You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay-aralin sa Filipino 9

Paksa Elemento ng Tula


Nakalaan na Oras Isang Oras
Guro Joselyn C. Marfel
Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan, inaasahan na 85% na mag-aaral ng Baitang 9 – Sapphire ay:
1. Natutukoy ang mga elemento ng tula;
2. nakikilahok sa pangkatang-gawain sa loob ng klase; at
3. nakabubuo ng sariling tula batay sa elemento ng tula.
Mga Kagamitan
✓ Laptop, HDMI cord
✓ Mga papel para sa gawain
✓ Ballpen
✓ Atendans sheet
Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
Maaari bang tumayo ang lahat upang tayo ay
manalangin. Tatayo ang lahat ng mga mag-aaral.

Ama namin, maraming salamat po sa araw na ito


dahil ligtas po kaming nakapasok sa paaralan.
Nawa’y gabayan mo po kami sa pang-araw-araw
naming gawain. Bigyan mo po kami ng kaalaman
upang maunawaan ang aming talakayan sa araw
na ito. Amen. Amen.

Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga po binibining Marfel.


Magandang umaga mga kaklase.
Bago umupo ang lahat, maaari bang ihanay ang
inyong mga upuan at pulutin kung may kalat sa
ilalim nito. (Inihanay ang mga upuan at pinulot ang mga kalat.)

Tapos na ba? Tapos na po.


Maaari na kayong umupo. May lumiban ba sa
klase? (Itatala kung may mga lumiban sa klase.) Wala po.

Magaling at walang lumiban sa klase.


A. Pagbabalik-aral
Naalala niyo pa ba kung ano ang tinalakay natin noong
nakaraang tagpo? Opo.
Sige kung naalala ninyo, ano ang tinalakay natin?
Ginoong Cruz, maaari mo bang ibahagi ang naging (Tumayo at sumagot si G. Cruz.)
talakayan natin noong nakaraang tagpo? G. Cruz: Ang tinalakay natin noong nakaraang
tagpo ay tungkol sa nobela. Ito ay isang mahabang
likhang sining na nagpapakita ng mga
pangyayaring pinagdikit sa pamamagitan ng
balangkas.
(Pumalakpak ang lahat.)

Magaling! Bigyan ng isang bagsak si G. Cruz.


Ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo ay tungkol sa
nobela. Ito ay isang likhang sining na nagpapakita ng
mga pangyayaring pinagdikit sa pamamagitan ng
balangkas.
B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating talakayan, papangkatin ko
muna kayo sa limang pangkat. Bibilang kayo ng isa
hanggang lima. Pagkatapos ninyong magbilang ay
pumunta kayo sa inyong pangkat. Sa bahaging kaliwa
ang una at pangalawang pangkat. Sa bahagi naman ng
kanan ang pangatlo at pang-apat na pangkat. Sa gitna
naman ang panlimang pangkat. Maaari ng magsimulang (Nagbilang ang mga mag-aaral at pumunta sa kani-
magbilang. (Magbibigay rin ang guro ng mga papel para kanilang pangkat.)
sa kanilang pangkatang-gawain.)

Mayroon akong ipapakitang larawan.


Sino ang nasa larawang ito? Sasagot ang lahat. Ang nasa larawan ay si Dr. Jose
Rizal.

Magaling! Talagang kilala ninyo ang nasa larawan.


C. Pagtatalakay
Ano kaya sa tingin ninyo ang magiging talakayan natin
sa araw na ito? Tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal.
Maaaring tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal.
Ano kaya ang kadalasan niyang isinusulat? Mga tula, nobela at marami pang iba.
Magaling!
Sino sa inyo ang mahilig sumulat ng mga tula? (Mayroong iilang magtataas ng kanilang mga
kamay.)
Mahusay at may iilan sa inyo ang may hilig sa pagsusulat
ng mga tula gaya nang nasa larawan na si Dr. Jose Rizal.

Ano namang mga uri ng tula ang kadalasan ninyong


isinusulat? Tungkol sa pag-ibig, bayan at pamilya.

