You are on page 1of 98

Ang Panitikan Sa

1899-1941
Ang Digmaan sa Manila Bay

George Dewey Patricio Montojo


May 1, 1989
Ipinagpatuloy ni ang

Ang Kasunduan sa Biak-na


Bato ( December 1897)

Nilisan ni Aguinaldo ang


Pilipinas (December 27, 1897)

May-June 1898
Proklamasyon ng
Kalaayan ng Pilipinas
June 12, 1898
Nilagdaan ang
Kasunduang Paris
August 13, 1898
Ang unang pagpatay sa
isang Pilipino
February 4, 1899
February 6, 1899
Ang Pagsiklab ng
Digmaan
Depensang Hunyo 14, 1899
Pilipino sa Tulay
ng Zapote
Pakikidigma sa Pasong
Trinidad
Disyembre 2, 1899
Marso 23, 1901 Pagdakip kay Emilio
Aguinaldo
Pagwawakas ng
Digmaan
Abril 16, 1902
Abril 19, 1898 Hen. Miguel Malvar
Mayo 1, 1898 Abril 16, 1902
Emilio Aguinaldo 1901 “ Batas ng Sedisyon”
Pebrero 6, 1899 1907 “Batas ng Watawat”
Hen. Gregorio Del Pilar Jose de Vergara “Makata
Marso 23, 1901 sa Wikang Kastila”

Mga Pangyayaring
Makasaysayan
Mga Katangian ng
Panitikan Sa Panahon ng
Amerikano
 Hangaring makamit ang Kalayaan

 Marubdob na pagmamahal sa bayan


 Pagputol sa Kolonyalismo at
Imperyalismo
Diwang Nanaig sa
Panahon ng Amerikano
 nasyonalismo
 Kalayaan sa pagpapahayag

 Paglawak ng karanasanan
 Paghanap at paggamit ng bagong
paraan
El Nuevo Dia – Sergio Osmena
El Grito Del Pueblo at Tinig ng
Bayan – P.Poblete
El Renacimento – Rafael Palma
Manila Day Bulletin - 1900

Mga Pahayagang
Makabansa
Tatlong Pangkat ng
Manunulat

Maka- Kastila
Maka-Inges
Maka- Tagalog
Mga Impluwensya Sa Pananakop
ng mga Amerikano
Pagpapatayo ng mga paaralan
Pagbabago ng Sistema ng Edukasyon
Pagpapaunlad ng kalusugan at kalinisan
Paggamit ng wikang Ingles
Pagpapalahok sa mga Pilipino sa
pamamalakad ng pamahalaan
Pagkakaroon ng Kalayaan sa pagpapahayag
ng may hangganan.
Mga Tampok na Makata sa Wikang
Kastila sa Panahon ng Amerikano
Makata Taguri Mga akda
Cecilio Apostle Mga pinakamabuting Mi Raza
tulang papuri kay rizal. El Comercio
Fernando Ma. Guerrero Unang hari ng panulaan Crisalidas
sa Kastila Aves y Flores
Jesus Balmori Batikuling; Tinaguriang El Recuerdo y el Olvido
pandaigdig na makata Mi Casa de Nipa
sa wikang Kastila
C.M Recto Kinilalang ganap na BajomLos Cocoteros
makata. Ante El Martir
T.H Pardo de Tavera Ang nagpasok ng mga El Alma Filipina
titik w at k sa Notas para una
ortograpiyang Tagalog. sartographia de
Pilipinas.
Bagong Panginoon
Sa unang panahon ng pananakop ng mga
Amerikano sa Pilipinas, ang mga Amerikano ay
nakatugon sa ilang kaluwagang hindi naipagkaloob
ng mga kura at prayle.

Nagpatayo sila ng mga paaralan, binago ang


sistema ng edukasyon, pinalahok ang mga Pilipino
sa pamamalakad ng pamahalaan, itinuro ang
kahalagahan ng kalusugan at pinagamit ang wikang
Ingles.
Sa kauna- unahang pagkakataon ang mga
Pilipino ay nagkaroon ng kalayaan sa pagsasalita at
pagkilos subalit may hangganan.

Ang panitikang Filipino sa panahong ito ay


nagsasalaysay ng pira-pirasong pangyayaring may
dugo at luha, ngitngit, panghihinayang at hangaring
makamit ang kasarinlan.

Ang mga patagong akdang- pampanitikan ng


tinalikdang panahon ay nahalinhinan ng hayagang
pagpapahayag ng tunay na damdamin at niloloob ng
mga manunulat.
Ang Pahayagan sa Panahon ng mga
Amerikano

Sa mga unang
taon ng pananakop
ng mga Amerikano,
lumabas ang:
El Nuevo Dia -
pahayagang itinatag ni
Sergio Osmeña sa Cebu
noong 1900.
El Renacimiento- itinatag ni Rafael Palma noong
1901, pahayagang Kastila.

