Español. Noong 1899, sumama siya sa La Independencia na itinatag ni Antonio
Luna. Nakapagsulat siya sa mga pahayagang nasyonalistiko tulad ng La Patria, La
Fraternidad, La Democracia, El Renaciemento, at La Union.
3. Padre Francisco de Buencochillo – isang pareng Agustino, ang unang paring Kastilang
siyang nag-aral ng panulaang Tagalog. Ang kanyang sinulat na ito’y ang “Ang Arte Poetico
Tagala” Natagpuan ito ni Wenceslao Retana at ipinalimbag sa Madrid noong 1896. Sa
akdang ito inilahad ang sining ng pantigan at aliw-iw ng tulang Tagalog.
4. Pedro Suarez Ossorio – Isang Filipino na nagmula sa Ermita. Siya ay isa sa mga unang
3
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.2
makatang ladino na nagsulat at naglathala ng tula. Ang kanyang tula ay pianamagatang,
“Salamat ng Ualang Hoyang” at nalathala sa aklat na “Explicacion de la doctrina christiana
en lengua tagala” (1627) ni Padre Alonzo de Santa Ana. Gianmitan niya ito ng dalit, o may
sukat na wawaluhin at ng panawagan bilang isang estratehiyang panretorika.
5. Tomas Pinpin – itinuring na “Ama ng Paglilimbag” dahil siya ang unang nakilala na
manlilimbag noong ipinasok ng mga Espanyol sa Pilipinas ang imprenta. Siya ay isang
makatang ladino at makikita ito sa kanyang libro na pinamagatang, “Librong pag-aaralan ng
mga Tagalog ng uicang Castila” (1610). Ito ang unang aklat na inilimbag at isinulat ng isang
Filipino.
6. Fernando Marie Guerrero – kilala rin sa mga sagisag-panulat na Artistipo, Augusto,
Belisario, Rosas, Belik-en, Efrain, Erasmo, Ferdy, Flavio Graco, Florestain, Flo risel, Fluvio
Gil, Gil Rosas, Hector, Isagani, Kiko Kuku, Lakan-Dula, Luciano, O’Fredann, Oscar,
Othello, Ra-dames, Romeo, Tristan, at Virgilio. Siya ay isang makata, mananaysay, abogado
at poligloto na nagging mahalagang bahagi ng ginintuang panahon ng panitikang Español sa
Filipinas mula 1890 hanggang 1940. Tinagurian siyang Prince of Philippine Lyric Poetry.
7. Jesus Balmori – Itinuturing na isa sa pangunahing makata ng Filipinas sa wikang Español,
halos buong buhay ni Jesusu Balmori ay nagugol sa pagsusulat.kilala din siya sa alyas na
“Batikuling” na ginagamit sa pagsulat ng kolum na “Vida Maniliña” sa La Vanguardia na
nagtatanghal sa buhay Filipinosa nakatatawang paraan bago magkadigma.

Mga Uri ng Tulang Nalimbag sa Panahon ng Kastila

a. Dung-aw – isang makalumang tula ng mga Ilokano at mga Igorot. Ito’y isang paawit na
inaawit nilang panaghoy ng isang namatayan. Inaawit ito samantalang naka burol ang pata.
Ito ay may malayang taludturan.
b. Kantahing bayan – ang mga kantahing bayan ay totoong laganap sa Pilipinas. Bago pa
lamang dumating ang mga Kastila’y mayroon nang mga awiting bayan ang mga Pilipino at
ang mga ito’y isinalin nila sa mgta sumusunod na salin lahi.ang mga kantahing bayan ay
bunga ng kulturang Silangan at Kanluran. Ilan sa halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
1. Kundiman – Awit ng Pag-ibig
2. Panghehele ng bata – (Pangasinan)
3. Balitaw – awit sa paghaharana
4. Panghahanapbuhay – (Tagalog) “Magtanim ay Hindi Biro”
5. Paninitsit – (Pampango)
6. Colado – (Tagalog) Awit sa mga taong hindi inaanyayahan sa kainan
7. Panunukso – (Tagalog) awit ng mga bata kung nagtutuksuhan
8. Pangangaluluwa – (Tagalog) awit sa araw ng mga patay
9. Panunuligsa – (Tagalog) awit laban sa mga babaeng masasagwa
10. Pananapatan – (Tagalog) Panghaharana sa Tagalog. Awit ng mga binate sa dalang
pinipintuho.

c. Metrical Romance (Tulasinta) – tulang pasalaysay na mahirap makilala sa kaibahan sa


epiko. Ang uiri ng tulang ito ay lumaganap sa Europa sa pagitan ng ika-11 at ika-14 na
dantaon. Ito ay dinala ng mga Espanyol sa ating bansa. Ang mga pangunahing tauhan dito ay
karaniwang nabibilang sa lipi ng mga maharlika at nagiging isang bayani.
d. Corrido – ayon kay Trinidad P. H. Tavera, ang salitang “corrido” ay nanggaling sa salitang
“currido” ng Mchiko na nanggaling naman sa Kastila. Ang salitang “currido” ay
nangangahulugan ng kasalukuyang mga balita sa Mchiko. Dito sa Pilipinas ang “currido”
4
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.2
ang nangangahulugan ng tulang tuluyan tungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan,
at pananampalataya ng mga tauhan.

