You are on page 1of 5

Talambuhay ni Dr.

Jose Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos
siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas
na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng
Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang
medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat ibang
wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris
at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng
mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan
noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot
siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan,
hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano
at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang
pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang Mi Ultimo Adios (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).
(Visited 2,258 times, 1 visits today)

TALAMBUHAY NI APOLINARION MABINI

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o
"Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teoretista na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas
noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya
sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa
pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos
ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at
sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang
pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas at
pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".

Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak
ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay
ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng
katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa
Nagtahan, Maynila.

Ayon sa paglalarawan sa kanya ni Arthur MacArthur, Jr., "Si Mabini ay isang lubos na edukadong binata na, sa
kasamaang-palad, ay paralisado. Siya ay may isang klasikal na edukasyon, isang napaka-kakayahang
umangkop, mayroong malikhaing isip, at ng mga tanawin ng Mabini ay komprehensibo kaysa sa alinman sa
mga Pilipino na ako ang nakakamit. Ang kanyang ideya ay isang panaginip ng isang Maphilindo. Hindi ang
Luzon o ang kapuluan ng Pilipinas, ngunit ang ibig kong sabihin ay dugo ng Lahing Malay. Siya ay may
pangarap, ngunit isang napaka-tatag ng pagkatao at siya aty napakabuti. Tulad ng nasabi, sa kasamaang-palad,
siya ay paralisado. Siya ay isang binata, at gusto niya na walang pag-aalinlangan na maging mahusay na
paggamit sa hinaharap ng mga isla na parang ito ay hindi para sa kanyang pagdadalamhati."[2]

TALAMBUHAY NI ANDRES BONIFACIO


Si Andres Bonifacio ay isa sa mga bayani ng Pilipinas noong panahon ng himagsikan. Simulan natin ang
talambuhay ni Andres Bonifacio sa kanyang kapanganakan.

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Santiago Bonifacio at Gng. Catalia De Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo
Osmena sa Melsic ngunit ito ay di nagtagal at sya ay nahinto sa pag-aaral. Hindi ito naging hadlang upang
siya ay matuto ng Kastila sapagkat si Andres Bonifacio ay marunong nang bumasa at sumulat bago pa man
siya huminto sa pag-aaral.

Higit pa rito ay mahilig din siyang magbasa at magsulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung tungkol
sa digmaan at himagsikan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik kung kayat ninais niya na maging malaya ang
Pilipinas laban sa mga mananakop. Ito ang nagbigay daan at naitatag niya ang Katipunan na kakatawan sa
himagsikan. Dahil dito si Andres Bonifacio ay kinilala bilang Ama ng Himagsikan. Kasama niya sa kilusan si
Emilio Jacinto na kinilala naman bilang Utak ng Katipunan. Ang kanilang samahan ay may iisang layunin at
ito ang naging dahilan ng kanilang tagumpay.
Ngunit di nagtagal ang kanilang tagumpay dahil si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio ay dnakip,
naharap sa paglilitis at nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril. Sila ay binaril noong May 10,
1897 sa Bundok Buntis.

