You are on page 1of 45

Ang Panitikan sa Panahon

ng Himagsikan
Iuulat ng Ikalawang Grupo
Panalangin
Pambansang Awit
PANIMULANG BATI
PAMPASIGLANG LARO
Sino ito?
- Nanguna pagpunit ng cedula noong
Agosto 23, 1896 sa Pugad Lawin,
Balintawak kasama ang iba pang mga
katipunero.
Andres Bonifacio
Sino ito?
- Gumamit ng sagisag sa Katipunan bilang
Pingkian at sagisag panulat Dimas-Ilaw.
Isang Manunulat, editor ng Kalayaan, ang
pahayagan ng Katipunan.
Emilio Jacinto
Sino ito?
- Kinilalang Uttak ng Himagsikan,
pinakakanang kamay ni Emilio Aguinaldo
nang itatag ang Republika ng Malolos.
Siya rin ay tinatawag na Dakilang Lumpo.
Apolinario Mabini
Sino ito?
- Naging tanyag siya sa pagsulat ng tulang
Filipinas, na naging titik ng pambansang
awit ng Pilipinas na nilapatan ng tunog ni
Julian Felipe.
Jose Palma
Sino ito?
- Nilapatan ng musika ang tula ni
Balmori na Un Recuerdo at ang
Filipinas ni Jose Palma.
Julian Felipe
Sino Ito?
- Gumamit ng sagisag sa panulat na
Madlang-Awa. Naging katulong ni
Emilio Jacinto sa pamamatnugot ng
pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan.
Panimula
Sa Kasaysayan ng Pilipinas, masasabing ang Panahon ng Propaganda ang isa sa
nagpagising sa mga Pilipino upang maging mapaghimagsik at magsimulang bumuo ng
iba't ibang samahan ng mga kilalang bayani na nagbuwis ng buhay sa sambayang
Pilipinas. Ito ang naging hudyat upang ang damdaming Makabayan ay pumaimbulog sa
bayan.

Ang mga pangkat ng mga intelektuwal na naging repormista at propagandista ay sa


pangunguna ni Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez, Jaena, Mariano Ponce,
Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, Pedro Serrano Laktaw, Isabelo delos Reyes, Pedro
Paterno at iba pa.

Pero ano nga ba ang mga sumunod na kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas noong mga
panahong ito?
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang Himagsikang Pilipino (1896-1898) ay isang labanan sa pagitang ng Imperyong
Kastila at ng Katipunan.

Bigo ang mga propagandista sa kanilang inaasahang pagbabago. Patuloy ang pang-
aalipin, pagdusta, pangaapi, pagsasamantala at ibayong paghihigpit sa mga Pilipino ng
pamahalaan at simbahan. Maging ang La Liga Filipina na isang samahang sibiko ay
pinaghinalaang mapaghimagsik kaya't ipinatapon sa Dapitan ang nagtatag, si Jose Rizal.

Dahil sa mga pangyayaring ito, si Bonifacio at iba pa niyang dating kasama sa La Liga,
maliban sa mga kabilang sa gitnang-uring patuloy na umaasa sa pagbabago, ay nagtatag
ng isang samahan, ang Kataas-taasan, Kagalang-galangan, Katipunan ng mga Anak
ng Bayan.
Ang panitikan sa panahong ito ay:

1. Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan;


2. Pagbibigay ng payo sa mga Pilipino na magising,
magkaisa at maghanda upang
matamo ang minimithing kalayaan; at
3. Madalas ginagamit ang wikang bernakular sa
pagsulat ng akda.
Mga Taluktok ng Tahasang Himagsikan

• Andres Bonifacio
• Emilio Jacinto
• Apolinario Mabini
• Jose Palma
• Julian Filipe
• Pio Valenzuela
Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ay kinilalang Ama ng Demokrasyang Pilipino, at tinaguriang
Ama ng Rebolusyon. Nang si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, itinatag niya ang
KATIPUNAN O KKK (Kataas-taasan, Kagalang-galangan, Katipunan ng mga
Anak ng Bayan) na naging batis ng diwang malaya ng mga Pilipino.

