You are on page 1of 4

ANG PANULAAN SA PANAHON NG KASTILA

ANG MGA UNANG TULANG TAGALOG


- Sa kabila ng pagkakaroon ng mga tulang may temang panrelihiyon ay nagkaroon ng apat na
taong tanyag sa pagtula. Ito ay sina Fernando Bagonbanta, Tomas Pinpin, Felipe de Jesus, at
Pedro Suarez Osorio.

ANG MGA AWIT AT KURIDO


- Ang pinakalaganap na halimbawa ng Awit ay ang Florante at Laura ni Francisco Baltazar na
tinaguriang “Prinsepe ng Makatang Tagalog.”

FRANCISCO BALTAZAR
- Ang kanyang Florante at Laura ay maliwanag na katibayan ng pagkakaangkop ni Balagtas sa
kanyang panahon, na nagsilang ng mga kamalayan sa sarili.

- Si Balagtas ay ipinanganak noong ika-2 ng Abril 1788, sa Pangingay, Bigaa, Bulacan. Ang
kanyang ina ay si Juana dela Cruz at ang ama niya ay si Juan Baltazar.

- Naging katipan niya si Maria Asuncion Rivera noong 1935 at naging inspirayon niya ngunit
hindi sila nagkatuluyan dahil siya ay may mayaman at makapangyarihang karibal na si
Mariano Kapule. Ipinahuli si Balagtas ng walang kasalanan at habang siya ay nasa bilangguan
ay ikinasal sina Kapule at Maria. Sa bilangguan nga isinilang ang akda niyang “Florante at
Laura.”
- Noong 1938 ay nakalaya siya at nakilala si Juana Tiambeng. Sila ay nag-ibigan at nagpakasal.

a. Florante at Laura – ito ay ang kasaysayan ng pag-ibig nina Florante at Laura na punung-puno
ng pakikipagsapalaran na sinira ni Adolfo, ang kontrabida sa kasaysayang ito. Ang akdang ito
ay may natatagong pagtuligsa sa pamahalaang Kastila. Dito ay inilalarawan niya ang iba’t
ibang uri ng kasamaan ng mga Kastila.

b. Ibong Adarna – ito ay tungkol sa paglalakbay at pakikipagsapalaran ng tatlong prinsepe na


naghahanap sa isang ibong makagagamot sa sakit ng kanilang amang hari.

c. Panubong o pamutong – isang magandang kaugaliang mula sa Marinduque. Ito ay isang


mahabang tula ng pagpaparangal o pagahahandog sa isang may nagdaraos ng kaarawan o
kapistahan o kung may pinararangalang panauhin. Isang halimbawa nito ay ang pagpuputong
kay Cory Aquino noong ika-9 ng Marso, 1986.

MGA KATUTUBONG DULANG TAGALOG

a. Karagatan – isang anyong patula ng dula na ginagampanan ng mga mambibigkas,


na
nakikilahok sa pagtula. Ito ay batay sa kasaysayan ng pagkawala ng singsing ng isang dalaga
at tatangkaing hanapin hanggang matanggap niya ito.

b. Duplo – ito ay nagtataglay ng katangiang higit na pandulaan kaysa karagatan. Ang labanan
dito ay napatutungkol sa belyakang pinatatamaan at may mga belyakong magsisitindig upang
ito’y ipagtanggol. Nangangailangan ito ng maraming kalahok.

c. Karilyo – ang palabas na ito ay mapapanood sa pamamagitan ng mga tau-tauhang yari sa


karton na pinagagalaw ng di-nakikitang tao sa kabila ng tabing.

d. Senakulo – ito ay ang pagsasadula sa naging buhay at kamatayan ng ating Panginoong


Hesukristo. Pasyon itong isinasadula.
e. Tibag – ang kasaysayan ay tungkol sa paghahanap ni Emperatriz Elena sa krus
na
kinamatayan ni Hesukristo.

f. Panunuluyan – ito ay napatutungkol sa paghahanap ng matutuluyan nina Maria sa oras ng


kanyang panganganak. Makikita rito ang matutuluyan nilang silungan ng mga tupa. Pagsapit
ng alas dose ay makikita ang belen, isang sabsaban kung saan isinilang si Hesus kasama ang
iba pang mga tauhan.

g. Salubong – ito’y prusisyon na ginaganap sa madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay.