Kagaya pala kayo ni Dr. Jose Rizal na nagsusulat ng mga


tula tungkol sa bayan at sa ating wika.

Bago natin sisisirin ang ating talakayan, ano sa tingin


ninyo ang kahulugan ng tula?
Bb. Reyes, maaari ka bang magbahagi ng iyong ideya? Bb. Reyes: Ang tula ay isang uri ng panitikan na
nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan
at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga
salita.
Magaling!
Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa
ritmo – (na ang malimit na tinutukoy nito ay ang mga
tunog na nabubuo ng isang tula) paglalarawan at mga
paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.

Ang kaibahan ng tula sa ordinaryong pagsasalita at


panulat ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na
taludtod at saknong samantalang ang ordinaryong
pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga
pangungusap at mga talata.
D. Pagtuklas
Bago naman tayo dumako sa elemento ng tula. Basahin
muna ninyo ang tula na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang unang magbabasa ay ang unang pangkat para sa
unang saknong, pangalawang saknong ay ang
pangalawang pangkat, ang pangatlo naman ay para sa
pangatlong pangkat, ang pang-apat ay para sa pang-apat
na pangkat at ang panghuling saknong ay para naman sa
panghuling pangkat.
Maaari ng magsimula. (Magbabasa ang bawat pangkat.)

Unang pangkat:
Sa Aking Mga Kabata
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pangalawang pangkat:
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Pangatlong pangkat:
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Pang-apat na pangkat:
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Panglimang pangkat:
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Maraming salamat sa inyong pagbabasa.
Sa bahaging ito ay hihimay-himayin natin ang mga
elemento ng tula na nakapaloob sa tula na inyong binasa.

Una nating tutuklasin ang sukat.


Kapag nababasa o naririnig ninyo ang salitang sukat, ano
kaagad ang nasa isipan ninyo?
Bb. Rivera, maaari ka bang magbahagi ng iyong ideya? Bb. Rivera: Sumasagi agad sa aking isipan na ang
sukat ay ang bilang ng mga salitang nakapaloob sa
Magaling at maraming salamat binibini. isang tula.
Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:
Ka/ pag/ ka/ /ang/ ba/ ya’y/ sad/ yang u/ mi/ i/ big/ – 12
pantig

Sa tingin ninyo, ilan kaya ang sukat sa unang linya


(taludtod) ng tula?
Bb. Santos, maaari mo bang ibahagi ang iyong sagot? Bb. Santos: Ang sukat sa unang linya ng saknong
ay 12.
Magaling! Bigyan ng tatlong bagsak si Bb. Santos. (Pumalakpak ang lahat.)

Ang pangalawang elemento ng tula ay ang saknong. Ito


ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod).

Sa tingin ninyo, ilan kaya ang saknong sa tula na inyong


binasa?
G. Ramirez, maaari ka bang magbahagi ng iyong sagot? (Tumayo si G. Ramirez.)
G. Ramirez: Ang bilang ng saknong sa tula ay lima.
Halimbawa:
Ang tula ay may limang saknong.

Magaling at maraming salamat binibini.

Ang pangatlong elemento ng tula ay ang tugma.


Ano kaya ang ibig sabihin ng tugma?
Bb. Dela Cruz, maaari ka bang magbahagi ng iyong Bb. Dela Cruz: ang tugma ay ang magkasintunog
ideya? ang mga huling pantig ng huling salita sa bawat
taludtod ng isang tula.
Magaling!
Ano nga ulit ang tugma?
Ito ay ang magkasintunog ang mga huling pantig ng
huling salita sa bawat taludtod ng isang tula.

Maaari bang basahin ulit ng pangalawang pangkat ang Pangalawang pangkat:


pangalawang saknong ng tula? Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Maraming salamat! Ngayon alin kaya sa taludtod ng
saknong ang may tugma sa huling bahagi ng salita? Ang kahatulan at Kalayaan Maam.
Halimbawa:
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Tama! Ang huling pantig na katinig (n) ang may tugma.
Maaari ding magkaroon ng tugma ang mga patinig
(a,e,i,o,u).