TALAMBUHAY NI EMILIO AGUINALDO


Pinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22,1869sa bayan ngKawit, Cavite sa Luzonsapanahong kolonya ng
Espanya ang Pilipinas,siya ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Saedad na 15, sa tulong ng isang
paringDominican,nagpatala siya sa Colegio de San Juan deLetran sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina.
Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong pangunahan ang isang pag-aalsa na sa kauntingpanahon ay nagtaboy
sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinataponsi Aguinaldo sa Hong
Kongnoong1888.Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ngmgaBritanyaat nagtipon ng mga armas, at
palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas.Noong1895 sumapi si Aguinaldo saKatipunan, isang lihim na
samahan na pinamumunuan noonni Andres Bonifacio,na may layuning patalsikin ang mga Espanyol at palayain ang
Pilipinas..Noong1898,nagsimula ngDigmaang Espanyol-Amerikanoat napikapag-ugnayan si Aguinaldosa mga
Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sakalayaan. Sa una nakatanggap
lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglabankaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga
Espanyol kasama ng paglilipat ng maghigitna 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey.
Gayon pa man, angpakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita
ngkagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gayang ginawa ng mga
Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayanng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898at
inihalal siya ng Kapuluan ng Saligang-batas ng Pilipinasbilang pangulo noong Enero 1, 1899.Nang sumiklab ang
labanan sa pagitan ng mga tropangAmerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang
digmaan laban saEstados Unidos noong Pebrero 4, 1899.Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng
mga Amerikano hanggang siya aymahuli noong1901ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na
ililigtas angkanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isangmalungkot na
desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyangmga magigiting na heneral,tulad ni
Gen.Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindilumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal
na panahon, hanggang 1935.
EMILIO JACINTO

TALAMBUHAY NI EMILIO JACINTO


Emilio Jacinto (December 15, 1875 - April 16, 1899), was a Filipino revolutionary known as the Brains of the
Katipunan. Born in Trozo, Manila, Jacinto was the son of Mariano Jacinto and Josefa Dizon. His father died shortly
after Jacinto was born, forcing his mother to send him to his uncle, Don Jos Dizon, so that he might have a better
standard of living. Jacinto was fluent in both Spanish and Tagalog, but preferred to speak in Spanish. He attended
San Juan de Letran College, and later transferred to the University of Santo Tomas to study law. He did not finish
college and, at the age of 20, joined the secret society called Katipunan. He became the advisor on fiscal matters
and secretary to Andrs Bonifacio. Jacinto also wrote for the Katipunan newspaper called Kalayaan, which
translates to Freedom in Filipino. He wrote in the newspaper under the pen name Dimasilaw, and used the alias
Pingkian in the Katipunan. Emilio Jacinto was the author of the Kartilya ng Katipunan as well.
After Bonifacio's death, Jacinto continued fighting the Spaniards. Like General Mariano lvarez, he refused to join the
forces of General Emilio Aguinaldo. He contracted malaria and died in Majayjay, Laguna, at the age of 23. His remains were
later transferred to the Manila North Cemetery.

TALAMBUHAY NI ANTONIO LUNA


(1869-1899)
Dakilang Heneral

Si Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis Tondo, Maynila, Kapatid niya
ang kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin Luna at Laureana
Novicio.

Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtungo siya sa
Barcelona at doon siya nag-tapos ng Parmasya.

Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at
Marcelo H. del Pilar. Sama-sama nilang ipinaglalaban doon ang kapakanan ng mga kababayan
nila sa Pilipinas.

Nang siya ay umuwi sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Chemist sa Municipal Laboratory ng
Maynila. Isa rin siyang mahusay na manunulat. Sumulat siya ng mga artikulo sa "La Solidaridad"
noong panahon ng propaganda. Dahil doon siya ay ipinatapon sa Espanya, at ibinilanggo sa
madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga manghihimagsik.

Nagbalik siya sa Pilipinas.

Nang sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano at Pilipino siya ay sumama sa mga
manghihimagsik ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa kanyang galing at katapangan ginawa
siyang Kalihim-Digma sa Republika ng Pilipinas. Nagtatag siya ng Military Academy para ihanda
niya ang Hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerikano. Nabingit siya sa kamatayan ng
sumuong siya sa mahigpit na labanan sa La Loma. Natalo siya sa pakikipaglaban ngunit hindi
siya sumuko.

Siya ay tunay na bayaning nagmahal sa kanyang bayang tinubuan. Ipinaglaban niya ang
kalayaan nito hanggang sa kanyang huling hininga.

Noong Hunyo 5, 1899 ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva Ecija sa gulang na 30. Bago
paman mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na nagsasabing ang kanyang ari-arian ay
mapupunta sa kanyang ina, at ang kanyang katawan ay ibabalot sa bandila ng Pilipinas bago
ilibing.

You might also like