Noong 1902, nagbukas ang El Renacimiento ng


dahong tagalog na tinawag na Muling Pagsilang na
pinamatnugan ni Lope K. Santos.
Ang dalawang pahayagang ito ay pinigil ng
mga Amerikano dahil sa isang habla ni Dean C.
Worcester, na noon ay kalihim ng interyor ng
pamahalaang Amerikano.

Diumano ay nakasisirang puri ang bahagi


ng pangulong tudling. Nang masara ang mga
naturang pahayagan, lumabas naman ang:

• El Debate
• Mabuhay
• Los Obreros
Noong 1901, ang mga Amerikano ay naglabas ng
sariling pahayagan sa Ingles: Manila Daily Bulletin
at Philipping Free Press.
Mga Makata sa Panulaang Kastila

Mula noong 1902 hanggang 1910, maraming


makatang Pilipino ang sumulat ng mga tula sa
wikang kastila.

Ang madalas na mga paksa ay mga tulang


papuri at paghanga kay Dr. Jose Rizal at pagdakila
sa bayan.
Ang lalong tumanyag ay sina:

• Cecilio Apostol
• Fernando Ma. Guerrero
• Jesus Balmori
• Manuel Bernabe
• Claro M. Recto

at marami pang iba, subalit ang ipinalalagay na


kauna- unahang makata sa kastila sa panahon ng
Amerikano ay si Jose De Vergara.
Cecilio Apostol
Isang abogado, naging piskal sa Maynila, at
mamamahayag sa pahayagang La Vanguardia.

Ang kanyang mga sinulat ay naglalaman ng


matinding pagmamahal sa bayan.

Sumulat din sya ng mga tulang papuri kay


Rizal, Mabini at Jacinto.
Ilan sa mga tulang isinulat ni Apostol ay:

• Patria (Inang Bayan)


• Invitacion (Paanyaya)
• A La Bandera (Sa Watawat)
• Los Martines Anonimos de la Patria (Mga
Hindi Nakikilalang Martir ng Inang Bayan)
• Sobre El Plinto (Sa Ibabaw ng Haligi)
Dalawang saknong ng tulang papuri ni Apostol
kay Rizal sa kastila na malayang sinalin ni Jose V.
Panganiban.

A Rizal (Kay Rizal)

Heroe inmortal, colose legendario!


Emerge del abismo del osario
en que duermes sueño de la gloria!
Ven! Nuestro amor, que tu recuerdo inflama,
de la sombrosa eternidad te llama
para cenir de flores tu memoria.
Duermo en paz en las sombras de la nada,
redentor de una patria esclavizada!
!No llores, de la tumba en el misterio,
del español el trumfo momotaneo
que si una bala destrozo tu craneo
tambien tu idea destrozo un imperio!!
!Gloria a Rizal! Su nombre sacrosanto,
que con incendios de Thabor illamea,
el la mento del sabio es lez de idea,
vida en el marmol y en arpa canto.
Salin sa Tagalog:

Bayaning walang kamatayan, kadakilaang


maalamat
Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan
na kinahihimbingan mo sa maluwalhating
pangarap!
Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng
iyong alaala,
mula sa madilim na wakang wakas ay tumatawag
sa iyo
upang putungan ng mga bulaklak ang iyong
gunita.
Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang buhay
tagapagligtas ng isang bayang inalipin!
Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan
ang sandaling tagumpay ng Kastila,
Pagkat kung pinasabog man ang utak mo ng isang
punglo,
ang diwa mo nama'y gumiba ng isang imperyo!
Luwalhati kay Rizal! Ang ngalan niyang kabanal-
banalan
na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy
sa talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,
sa marmol ay buhay, at sa kudyapi'y kundiman.
Fernando Ma. Guerrero
Tulad ni Apostol, si Fernando Ma. Guerrero ay
sumulat din ng mga tulang papuri at paghanga kay
Dr. Jose Rizal.

Siya ay naging kinatawan ng Kapulungang


Pambansa, guro at mamamahayag. Ang kanyang mga
tula atmy tinipon sa isang aklat na may pamagat na
Crisalidas (Mga Higad).

Ang kaniyang tulang In Peace (Sa Kapayapaan) ay


kababasahan ng isang marubdob na pagmamahal sa
mga bayani ng lahi.
Ang dalawang saknong ng tulang In Peace na
malayang isinalin sa Pilipino ni Rufino Alejandro.

