You are on page 1of 13

Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay

itinuring na isang teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946.

Sinakop ng mga Amerikano ang Bansang Pilipinas dahil:


1.Mayaman ang bansang ito sa mga likas na yaman.
2.Gusto nila itong gawing imbakan ng mga materyales.
3.Sentrong pamilihan.

Noong masakop ng mga Amerikano ang Pilipinas,nagpatupad sila ng mga patakaran at


batas na may maganda at hindi magandang dulot sa mga Pilipino.

Unang - unang ipinatupad ng Pangulo ng mga Amerikano na si William Mckinley ang


BENEVOLENT ASSIMILATION na nanagahulugan ng "Mapagpalayang Asimilasyon".
 Ang Thomasites ay tawag sa mga gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas sakay ng
barkong US Army Transport Thomas noong 21 Agosto 1901.

 Isa sa naging layunin ng mga mananakop na Amerikano sa bansa noon ay ang isulong ang
kanilang konsepto ng edukasyon sa mga Pilipino. Inatasan nila ang mga sundalo upang
maging mga unang gurong Amerikano sa bansa. Nagtayo rin sila ng mga paaralan.

 Gayunman, isa sa mga maituturing na pinakamalaking kaganapan sa kasaysayan ng


edukasyon sa Pilipinas ay ang pagdaong ng barkong US Army Transport Thomas noong 21
Agosto 1901. Sakay ng barkong ito ang 540 guro mula US na ang layunin ay
makapagbahagi sa mga Pilipino ng kanilang kaalaman sa iba’t ibang asignatura. Tinawag
ang mga guro na Thomasites dahil sa pangalan ng barkong nagdala sa kanila.
 Ang masiglang kilusan sa larangan ng panitikan ay nagsimulang mabasa sa mga sumusunod na
pahayagan:
1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) Itinatag ni Rafael Palma noong 1900
 MGA DULA:
 Kahapon, Ngayon at Bukas- sinulat ni Aurelio Tolentino. Naglalahad ng panlulupig at tangka nila
na sakupin ang Pilipinas.
 Tanikalang Ginto- ni Juan Abad
 Malaya- ni Tomas Remegio
 Walang Sugat- ni Severino Reyes
 TATLONG PANGKAT NG MGA MANUNULAT:
1).PANITIKAN SA KASTILA
A. Cecilio Apostol- may tulang handog kay Rizal, Jacinto, Mabini at halos lahat ng mga
bayani ng lahi.
B. Fernando Ma. Guerrero- pinamagatang “Crisalidas” (Mga Higad)
C. Jesus Balmori- kilala sa sagisag na “Batikuling”, nahirang bilang “poeta
laureado” sa wikang Kastila dahil tinalo niya si Manuel Bernabe.
D. Manuel Bernabe- isang makatang liriko at ang sigla ng kaniyang
damdaming makabayan ay hindi nagbabago sa alin mang paksang
kaniyang sinusulat.
D. Claro M. Recto- hindi nagpapahuli sa katayugan at kadakilaan ng pananalita sa wikang
Kastila. “Bajo Los Cocoteros”(Sa Lilim ng Niyugan)
 IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA:
1. Adelina Garrea- kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas. Nagkamit siya ng
gantimpalang “Premyo Zobel” sa kanyang tulang “El Nido”.
 2. Isidro Marpori- napantanyag sa kaniyang apat na aklat “Aromasde Ensuenso” (Halimuyak
ng Pangarap)
 3. Macario Adriatico- sumulat ng magandang alamat ng Mindoro “La Punta de Salto” (Ang
pook na Pamulaan)
 4. Epifanio de los Santos- nakilala sa tawag na “Don Panyong”.
 Ipinalalagay na magaling na mamumuno at mananalumbuhay sa buong panahon ng panitikang
Kastila.
 5. Pedro Aunario- sumulat ng Decalogo del Protocionismo
 PANITIKANG TAGALOG
 Ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas at “Urbana at Felisa” ni Modesto de Castro ang
naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa tagalog.
Inuri ni Julian Cruz Balmaceda sa tatlo ang mga makatang Tagalog:
1. Makata ng Puso- kinabibilangan nina Lope K. Santos, Inigo Ed Regalado, Carlos Gatmaitan,
Pedro Gatmaitan, Jose Corazon de Jesus, Cirilo H. Panganiban, Deogracias del Rosario,
Ildefonso Santos, Amado V. Hernandez, Nemecio Carabana, Mar Antonio, atbp.
2. Makata ng Buhay- pinangungunahan ni Lope K. Santos, Jose Cprazon de Jesus, Florentino
Collantes, Patricio Mariano, Carlos Gatmaitan, Amado V. Hernandez, atbp.
 3. Makata ng Dulaan- nangunguna sina Aurelio Tolentino, Patricio Mariano, Severino Reyes,
Tomas Remegio, atbp.