Ang pang-apat na elemento ng tula ay ang kariktan. Mula


sa salitang ugat na rikit o ganda. Nangangailangan ng
maririkit na salita ang isang magandang tula nang sa
gayon ay maakit at mapukaw ang damdamin ng
mambabasa.

Halimbawa:
Para sa unang saknong ng tula, anong maririkit na salita
ang ginamit?
Umiibig – nagmamahal
Masapit – kahihinatnan
Himpapawid – ulap, langit

Hindi ba’t magandang pakinggan ang mga maririkit na


salitang ginamit sa unang saknong ng tula? Opo.

Ang panghuling elemento ng tula ay ang talinghaga.


Ano kaya sa tingin ninyo ang mga matatalinghagang
salita ang ginamit sa unang saknong ng tula.

Isinasaad sa unang saknong na ang pag-asam sa sariling Katulad ng ibong nasa himpapawid.
kalayaan kapag pinahalagahan natin ang sariling wika na
siyang hinahalintulad sa ibong malayang nakalilipad sa
himpapawid. Hindi kaagad pinapahiwatig o sinasabi sa
unang saknong ang kahulugan nito kaya gumamit ng
matatalinghagang salita upang mapaisip ang mambabasa
o tagapakinig. Sapagkat ang talinghaga ay nagsisilbing
palamuti sa tula upang mapanatili ang kasiningan at
kariktan nito.
E. Pagpapailalim
Para naman sa mga natitirang saknong ng tula, ating
susuriin o alamin ang mga elemento ng tulang
nakapaloob dito. Tutukuyin natin ang pangatlo hanggang
sa panghuling saknong ng tula. Lahat ng pangkat ay
sasagot sa natitirang saknong.

Bibigyan ko lamang kayo ng 8 minuto para matukoy ang (Nagkaroon ng kolaborasyon ang bawat pangkat sa
elemento ng tula. pagtukoy sa element ng tula na nakapaloob sa tula.)

Natapos na ang inyong oras. Magtatawag ako ng mga


pangkat na magbabahagi ng kanilang sagot. Bubunutin
ko lamang ito sa mga papel na nakarolyo. Ang pangkat
na aking nabunot ay ang ikalimang pangkat. Ibahagi (Nagbahagi ang ikalimang pangkat ng kanilang
ninyo ang sukat ng bawat taludtod ng saknong. sagot.)
Ikalimang pangkat:
Para sa sukat ng tula, ang ikatlong hanggang sa
ikalimang saknong ay mayroong lalabindalawahing
sukat ang bawat taludtod ng saknong.
Magaling bigyan ng dionisia clap ang ikalimang pangkat. (nag-dionisia clap ang natirang pangkat.)

Ang ikalawang nabunot ay ang unang pangkat. Ibahagi Unang pangkat:


naman ninyo ang saknong ng tula. Ito ay may tatlong saknong at labindalawang
taludtod.
Magaling bigyan ng dionisia clap ang pangkat. (nag-dionisia clap ang natirang pangkat.)

Ang ikatlong nabunot ay ang pangatlong pangkat. Pangatlong pangkat:


Ibahagi ninyo ang limang maririkit na salita na ginamit Ang mga maririkit na salitang ginamit sa bawat
sa bawat saknong. saknong ay ang mga sumusunod:
Nagpala – nagbiyaya naggawad – parangal
Huwad – hindi tunay o totoo
Sigwa – unos lunday – bangka
Magaling bigyan ng dionisia clap ang pangkat. (nag-dionisia clap ang natirang pangkat.)

Ang pang-apat na pangkat na magbabahagi ay ang Pangalawang pangkat:


pangalawang pangkat. Ibahagi ang inyong sagot tungkol Ang mga tugman a nakapaloob sat ula ay ang mga
sa tugma ng tula. sumusunod:
• Patinig na (a) para sa ikatlo at panghuling
saknong sa bawat taludtod ng tula.
• Katinig na (n) naman para sa pang-apat na
saknong ng tula.
Magaling bigyan ng dionisia clap ang pangkat. (nag-dionisia clap ang natirang pangkat.)