In Peace (Sa Kapayapaan)

Martires, descansad! . . . Cuando la aurora


pinte en el cielo su sonris de grana
y tina con su luz la humeda tierra
dy vuestras sepulturas venerandas;
Los martires no mutieron; resucitan
dentro de sus sepuleros y del alma;
y si fueron en vida aves humildes,
son, cuando muertos, poderosas aguilas.
Salin sa Tagalog:

Mga martir, kayo'y magsipamayapa! Paglubog ng


araw
at ang pulang ngiti ay ipinapahid sa langit-kanluran
at kinukukayan ng kaniyang silahis ang kagalang-
galang
na lupang malamig na sa bangkay ninyo ay
pinagbaunan.
Walang kamatayan iyang mga martir sa
libingan nila
at sa kaluluwa'y muling nadurugtong
napugtong hininga
kung ibong mabait ang nakakatulad nang
buhay pa sila
Ngayong sila'y patay, ang nakahimbing ay
isang agila.
Jesus Balmori
Kinikilalang tagapagbandila ng panitikang
Filipino sa wikang Kastila. Bukod sa pagiging
makata, sya ay isa ring mamamahayag.

Siya ay naglingkod sa mga pahayagang La


Vanguardia at La Voz de Manila. Ang kanyang
Vida Manileña, isang tudling na pang-araw-
araw, ay sinubaybayan ng marunong bumasa ng
Kastila, at ginamitan niya ng sagisag-panulat na
Batikuling.
Ang kaniyang mga katipunan ng tulabay
tinipon sa isang aklat ng pinamagatang Mi Casa de
Nipa na nagtamo ng unang gantimpala sa
Timpalak Komonwelt noong 1938.

Noong 1920, nakatunggali niya sa Balagtasan sa


Kastila si Manuel Bernabe. Ang iba pang mga
katipunang aklat ni Balmori ay Rimas Malayas
(1904), Vidas Manilenas (1928), at Balagtasan (1937).
Isang tula sa Kastila ni Balmori na lumabas sa
pahayagang La Voz de Manila na malayang
isinalin ni Rufino Alejandro.

A Cristo (Kay Kristo)

Si nuestro vida es dolor


Para ilegar hasta ti,
De cuanto yo padeci.

Que valen estas supinas


Angustias de mi desvio
Con tu corona de espinas
Amor mio!
Mis miembros yacen exclavos
Del dolor de toa luz
Que es eso ante los clavos
Que te hirieron en la Cruz.
Llevo una cruz solitario
Cual si Llevara una flor,
Para seguir tu calvario
Señor, Divino Señor!

Asi aspiro que redimas


Mi alma incontante y falaz;
Ya que el dolor salvo a Dimas
Para siempre jamas.
Salin sa Tagalog:

Kung ang buhay mo'y isang kahirapan


Upang makarating, Poon, sa harap mo,
Sakit kong binata'y kapalad-palaran
Sa lahat ng sakit na dinaanan ko.

Ang lahat ng hirap na aking tiniis


Nang sa paglakad ko'y maligaw ng landas
Gaano na yaon sa piling ng tinik
Na naging putong Mo, O Poon kong liyag.
Bangkay kong hihimlay sa tiyan ng lupa'y
Alipin ng dusang di matapus-tapos
Ang hirap ng yao'y gaano na kaya
Sa pakong sumugat sa Iyo ng Krus!

Isang tanging kurus ang pasan-pasan kong


Parang ang dala ko'y bulaklak sa tangkay
Upang sundan kita sa iyong kalbaryo
sa Iyong kalbaryo, O Poon kong mahal.
Sa ganya'y luhog ko na Iyong tubusin
Yaring kaluluwa kong salawaha't lungay
Yayamang kay Dimas ay di ba hirap din
ang siyang nagligtas magpakailan pa man.
Fernando Ma. Guerrero
Siya ay naging kinatawan ng
Kapulungang Pambansa, guro at
mamamahayag. Ang kanayang mga tula ay
tinipon sa isang aklat na may pamagat na
Crisalidas ( Mga Higad ).

Ang kaniyang mga tulang In peace


(Sa Kapayapaan) ay kababasahan ng isang
marubdob na pagmamahal sa mga bayani
ng lahi.
Martires descandad! … Cuando la aurora
pinte en el cielo su sonris de grana
y tina con su luz la humeda tierra
dy vuestras sepulturas venerandas;

Los martiresno mutieron; resucitan


dentro de sus sepulcros y del alma;
y si fueron en vida aves humildes,
son, cuando muertos, poderasas aguilas

In Peace ( Sa Kapayapaan )
Salin sa Tagalog ni Rufino Alejandro

Mga martir, kayo’y magsipamayapa! Paglubog ng


araw, ata ang pulang ngiti ay ipinahid sa langit-
kanluran, at kinukulayan ng kaniyang silahis ang
kagalang-galang na lupang malamig na sa bangkay
niniyo ay pinagbaunan.

Walang kamatayan iyang mga martir sa libingan nila


at sa kaluluwa’y muling nadurugtong napugtong
hininga,
kung ibong mabait ang nakakatulad nang buhay pa sila,
ngayong sila’y patay, nakahimbing ay isang agila.