Ang mga manunulat ng mga currido ay sina Jose de la Cruz, (Joseng Sisiw), AnaniasZorilla,
at Francisco Baltazar. Ang mga sinulat nilang “corrido”ay ang mga sumusunod:

1. Ibong Adarna
2. Don Juan Tinoso
3. Doce Juan Tinoso
4. Rodrigo de Villa (ni Jose dela Cruz)
5. Bernardo del Carpio (ni Jose dela Cruz)
6. Dona Ines ni Ananias Zorilla
7. Ang Haring Patay
8. Principe Orentis

e. Dalit – isang uri ng tulang liriko na karaniwan ay pangrelihiyon. Isinusulat ito para sa
layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwang ipinaparating sa Diyos, sa isang
tao o maliwanag na ehemplo. Ito rin ay may kahalong pilosopiya sa buhay.
f. Epiko – isang uri ng tulang pasalaysay na kung saan ikinukwento ang isang seryosong paksa
na mayroong mga detalye ng kabayanihang gawa at mga makabuluhang kaganapan sa isang
kultura o bansa.
g. Balagtasan – sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Marjures sumilang
ang uring ito ng panulaang tagalog. Ang kauna-unahang balagtasan ay ay pinaglabanan ng
mga makatang sina Jose Corazon de Jesus at Florante T. Collantes na may paksang
“Paruparo at Bubuyog”.

MAIKLING KUWENTO
Naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nagiiwan ng
kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa.

Mga Bahagi:
1. Simula – lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng
mambabasa. Kinapalooban nito ang mga sumusunod:
a. Pagpapakilala sa tauhan
b. Pagpapahiwatig ng suliraning kaharapin ng mga tauhan
c. Pagkaintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento
d. Paglalarawan ng tagpuan
2. Tunggalian – ang pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha dahil ito ang nagbibigay
daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga
pangyayari.
3. Kasukdulan – sa bahaging ito unti unting naalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito
natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay.
4. Wakas – naiihatid ng may akda ang mensahe sa bahaging ito, sa wakas ng kwento.

Sangkap ng Maikling Kuwento


a. Tagpuan – tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
b. Tauhan – ang nagbibigay buhay sa kuwento.
c. Banghay – ito ang pagkasunod sunod ng mga pangyayari.
5
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.2
d. Tema o paksa – ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan
ng akda.

Uri ng Maikling Kuwento


1. Kuwento ng katutubong kulay – binibigyang diin ang kapaligiran, pananamit ng mga
tauhan, uri ng pamumuhay at hanap buhay ng mga tao sa nasabing pook.
2. Kuwento ng pakikipagsapalaran – nasa balangkas ng pangyayari ang kawilihan o interes
sa kuwentong ito.
3. Kuwento ng kababalaghan – mga di kapani-paniwalang bukod pa sa mga katakutan ang
siyang daan ng kuwentong ito.
4. Kuwento ng tauhan – ang interes ng diin ay nasa pangunahing tauhan.
5. Kuwento ng katatawanan – ang diin kuwentong ito ay magpatawa at bigyang aliw ang mga
mambabasa.
6. Kuwento ng pag-ibig – tungkol sap ag-ibig
7. Kuwento ng kapaligiran – ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga sa lipunan, kadalasan
patungkol sa kalikasan.
Bago paman dumating ang mga kastila, mayroon na tayong abilidad sa sining at panitikan. Batay sa
kasaysayan, dalawa ang nagging paraan ng mga kastila sa pananakop:
a. Ang pagamit ng krus
b. Ang pagamit ng espada

Ang mga kastila ang nagpakilala ng titik romano. Mayroon ng mga salaysay tungkol sa mga anito,
laman lupao anumang di kapani paniwalang salaysay ng bunga ng guni guni.

 Kanana- sumibol noong dumating ang mga kastila dito sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga
alamat at engkanto.
 Kwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa – layunin nila ay mapalaganap ang
kristiyanismo.
 Parabula – naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Halimbawa: ang mabuting
samaritano.
 Lumitaw din sa panahong kastila ang kuwentong “MAKAMISA” ni Dr. Jose Rizal.
 Tuluyan na ngang naalis ang paggamit ng matandang paraan ng pagsulat.
 Sa panahong ito humina ang pagsulat ng maikling kuwento.

