You are on page 1of 8

Filipino Reviewer

Gomburza – Ang salitang gomburza ay halaw sa apelyido ng tatlong pari na sina Padre
Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Lopez.
Mariano Gomez – Nagtatag ng pahayagan na La Verdad (The Truth)
Jacinto Zamora – Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa imbitasyon
sa kanyang mga kaibigan
Jose Burgos – May titulo sa pag do-doktor, sa teolohiya at isa pa sa law, kilalang
manunulat at konektado sa Manila Cathedral.
Ang Kilusang Propaganda ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri tulad nina Jose
Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose
Ma. Panganiban, Pedre Paterno at iba pa.
Mga Pahayag Noong Panahon ng Himagsikan
1. Kalayaan – Ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896,
Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela.
2. Diario de Manila – Ang pantulong sa Kalayaan.
3. El Heraldo de la Revolicion – Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong
1898.
4. La Independencia – Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag noong ikaw –
3 ng Setyembre, 1898.
5. La Republika Filipina – Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6. Ang Bayang Kahapis-hapis – Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7. Ang Kaibigan ng Bayan – Lumabas noong 1898.
8. Ang Kalayaan – Tagapamalitang tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.
Andres Bonifacio
- Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino
- Hulyo 7, 1892 itinatag niya ang KKK.
Mga Akda ni Andres Bonifacio
1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
2. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
3. Huling Paalam
4. El Verdadero Decalogo
5. Katungkulan Gagawin ng mga anak ng bayan
6. Katapusang Hikbi ng Pilipinas
7. Katipunan ng Marahas ng mga Anak ng Bayan
8. Tapunan ng lingap
Emilio Jacinto
- Tinaguriang “Utak ng Katipunan” sa gulang na labingwalo
- Gumamit ng mga sagisag na Dimasilaw at Pingkian
- Naging Patnugot ng “Kalayaan”, ang pahayagan ng Katipunan
- Sinabi niyang “walang lalaki maliban sa duwag ang makakatanggal na
pagmasdan ang unti-unting pagkamatay ng kanyang lupang sinilangan”
Mga Akda ni Emilio Jacinto
1. Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan
2. Liwanag sa Dilim
3. A Mi Madre
4. A La Patria
5. Pahayag
6. Sa may Nasang Makisanib sa Katipunang ito
7. Anak ng Bayan
Apolinario Mabini
- “Utak ng Himagsikan” at “Dakilang Lumpo”
- Hinirang Bilang punong ministro ng Rebulusyunaryong Konggresong Malolos
Akda ni Apolinario Mabini
1. El Verdadero Deralogo
2. El Simil Alejandro
3. Sa Bayang Pilipino
4. El Desarollo y Saida De La Republica Filipina
5. Programa Constitucional dela Republika Filipina
Jose Palma
- Tanyag sa Pagsulat ng Filipinas (Titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas)
- Kumatha ng mga lirikong tula, naglimbag ng isang aklat ng tula sa edad na 18
years old
- Unang Sigaw sa Balintawak (Agosto 1896)
- La Independecia, Unang pahayag kung saan nailimbag ang Pilipinas noong
Setyembre 1899.
Akda ni Jose Palma
1. Himno Nacional Filipino – Titik ng Pambansang Awit
2. De Mi Jardin
3. Melancholias
4. Iluciones Marcitas

Juan Felipe
- Kompositor ng musika “Marcha Nacional Magdalo” o kilalang “Lupang Hinirang”
Ilan sa mga unang kinompose ni Julian Felipe
1. Mateti el Santisimo
2. Cintas y Flores Rigodones
3. Amorita Danza
4. Reina De Cavite
Pio Valenzuela
- Isang Doktor at Bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng katipunan na
lumaban sa kastila noong Panahon ng Himagsikan.
- Ipinangalan sa kanya ang Lungsod ng Valenzuela
- Sinulat niya ang kaniyang mga alaala ng Himagsikan noong Dekada 1920.
- Unang Alkalde ng Munisipalidad ng Polo (Lungsod na ng Valenzuela ngayon)
mula 1899 hanggang 1900.
- Tumulong kay Emilio Jacinto sa pag tatag ng “Kalayaan” gamit ang ninakaw na
makinilya mula sa Diario de Manila.
Panitikang Tagalog
Mga Impluwensiya sa Pananakop ng mga Amerikano
1. Pagpapatayo ng Paaralan
2. Binago ang Sistema ng Edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng
pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
Mga Panitikan
- Pag-ibig sa Bayan
- Pagkakaroon ng mithiing kasarinlan ng bansang Pilipinas
- Pagtutol sa anumang uri ng kolonyalism
- Naging makatotohanan ang panitikan
- Dumami ang limbag ng panitikan at Samahan ng manunulat
- Pagkakaroon ng katangian ang mga Pilipino na pagpapakasakit, pagdurusa at
pagkamatiisin.