In Peace ( Sa Kapayapaan )
Jesus Balmori
Tagapagbandila ng Panitikang Filipino sa
Wikang Kastila. Bukod sa pagiging makat, siya ay
isa ring mamamahayag. Siya ay naglingkod sa mga
pahayagang La Vanguardia at La Voz de Manila.
Ang kanyang Vida Manilenia, isang tudling
na pang araw-araw, ay sinusubaybayan ng
maruning bumasa ng Kastila, at ginamitan nya ng
sagisag panulat na Batikuling.
Ang kaniyang mga sinulat ay tinipon sa isang
aklat na pinamagatang Mi Casa de Nipa na
nagtamo ng unang gantimpala sa Timpalak
Komonwelt noong 1938. Noong 1920,
Si nuestro vida es dolor
Para ilegar hasta ti, Que te hirieron en la Cruz.
De cuanto yo pedeci. Llevo una cruz solitario
Cual si Llavera una flor,
Que valen estas supinas Para seguir tu culvario
Angustias de mi desvio Senor, Divino Senor!
Con tu corona de espinas
Amor mio! Asi aspiro que redimas
Mi alma incontante y falaz;
Mis miembros yacen exclavos Ya que el dolor salvo a Dimas
Del dolor de toa luz Para y siempre jamas.
Que es eso ante los clavos

A Cristo ( Kay Cristo)


Salin sa Tagalog ni Rufino
Alejandro

Kung ang buhay mo’y isang kahirapan


Upang makararing, Poon, sa harap mo,
Sakit kong binata’y kapalad-palaran
Sa lahat ng sakit na dinaanan ko.

Ang lahat ng hirapna aking tiniis.


Nang sa paglalakad ko’y maligaw ng landas
Gaano na yaon sa piling ng tinik
Na naging putong Mo, O Poon kong liyag.

Bangkay Kong hihimlay sa tiyan ng lupa’y

Alipin ng dusang di matapus-tapos

A Cristo ( Kay Cristo)


Ang hirap ng yao’y gaano na kaya
Sa pakong sumugat sa iyo ng Krus!

Isang tanging krus ang pasan-pasan kong


Parang ang dala ko’y bulaklak sa tangkay
Upang sundan kita sa iyong kalbaryo
sa iyong kalbaryo, O Poon kong mahal.
Sa ganya’y luhog ko na iyong tubusin
Yaring kaluluwa kong salawaha’t lungay
Yayamang kay Dimas ay di ba hirap din
ang siyang nagliligtas magpakailanman pa man.

A Cristo ( Kay Cristo)


Manuel Bernabe
Ay Poeta Laurendo sa panulaang Kastila.
Ang mga tula ni Bernabe ay may iba’t ibang paksa
tulad ng pagbibigay puri sa Espanya, ukol sa
relihiyon, paglalarawan ng buhay, at mga tulang
pangkaisipan. Ang mga tulay nya ay tinipon sa
isang aklat na pinamagatang Cantos del Tropico
( Mga awit sa Tropico ).
No mas amor que el tuyo Pag-ibig Mo’y walang
kahambing
O Corazon Divino
O Pusong Maawain
El pueble Filipino
Kaya’t ang bayan namin
Te da su corazon
Sa’yo ang puso’y hain
En templos y en hogares
Sa simbaha’t tahanan,
Te invoque nuestra lengua
Ikaw ay tinatawagan
tu reinaras sin mengua
Maghari kang tunay
De Appari hasta Jolo
Sa Appari hanngang Jolo.

No Mas Amor Que El Tuyo


Claro M. Recto
Kinilalang ganap na makata sa panulaang Kastila. Siya ay
naging propesor sa batas, at su,ulat ng mga aklat ukol dito. Sa
gulang na 21, ang kanyang mga tula ay tinipon sa aklat na
pinamagatang Bajo los Cocoteros (Sa ilalim ng Niyugan).
Ang kaniyang dualng sinulat na nagtamo ng unang
gantimpala sa timpalak na binuksan ng El Renacimiento ay may
pamagat na La Ruta de Damaso (Ang Daan Patungo sa
Damasko) at ang Solo Entre La Sombras (Tanging Karimlan)
na nagtamo rin ng unang gantimpala sa timpalak na itinaguyod
ng Kapisanang Talia.
Narito ang tulang Mi Casa de Nipa, salin ssa Filipino ni
Inigo Ed. Regalado.
Halika kayo sa kuta ko, sa marupok na tahanan
Na pakiming nangungubli sa malalim sa sagingan
Masok kayo nang maingat, pawid lamang at kawayan,
ngunit siyang dambana ng ligpit kong pamumuhay.

Kahambung ng ilang marururnong na tumakas


Sa daigdig na magulo dito ako namumugad
At dito ko natagpuan ang Eden na naggawad
Ng pang-aliw sa diwa ko’t ng pag-asa sa pangarap.

