You are on page 1of 5

TAKDANG ARALIN # 2

1. Sino si Miguel Lopez de Legaspi, Ruy de Villalobos, Gob. Jose Basco,


Narciso Claveria, Frank Laubach at Sinibaldo de Mas?
2. Ibigay ang mga layunin ng Espanya sa kanilang pananakop.
3. Ibigay ang mga impluwensya ng Kastilla sa Panitikang Filipino.
4. Ano ang unang aklat Pangrelihiyon nalimbag sa pamamagitan ng
silograpiko at ibigay ang nilalaman nito.
5. Ipaliwanag ang ibang aklat pangrelihiyon at ang nilalaman ng bawat
isa ayon sa kahulugan.
6. Ipaliwanag ang kahulugan ng Awit Korido, Duplo, Karagatan, Tibag,
Dalit, Panunuluyan, Karilyo, Pananapatan, Moro - Moro,
Pangangaluluwa, Sarzuela, Awiting Bayan, Kantahing Bayan at
Panubong.
7. Ibigay ang mga aklat Pangwika

MGA SAGOT:

1.
- Si Miguel Lopez de Legaspi na kilala rin sa tawag na El
Adelantado (Ang Gobernador) at El Viejo (Ang Nakatatanda) ay isang
nabegador ng Espanya at ang nag silbing unang gobernador sa Pilipinas
mula noong 1565 hanggang sa kanyang kamatayan. Itinatag niya rin ang
lungsod ng Maynila na naging kabisera ng bagong kolonya ng Espanya at
pangunahing port ng kalakalan sa Espanya sa Silangang Asya.

- Si Ruy de Villalobos ay isang eksplorador na nagbigay ng


pangalang Las Islas Filipinas o "Filipinas" (Ang Kapuluan ng Pilipinas) para sa
arkipelago ng sinaunang Pilipinas noong 1564. Naglayag siya
sa Pasipiko mula Mehiko (Bagong Espanya) para magtatag ng bagong
kolonya para sa Espanya sa Silangang Indies, na malapit sa Linya ng
Demarkasyon (o paghahati) ng Portugal noong 1543.

- Si Gob. Jose Basco ay naglingkod bilang ika-44


na Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas, noong panahon ng
kolonyalismong Espanyol. Namuno siya ng siyam na taon
mula 1778 hanggang 1787. Di katulad ng ibang gobyerno sa panahon,
itinuon ni Vargas ang kaniyang pansin sa ekonomiya kaysa sa militar.
Pinalaya niya rin ang koloniyang Pilipinas mula sa kapangyarihan ng Bagong
Espanya (ngayon ay Mehiko). Ipinangalan para sa kaniya ang Basco,
Batanes. Bilang gobernador-kapitan (gobernador-heneral) ng Pilipinas,
inilunsad niya ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Economic
Society of Friends of the Country, o Lipunang Ekonomiko ng mga Kaibigan ng
Bansa. Binuksan niya ang bansa sa mga dayuhang mangangalakal, na
nakasanhi sa paglago ng ekonomiya.

This study source was downloaded by 100000818181940 from CourseHero.com on 06-15-2022 22:42:47 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/83611769/Takdang-Aralin-2docx/
- Si Narciso Clavería ay isang opisyal ng hukbong
panlupa ng Kastila na naglingkod bilang isang Gobernador-Heneral ng
Pilipinas magmula Hulyo 16, 1844 hanggang Disyembre 26, 1849. Noong
panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas, tinangka niyang mabigyan
ang kapuluan ng isang pamahalaan na katulad ng sa makabagong Espanya.
Naglakbay siya sa maraming mga lalawigan na sinusubukang matutunan ang
mga pangangailangan ng mga Pilipino. Hinikayat niya ang pagsasagawa
ng agrikultura, pagpapainam ng mga lansangan at ng mga pook na sub-
urbano ng Maynila at nagtagumpay siya sa pagtulong sa bansa. Nabigyan
siya ng pamagat na Konde ng Maynila. Ang mga bayan
ng Claveria sa lalawigan ng Misamis
Oriental, Claveria sa lalawigan ng Masbate, at Claveria na nasa lalawigan
ng Cagayan ay ipinangalan mula sa kaniya bilang parangal

- Si Frank Laubach ay isang kongregasyong Kristiyanon na nagturo sa


Union Theological Seminary sa Columbia University, at isang mistiko na kilala
bilang "The Apostol to the Illiterates." Noong 1915, habang nagta-trabaho
kasama ang mga Muslim sa liblib na lugar sa Pilipinas ay nabuo niya ang
“Every One, Teach One” na programa para sa pag-basa at pag-sulat.

- Si Sinibaldo de Mas ay isang kilalang diplomata ng pamahalaan ng


Espanya sa Asya noong ika-19 siglo. Bilang adbenturero at makata,
sinimulan niya ang potograpiya sa Pilipinas noong 1841.

2. May tatlong layunin ang Espanya sa kanilang pananakop.

Una, ang Pagpapalaganap ng Kristiyanismo - Bahagi ng kanilang


misyon sa pananakop ng mga lupain ay ang pagpapalaganap ng Katolisismo
hindi lang sa Europa kundi na rin sa buong mundo.

Pangalawa, ang ating Kayamanan - Itinuturing na kayamanan ang mga


lupaing nasakop sapagkat napakikinabangan nila ang yamang tao at
kalikasan nito. Ilan sa mga halimbawa ang merkantilismo, encomienda at
polo y servicious.