Nagbabadya ito ng pagtatapos ng Kwaresma at simula ng Pasko ng pagkabuhay.

h. Moro-moro/Komedya – ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa kaharian, ang


mga
nagsisiganap ay pawang maharlika. Ang Florante at Laura, Prisepe Rodante ay isang Moro-
moro.

i. Sarsuwela – isang komedyang may kasamang awit at tugtog. Ang karaniwang paksa nito ay
tungkol sa pag-iibigan, paghihigante, kasakiman, kalupitan, kalungkutan at mga suliranin sa
politika. Sina Severino Reyes at Aurelio Tolentino ay mga kilalang sarsuwelaita.

ANG PANULAAN SA PANAHON NG PROPAGANDA

- Noong 1872, nagkaroon ng panibagong kilusan sa panitikan na maituturing na


isang
makasaysayang pangyayaring naganap sa Pilipinas.

- Masasabing makabayan at mapanghimasok ang naging tema ng uri ng panitikan sa panahong


ito sa dati’y nagbibigay-diin sa pananampalatayang Katolisismo.

- Ang mga nilalaman ng akda ay tungkol sa kalupitan ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
- Ang mga pangunahing manunulat sa panahong ito ay sina Rizal, Del Pilar, Jaena, Luna,
Paterno, Ponce at Poblete.
DR. JOSE RIZAL (1861 – 1896)

- Siya ang ating Pambansang Bayani. Ang buong pangalan niya ay Jose Protacio
Rizal Mercado y Alonzo Realonda.

- Ang mga sumusunod ay ang mga akdang patula ni Rizal:

o Me Piden Versos (Hinihingan nila ako ng Tula)- Pagdating ni Rizal sa Madrid ay


nakadama siya ng lungkot ku g kayat isinoulat niya ang tulang ito.

o El consejo de los Dioses ( Ang kapulungan ng mga bathala) – ito’y isang dulang
patalinhaga tiungkol sa paghanga niya kay Cervaantes.

o Mi Ultimo A Adios ( Ang huling Paalam ) – Itinuturing na obra maestro ni Rizal. Ito ang
kahulu huluiang naisulat na tula ni riza; bago ang kanyang eksikyusyon. Nakapallob ditto
ang kanyang mga huling habilin.
o Kundiman – Ito ay tula ni Rizal na nagpapahayag na ang baying inapi ay maililigtas din
pagdating ng panahon dumanak man ng dugo.

o Ala Juventud Filipina ( Sa kabatang Filipino ) ang tulang itoy nagsasaad na Malaki ang
tiwala ni Rizal na ang mga kabataan aang mag-uunlad sa bayan.

o Sa aking mga kababata – ito ay naisulat ni Rizal nang siya ay walaong taong gulang pa
lang .

o Me Piden Versos (Hinihingan nila ako ng mga tula) – pagdating ni Rizal sa Madrid ay
MARCELO H. DEL PILAR (1850 – 1896)

- Kinilalang pangunahing mamahayag ng kanyang panahon dahil sa pagkakatatag niya ng


Diaryong Tagalog noong 1882. Naging patnugot din siya ng La Solidaridad noong 1889. Siya
ay kilala sa sagisag na Plaridel, Piping Dilat, Pupdoh, Dolores Manapat.

GRACIANO LOPEZ JAENA (1860 – 1896)

- Itinuturing na pinakadakilang henyo ng Pilipinas. Isa siyang kritiko ng pahayagang Kastila –


Los Dos Mundos.
- Siya ang tinaguriang Demosthenes ng Pilipinas.