Kasaliw ng alaala ako rito’y nagtatalik


Ng kasama’y mga ibon, saka araw na may init
At ang hanging tila baga sa kudyaping umaawit
At ang bangong nangaiwan ng yumaong panaginip.

Mi Casa De Nipa
At ang dalit sa kabukiran na hudyat ng dapithapon
Sa oras ng pagdalangi’t sa pagsapit ng orasyon
Tila baga nagdarasal, tila baga lumalangoy
Ng malungkot na awitan ng tumakas na panahon.

Ako rito kung abutin ng gabing may panambitan,


Sa ulilang pag-iisa ay para akong nananamnam
Ang tamis na malulugod na sandaling kaaliwan
Na hindi magbalik sa mabilis na paglisan.

Kung ang dusa’y nakabitin, tinutungo ko ang gubat


Ang aking guniguni’y punung-puno ng pangarap
Sa ilaw na mahiwaga ng tanawing namamalas
Ang diwa ko’y bumabata’t kay Bathala naaakyat.

Mi Casa De Nipa
Sa itaas ang lahat kong liwanag ay maningning
Nagbibigay ng kasiglahan sa matatag na mithiin
At sa aki’y wari namang nagsasabi’t nagtuturing
Ng lihim na mabibigat sa kabilang buhay natin.

Oh, sariwang kabataan! sawimpalad na hangaring


Sa diwa ko ay nag-iwan ng bakas ng panimdim
Noo’y nasa iyong labi ang hamog ng salimsim
At sariwang namumugad sa puso mo ang damdadmin.

Sa ilalim ng malunting mga dahon ng niyugan


Namumugad ang ligaya’t ang pighati’y tumatanan
Dito’y walang naghahari kundi pawang kapurihan
At ang imbing pagnanais sa puso’y walang puwang.

Mi Casa De Nipa
Ang pabulong na dalanging umaakyat hanggang langit
Na ang tanglaw ay pakurus na bituing sakdal dikit
Siya namang naghuhudyat ng lubos kong pananabik
Sa buhay na mapayapa, dakila at tahimik

Kapag aking narinig sa pagbubukang-liwayway


Ang awit ng mga ibon ayy nanagi sa isipan
na ang mundo’y hindi isang larangan ng luha’t lumbay
Manapa nga ang buhay ay ganap na kabutihan.

O, lungsod na siyang pugad ng maraming taong-ganid na siyang


nagpapaunlad sa kanilang imbing-nais
Ikaw’y walang kabuluhan sa ibon ng aking bukid
Ni rosas ng hardin kong mabulaklak at tahimik.

Mi Casa De Nipa
Halika kayo at pumasok sa hamak na aking bahay
Na masayang itinayo sa malilim na sagingan
Ang bahay ko kahit pawid at marupok na kawayan
Ay may yamang ihahandog; ang diwa nga aking bayan.