Nag-aaral sa paaralan ni Guillermo Osmena sa Melsic, subalit nahinto, pero


marunong bumasa at sumulat, dalubhasa sa pagsasalita ng wikang Kastila.
Ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang ama ay
si Santiago Bonifacio at ang ina ay si Catalina de Castro. Naulila sa edad 14,
naging tindero ng rattan at pamaypay, clerk, sales agent, at warehouseman.
Andres Bonifacio
Nanguna pagpunit ng cedula noong Agosto 23, 1896 sa Pugad Lawin, Balintawak
kasama ang iba pang mga katipunero.

Noong Mayo 10, 1897, ay pinaslang si Andres Bonifacio sa Bundok sa


Maragundon.
Andres Bonifacio
Mga Akda ni Bonifacio

• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


• Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
• Huling Paalam
• Katungkulang Gawain ng “Z, LL, B”
• Katipunang Mararahas na mga Anak ng Bayan
• Tapunan Lingap
• El Verdadero DecaLogo (Ang Tunay na Dekalogo)
Emilio Jacinto
Ipinanganak noong Disyembre 15, 1875, Trozo, Maynila. Nag-aral sa Colegio de San
Juan de Letran at Unibersidad ng Sto. Tomas ng abogasya subalit natigil dahil sa
pag-anib niya sa Katipunan noong 1896.

Kinilala si Jacinto bilang Utak Ng Katipunan at kanang kamay ni Andres


Bonifacio.

Gumamit ng sagisag sa Katipunan bilang Pingkian at sagisag panulat Dimas-Ilaw.


Isang Manunulat, editor ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan.

Namatay siya sa sakit na malarya; si Jacinto noong Abril 16, 1899 sa Magdalena,
Laguna.
Emilio Jacinto
Mga Akda ni Jacinto
• Ang Kartilya ng Katipunan
• Liwanag at Dilim
• Ang Anak ng Bayan
• A La Patria (Sa Bayang Tinubuan)
• A Mi Madre (Sa Aking Ina)
• Pahayag
Apolinario Mabini
Ipinanganak noong Hulyo 23, 1864, Talaga, Tanauan, Batangas. Nagtatrabahong
katulong habang nag-aaral sa paaralang pag-aari ni Simplicio Avelino at sa
Paaralan ni Fr. Avelino Malabanan. Nagtapos sa Colegio de San Juan de Letran
noong 1887, at nagpatuloy sa pag-aaral ng batas hanggang sa makatapos sa
Pamantasan ng Sto. Tomas, taong 1894.

Kinilalang Uttak ng Himagsikan, pinakakanang kamay ni Emilio Aguinaldo nang


itatag ang Republika ng Malolos. Siya rin ay tinatawag na Dakilang Lumpo.

Nang Mayo 1903, nagkaroon ng cholera sa Maynila. Isa si Mabini sa nagkasakit at


namatay.
Apolinario Mabini
Mga Akda ni Mabini
• Ang Himagsikang Pilipino
• Programa Constitucional de La Republica Filipina (The
Constitutional Program of the Philippine Republic)
• El Desarollo y Caida de La Republica Filipina (Ang Pagtaas
at Pagbagsak Ng Republikang Pilipino)
• Sa Bayang Pilipino
• El Simil de Alejandro
• Ang Tunay na Sampung Utos
• El Liberal
Jose Palma
Ipinanganak noong Hunyo 06, 1876, Tondo, Maynila. Nag-aral sa Ateneo de
Manila, nakilala niya rito si Gregorio del Pilar at naging kaibigan. Nahinto sa pag-
aaral dahil sa pagmamahal sa bayan, umanib sa pangkat ni Koronel Rosendo
Limon ng maganap ang Unang Sigaw sa Balintawak noong Agosto 26, 1896.

Naging tanyag siya sa pagsulat ng tulang Filipinas, na naging titik ng pambansang


awit ng Pilipinas na nilapatan ng tunog ni Julian Felipe. Naging editorial staff ng
pahayagang Le Independencia at dito niya napatunayan na higit siyang isang
manunulat kaysa isang kawal.

Binawian ng buhay noong Pebrero 12, 1903 sa edad na 26 dahil sa sakit na


tubercolosis.
Jose Palma
Mga Akda ni Palma
• Melancolicas
• De Mi Jardin
• Himno Nacional Filipina (Pambansang Awit ng
Pilipinas)
• Iluciones Marcitas
Julian Felipe
Ipinanganak noong Enero 28, 1861 sa Cavite. Kilala bilang Dakilang
Kompositor, musikero, guro at pianist. Maraming karangalang natanggap
bilang kompositor.