 Sa panunulat ng maikling katha na nagsimulang lumabas sa mga pampitak na “Panandaliang


Libangan” at “Dagli” nahanay sina Lope K. Santos, Patricio Mariano, Rosauro Almario atbp.
Sa pahayagang “Liwayway” naman sina Deogracias Rosario, Teodoro Gener, Cirio H, Panganiban,
atbp.
Naging tanyag na nobelista o mangangathambuhay sina Valeriano Hernadez, Lope K. Santos, Inigo
Ed Regalado, Faustino Aguilar, atbp.
 TALAMBUHAY AT MGA INAKDA NG ILANG MANUNULAT:
 LOPE K. SANTOS- nobelista, makata, mangangatha, mambabalarila sa tatlong panahon ng
panitikang Tagalog: Amerikano, Hapones at bagong panahon.
Kung si Manuel L. Quezon ang “Ama ng Wikang Pambansa”, siya naman ang “Apo “ ng mga
mananagalog. Ang nobelang “Banaag at Sikat” ang kaniyang pinaka-obra-maestra.
 JOSE CORAZON DE JESUS- kilala sa sagisag na “Huseng Batute”. Tinagurian ding “Makata ng
Pag-ibig”. “Ang Isang Punong Kahoy” na tulang elehiya ang ipinalalagay na kaniyang obra-
maestra.
 FLORENTINO COLLANTES- isa ring batikang duplero tulad ni Batute. Unang makatang tagalog
na gumamit ng tula sa panunuligsang pampulitika sa panahon ng Amerikano. Kilala sa sagisag
na “Kuntil Butil” at ang kaniyang obra-maestrang “Lumang Simbahan”.
 AMADO V. HERNANDEZ- tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa” sa dahilang nasasalamin sa
kaniyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Isang Dipang
Langit, Mga Ibong Mandaragit, Luha ng Buwaya, Bayang Malaya, Ang Panday. Ang kanyang obra-
maestro ay ang tulang “Ang Panday”.
 VALERIANO HERNANDEZ PENA- kilala sa tawag na “Tandang Anong” at “Kintin Kulirat”. “Nena at
Neneng ang kaniyang obra-maestro.
 INIGO ED REGALADO- tanyag na manunulat noong at kilala sa sagisag na “Odalager”.
 MGA DULANG TAGALOG:
 1. Severino Reyes- “Ama ng Dulang Tagalog”, may-akda ng walang kamatayang dulang “Walang
Sugat”
 2. Aurelio Tolentino- ipinagmamalaking mandudula ng mga Kapampangan. “Luhang Tagalog” ang
kanyang obra-maestra at ang “Kahapon, Ngayon at Bukas’ na siya niyang ikinabilanggo.
 3. Hermogenes Ilagan- nagtayo ng samahang “Compana Ilagan” na nagtanghal ng maraming dula
sa kalagitnaang Luzon.
 4. Patricio Mariano- sumulat ng nobelang “Ninay” at “Anak ng Dagat” na ipinalalagay na kanyang
obra-maestro.
 5. Julian Cruz Balmaceda- sumulat ng “Bunganga ng Pating”. Ito ang nagbigay sa kanya ng higit
na karangalan at kabantugan.
 ANG NOBELANG TAGALOG- Lope K. Santos, Valeriano Hernandez Pena, naging dakila rin
namang nobelista sina Faustino Aguilar at Inigo Ed Regalado.
 ANG MAIKLING KUWENTONG TAGALOG-
1. Kuwentong Ginto- napalathala noong 1936(Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo, may 25
na pinakamabubuting kuwento.
2. Ang 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista noong 1939. (Pedrito Reyes, Ang Parolang
Ginto ni Clodualdo del Mundo at Talaang Bughaw ni Abadilla ay napatanyag din nang panahong
ito.
 IBA PANG PANITIKANG FILIPINO
 PANITIKANG ILOKANO
1. Pedro Bukaneg- “Ama ng Panitikang Iloko”
2. Claro Caluya- “Prinsipe ng Makatang Ilokano”. Kilala siya sa pagiging makata at nobelista.
3. Leon Pichay- kinikilalang ‘pinakamabuting bukanegro” isa ring makata, nobelista, kuwentista,
mandudula at mananaysay.
 PANITIKANG KAPAMPANGAN
1. Juan Crisostomo Soto- “Ama ng Panitikang Kapampangan”.
Ang salitang “Crisotan” na nangangahulugang balagtasan ay hinango sa kanyang pangalan.
2. Aurelio Tolentino- Ang kanyang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay isinagawa niya ng salin “Napon,
Ngeni at Bukas”
 PANITIKANG BISAYA
 1. Eriberto Gumban- “Ama ng panitikang Bisaya”. Nakasulat siya ng sarsuela, moro-moro at mga dula
sa Bisaya.
 2. Magdalena Jalandoni- “Ang mga Tunuk San Isa Ca Bulaclac”
 PANITIKANG FILIPINO SA INGLES
1. Jose Garcia Villa- pinakatanyag na manunulat, kilala sa sagisag na “Doveglion”.
2. Jorge Bacobo- mananalaysay at mananalumpati
3. Zoilo Galang- sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “A Child
of Sorrow”
4. Angela Manalang- “April Morning”
5. Zulueta de Costa- nagkamit ng unang gantimpala”Like the Molave”
6. NVM Gonzales- “My Islands” at “ Children of the Ash Covered Loom” – isinalin sa iba’t ibang wika sa
India
7. Estrella Alfon- pinakamabuting manunulat na babae sa Ingles bago magkadigma.
8. Arturo Rotor- “The Wound and the Scar” – kauna-uanahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild

You might also like