Mi Casa De Nipa
Mga Manunulat ng
Prosa o Tuluyan
sa Kastila
Mga manunulat ng Prosa
o Tuluyan sa Kastila
Ang mga manunulat ng prosa o tuluyan sa
Kastila ay kababakasan ng damdaming
makabayan, pangungulila sa Espanya, at
paghahangad ng kasarinln.
Ang mga Pilipinong manunulat ay nagsisulat
ng mga maikling kwento, sanaysay, pamumuna, at
iba’t iabngg lathalain. Ang mga napatanyag ay sina
Enrique K. Lagyo, Macario Adriatico, Epifanio
de los Santos, Trinidad H. Pardo de Tavera,
Rafael Palma, at Jaime C. de Vera.
Enrique Lagyo
Naglathala ng katipunan ng
maikling kwento na pinamagatang
Idolo Con Pies de Barro (Ang
Diyus-Diyosang May Mga Paang
Luwad). Ito ay nagtamo ng Premio
Zobel noong 1925.
Macario Adriatico
Batikang mananalumpati, siya ay naging
kinatawan ng unang Asemblea Filipina, at
naging patnugot ng Aklatang Pambansa.
Ang kaniyang pinakamahusay na alay sa
panitikang Filipino sa Kastila ay ang Alamat
ng Mindoro na may pamagat na La Punta
de Salto (Ang pook ng Pinagmulan).
Epifanio de los Santos
Mas kilala sa tawag na Don
Panyong. Ang karunungan nya ay
sinasabing parang ensayklopidya.
Kinikilalang pinakamahusay na
mamamuna, mananalaysay,
mananalambuhay, at mananaliksik ukol
sa bagay na Pilipino.
Trinidad H. Pardo
de Tavera
Naging patnugot ng Lupon ng Surian
ng Wikang Pambansa. Utang natin sa kanya
ang pagpapasok ng mga titik na w at k sa
otograpiyangg Tagalog na ginagamit ngayon.
Umabot sa 63 ang mga akdang naisulat ni Dr.
de Tavera, na isinalin sa iba’t ibang wika tulad
ng Aleman, Pranses, at Ingles.
Rafael Palma
Kapatid ng Ama ng Pambansang
Awit ng Pilipinas na si Jose Palma. Siya ay
sumulat sa mga pahayagang Revista
Catolica noong 1894, sa La Independencia
noong 1894, at sa El Nuevo Dia noong
1900. Siya ay naging direktor ng Academia
Filipina noong 1923, at naging pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanyang
mga akda sa larangan ng panitikan ay ang
Alma Mater, ang La Luneta, ang Historia
de Filipinas, at ang Biografia de Rizal.
Mga dulang Laban sa
mga Amerikano
Tanikalang Ginto
 Mayo 10, 1903- Unang itinanghal sa
Batangas
 Isinulat ni Juan K. Abad
 Si Abad ay pinanagot sa salang Sedisyon.
 Kahopon, Ngayon at Bukas
 Inilarawan ni Aurelio Tolentino
 Ang dulang muling paghihimagsik ng mga
Pilipino
 Itinanghal sa Teatro libertad noong Mayo 14,
1903
 Dinakip si Tolentino at ibinilanggo ng mga
Amerikano
Walang Sugat
 Kauna-unahang dulang isinulat ni Severino
Reyes.
 Ang hangarin ng dulang ito ay maipakita
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
pagbabagong lipunansa Pilipinas sa kamay
ng mga Amerikano.
Walang Sugat
Si Julia at si Tenyong ay magkasintahan. Isang
araw nabalitaan ni tenyong ang kanyang ama ay
dinakip ng mga Kastila. Ang matanda ay
pinahirapan hanggang sa mamatay.
Dahil sa pangyayaring ito, isinumpa ni Tenyong
na ipaghihiganti ang pagkamatay ng kanyang
ama. Siya ay namundok at sumapi sa mga
manghihimagsik. Iniwan niya ang kanyang
kasintahang si Julia na labis ang kalungkutan.
Samantalang si Julia ay ipinagkasundo ng
kanyang ina na ipakasal kay Miguel, isang
binatang mayaman. Sa pamamagitan ni Lucas,
nabatid ni Tenyong ang balak ng ina ni Julia. Isang
paraan ang ginawa ni tenyong upang makatagpo
Sa harap ng altar, sa oras ng kasal nina Julia at Miguel, may
dumating na ilang kawal, na ang lalaking sugatanng iyon ay si
Tenyong. Sinabi ng kasamahang heneral sa kawal, na ang lalaking
sugatan ay malubha at hinihiling ng lalaking sugatan na bago siya
mamatay ay makasal muna kay Julia, bilang huling kahilingan ng
isang mamamatay. Sa simula ay ayaw pumayag ng ina ni Julia,
ngunit siya ay napahinuhod din, sapagkat ilang saglit na lamang, ang
kawal ay malalagutan na ng hininga. Nang matapos ang kasal, ang
heneral ay nagsalita at ang kanyang wika.
“magbangon ka, kapitan Tenyong, ako’y nakatupad na rin sa aking
pangako”
Nang bumangon si Tenyong, ang lahat ay nabigla at napasigaw.
“walang sugat” sabay-sabay na nawika ng lahat.
Mga Dula Ng Buhay
1905- pagdudula ni Patricio Mariano sa dulang Rizal na
may pamagat na HUWAG LANG LUGI SA PUHUNAN
Mga dulang dinumog ng mga tao sa tanghalan:
1. GERMINAL ni Aurelio
Tolenteno(1908)
2.Si RIZAL AT ANG DIWATA ni Jose N.
Sevilla(1913)

3.DALAWANG PAG-ASA ni Florentino


Baceler(1916)

4.PANGARAP LAMANG ni Jose Maria


River(1917)

5.ANG DALAGANG BUKID ni


Hermogenes Iligan(1917)
8. ANAK NG DAGAT ni Patricio
Mariano(1921)
9.MUSIKANG TAGPI TAGPI ni Julian C.
Balcemada(1921)
10. PLARIDEL ni Jose N. Sevilla(1926)
11. ANG KIRI ni Servando Angeles(1927)
12. ANG PISO NI ANITA ni Julian C.
Balcemada
Taluktok ng dulang Tagalog
Napamalas ang kaunlaran ng dulang
tagalog.

Talkies- pumigil sa pag unlad ng dulang


tagalog.

Bodabil- ipinakilala ng mga Amerikano.