Ang paghuling pangkat ay ang pang-apat na pangkat. Pang-apat na pangkat:


Ibahagi ang inyong sagot mga talinghagang nagamit sa Para sa pangatlong saknong ang talinghagang
bawat saknong ng tula. ginamit ay ang paghahalintulad ng tao sa
malansang isda kapag hindi natin minamahal ang
ating sariling wika. Ang pang-apat naman ay ang
paghahalintulad ng wikang tagalog sa ibang wika
nararapat na linangin nang sa gayon ay hindi
makalimutan o ang mas nakalulungkot ang
mapalitan. Ang panghuling saknong ay
inihahalintulad sa pagsubok ng buhay kung hindi
natin ito gamitin sa tama maaari din itong mawala.
Magaling bigyan ng dionisia clap ang pangkat. (nag-dionisia clap ang natirang pangkat.)

Talagang naunawaan na ninyo ang ating talakayan,


magkakaroon tayo ng pangkatang-gawain.
F. Pagtataya
Gumawa ng sariling tula ang bawat pangkat sa papel na
aking binigay batay sa elemento ng tula. Bibigyan ko
lamang kayo ng 10 minuto upang makabuo. Dalawang
saknong lamang at nasa malayang taludturan ang inyong
gagawin.

Ang oras ay nagsimula na. (Nagkaroon ng kolaborasyon ang bawat pangkat.)

Ang inyong oras ay natapos na. Ipasa ang inyong papel. (Ipinasa ng bawat pangkat ang kanilang papel.)
Magtatawag ako ng isang pangkat upang ibahagi ang
nabuo nilang tula. Ang pangkat na ito ay ang panlimang (Pumunta at binasa ni G. Cruz ang nabuo nilang
pangkat at si G. Cruz ang magbabasa. Pumunta ka rito sa tula.)
harapan.

PATAK
Nasilayan ang luha sa mga mata
Hindi mawari kung ano ang iniinda,
Ang mga pisnging mamasa-masa
Patuloy pa ring nakikita.

Sa dako’y nagugunita
Ang mapait na kahapon na kanyang likha,
Masakit man ang dulot nito
Paglimot ang siyang gusto ko.
Magaling at napakahusay ng inyong sariling katha.
Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang inyong kagalingan sa
pagsulat ng mga tula.
G. Pagwawakas
Ano nga ulit ang tula at ang elemento nito? Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay
diin sa ritmo (tunog), paglalarawan at mga paraan
ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita. Ang
mga elemento naman ng tula ay ang sukat – bilang
ng mga pantig sa bawat taludtod. Saknong - Ito ay
isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod). Tugma – ito ay mga
letrang magkatugma sa huling bahagi ng taludtod
maaaring nasa patinig at katinig. Kariktan – ito ay
mga maririkit na salita na ginamit sa pagsulat ng
tula. Ang panghuli ay ang talinghaga – ito ay
nagsisilbing palamuti sa tula upang mapanatili ang
kasiningan at kariktan nito.
Magaling! Bigyan ng limang bagsak ang inyong mga
sarili. (Pumalakpak ang mga mag-aaral.)
Para sa susunod na talakayan, basahin ninyo ang kasunod
nating paksa tungkol sa sanaysay.
Diyan nagtatapos ang ating talakayan sa umagang ito, Lahat: Paalam at maraming salamat po Bb. Marfel.
paalam at maraming salamat sa inyong partisipasyon.
Sanggunian
Rosemelyn (2009, Marso 11). Elemento ng Tula. Mula sa https://www.slideshare.net/rosemelyn/elemento-ng-
tula-1129802
J.R.U (2004). Sa Aking mga Kabata. Mula sa http://www.joserizal.ph/pm18.html
Inihanda ni:

JOSELYN C. MARFEL
Guro sa Filipino

You might also like