You are on page 1of 29

KALIGIRANG

KASAYSAYAN

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay
nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa
atin nang higit sa tatlong daang taon.
Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12
ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin
ng kalayaan. Nahirang si Hen. Emilio
Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng
Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang
ito’y naging panandalian lamang sapagkat
biglang lumusob ang mga Amerikano.
KALIGIRANG
KASAYSAYAN

Nagkaroon ng digmaang Pilipino-
Amerikano na siyang naging sanhi ng
pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong
1903. Gayun pa man, ang kilusang
pagkapayapaan ay nagsimula noon
pang 1900.
MGA KATANGIAN NG
PANITIKAN

Hangaring makamit ang kalayaan
Marubdob na pagmamahal sa bayan
Pagtutol sa kolonyalismo at
imperialismo
DIWANG NANAIG SA
PANAHONG ITO

Nasyonalismo
Kalayaan sa pagpapahayag
Paglawak ng karanasan
Paghanap at paggamit ng bagong
pamamaraan
MGA IMPLUWENSIYA SA
PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

Pagpapatayo ng mga paaralan
Binago ang sistema ng edukasyon
Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
Ipinagamit ang wikang Ingles
Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng
pamahalaan
Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
MGA PAHAYAGAN SA PANAHON
NG
AMERIKANO

EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig
ng Bayan) – itinatag ni Pascual Poblete noong
1900
EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) –
itinatag ni Sergio Osmena noong 1900
EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) –
itinatag ni Rafael Palma noong 1900
Manila Day Bulletin – 1900
3 PANGKAT NG
MANUNULAT

Maka-Kastila
Maka-Ingles
Maka-Tagalog
MGA DULANG
IPINATIGIL

KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat
ni Aurelio Tolentino
TANIKALANG GINTO – ni Juan Abad
MALAYA – ni Tomas Remegio
WALANG SUGAT – ni Severino Reyes
PANITIKAN SA KASTILA

Cecilio Apostol
 Isang abogado at makata


 Kinilala siya sa Espanya at Latin
Amerika bilang “the greatest
Filipino epic poet in Spanish”.
 Tubong Santa Cruz, Maynila,
isinilang siya noong 22 Nobyembre
1877. 6 silang magkakapatid at siya
ang pangatlo mula sa panganay.
Ang kanyang mga magulang ay
sina Jose Pablo Apostol at Marcelina
delos Reyes.
 Sumulat ng mga tulang handog sa
mga Bayani. Ipinalagay na ang
kaniyang tulang handog kay Rizal
ang pinakamainam na papuri.
“KAY RIZAL”
TULA NI CECILIO APOSTOL

Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat
Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan
na kinahihimbingan mo sa maluwalhating pangarap!
Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng inyong alaala,
mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo
upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.

Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay


tagapagligtas ng isang bayang inalipin!
Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan,
ang sandaling tagumpay ng Kastila,
pagka’t kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,
ang diwa mo nama’y gumiba ng isang imperyo!

Luwalhati kay Rizal! Ang ngalan niyang kabanalan


na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy
sa talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,
sa marmol ay buhay, at sa kudyapi’y kundiman.
Fernando Ma. Guerero
 Si Fernando Maria Guerrero ay isinilang noong


30 Mayo 1873. Siya ay anak nina Lorenzo
Guerrero, isang kilalang pintor at guro ng
Sining at Clemencia Ramirez, na may likas na
hilig sa musika. Nagtapos siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas.
 Namatay noong 12 Hunyo 1929 sa edad na 56
 Naging katolung siya ni Antonio Luna sa pag-
edit ng “ La Independencia”.
 Isa rin siya sa manunulat ng pahayagan “El
Nueva Dia” ni Sergio Osmena sa Cebu at ng
“Cultura Filipina “ sa Maynila
 Ginamit niya sa kanyang pagsusulat ang nga
sagisag- panulat na FULVIO, GIL, FLORISEL,
HECTOR, at TRISTAN.
 Tinipon niya ang pinakamagaling niyang Tula
sa aklat na “Crisalidas” (Mga Higad)
JESUS BALMURI

 isinilang sa Ermita, Manila noong 10 Enero
1887
 isa sa mga maaalam sa pampanatikan sa
salitang Espanyol. Siya ay nag-aral sa
Collegio de San Juan de Letran at sa
University of Santo Tomas
 namatay noong 23 Mayo 1948, dahil sa
kanser ng lalamunan.
 May sagisag –panulat na “BATIKULING”
 Nahirang na “Makatang Laureado” ng Sto,
Tomas noong 1943 dahil tinalo niya si
Manuel Bernabe sa balagtasan sa wikang
kastila sa paksang “Ell Recuerdo y El
Olvido”. Sa pakikipagtalastsan kay Balmori
ay higit na naibigan ng madla dahil sa
melodiya ng pananalita. Ipinagtanggol ang
“Olvido “ na nangangahulugang limot.
Manuel Bernabe