At pangatlo, para sa Karangalan at Kapangyarihan - Itinuturing na


karangalan ng mga mananakop na bansa ang pagkakaroon ng mga kolonya
o mga sakop na lupain.

3. Ang mga impluwensya ng mga Kastila sa Panitikang Filipino ay ang


mga sumusunod:

- Ang “Alibata” na ipinagmamalaki na kauna-unahang abakadang


Filipino na nahalinlan ng alpabetong Romano.

This study source was downloaded by 100000818181940 from CourseHero.com on 06-15-2022 22:42:47 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/83611769/Takdang-Aralin-2docx/
- Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristina na kinasasaligan ng mga
gawang makarelihiyon.

- Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon.


Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.

-Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito


na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, korido, moro-
moro, at iba pa.

- Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa


Tagalog at ibang wikain.

- Ang pagkakalathala ng iba’t-ibang aklat na pambalarila sa wikaing


Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano, at Bisaya.

- Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga


panahong iyon.

4. Ang unang aklat na nalimbag ay ang Doctrina Christiana noong


1593. Ito ay aklat nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo
Nieva. Nakasulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng
mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang
mortal, pangungumpisal at katesismo. Ito ay mayroong 87 na pahina
lamang.

5. Ang iba pang aklat pang-relihiyon ay ang:

- Nuestra Senora del Rosario na ikalawang aklat na nalimbag sa


Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at
nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas. Ito ay
naglalaman ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa
relihiyon.

- Barlaan at Josaphat na aral na tunay na totoong pag-aakay sa tao,


ng mga kabanalang gawa ng mga maluwalhatiang Barlaan at Josaphat
na isinulat noong 1780 na batay sa mga sulat sa Griyego ni San Juan
Damasceno.

- Urbana at Felisa na aklat na sinulat ni Modesto de Castro.


Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at
Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na
ito kaya’t malaki ang nagawang impluwensiya nito sa kaugaliang
panlipunan ng mga Pilipino.

- Pasyon na aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo.

This study source was downloaded by 100000818181940 from CourseHero.com on 06-15-2022 22:42:47 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/83611769/Takdang-Aralin-2docx/
Binabasa ito tuwing mahal na araw. Nagkaroon ito ng apat na bersyon
at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsulat.

6. Awit – uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod


ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing
pantig at ang tradisyunal na dulong tugma ay isahan.

Korido – ito ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig


sa taludtod at nagtataglay ng mga paksang kababalaghan at
malaalamat na karamiha’y hiram at halaw sa paksang Europeo na dala
rito ng mga Espanya.

Duplo – ito ay larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa


bilang paglalamay sa patay.

Karagatan – ito ay itinuturing na matandang anyo ng panitikan.


Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat ng
padula at ginagampanan ng mga tauhan.

Tibag – isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni


Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.

Dalit – ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig


kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang
tugmaan.

Panunuluyan – ito ay isang dulang tinatanghal sa lansangan na


tungkol sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at Santo
Jose sa Bethlehem.

Karilyo – ang pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong karting


hugis-tao sa likod ng kumot na puti na may ilaw. Habang pinapagalaw
ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng salaysay gaya ng korido,
awit, dulang pangrelihiyon o alamat.

Pananapatan – ito ay ang panghaharana.

Moro – Moro – itinatanghal sa entablado tuwing araw ng Pista upang


magdulot ng aliw. Itinatanghal nito ang pag-aaway ng mga Muslim at
Espanyol.

Pangangaluluwa – dulang pangrelihiyon na isinasagawa tuwing Araw


ng mga Patay. Bisperas pa lang ay gumagala na ang mga kaluluwa at
bumibisita sa mga bahay-bahay at humihingi ng limos habang
kumakanta.

Sarzuela – komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog.

This study source was downloaded by 100000818181940 from CourseHero.com on 06-15-2022 22:42:47 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/83611769/Takdang-Aralin-2docx/
May tatlong yugyo at naghihinggil sa mga punong damdamin ng tao-
pag-ibig, kapopootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan o suliraning
panlipunan o pampulitika.

Awiting Bayan – ay awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang


ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.

Kantahing Bayan – ito ay nagpapakilala ng iba’t-ibang pamumuhay


at pag-uugali ng mga tao at mga kaisipan at damdamin ng bayan.

Panubong – mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o


kapistahan. Masasaksihan ito sa Quezon at Marinduque.

7. Ang mga aklat pang-wika ay ang mga:

- Arte y Regalas de la Lengua Tagala – sinulat ni Padre Blancas de


San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.

- Compendio de la Lengua Tagala – inakda ni Padre Gaspar de San


Agustin noon 1703.

- Vocabulario de la Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa


Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.

- Vocabulario de la Lengua Pampango – unang aklat na pang-wika


na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.

- Vocabulario de la Lengua Bisaya – pinakamahusay na aklat pang-


wika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.

- Arte de la Lengua Bicolana – unang aklat pang-wika sa Bikol na


sinulat ni Padre Marcos Lisboa noog 1754.

- Arte de la Iloka – kauna-unahang balarilang Ilokona isinulat ni


Francisco Lopez.

This study source was downloaded by 100000818181940 from CourseHero.com on 06-15-2022 22:42:47 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/83611769/Takdang-Aralin-2docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like