You are on page 1of 6

TALAMBUHAY NI EMILIO JACINTO

Ipinanganak siya noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Tondo, Manila


Si Mariano Jacinto ang kanyang ama habang si Josefa Dizon naman ang kanyang ina
Si Mariano Jacinto ay isang tenedor-de-libro o bookkeeper sa Binondo habang si Josefa
Dizon ay isang comadrona o midwife mula sa kilalang mayaman na angkan ng mga
Dizon
Anim na taong gulang pa lamang si Jacinto ay marunong na siyang magsalita ng Kastila
(lengua de tienda)

Edukasyon
Nagsimula siyang pumasok sa paaralan ni Maestro Pascual Ferrer
Dahil sa pagkamatay ni Mariano, napilitan si Josefa na ilipat ang kanyang anak sa
pangangalaga ng kapatid niyang si Don Jose Dizon
Tinustusan ni Jose Dizon ang pag-aaral ni Jacinto sa Colegio de San Juan de Letran at
ditoy nagtapos siya ng Batsiller en Artes
Pumasok siya sa Universidad de Santo Tomas upang mag-aral ng abogasya
Mahilig magbasa ng libro si Jacinto at ang isa sa mga paborito niya ay ang libro tungkol
sa French Revolution
Pagsali sa Katipunan
Unang nagkita si Jacinto at Andres Bonifacio sa Fressel and Company
Noong 1894, sumapi sa Katipunan si Jacinto na noon ay nag-aaral pa sa UST
Itinigil niya ang pag-aaral upang ibuhos ang panahon sa pagpapalawak ng himagsikan
Nakilatis ni Bonifacio ang dunong at katapatan ni Jacinto kung kayat hinirang niya itong
kalihim o secretary at fiscal adviser ng Katipunan
Ang Utak ng Katipunan
Siya ay kilala sa Katipunan bilang Pingkian na ang kahulugan ay talaban
Kasama si Bonifacio at Pio Valenzuela ay sinulat at inilimbag nila ang Kalayaan, ang
pahayagan ng Katipunan. Ginamit ni Jacinto ang pen name na Dimas Ilaw
Sinulat niya ang Kartilya ng Katipunan na naglalaman ng mga aral at batas na
kailangang sundin ng bawat Katipunero
Sinulat rin niya ang panatang panunumpa o oath of allegiance para sa mga sumasanib sa
Katipunan
Siya ang nangasiwa sa paggawa ng pulburang gamit sa bala ng baril
Siya rin ang pinuno at tagapag-isip ng mga espiya ng Katipunan
Ilan sa mga naisulat pa ni Jacinto habang nasa Katipunan ay ang mga sumusunod:
o Liwanag at Dilim
o Pahayag

o Sa mga Kababayan
o Ang Kasalanan ni Cain
o Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan
o Samahan ng Bayan sa Pangangalakal
Si Jacinto rin ay nagpanggap na Tsino sa isang barko upang itakas si Rizal ngunit
tumanggi si Rizal.
Sa pagkakatuklas ng Katipunan noong Agosto 19, 1896, hindi na napigilan ang tuluyang
pagsisimula ng rebolusyon laban sa Espanya.
Sa pagsiklab ng himagsikan noong August 1896, si Bonifacio at Jacinto ang namuno sa
pagsalakay ng Katipunan sa Polvorin, San Juan del Monte.
Mula sa unang pakikipaglaban sa Balintawak at Pasong Tamo ay inihalal na si Jacinto ni
Bonifacio bilang punong hukbo sa hilaga. Bilang punog hukbo ay sakop niya ang mga
lalawigan ng Rizal, Bulakan, Nueva Ecija at Maynila.
Patuloy pa rin si Jacinto bilang pinunong tagapayo at kalihim ng Supremong si Bonifacio.

Pagpapatuloy ng Himagsikan
Nang mapaslang ang Supremo, ipinagpatuloy ni Jacinto ang pamumuno sa Katipunan
laban sa mga Kastila
Tulad nina Heneral Marioano Alvarez at iba pang pinuno ng Katipunan, tumangging
pumanig si Jacinto sa samahang Magdalo ni Aguinaldo
Noong Oktubre 8, 1897, naisulat ni Jacinto ang tulang A La Patria (Para sa Bayan) na
dala na rin marahil ng matinding kalungkutan. Binatay niya ito sa Mi Ultimo Adios at
sinasabing ito ang nagsilbing huling paalam ni Jacinto
Noong Pebrero 1898, siya ay kasamang nakipagdigmaan sa mga masandatahang Kastila
na Cazadores sa barrio Maimpis, Magdalena, Laguna. Siya at natamaan sa kanyang hita
at nabihag. Nagpanggap siya bilang si Florentino Reyes na isang Pilipinong espiya ng
Kastila at pinaniwalaan naman siya ng mga bumihag sa kanya at siya ay pinalaya.
Noong 1899, nakipagpulong at pinangunahan ni Jacinto ang paghahandang
pakikipagdigmaan sa bundok ng Majayjay
Pagkakasakit at Pagkamatay
Dinapuan ng Malaria si Jacinto
Marahil dahil sa pagod, kalungkutan, mga sugat na natamo sa digmaan, pagpupuyat at
kakulangan sa pagkain ay mas lalo pang humina ang katawan ni Jacinto.
Siya ay namatay noong Abril 16, 1899 sa edad na 23 taong gulang.
Ang mga labi niya ay nilibing sa Sta. Cruz, Laguna ngunit ito ay nilipat sa Manila North
Cemetery. Noong 1970, inilipat muli ito sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Quezon
City kung saan iniligay rin ang isang bantayog na alay sa kanya
Noong 1999, naglagay ng isang marker ang National Historical Commission of the
Philippines sa Sta. Cruz, Laguna bilang pagkilala sa kabayanihan ni Emilio Jacinto

Sa larawan ni Emilio Jacinto nang siya ay patay na, makikita ang isang babae na
sinasabing kabiyak raw sa puso ni Jacinto na si Catalina de Jesus. Sinasabing ito raw ay
buntis nang mamatay si Jacinto.

Recuerdos de Patay

Emilio Jacinto Memorial Shrine: Gawa ni Florante Boy Beltran Caedo

St. Mary Magdalene Parish Church

Emilio Jacinto at ang Kartilya, detalye ng bas relief sa Bantayog ng mga Bayani sa
Mt. Samat, Pilar, Bataan.

Sahig ng kumbento ng Magdalena kung saan makikita raw ang mga bakas ng dugo
ni Emilio Jacinto.

You might also like