 Isinilang noong ika-17 ng Pebrero,
1890
 Isang makatang liriko,
mamamahayag, politiko, at
mambibigkas sa wikang Kastila at
Latin
 Anak nina Timoteo Bernabe at Emilia
Hernandez
 Nagsimulang mag-aral sa Ateneo de
Manila at nagtapos sa Unibersidad ng
Sto. Tomas
 9 taon gulang - nagsimulang magsulat
ng mga berso sa wikang Kastila; 14
taong gulang - bumibigkas na sa
wikang Latin
Mga akda ni Bernabe:

Cantos El Tropico
Prefil de la Cresta
No Mas Amor Que El Tuyo
El Imposible
Canta Poeta
Castidad
Mi Adios a Ilo-ilo
Espana en Filipinas
Claro M. Recto

 Isinilang sa Tiaong, Tayabas (ngayon
ay Quezon) noong 8 Pebrero 1890
 Anak nina Claro Recto Sr. at Micaela
Mayo
 Nagtapos ng abogasya sa Unibersidad
ng Sto. Tomas
 Naging kolumnista ng pahayagang La
Vanguardia
 Sagisag panulat: Aristeo Hilario
 Sa gulang na 21, nalimbag ang Bajo
Los Cocoteros

IBA PANG MANUNULAT
SA WIKANG KASTILA

1. Adelina Gurrea – kauna-unahang makatang babae sa
Pilipinas na magaling sa Kastila; sumulat ng El Nido
2. Isidro Morpori – ang kanyang akda ay Aromas Del
Ensueno (Halimuyak ng Pangarap)
3. Macario Adriatico – ang kanyang akda ay La Punta De
Salto (Ang Pook na Pamulaan)
4. Efifanio Delos Santos – nakilala sa tawag na Don
Panyong; kilala bilang mahusay na mananalambuhay
5. Pedro Aunario – sumulat ng Decalogo Del
Protocionismo
PANITIKAN SA TAGALOG

"Florante at Laura" ni Francisco
Balagtas at "Urbana at Felisa" ni
Modesto de Castro

- ang naging inspirasyon ng mga


manunulat sa Tagalog.
JULIAN BALMACEDA

Inuri niya sa tatlo ang makatang
tagalog
1. Makata ng Puso

Kinabibilangan nina Lope K. Santos, Iñigo
Ed. Regalado, Carlos Gatmaitan, Pedro
Gatmaitan, Jose Corazon de Jesus, Cirio H.
Panganiban, Deogracias del Rosario,
Ildefonso Santos, Amado V. Hernandez,
Nemecio Carabana, Mar Antonio, atbp.
2. Makata ng Buhay

 Pinangungunahan nina Lope K.
Santos, Jose Corazon de Jesus,
Florentino Collantes, Patricio Mariano,
Carlos Gatmaitan, Amado V.
Hernandez, atbp.
3. Makata ng Dulaan

 Nangunguna sa hanay nito ang mga
pangalan nina Aurelio Tolentino,
Patricio Mariano, Severino Reyes,
Tomas Remegio, atbp.

 ·Sa panunulat naman ng maikling katha na
nagpasimulang lumabas sa mga pampitak na
"Panandaliang Libangan" at "Dagli" nahanay rito ang
mga pangalan nina Lope K. Santos, Patricio Mariano,
Rosauro Almario, atbp.
 ·Sa pahayagang "Liwayway" naman ay sina Deogracias
Rosario,Teodoro Gener, Cirio H. Panganiban, at atbp.
 ·Naging tanyag namang nobelista o
mangangathambuhay sina Valeriano Hernandez Peña,
Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Faustino Aguilar,
atbp.
LOPE K. SANTOS

Ang nobelista, makata, mangangatha, at
mambabarila sa tatlong panahon ng panitikang
Tagalog: panahon ng Amerikano, ng mga
Hapones, at bagong panahon.
"Apo" ng mga mananagalog, sa kay Manuel L.
Quezon na " Ama ng Wikang Pambansa".
Ang nobelang "Banaag at Sikat" ang siyang
ipinalalagay na kaniyang pinaka-Obra-Maestra.
"Pagtatapat" ay isang tulang malimit niyang
bigkasin sa tuwing hihingan siya ng tula.
FLORENTINO COLLANTES

isa ring batikang "duplero" tulad ni Batute.
siya ang unang makatang Tagalog na
gumagamit ng tula sa panunuligsang
pampolitika sa panahon ng mga Amerikano.
kilalang-kilala siya sa sagisag na "Kuntil
Butil".
obra maestra ay ang "Lumang Simbahan".

You might also like