ANTONIO LUNA

- Isinilang sa Urbis, tondo, Maynila noong Oktubre 29, 1868. Isang parmasyotikong ipinatapon
sa Espanya nang magsimula ang rebolusyon.
- Ginamit niya ang sagisag na Taga-ilog sa kanyang mga akda. Siya rin ay naging patnugot ng
pahayagang La Independencia.
- ang kanyang mga akda ay Noche Buena, Divierten, Por Madrid, La Maestra De Mi Pueblo,
Todo Por El Estomago, La Tertulla Filipina, Impresyones.

MARIANO PONCE

- Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Marso 22, 1863. Nakasusulat ng mga akda gamit ang
tatlong wika.

Nagtatago sa sagisag na Tikbalang, Nanding, Kalipulako.


- Siya ang tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng kilusang
propaganda.
- Ilan sa mga akda ni Ponce ay ang Mga Alamat ng Bulakan, Pagpuot kay Longino, Sobre
Filipinas, Ang mga Pilipino sa Indo Tsina, Ang Oaniyakan sa Kilusang Propaganda

PEDRO SERANO LAKTAW

- Pangunahing mason na kasama ni Luna na umuwi sa Pilipinas.


- Ang Lohiyang Nilad ang kanyang itinatag.
- Ang kanyang Estudios Gramaticales at Sobre La Lengua Tagala ang pinagbatayan ni Lope K.
Santos ng Balarila ng Wikang Pamabansa.

JOSE MARIA PANGANIBAN

- Siya kilala sa pagkakaroon ng Memoria Fotografica. Ang mga sumusunod ay ang mga tulang
naiambag ni Panganiban: A Nuestro Obispo, Noche de Mambulao. Ang Lupang Tinubuan, Sa
Aking Buhay.

PEDRO PATERNO

- Kauna-unahang Pilipinong manunulat na nakalaya sa mahigpit na pagbabawal sa panitikan sa


panahon ng propaganda.
- Napapabilang siya sa tatlong panahon, Propaganda, Himagsikan, at Amerikano.
- Ang mga sumusunod ay ang mga akda niya: Ninay, Sampaguita y Poesias Varias,
El Cristianismo y La Antigua Civilizacion Tagala, A Mi Madre.

PASCUAL POBLETE

- Tinaguriang Ama ng Pahayagan dahil sa di matatawarang pagganap sa larangan


ng pamamahayag. Pinamatnugutan niya ang El Resumen.
- Ang pinakadakilang ambag ni Poblete ay sa panitikan ay ang kauna-unahang salin ng Noli Me
Tangere sa wikang Tagalog.
- Ang iba pa niyang akda ay ang mga sumusunod: Salin ng nobelang Ang Konde ng Monte
Kristo ni Alexander Dumas, Lucrecia Triciptino, Salin ng Buhay ni San Isidro Labrador ni
Francisco Butina, Ang Kagila-gilalas na buhay ni Juan Soldado, Ang Manunulat sa Wikang
Tagalog.

ISABELITO DELOS REYES

- Isang mamamahayag, manananggol, manunulat at pinuno ng mga manggagawa.


- Itinatag niya ang Iglesia Filipina Independencia. Nagtamo siya ng gantimpala sa ekposisyon sa
Madrid sa kanyang kathang El Folklore Filipino.
- Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang sumusunod: Las Islas Visayas En La Epoca de la
Conquista, Historia de Ilocos, La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina.

FERNANDO CANON
- Siya ay kaklase ni Rizal sa Ateneo Municipal de Manila.

Pagsasanay:

1. Ivedyo ang sarili habang binibigkas ang tula na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal bago ang
kanyang eksikykusyon na “ Ang Hulung Paalam”.
Kasoutan: uniporme
Lokasyon: Labas ng Tahanan
*Lagyan ng background instrumental Music.
2. Saliksikin, alamin at pag-aralan ang mga akda/tula na isunlat nina:
b. Amado V. Hernandez
c. Jose dela Cruz

You might also like