Gintong Balaraw- kauna-unahang


pelikulang Pilipino.
Busabos ng Palad
isinulat ni Faustino Aguilar

Mga tauhan:
• Rita
• Pepe
• Celso
• Ama ni Celso
Busabos ng Palad
isinulat ni Faustino Aguilar
Si Rita ay isang kaaya-ayang mutya, isang paraluman na
lalong pinaganda ng may akda. Datapwat akay ng kasawiang
hidi maiwasan ay nakasapit sa kadusta dustang kalagayan ng
mga babaeng nangangalakal ng katawan at nakarating doon
sa kagagawan ng isang nagngangalang Pepe na matapos na
masunod ang mahalay niyang nasa ay isinakdal pa ang
dalagang ginahasa sa lalong kasakit-sakit na paraan.
Salamat nalang at si Rita ay may isang Celso isang
binatang sumalungat sa agos ng kahihiyan. Hinango niya ang
kanyang iniibig sa masamang kabuhayan, sukdulang hamakin
ng tao, kinutya, pinulaan at ginulo ang matiwasay na
pamumuhay at kinamuhian ng sariling ama si Celso.
Sa laki ng kaniyang pag ibig ay sinapit ang kalagim-
lagim na wakas.
Mga Pangunahing
Mandudula
Mga dulang sinulat ni
Don Binoy ( Severino Reyes)
1.Cablerama Fatal
2.Filipinas Para los
Filipinos
3.Puso ng isang Pilipina
4.Bagong Fausto
5.Alma Filipina
6.San Lazaro
7.Minda Mora
Severino Reyes
 Batsilyer sa Pilosopiya at letra sa
Sto. Tomas.
 Pebrero 11, 1861 isinilang sa Sta.
Cruz Manila
 Anak nina Andrea Rivera at
Rufino Reyes
 Liwayway (1922)-punong
patnugot
 "Walang makukuhang pakinabang
sa moromoro
 Sa edad na 41 nagsimulang
sumulat ng mga dula:
1. Ang kalupi
2. R.I.P(sumalangit nawa)1902
Hermogenes Ilagan
 Abril 19, 1873 isinilang sa Bigaa
Bulacan
 Samahang Ilagan ay umani ng
Papuri at tagumpay sa mga
lalawigan at bayan bayang
pinagtanghalan ng dula.
 Mga dulang sinulat:
1. Ang dalagang bukid
2. Lucha Electoral
3. Despuez de dios
4. El Dinero
5. Dalawang hangal
6. Biyaya ng pag ibig
Aurelio Tolentino
 Batsilyer ng Pilosopiya
 October 13, 1867 isinilang
sa Guagua Pampanga
 Segunda Ensenyanza-
natapos sa Bulacan at San
Juan de Letran
 Luhang tagalog- obra
maestra ni Tolentino
Mga tanyag na dula
• Sumpaan- sarswelang may 3 yugto
• Pilipinas at Espanya- dulang makabayan
2 yugto
• Sinukuan- sarswelang may 3 yugto
paksang pelikula
• Ang makata- sarswelang 1 yugto paksang
politika
• Bagong kristo- dulang may paksang
panlipunan
Ang Nobelang Tagalog
May mga nagpapalagay na ang kauna-
unahang nobela sa tagalog ay ang Barlaan at
Josaphat, salin sa tagalog ni Pari Antonio de
Borja noong 1712, at ang pangalawa ay ang
Tandang Basio Macunat ni Pari Miguel Lucio
Bustamante noong 1885. Ayon sa pahayag,
ang nobelang tagalog ay nagsimulang maging
babasahing pambayan noong 1900, at ang
kauna –unahang nobelang nasulat ng taong
naturan ay sinulat ni Lope K. Santos na may
pamagat na Salawahang Pag-ibig.
Ito ay inilathala nang yugtu-yugto sa
pahayagang Kaliwanagan, at ipinagpatuloy
sa pahayagang Ang Kapatid ng Bayan.