Mga Nakilalang Maikling Kuwento At Manunulat Noong Panahong Kastila

 Paksang pananampalataya
 Mga hari reyna, prinsipe’t prinsesa

a. Doctrina Christiana – pinakaunang aklat na nailimbag


b. Successos Felices – pinakaunang news letter
c. Del superior Govierno – pinakaunang pahayagan sa bansa
d. La Solidaridad – nalathala ang mga pahayagan propagandista sa pinangunahan ng La
Solidaridad

Dahil mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag –
panulat
Ang mga sinulat ni Rizal sa panahong ito:
6
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.2
a. Hingil sa katamaran ng mga Pilipino
b. Sa mga kabataang dalaga sa Malolos

SANAYSAY

Nang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagsikap ang mga mananakop sa tulong ng mga pari
na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika na maaring ituro sa mga katutubo.

Mga Halimbawa ng Sanaysay nang Panahon ng Kastila


Mula kay Jose Rizal:
1. Sobre la Indonecia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)
2. Filipinas Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)

Mula kay Marcelo H. del Pilar:


1. Ang Cadaquilaan nang Dios
2. Fray Butod
3. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
4. Liwanag at Dilim

NOBELA

Ang nobelang Tagalog ay iniluwal sa panahon ng mga Amerikano. Ito ay pinatutunayang produkto
na labas sa panahon ng pananakop ng mga kastila bagamat napakayaman sa impluwensiya ng
nasabing panahon. Walang maituturing na nobelang masining at makabuluhan na nasulat noong
panahon ng Kastila maliban sa NOLI at FILI ni Rizal na nasa wikang Kastila.

DULA

Ito ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o kilosang layunin


ng dula ay makapagbigay aliw sa mga manonood.

Sangkap ng Dula
1. Tauhan
2. Sulyap sa suliranin
3. Saglit na kasiglahan
4. Tungalian
5. Kasukdulan
6. Kakalasan
7. Kalutasan

Kasaysayan ng Dula sa Panahon ng Kastila

Dumating ang mga kastila sa bansa taglay ang tatlong 3Gs (God, Gold, Glory). Dumating
sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang
lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdagng kanilang nasasakop.

Mga Uri ng Dula sa Panahon ng Kastila

7
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.2
1. Duplo – isang madulang pagtatalong patula.
2. Karagatan – ito ay larong ipinalalabas bilang pang-aliw sa mga naulila.
3. Tibag – ito ay pagsasadula ng paghahanap ng krus sa pinagpakuan kay Kristo nina Reyna
Elena at Prinsipe Constantino.
4. Karilyo – isang dulang ang mga magsisiganap ay mga tau-tauhang karton.
5. Cenaculo – isang dulang naglalarawan ng buong buhay hanggang sa muling pagkabuhay ng
ating Panginoong Hisukristo.
6. Moro-Moro – nagsimula noong ika-17 daang taon, nan gang mga Pilipinong Kristiyano at
Pilipinong Muslim ay madalas magsagupa sa paglalaban.
7. Santacruzan –isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores se
Mayo.
8. Panunuluyan – isang kaugaliang Kristiyano ng mga Filipino na nagtatanghal ng masalimuot
na paglalakbay nina Santo Jose at Birheng Maria mula sa Nazareth patungong Bethlehem
upang maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesukristo.

Exercise
Gawain : - Tignan ng mabuti ang diyagram. Punan ng mga mahahalagang ideya na
may kaugnayan sa paksang ibinigay.

PANITIKAN SA
PANAHON NG
KASTILA

Assessment
Gawain: Gumawa ng sariling tula na may kaugnayan sa “Panitikan sa Panahon ng Kastila.

Reflection
Sagutin ang katanungan:

1. Mahalaga ba ang ginampanan ng mga Espansyol sa buhay nating mga Pilipino? Bakit?

Resources and Additional Resources

8
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.2
 Marasigan, E. (2015). Pinayamang Pluma 10. Quezon City: Phoenex Publishing House
Inc.
 Panganiban, J. V., Panganiban, C. T., & Matute, G. E. (1987). Panitikan ng Pilipinas.
Qoezon City: Bede’s Publishing House.
 Rodell, Paul A. (2002). Culture ang customs of the Philippines. Westport, CT
 Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006). “Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore. Lungsod
ng Quezon.
 Salazar, L. (1995). Panitikang Filipino. 3rd Edition. Katha Publications.
 Suaco, C. P., Papa, N. P., & Sta, A. N. S. (2004). Panitikan ng Pilipinas: (panrehiyon)
 Suante, S. (n.d.). Ang Kasaysayan ng Maikling Kwento.

9
Crafted by Mariel Bandada

You might also like