You are on page 1of 27

TUL A

TULA

Ang Tula ay ang pinakamaikling uri ng panitikan. Binubuo ito


ng mga salitang
maingat na pinili upang maipakita ang isang kaisipan at
nararamdaman. Ito ay inilalahad sa iba’t ibang uri o paraan.
MGA URI NG TUL A
1. TULANG PASALAYSAY
• Ito ang tulang pumapaksa sa maahalagang tagpo o pangyayari sa buhay ng
kagitingan ng tauhan.
• 2 uri:
1. AWIT (lalabing-dalawahin) AT KORIDO (wawaluhin) – ito ay
pumapaksa sa mga pakikipagsapalaran at karaniwang ginagalawan ng mga
tauhang prinsipe at prinsesa. ( Ang halimbawa ng awit ay FLORANTE AT
LAURA at ang korido naman ay IBONG ADARNA)
2. EPIKO- tungkol ito sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan at ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay kagila-gilalas at hindi
kapani-paniwala.
2. TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN
a.) ELEHIYA- ito ay awit na pumupuno ng damdamin
patungkol sa isang namatay o namayapa na.
b.) DALIT- isang awit na pumupuri sa Diyos.
c.) SONETO- isang awit na may hatid na aral
d.) AWIT - pumpaksa sa iba’t ibang uri ng damdamin gaya
ng pag-ibig, kalungkutan, kasiyahan at iba pa.
e.) ODA- may himig ng pamumuri at naghahatid ng
damdaming nagbibigay kasiyahan.
4. TULANG PANDULAAN
• MELODRAMA- ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot
ngunit nagtatapos nang masayang para sa pangunahing tauhan.
• KOMEDYA- karaniwang nagtatapos ito ng masaya, may tunggalian
ang mga tauhan sa umpisa subalit ito’y nalulunasan kung kaya
masaya ang wakas ng dula.
• PARSA- isa pa ring uri dula na nagpapasaya
• TRAHEDYA- kabaligtaran ito ng komedya kung saan ang wakas ay
nagtatapos sa kamatayan ng pangunahing tauhan sa dula.
• SAYNETE- paksa ng dulang ito ang paglalahad ng kaugalian ng isang
lahi, sa kanyang pamumuhay, panginibig at iba pa.
4. TULANG PATNIGAN
• KARAGATAN - ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang
prinsesa na inihulog ang singsing sa dagat upang mapangasawa niya
ang kasintahang mahirap.
• DUPLO- isang paligsahan sa husay ng pagtula at pangagatwiran na
siyang pumalit sa karagatan
• BALAGTASAN- ito ay isang pagtatalo sa paraang patula na
nahango sa duplo at karagatan, ang salitang “Balagtasan” ay hinago
mula sa pangalang “Balagtas” na si Francisco Balagtas na siyang “Ama
ng Panulaan”
BAKIT KAWILI-WILI
ANG PAGBABASA NG
TULA?
MGA ELEMENTO NG TULA
1.Tagapagsalaysay (speaker)
Ang tagapagsalita o nagsasalaysay ng tula
2.Tagapakinig (audience)
Tao o mga taong kinakausap ng nagsasalita
3. Paksa (topic)
Ang pangkalahatan o tiyak na paksa
ng tula
4. Tono (tone)
Tumutukoy sa saloobin ng may akda ukol sa paksa ng tula
5. Tema (theme)
Tumutukoy sa pahayag ng may-akda
hinggil sa paksa ng tula
6. Diksyon (diction)
Tumutukoy sa pagpili ng may-akda
ng mga salitang gagamitin sa tula.
7. Sintaks o Palaugnayan (syntax)
ang pagsasa-ayos ng mga salita,
parirala at mga sugnay na ginamit sa
tula.
8. Matalinhagang Paglalarawan (imagery)
Mga salita o pariralang ginamit ng may-akda upang
matulungan ang mambabasa na mailarawan sa isip ang mga
sumusunod na pandama: pang-amoy, paningin, panlasa,
pandinig at pandamdam.
9. Tayutay (figures of speech)
Tumutukoy sa mga patulang salita na ginagamit upang ang
dalawang bagay o larawan ay mapagtulad upang gawing
kawili-wili at makahulugan ang pananalita.
10.Tunog (sound)
Ang paggamit ng mga patinig, katinig, diin at kombinasyon
ng tatlo.
11. Ritmo (rhythm)
Ang pag-uulit ng diin sa tula.
12. SUKAT- ang sukat ay tumutukoy sa bilang
ng mga pantig sa bawat taludtod, (pipituhin,
wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing animin,
lalabingwaluhin)
DALAWANG ANYO NG TULA
• Tradisyunal – ito ay sumusunod sa
itinakdang panuntunan ng wika at sintaks. Ito
ay may ritmo at tugma.
• Makabago – ito ay may sariling paraan ng
pagpapahayag. Hindi ito gumagamit ng tugma,
ayos at ritmo.
TULANG MAY
KATUTUBONG
ANYO
1. TANAGA

• Binubuo ito ng apat na taludtod at ang bawat isa ay may pitong


pantig.
Halimbawa:
Sa lupa isinulat
Ang dalumat ng sugat
Sinukat, sumabulat
Gubat ng pagkamulat
2. DALIT

• Binubuo ito ng apat na taludturan na may walong pantig.


• HALIMBAWA
Silang mga kumakayod
Sa syudad ng mga uod,
Pawiin kanilang pagod
Ibigay tamang pasahod
3. DIONA

• Binubuo ito ng tatlong taludtod na may tigpipitong pantig.


• Halimbawa
Ang maton, nakaidlip
At hilik pa ng hilik
Sa higaang masikip
HAIKU
-Isang uri ng tulang binubuo ng 17 pantig ang
mga salita ay pinagsama-sama.
-Ang damdamin ng tulang ito ay nakatuon sa
panahon at kalikasan.
HAIKU

Lipas ang taon


Suot ko’y sambalito’t
Saping nilala
TULANG LIRIKO
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya.
TULANG MAY
KANLURANING ANYO
SONNET

• Ito ay binubuo ng isang saknong na may 14 na taludturan ay a-b-a-b-c-d-c-d-e-f-e-f-g-g.


• Ang dalawang hulung taludtod nito ay magsisilbing kongklusyon ng tula.
• ..\Desktop\MALIKHAING PAGSULAT\PPT\SONETO.docx
GAWAIN:

• Sumulat ng tatlong saknong ng tulang may sukat at tugma na may temang “pagmamahal sa
bansa”. Gumamit ng angkop na diksyon at mga tayutay upang higit na masining ang
pagkakasulat nito.
PAMANTAYAN:
1. Nakasusulat ng tulang may sukat at tugma 20
2. Nakapaloob sa nilalaman ng tula ang tema 10
3. Nakagamit ng angkop na pananalita sa pagsulat 10
4. Nakagamit ng tayutay o mamatatalinghagang salita 10
50

You might also like