BSN 2 - A Prof. Lerma Casubuan February 12, 2021 Pangalawang Gawain KABANATA 2: Panahon ng Kastila
Ilagay ang mga PAKSA at NATUTUNAN sa KABANATA 2
Paksa: Kaligirang Kasaysayan
Natutunan: Sa araling ito napagtanto at nalaman ko ang ilan sa mga pangyayari noong pnahon na sakupin ang ating bansa ng mga Kastila. Simula sa pagsasalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan kung saan pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna- unahang Kastilang gobernador- heneral. Dito nagsimula ang panitikan ng mga tao. Nalaman kong ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila. Tila mahabang pagsasalaysay kung buong kasaysayan ang aking isasaad, kung kay ang mga importanteng pangyayari na aking natutunan lamang ang aking isasama. Paksa: Mga Pagbabagong Naganap sa Buhay ng mga Pilipino Natutunan: Hindi man madetalye ang paksa ngunit napapasaloob dito ang mga importante at katandtandang parte ng pagsakop ng Kastila at sa kung paano ang nagging daloy noon sa historya. Natutunan kong noon ay nagsimula ang pagpapalaganap ang relihiyong Katolika Apostolika Romana. Kasama ang onti- onting pagpapalawak ng ng mga Kastila sa hanapbuhay na pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain sa pamamagitan ng paggamit sa likas na yaman ng bansa. Nalaman ko rin na si Villalobos ang nagpasya ng ngalang “Felipinas” o “Felipenas” bilang parangal kay Haring Felipe II. Kasam din sa pangyayari and=g pagkilala sa mga pangalang Lakandula, Magat Salamat, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang, Palaris, Manong Pule, at iba pa. Dahil sa dami ng nasakop ng Kastila, kasama ang bansa, umunlad ang kabuhayan dahil sa tuwirang pakikipagkumersiyo ng Espanya at Europa. Nang dahil den sa pananakop ay natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo at Papa. Paksa: Mga Katangian ng Panikitan noong panahon ng Kastila Natutunan: Maraming katangian ang napapaloob sa panitikan ng ating bansa sa panahon ng Kastila, ngunit ito ang nagibabaw at nakapukaw ng aking atensyon at kaalaman. Tulad ng ibang panitikan, ang atin ay may sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, kurido, pasyon, duplo, karagatan, kumedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling-wika. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad, o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong kastila. Mapapansin na halos lahat ay malayo sa nakasanayang panatikan noong wala pang impluwensya ng mga Espanyol. Paksa: Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino Natuunan: Marahil halos lahat ng akda at panitkang ating ginagamit sa panahong ito ay nagmula sa impluwensya ng mga Espanyol. Aking nakalap na isang malaking dahilan ang pagsakop ng mga Kastila kung bakita malawak ang transisyon at pagbabagong tunay ng ating nagging panitikan. Una ay, ang Alibata na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino ay napalitan ng titik o alpabetong Romano. Malawak ang nagging impluwensya ng pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon, sapagkat nagging laganap din ang Kristyanismo sa bansa. Marami din ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong iyon. Kung saan ang mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino. Nadagdag din sa aking kaalaman ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo sa bansa kung saan ay naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro- moro at iba pa.naging parte ng ating panitikan din ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya. Ilan sa mga ito ang natalakay sa aming asignatura, na tila nakakaenganyo at nakakapukaw ng atensyon sapagkat isa ito sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng bansa. Paksa: Mga Akdang Panrelihiyon Natutunan: kasam sa aming mga aralin at presentasyon ang mga akdang panrelihiyon, kung kaya’t ito ay aking nagustuhan at natutunan. Ang ilan sa mga natalakay ay ang Doctrina Christiana na kung saan ito ay ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas sa panahong 1593. Sumunod ang Nuestra Senora Del Rosario na ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong panahong 1602. Kasama din ang Barlaan at Josaphat, ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Ang isa pa ay ang Urbana at Felisa, kung saan naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang- asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. Ilan lamang ito sa mga nailimbag sa ating bansa na mayroong importansya ng relihiyon sa bansa. Paksa: Mga Dulang Panrelihiyon Natutunan: Ito ang paksang aming binahagi sa klase kung kaya’t isa ito sa mga nagging gamy naming paksa. Simple lamang ang detalye ng bawat dula, at natutunan kong bawat isa ay mayroong kanya’kanyang importansya at halaga. Ang una ay ang Panunuluyan at ito ay isang dulang tinatanghal sa lansanganna tungkol sa paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Joseph sa Bethlehem. Ang sunod ay Dalit kung saan ay may ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag- awit bilang handog sa Birheng Maria bilang pagbibigay pugay at diwang. Kasama din ang Senakulo, at ito ay tanyag dahil isa itong dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo. Madami pa ang nakapaloob dito, ngunit masyadong mahab kung itatalakay pa ngunit, napkaganda ng paksang ito dahil repleksyon ito ng kultura natin na mayroon impluwensya ng mga Kastila. Paksa: Mga Akdang Pangwika Natutunan: Maraming nakapaloob dito na tila may mga komplikadong titulo sapagkat ay nakalimbag padin sa lengwaheng Espanyol, ngunit Malaki at nagging ambag ng mga ito sa ating panitikan. Isang halimbawa ay ang Arte Y Regalas de la Lengua Tagala na sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610. Ito ay tanyag dahil sa anyo nitong laman. Isa pa samga kilala ay ang Compendio de la Lengua Tagala, kung saan inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703. Ang panghuli na aking nalman ay ang Vocabulario de la Lengua Tagala na kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613. Magandnag matutunan ang mga akdang pangwika sapagkat malawak ang ambag nito sa ating panitikan.