Dulang Tagalog
Severino Reyes – Para sa kaniya, ang moro-moro o comedia ay walang idudulot na ano
mang kapakinabangan sa mga manonood kaya’t pinagsikapan niya itong palitan ng
inaakala niyang higit pang mapagkukunan ng aral at karikitan ng sambayanang
manonood. Siya rin ang may akda ng Walang Sugat.
Patricio Mariano – Siya ay nakapag-ambag na sa iba’t ibang larangan ng panitikang
Pilipino.
Hermogenes Ilagan – Siya ang ama ng Zarsuwela.
Aurelio Tolentino – Malaki ang naitulong niya sa pagpalaganap at pag-unlad ng dulang
Pilipino. Halimbawa ng kanyang mga gawa; Bagong Kristo, Luhang Tagalog, Kahapon,
Ngayon, at Bukas atbp.
Julian Balmaceda – Isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at
mananaliksik ng wika.
Frank Rivera – Isa sa mga natatanging artist na local na talagang totoo sa kanyang
pinanggalingan.
Juan Matapang – Isa sa mga mandudula na tumaligsa sa pamahalaang Amerikano.
Hindi siya makakalimutan ng mga Pilipino sa kanyang dulang HINDI AKO PATAY na
magpahanggang ngayon ay may mga Samahan pa rin ng mandudula na nagtatanghal
nito.
Nobelang Tagalog
Lope Santos – Itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.
Inigo Ed. Regalado – Ay tanyag noon sa sagisag na Odalager.
Valeriano Hernandez Peña – Kilala sa taguring Ama ng Nobelang Tagalog.
Faustino S. Aguilar – Isang Pilipinong Nobelista, mamamahayag at rebolusyonaryo.
Nakita niyang apingapi ang maliliit na manggagawa. Wala silang mga Karapatan at
dignidad bilang tao sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano.
Panunulang Tagalog
Julian Cruz Balmaceda – Manggagawa, Isang Punong Kahoy
Jose De Jesus – Ang Magandang Parol, Bayan ko
Amando Hernandez – Isang Dipang Langit, Ang Uod
Florentino Collantes – Ang Lumang Simbahan, Pangaral sa Bagong Kasal
Teodoro Gener – Ako’y Pilipino, Ang Masamang Damo
Iñigo Regalado – Galing sa Kung Saan, Busog ng Pag-ibig
Ildefonso Santos – Gabi, Ang Tahanang Daigdig
Cirio Panganiban – Ako ay may Tatlong Ina, Ang Panday
Maikling Kwento
- Ito ay isang masining na uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng maikling
salaysay tungkol sa isang mahalagang kaganapan.
Elemento ng Maikling Kwento
- Tauhan
- Tagpuan
- Banghay
- Suliranin
- Tema
- Panauhan