Ang sinasabing gintong panahon ng


nobelang Tagalog ay naglaho noong 1925
nang magsimulang lumaganap ang mga
pahayagan, magasin at maiikling kuwentong
Tagalog.
Ito ang ilan sa mga Nobelang
naging tanyag:
Nena at Neneng, Valerio H. Pena, 1905
Banaag at Sikat, Lope K. Santos 1906
Pinaglahuan, Faustino Aguilar, 1907
Mga Imbi, Jose N. Sevilla, 1908
Madaling –araw, Inigo Ed. Regalado, 1909
Bayan at Pag-ibig, Mamerto Paglinawan, 1910
Mga Anak-Bukid, Rosauro Almario, 1911
Kung Magmahal ang Dalaga, Inigo Ed. Regalado,
1911
Ang Babaing Uliran, Maximo Sevilla,1914
Isa pang bayani, Juan Arciwals, 1915
Hantik, Jose D. Ampli, 1916
Kung Maglaro ang Puso, Juan R.
Lazaro,1917
Pangarap Lamang, Antonio Sempio,
1919
Mutsyang Itinapon, Rosalia Aguinaldo,
1922
Mutyang Pinaghahanap, Narciso Asistio,
1923
Valeriano H. Pena
Siya ay nakilala bilang Mang Among
ay ipinanganak noong Disyembre 12, 1858.
Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralang
bayan ng Bulacan.
Naging manunulat sa pahayagang
Muling Pagsilang sa loob ng sampung taon.
Ang kaniyang pitak na may pamagat na
Buhay Maynila ay kinagiliwan ng marami
dahil sa kaniyang mga pagpapatawa.
Siya ay nagtago sa sagisag-
panulat na Kintin Kulirat. ang iba
pang nobelang kaniyang isinulat
ay Mag-Inang Mahirap, Hatol ng
Panahon, Ang Paghimakas ng
Isang Ina, Ang Luha ng Panulat at
Marami pang iba.
Nena At Neneng Ni Valeriono H. Pena
NENA- babaeng matalik na kaibigan ni
Neneng, nagkagusto kay Miguel, pero
napunta kay Deogracias
ISKO- isang lalaking nagkagusto kay Neneng.
NARCISO- lalaking nagmahal kay Neneng ng
lubos.
NENENG- matalik na kaibigan ni Nena,
babaeng itinadhana para kay Narciso.
CHAYONG- babaeng gusto ni Narciso pero
napunta kay Miguel
Nena at Neneng
Inigo Ed. Regalado
Siya ay ipinanganak sa Maynila noong
Marso 19, 1888. Ang kaniyang pangalan ay isa
sa mga naluningninggg sa larangan ng nobela.
Siya ay isa ring kuwentista at
mamamahayag.
Ang kaniyang mga isinulat na nobelang
nagpatanyag sa kanya ay ang mga sumusunod;
Madaling-Araw, 1909
Kung Magmahal ang Dalaga, 1911
Sampaguitang Walang Bango, 1918
Ang Anak ng Dumalaga, 1933
Lope K. Santos
Nakilala ng marami dahilan sa
kaniyang pagkakasulat ng unang
Balarila. Subalit ang kaniyang
nobelang Banaag at Sikat na
inilimbag ay nagpakilala ng isang
malawak na pananaw ni Lope K.
Santos sa mga bagay-bagay na may
kaugnayan sa maraming bahagi ng
lipunan-lipunang Pilipino.
Banaag At Sikat Ni Lope K. Santos
Delpin- siya ang pangunahing tauhan ng
akda. Isa siyang mahirap na peryodista.
Niyakap niya ang ilang sosyalistang ideya
kaugnay ng unyonismo at makauring
pakikibaka.
Felipe- siya ay isang anak mayaman; radikal
bagamat tipong anarkista.
Meni- siya ay nakatakdang ikasal kay Delpin
na anak nang isa sa pinaka mayaman sa
manila.
Tentay- minamahal siya ni Felipe. Siya ay isang
Maikling Kuwentong Tagalog
Ang kasaysayan ng maikling kwentong
tagalog ay hindi naiiba sa simula at pag unlad ng
maikling kwento ng alinmang bansa sa daigdig.
Tulad ng nabanggit na sa unang kabanata, ang
mga unang anyo ng kwento sa pilipinas ay
tungkol sa alamat, mito, at mga kwentong bayan.
Nang dumating ang mga kastila, ipinakilala ng
mga kastila ang mga kuwentong nauukol sa
relihiyon-kabanala at kasaysayan ng mga santo
at santa.
Ang Ikalawang Yugto
Nagsimula noon 1916 ( panahon
ng Americano), nang ang maikling
kwento ay nalathala sa pahayagang
Muling Pagsilang. Ang mga
nagsisulat ng maikling kuwento sa
Muling Pagsilang ay kinabibilangan
nila Lope K. Santos, Patricio Mariano,
Carlos Ronquillo, at Rosauro Almario.
Nang isara ang Muling Pagsilang, ang
pahayagang Taliba ang humalili sa
pamamatnugot ni Faustino Aguilar, ang
mga sumulat ng maikling kwento sa Taliba
ay kinabibilangan nila Deograscias A.
Rosario na tinaguriang ama ng maikling
kuwentong tagalog, Teodoro Gener, at
Cirio H. Panganiban. Lalong sumigla ang
mga manunulat ng maikling kuwento ng
itatag ang magasing Liwayway.
Ang Pagkakatatag ng Liwayway
Ang unang labas ng
Liwayway ay panay na balitang
nakalarawan at mula sa mga
sulating batay sa tunay na
pangyayari. Ito ay bumaling sa
mga kathang-isip.
Ang ikalawang patnugot nito ay si
Severino Reyes alyas Lola Basyang.
Naramdaman ni Severino Reyes na ang
mambabasa ay naghahanap ng kathang
panlibangan kung kaya sa ikalawang labas
nito noon Hunyo 13, 1922 ang Liwayway
ay naglathala ng maikling kuwento at tula
Malaki ang nagawa ng Liwayway upang
ang mga manunulat ay bumaling sa
pagsulat ng maikling kwento.

You might also like