You are on page 1of 1

ANEKDOTA

ANO ANG Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa


kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala,

ANEKDOTA?
sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa
totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa
mga ginagawa ng mga tao.

Sa madaling salita, ang anekdota ay maikling kuwento ng isang nakakawiling


insidente sa buhay ng isang tao.

Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.

KATA-KATA DALAWANG URI HANGO SA TOTOONG BUHAY


PAKSA AT LAYUNIN
Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala sa ibat ibang larangan ng buhay. Layunin nito ang ipabatid ang isang
katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon
ding minsan na ang mga pangyayari ay bungang isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay.
Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi
hayop kundi mga tao, itoy kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng
ugali at tauhan.

* Para sa mga hindi nakakaalam, ang Hebreo ang wika na ginagamit sa Israel.
Isang ahenteng Ruso (KGB agent) ang nakakita sa isang matandang nababasa ng balarilang
Hebreo sa parke ng Moscow. Itinanong ng ahente kung ano ang kanyang binabasa, at isinagot
ng matanda na ito ay aklat ukol sa wika ng Israel.

HALIMBAWA
Sinabi ng ahente na sa gulang ng matanda ay hindi na ito makararating pa sa Israel. Sinabi ng
matanda na tama ang ahente ngunit sa paraiso ang wika ay Hebreo.
Tinudyo ng ahente ang matanda na baka sa impiyerno ito mapunta. Sumagot ang matanda na
hindi problema iyon sapagkat marunong na siya ng wikang Ruso.

You might also like