Panitikan sa Wikang Kastila

- Ang panitikang Kastila ay ang panitikan sa Espanya o panitikan na nakasulat sa


wikang Kastila.
Panahon ng Panitikang Pansimbahan
- Dalit
- Mga Nobena
- Mga buhay-buhay ng mga Santo’t Santa
- Akdang Pang magandang-asal
Panahon ng Awit at Korido
- Awit at Korido
- Katuringan
- Tula Ladino
- Ang Dua at Dulaan
Panitikan sa Wikang Ingles
- Ang panitikan sa wikang ingles o panitikan sa ingles ay ang katawagan para sa
panitikang nasusulat sa wikang ingles, pati na ang panitikang nasa ingles na
gawa ng mga manunulat na hindi nanggaling sa inglatera.
Panitikan sa Iba’t Ibang Wikaig Filipino sa Panahon ng Amerikano
Pedro Bukaneg – Ama ng Panitikang Ilo-Ilo (Bukanegan – Balagtasan)
Claro Caluya – Prinsipe ng Makatang Iloko
Leon Pichay – “Pinakamabuting Bukanegero”
Juan Crisostomo-Soto – Ama ng Panitikang Kapampangan (Crisotan-Balagtasan)
Eriberto Gumban – Ama ng Panitikang Bisaya
Ang Panitikan sa Panahon ng Paggising ng Damdaming Makabayan
Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
- Isang manggagamot, siyentipiko, makata, nobelista, pintor, eskultor, dalubwika,
pilosopo, mananaliksik at mananalaysay at isang henyo.
- Itinatag niya ang La Liga Filipina, isang Samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
Mga Akda
Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam) – Kahuli-huling tulang sinulat na may salin sa
iba’t ibang wika sa daigdig, sa Ingles, Pranses, Aleman at iba pa.
Noli Me Tangere – Ang nobelang ito ay nangangahulugang “Huwag Mo Akong
Salangin”
El Filibusterismo – “Ang Pagsusuwail” ito ay karugtong ng “Noli Me Tangere”
Brindis – Isang talumpating inihandog sa dalawang nanalong pintor na Pilipino sa
Madrid.
Awit ni Maria Clara – Ito ay buhat sa isang kabanata ng “Noli Me Tangere” na may
pamagat na “Ang Pangingisda”
Sa Aking Kabata – Ipinakilala niya rito ang kanyang pagpapahalaga sa sariling wika.
Hinggil sa Katamaran ng Mga Pilipino – Sanaysay na napalathala sa “La
Solidaridad” opisyal na pahayagan ng propaganda.
Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos – Isang liham ito ni Rizal sa mga kababaihang
taga-Malolos na bumabati sa kanila dahil sa paninindigan nilang matuto.
Ang Pilipinas sa loob ng 100 taon – Ito ay sanaysay na panghuhula sa maaaring
maganap sa Pilipinas sa loob ng 100 taon.
A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino) – Sinulat ni Rizal noong 1879 nang
siya ay 18 taong gulang at nag-aaral sa UST.
El Consejo de los Dioses – Ito ay isang dulang patalinghaga na Kapulungan ng
Bathala, sinulat noong 1880.
Kundiman – Ito ay isang tula na nagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas sa
darating na panahon dumanak man ang dugo.
Mariano Ponce – Kilala bilang isang Pilipinong manggagamot na naging pinuno ng
kilusang propaganda na hinihimok na mag rebolusyon ang Pilipinas laban sa mga
Kastila noong 1896.
Pascual Poblete – Kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa
Kalayaan ng bayan. Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni
Rizal. Siya rin ang nagtatag ng mga pahayagang El Grito del Pueblo, noong
panahon ng mga Amerikano.
Jose Ma. Panganiban – Katulong siya ni Marcelo del Pilar sa pahayagang “La
Solidaridad” Siya’y magaling na mamamahayag at mananalumpati. Humanga
maging si Rizal sa pagkakaroon niya ng “Memoria Fotografica”
Pedro Paterno – Siya ay tinaguriang “tagapamagitan” sa mga Kastila at Pilipino
upang makamit ang mapayapang pakikitungo sa mga Kastila. Siya ay isa sa mga
“Pilipinong Propagandista” sa Espanya.
- Bilang makata, siya ang kauna-unahang Pilipino na sumulat sa isang opera sa
wikang Pilipino, Isang Sandugong Panaginip.
- Nilikha rin niya ang mga aklat na tula na Sampaguitas y Poesias Varias at
Poesias Lyricas y Dramaticas.
- Siya ay hinirang na Pangulo ng Kongreso sa Malolos noong Setyembre 15,
1898.
- Nahalal na kinatawan ng Unang Distrito ng Laguna para sa Unang Asemblea ng
Pilipinas noong Oktubre 16, 1907.
Isabelo Delos Reyes – Tinagurian din siyang “Ama ng Sosyalismo” sa Pilipinas at Ama
ng mga Iloko. Siya ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente.
Pedro Serrano Laktaw – Unang sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog noong 1889.
- Itinatag niya ang Lohiyang Nilad.
- Sumulat din siya ng tungkol sa wikang Tagalog tulad ng Estudios Gramaticas at
Sobre la lengua Tagala.
Marcelo Hilario Del Pilar y Gatmaitan
- Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino.
- Nagtatag ng pahayagan ng diariong tagalong taong 1882.
- Naging editor ng La Solidaridad taong 1889.
Mga Akda
Caiigat Cayo – Libritong nagtatanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal sa ginawang
pagtuligsa ni Padre Jose Rodriguez
Dasalan at Tocsohan – Gumagagad sa mga nilalaman ng aklat-dasalan sa paraang
mapanudyo.
Ang Cadaquilaan ng Diyos – Isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at
nagpakilala ng matibay na pananalig ni Del Pilar sa Diyos.
Sagot ng Espana sa Hibik Nang Pilipinas – Tulang sagot sa tula ng kanyang dating
guro si Herminigildo Flores na may pamagat na “Hibik ng Pilipinas sa Inang
Espanya”
Isang Tula sa Bayan – Sipi mula sa panulaang tagalog – Angeles, Matienzo,
Panganiban p.61, mula sa Sangguniang aklat nina Sauco, C. et. Al.
Pasiong Dapat Ipag-Alab Nang Puso Nang Taong Babasa – Isang tulang may galit
sa malulupit, mapang-abuso at mapag kunwaring mga Fraile.
Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa – “Amor Patrio” sa Tagalog ni Dr. Jose Rizal inilathala
sa Diariong Tagalog at La Solidaridad.
Ang Kalayaan – Bahagi ng kabanata ng aklat na hinangad niyang sulatin na sana’y
magiging huli niyang habilin ngunit hindi na niya natapos sapagkat siya’y
sumakabilang buhat na.

You might also like