Isinantabi ang musika at sumapi sa mga rebolusyonaryo nang sumiklab ang


rebolusyon, nahuli at ikinulong sa Fort San Felipe, Cavite, dinala sa
Maynila at ikinulong sa Fort Santiago ng 6 na buwan. Nagprisintang
gumawa ng isang marchang pandigmaan kay Aguinaldo noong kasagsagan
ng digmaang España-Amerika pero ang ikalawang piyesa na Marcha ang
nagustuhan nang husto ni Aguinaldo na punung-puno ng pagmamahal sa
bayan.
Julian Felipe
Hunyo 12, 1898, inihayag ni Aguinaldo ang
kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite at tinugtog
ang Marcha Nacional Filipina ng Banda San
Francisco ng Malabon, nangilid ang luha ni Julian
Felipe na punung-puno ng pag-ibig sa bayan.

Nilapatan ng musika ang tula ni Balmori na Un


Recuerdo at ang Filipinas ni Jose Palma.
Julian Felipe
Pio Valenzuela
Gumamit ng sagisag sa panulat na Madlang-Awa.
Naging katulong ni Emilio Jacinto sa pamamatnugot
ng pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan.
Sumulat ng sanasay na may pamagat na Catwiran, na
nalathala sa Kalayaan.
Pio Valenzuela
Mga Pahayagan sa Panahon ng
Himagsikan

• El Heraldo de la Revolucion
• La Independencia
• La Republica Filipino
El Heraldo de la Revolucion
Naglalathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita at
mga akda sa Tagalog na pawang gumigising sa damdaming makabayan.
Ang opisyal na bilingguwal at bisemanual na pahayagan ng rebolusyonaryong
pamahalaan ng Republikang Malolos, ang Unang Republika ng Filipinas.
Unang lumabas noong Setyembre 29 1898, ang El Heraldo de la Revolucion
ay nagkaroon ng iba't ibang pangalan mula Heraldo Filipino, naging Indice
Oficial, at naging Gaceta de Filipinos.
Inilathala dito ang mahahalagang pahayag at dokumentong pampolitika ng
Rebolusyonaryong Pamahalaan, tulad ng Konstitusyon ng 1899. Ang Heraldo
ay ipinalimbag sa Casa Real ng Malolos.
La Independencia
Ang pinakatanyag at pinakamahalagang peryodiko sa
ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Isa ito sa
mga pahayagang rebolusyonaryong lumaganap upang
pukawin ang damdaming makabayan laban sa
kolonyalismong Español. Una itong inilathala noong
Setyembre 03, 1898 at nagpatuloy hanggang
Nobyembre 11, 1900.
La Independencia
Nang sumiklab ang Digmaang Filipino-Americano, noong Pebrero 1899,
kinailangang asikasuhin ni Heneral Luna ang pakikipaglaban, itinalaga niya ang
pamamahala ng pahayagan kay Rafael Palma, kapatid ni Jose. Nilipat ang
tanggapan ng pahayagan sa isang kotse ng tren upang mapadali ang pag-iwas at
pagtakas sa pananalakay ng mga Amerikano. Sa pag atras ng mga makabayang
Filipino, umatras din pahilaga ang palimbagan, patungong Angeles sa
Pampanga, sa Tarlac, at noong huli ay sa Bautista,
Pangasinan. Dahil sa kahirapan ng paglilimbag sa gitna ng digmaan,
kinailangang ilibing ang palimbagan at iba pang materyales malapit sa huling
tanggapan ng pahayagan, bago napilitang tumakas sina Palma at mga katuwang
patungo sa Camiling, Tarlac.
La Republica Filipina
Noong Septyembre 15, 1998, ang La Republica Filipina,
isang malaya at nasyonalistang pahayagan ay naitatag ni
Pedro Paterno sa Mandaluyong. Ang La Republica
Filipina ay inaasahan na makatulong sa mapagkaisa ng
bansa sa ilalim ng demokratikong Republika ng Pilipinas.
Tumigil ito sa paglalathala noong 1899.
PANGWAKAS NA PANANALITA

You might also like