You are on page 1of 2

1. Ang mito ay isang representasyon ng labis n pangarap at takot ng mga ninuno.

Ito ay
naging batayan upang maunawaan ang misteryo ng pinagmulan ng
2. Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga
ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan
sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang
alamat ay panumbas sa salitang "legendus" ng wikang Latin at "legend" ng wikang
Ingles na ibig sabihin ay "upang mabasa".
Nalikha marahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at dahil wala pang sistema ng
panulat, ito ay nag pasalin-salin nalamang.
Ano ang Kwentong Bayan?
1. Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng
isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga
mito.
2. Ang kwentong bayan ay ang mga kwentong galing sa ating bayan. Ito ay mga
kwentong napasalin-salin sa iba't ibang tao na napapatungkol sa kwento ng ating bayan.
Galing pa ito sa mga nakakatanda hanggang napasalin sa mga henerasyon. Lahat ng
bansa ay may sariling kwentong bayan.
3. Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa
pamamagitan ng mga bibig. Binubuo ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa ng mga
salaysay nito ay tungkol sa bayani at mga kwentong tungkol sa kaugalian at tradisyon ng
isang pook, tribu, bayan o mga bansa.

Tulad ng ibang mga akdang tuluyan, ang mito, alamat, at


kuwentong-bayan ay binubuo ng mahahalagang elemento.
Banghay
Dito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa akda.
Tagpuan
Mahalaga ang elementong ito sapagkat dito masasalamin
ang kaangkupan ng paksa, banghay, at mga tauhang
nagsiganap sa akda. Sa pamamagitan ng tagpuan
mabibigyang-linaw ang ikinilos ng mga tauhan gayundin ang

kanilang mga hanapbuhay, paraan ng pag-iisip, at takbo ng


mga pangyayari.
Tauhan
Nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng
mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda. Ang uri,
dami, o bilang ng mga tauhan ay dapat umayon sa
pangangailangan. Pinakamahalaga ang pangunahing tauhan
dahil sa kanya iikot ang buong akda, mula sa simula
hanggang wakas.
-Katunggaliang Tauhan - sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan.
-Pantulong na Tauhan - kasa-kasama ng pangunahing tauhan
na sumusuporta sa kanya.
-May-akda - magkasama sa loob ng katha o akda at laging
nakasubaybay ang kamalayan nito sa kuwento.
Bakit mahalaga ang tauhan sa isang akda? Paano niya
binubuhay ang kuwento sa bawat akda?
Gaano kahalaga ang pagpili at paglalarawan ng tamang
tagpuan sa akda?
Ano kaya ang mangyayari sa isang akda kung mawawala ang
mga nasabing elemento?
Mga Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan
Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan
-Panimula - dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan.
-Papataas ng Pangyayari - nagtatangkang malutas ang
suliraning magpapasidhi sa interes.
-Kasukdulan - dito haharapin ng pangunahing tauhan ang
kanyang suliranin.
-Pababang Pangyayari - nalulutas ang suliranin.
-Resolusyon - nagkakaroon ang akda ng isang makabuluhang
wakas.

You might also like